Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED...

By iam_MissA

20.5M 410K 53.4K

What if mapunta ka sa 'worst section' ng bagong school mo, at ang malupit .. IKAW LANG ang BABAE sa section... More

CLASS 4-6
CHAPTER 1: HOW THE STORY STARTED (EDITED)
CHAPTER 2: MEET OUR BIDANG GIRL! (EDITED)
CHAPTER 3: MEET CLASS 4-6 (EDITED)
CHAPTER 4 - KARISSA MEET CLASS 4-6 (EDITED)
CHAPTER 5 (UNEDITED)
CHAPTER 6: KARISSA'S KUYA (UNEDITED)
CHAPTER 7: FIRST FIGHT with KARISSA (EDITED)
Chapter 8 (EDITED)
CHAPTER 8 (UNEDITED)
CHAPTER 9: The POPU Girls (EDITED)
CHAPTER 10 (EDITED)
CHAPTER 11 (EDITED)
CHAPTER 12 (EDITED)
CHAPTER 13 (EDITED)
CHAPTER 14 (EDITED)
CHAPTER 15 (UNEDITED)
CHAPTER 16 (UNEDITED)
CHAPTER 17 (UNEDITED)
CHAPTER 18 (EDITED)
CHAPTER 19 (EDITED)
CHAPTER 20 (UNEDITED)
CHAPTER 21 (EDITED)
CHAPTER 22 (UNEDITED)
CHAPTER 23 (UNEDITED)
CHAPTER 24 (UNEDITED)
CHAPTER 25 (EDITED)
CHAPTER 26 (EDITED)
CHAPTER 27 (EDITED)
CHAPTER 28 (EDITED)
CHAPTER 29 (EDITED)
CHAPTER 30 (UNEDITED)
CHAPTER 31 (EDITED) - Third Incident
CHAPTER 32 (EDITED)
CHAPTER 33 (EDITED)
CHAPTER 34 (EDITED)
CHAPTER 35 (EDITED)
CHAPTER 36 (EDITED)
CHAPTER 37 [EDITED]
CHAPTER 38 [EDITED]
CHAPTER 39 (EDITED)
CHAPTER 40 (EDITED)
CHAPTER 41 (EDITED)
CHAPTER 42 (EDITED)
CHAPTER 43 (EDITED)
CHAPTER 44 (EDITED)
CHAPTER 45 (EDITED)
CHAPTER 46 (EDITED)
CHAPTER 48 (EDITED)
CHAPTER 49 (EDITED)
CHAPTER 50 (UNEDITED)
CHAPTER 51 (EDITED)
CHAPTER 52 (EDITED)
CHAPTER 53 (EDITED)
CHAPTER 54 (EDITED)
CHAPTER 55 (EDITED)
CHAPTER 56 (EDITED)
CHAPTER 57 (EDITED)
CHAPTER 58 (EDITED)
CHAPTER 59 (EDITED)
CHAPTER 60 (EDITED)
CHAPTER 61 (EDITED)
CHAPTER 62 (UNEDITED)
CHAPTER 63 (UNEDITED)
CHAPTER 64 (UNEDITED)
CHAPTER 65 (UNEDITED)
CHAPTER 66 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 67 (UNEDITED)
CHAPTER 68 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 69 (UNEDITED)
CHAPTER 70 (EDITED)
CHAPTER 71 (EDITED)
CHAPTER 72 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 73 (UNEDITED)
CHAPTER 74 (UNEDITED)
CHAPTER 75 (EDITED)
CHAPTER 76 (EDITED)
CHAPTER 77 (UNEDITED & EDITED)
CHAPTER 78 (UNEDITED)
CHAPTER 79 (EDITED)
CHAPTER 80 (EDITED)
CHAPTER 81 (UNEDITED)
CHAPTER 82 (UNEDITED)
CHAPTER 83.1 (UNEDITED)
CHAPTER 83.2 (UNEDITED)
CHAPTER 84 (UNEDITED)
CHAPTER 85 (UNEDITED)
CHAPTER 86 (UNEDITED)
CHAPTER 87 (EDITED) - LAST CHAPTER
SPECIAL NOTE FROM MS. A
BIG FAVOR AND GOOD NEWS/ANNOUNCEMENT (not an update)
Class 4-6 on PopFiction
Ms. A @ MIBF 2018

CHAPTER 47 (EDITED)

188K 3.6K 317
By iam_MissA

Update Date: 12/23/19

*MARION'S POV*

"Kuya, busy ka ba?"

Hindi ko napansin na nasa loob na ng kwarto ko si Carmela.

"Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Masama na bang kamustahin ka?"

"Ayos naman ako." May dapat ba akong hindi ika-okay ngayon?

"Talaga lang ha? Sure ka?"

"Mukha ba akong nagsisinungaling?"

"Gusto mo sagutin ko iyan?"

"Ayos nga lang ako."

"Bakit hindi mo pinagtanggol kanina si Karissa?"

Pero bakit kapag naririnig ko ang pangalan niya, nagiiba ang dapat kong maramdaman ngayon?

"Ano?"

"Iyan ka na naman. Sagutin mo kaya yung tanong ko."

"Eh anong isasagot ko? Wala naman akong isasagot diyan."

"Kitang-kita sa itsura mo kanina na gustong-gusto mo siyang ipagtanggol. Kahit ipinapakita mo sa kanila na wala kang pakiaalam. Kilalang-kilala kita diba? Hindi ka naman pati ganyan dati sa kanya."

"Ang dami mo naman sinabi. Paano mo naman nasabi lahat ng iyon?"

"I know you."

"Hindi ako nagbago sa kanya."

"Ano akala mo sa akin bulag?"

Mukhang hindi na talaga ako titigilan nitong si Carmela. Kilalang-kilala talaga niya ko. Syempre naman, kilala talaga ako nito. Pero paano ko ba i-eexplain sa kanya?

"Alam ko naman may kinalaman si Chloe sa lahat ng nangyayari, sana naman hindi ka nakikinig sa mga sinasabi niya."

"Importante kayong dalawa sa akin."

"Alam ko naman iyon eh, pero sana wag mo siyang i-give up ng dahil sa amin."

"Huh? Bakit kailangan ko siyang i-give up? Carmela, our relationship is just a classmate-friend only. Hindi na lalagpas dun."

"Classmate-friend? Eh halos binuwis mo na buhay mo para sa kanya, iyan lang tingin mo sa kanya?"

"I'm just protecting her as her class president."

"You can fool them but not me. Kuya, aminin mo nga, mahal –"

Pero bago pa matapos ang sinasabi ni Carmela, nagulat na lang kami dahil may biglang pumasok. Pero mas nagulat akong si Nathan ang dumating at dirediretso lang siya maglakad papunta sa akin.

"Pards, anong—"

"Kuya!"

Hindi na ako pinatapos ni Nathan magsalita at bigla na lang niya ako sinuntok kaya napasigaw si Carmela. Anong problema nitong si Nathan?

"Huwag mo akong tawagin Pards, dahil sa ngayon hindi ikaw yung Pards na nakilala ko."

"Anong bang problema? Hindi kita maintindihan."

"Ano ba sa palagay mo ang nangyayari? Alam kong nahihirapan kang pumili pero hindi ka naman dapat mamili eh! Palagay mo ba ikaw lang nahihirapan, nahihirapan din kaming nasa paligid mo pero kahit papaano naiintindihan kita dahil alam ko ang totoo! Eh paano sila? Hindi mo ba alam, na nahihirapan si Karissa ng sobra ngayon! Alam ko yan dahil ako ang nasa tabi niya ngayon! Kung gusto mo pa bumalik ang dating "Pards", ayusin mo yang gulo mo!! Ayokong nakikitang ganito si Karissa, dahil kung ipagpapatuloy mo pa yan, hindi kita mapapatawad!"

Ang haba naman ng speech ni Nathan. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganito sa akin. Ganoon nga siguro kaimportante si Karissa sa kanya. Pero sa totoo lang, may point siya. I mean, totoo lahat ng sinabi niya. Binitawan na niya ko at paalis na rin siya ng tumigil siya sa may pinto.

"Marion, huwag kang maghintay ng ampalaya, baka maunahan ka pa. And last one, hindi mo kailangan mamili sa pagitan ng taong mahal mo at ng KAPATID mo."

Kung puwede ko nga lang gawin iyon, ang hindi mamili pero ayokong parehas silang masaktan.

Hindi ko din mapili na piliin si Karissa dahil mas masasaktan siya kapag siya ang pipiliin ko dahil hindi magpapatalo ang kapatid ko.

Hindi magpapatalo si Chloe.

"Kuya! Ayos ka lang ba?"

"Oo."

Nakita kong kumuha agad ng aid kit si Carmela at sinimulan na niya kong gamutin.

"Kuya, palagay ko tama lahat ng sinabi ni Kuya Nathan."

"ARAY!!!"

"Ay sorry, masakit ba?"

"Obvious ba? Masakit din pala sumuntok si Nathan, sa bagay saan pa ba magmamana yun? Edi sa gwapo niyang bestfriend."

"Iyan ka na naman. Pinipilit mong ibahin yung usapan."

"Carmela, bakit naging ganito? Hindi niyo ba maintindihan para din kay Karissa itong ginagawa ko? Ginagawa ko lahat ng ito para hindi ko siya masaktan. Lumalayo na ko hangga't maaga pa dahil ayokong may mangyari pa. At alam mo rin naman kung bakit ginagawa ko rin ito para kay Chloe. Ayokong mawala ang kapatid mo, ang kapatid natin. Ayokong nang dahil dito, mamatay siya. Tinitiis ko lahat ng ito kahit ang SAKIT-SAKIT na!"

Oo, kapatid ko nga si Chloe at Carmela. Obvious naman kung paano ako makitungo sa kanila. Pero hindi ko masabi sa lahat na kapatid ko silang dalawa dahil kapag ginawa ko iyon, malalaman ng lahat ang matagal ko ng tinatago.

"Kuya, naiintindihan naman kita e. Ayoko rin naman mawala ang kapatid natin pero hindi mo naman kailangan iwasan si Karissa. Wala naman dapat masaktan."

"Parang hindi mo naman kilala si Chloe. Saka parang hindi mo alam ang—"

"Kuya, don't rely on that statement. It's a theory."

"Theory na pwedeng magkatotoo."

"Kuya, puwede sa akin mangyari yun. Hindi naman sinabi ng doctor na si Chloe ang puwedeng magmana ng sakit ni Mama, puwede din ako Kuya. Isa sa aming dalawa."

"Hindi totoo yan, Carmela. Wala ni-isa sa inyo ang magkakaroon ng sakit. At ayoko na pag-usapan ito."

"Ok sige. Ganito na lang, ako na bahala kay Chloe. Saka kuya, isipin mo nga, hindi lang pag-ibig mo kay Karissa ang nakasalalay dito. Pati na rin ang pagkakaibigan niyo ni Kuya Nathan."

"Bahala na. Susubukan kong ibalik sa dati ang lahat."

"That's my Kuya! Ganyan dapat, win her back!"

Teka, parang mayroon akong narinig kanina na parang bang mali.

"Parang may mali sa mga sinasabi mo."

"Huh? Wrong grammar ba Kuya?"

"Hindi yun! Anong sinasabi mo na mahal?! Anong pag-ibig?"

"Pag-ibig mo kay Karissa at pagmamahal mo sa kanya."

"Pwede ba?! Wala akong sinasabi na mahal ko siya!"

"Bakit? May sinabi ba kong sinabi mo yun?"

"Huwag mo akong pinipilosopo."

"Ako ang huwag mong pinipilosopo. Hindi naman siguro ako bulag para hindi makita yung true feelings mo para sa kanya."

"Ilan beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan ko lang siya?"

"Oh talaga?! Eh bakit parang mismong bestfriend mo na yung nagsabi sayo na mahal mo si Karissa?"

"Nagseselos lang iyon!"

"Nagseselos?"

"O baka, hindi lang siya ang nagseselos."

"Huh? Ano?"

"Tandaan mo, Kuya mo ko. Tunay mong ka-dugo. Kaya kahit anong tago mo, alam ko na may gusto ka kay Nathan."

"Ano ba yang pinagsasabi mo Kuya? Parang kapatid ko na rin si Kuya Nathan. Naku, Kuya Marion, ang problemahin mo ngayon, kung papaano mo maibabalik ang dati niyong closeness ni Karissa. Ok? Sige, I have to sleep na. Goodnight."

Hindi na ko hinintay ni Carmela na magsalita at tuloy-tuloy na siyang umalis sa kwarto ko.

Pero may isang tanong na hindi nagpatulog sa akin,

"Paano ko ibabalik yung dati?"

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 223 2
WARNING: SPG | R-18 Blood Duology #2 In a quiet, secluded province of the mortal world, resides a young girl named Emily. Unaware of the extraordinar...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
12.3K 470 11
Title: My Nutcracker This story is inspired by 'The selection Novel' of Kiera Cass Enjoy reading... ~Miss Eli