Update Date: 09/02/19
*THIRD PERSON'S POV*
Kasama ni Carmela yung tanging kaibigan niya sa America na si Dino dahil hinatid niya si Carmela sa airport. Pauwi siya ng Pilipinas.
"Kailangan mo ba talagang umalis?"
"Bes, ilang beses ko ba sasagutin yang tanong mo?"
"Eh kasi naman, biglaan naman to."
"Biglaan din yung nangyari."
"Eh, diba ayos na naman siya?"
"Dino, kilala mo si Chloe. Alam mo naman pati kung gaano namin kamahal yun."
"Asan na ba yang si Chloe?"
"Para namang hindi mo kilala yun."
"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 85B to the Philippines with a stop-over in Hawaii. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes' time. Thank you."
"Oh, bes. I have to go na."
"Mamimiss talaga kita. Don't worry, susunod ako dun."
At yun na ang huling pangakong pinanghahawakan ni Carmela bago siyang muling bumalik sa Pilipinas. Na kahit papaano, susunod si Dino dun. Na kahit papaano, magkakaroon siya ng kaibigan. Yun nga lang, sa pagdating pa ni Dino. Pero kahit ganun, masaya parin siya dahil sa pagbalik niya, makikita niya ulit yung taong ang tagal niya nang minamahal ng palihim.
"Flight 85B has now arrived. Thank you for flying with us. Enjoy your stay in the Philippines."
Matapos kunin ni Carmela ang mga maleta niya, dumeretcho na siya sa train station na hindi na mahulugan halos ng karayom sa dami ng tao. Biglang nakakuha ng atensyon niya yung cute na batang lalaki na naglalaro. Ang problema lang, hindi niya inakala na sa pagbalik niya ng bansa, magpapaka-superwoman siya dahil sa kamuntikan nang mahulog yung bata sa may riles ng tren. Ang kaso lang, kahit si superwoman natatabig din. At hayun na nga, nawalan si Carmela ng balance at siya na itong pumalit sa batang lalaki sa may riles. Ang kasunod na problema? May paparating na tren. Hindi na alam ni Carmela ang iisipin niya. Hindi niya na ba makikita si kuya niya? Hindi na ba siya makakaamin ka-
"Miss, okay ka lang?"
"Ha? Uhm, siguro?"
Nagulat nalang si Carmela, dumating na pala si superman at ligtas na siya. At hindi niya maitatanggi, gwapo ang superman na kaharap niya ngayon.
"Sigurado ka ba?"
"Ay, oo. Sorry. I'm okay. Thank you pala."
"By the way, I'm Chris."
"Carmela."
Sabay na silang maglakad sa waiting area para hintayin ang sundo ni Carmela. Medyo matagal rin silang nagtanungan or siguro dahil lang hindi sanay si Carmela na makipagusap, lalong lalo na sa lalaki. Tatlong lalaki pa lang sa buhay niya siguro ang nakakausap niya ng matagal. Dadagdag ba si Chris?
"Alam ba ng sundo mo yung flight mo?"
"Oo."
"Sino ba susundo sayo?"
"Hindi ko kilala eh."
"Huh? Bakit hindi mo kilala?"
"Yung kapatid ko yung nakipagusap dun sa susundo sa akin."
"Asan yung kapatid mo?"
"Bukas pa ang flight niya."
"Bakit hindi na lang kayo nagsabay?"
"Ayaw niya akong kasabay eh. Saka ayoko din eh."
"Huh? Bakit naman?"
"Magmumukha akong alalay nun."
"Oh? Edi kung ako pala kasama nun, ako naman yung driver. Actually, may flight naman ako ngayon papunta sa America."
Makulit itong isang to, nakumpirma na. Pero imbes na mairita o ma-awkward si Carmela, natutuwa siya na kasama niya ngayon si Chris. Hindi rin siya nabobored.
"Oh, diba may flight ka pa? Ikaw lang aalis o may kasama ka pa kaya nandito ka pa?"
"Heto naman, pinapaalis agad ako. Mamaya pa yung flight ko. At oo, may kasama ako. Ate ko. Pero bukas pa siya. Ayokong kasabay yun."
Nalaman nila na pareho lang pala sila ng sitwasyon. Pareho silang namomroblema ng dahil sa mga kapatid nila. Tanging pinagkaiba, dakilang martyr si Carmela. Na kahit ano pa ang gawin ng kanyang kapatid, mahal niya parin.
"Pero siguro wala pa nawawala sayo kaya nasasabi mo pa yan."
"Nawawala?"
"Ng dahil sakanya, kailangan kong iwan ang pinakamahalaga sa akin... At bago ka pa mag-isip ng kung ano, hindi girlfriend ang tinutukoy ko. Kundi basketball."
>>RING RING RING<<
"Ay Carmela, wait lang ah." ((Ate?... Bakit ka tumawag?... ANO?!! Bakit naman?!?!... Andito na ako sa airport!!... Hindi naman pwede yan!... ANO?!! Naayos niyo na??!... URGH!!))
"Oh, bakit?"
"Hayun, tinamaan na naman ako ng kamalasan. Mamayang gabi na ang flight ng ate ko."
"Tapos?"
"Pina-cancel niya yung flight ko ngayon at minove mamayang gabi. Diba? Ang saya niya maging kapatid?"
"Mayaman kayo siguro noh? Kasi kaya niyang i-cancel lang yung flight mo tapos i-move within the day."
"Hindi naman kami eh. Yung parents ko yung mayaman."
"Kayo na rin yun."
"Pero alam mo ba, kahit ganun makaasta yung ate ko, alam ko naman yung tunay niyang dahilang kung bakit niya ginawa yun."
"Anong dahilan?"
"Alam ko naman kasi na kaya niya minove yung flight ko ay para makasabay niya ako. Kahit ma-pride yung ate ko, hindi pa rin niya kayang kumilos ng mag-isa at nang wala ako. Kaya nga kahit ganyan yan, hindi ko padin maiwan."
"Ganyan talaga ang magkapatid."
"Pero teka, napansin ko yata na 3 hours na tayo dito. Bakit wala pa yung sundo mo?"
"Hindi ko nga alam eh."
>>RING RING RING<<
"Phone mo yata. Baka yung sundo mo na."
"Baka nga. Wait lang ah?"
((PHONE CALL))
"Chloe to."
"Oh?"
"I just want to inform you na hindi na makakapunta yung sundo mo dyan."
"Huh? Bakit?"
"If I tell you the reason, do you think may mababago? Stupid ka talaga."
"Pero..."
"CARMELA! It's not my problem, okay? And dami-daming cab dyan. Gumawa ka ng paraan. But don't you ever forget my instruction ha? Wag na wag kang pupunta dun sa school na yun hangga't wala pa ako."
"Uhmm... okay."
"Sister mo noh?"
"Oo."
"Halika na, ihahatid na kita."
"Huh? Ba—"
"Sa susunod, kapag makikipag-usap ka wag mong i-loudspeaker yung phone mo."
Pero hindi naka-loudspeaker ang phone ni Carmela. Sadya lang parang microphone ang boses ni Chloe kaya siguro narinig ni Chris. Ibang klase talaga. Dala-dala na ni Chris ang gamit ni Carmela at bilang dakilang "taga-sunod," hiyang-hiya siyang sumusunod kay Chris papalapit sa magarang kotse. Matapos ang mga 5 minutes niyang pagtitig kung totoo ngang sasakyan ni Chris ang nasa harapan niya, sumakay na rin siya.
"Iba din yang kapatid mo, siya pa ang may ganang magalit pagkatapos ng paghihintay mo."
"Sanay na ako sakanya."
"Nako, kaya nasasanay eh. Siguro kung ako yan, nagkaroon na ng World War 3."
"Ayoko kasi ng gulo."
"Martyr ka kasi."
"Alam ko na po yun. Pero teka, diba may flight ka pa?"
"Mamaya pa namang gabi. Hindi tayo aabutin ng isang araw sa paghahatid lang sayo."
"Pero saan ba tayo pupunta?"
"Kung saan ka mag-iistay? Saan ka ng aba mag-stay?"
"Yun nga problema ko eh. Hindi pa ako pwede umuwi sa bahay namin dahil kailangan ko muna hintayin yung kapatid ko. Sabi naman niya, kahit mag-stay naman daw ako sa hotel muna."
"Alam ko na."
"Alam mo na?"
"Basta."
Sabay nag-wink si Chris. Hindi talaga makapaniwala si Carmela. Kabaliktaran ng lahat ang inaasahan niya sa pagbalik sa Pilipinas. Na sobra siyang mahihirapan, isa na dahil wala siyang magiging kaibigan. Oo, mahirap parin lalo na yung sa ugali ng kapatid niya pero mas okay ngayon dahil nakilala niya si Chris.
"Matanong ko nga, bakit pumunta kayo ng kaparid mo sa America?"
"Para ma-pursue niya yung dream niya."
"Dream niya? Ano yun?"
"Pagiging sikat na model?"
"Wow, model pala kapatid mo. Ano bang pangalan niya?"
"Chloe Gotiangco."
"CHLOE GOTIANGCO??!! Sikat na sikat yun ah!"
"Yup, Chloe Gotiangco."
"Hmmm, pero ikaw? Anong dahilan ng pag-alis mo?"
"Para samahan din siya."
"Dahilang alalay ka din pala eh. Eh bakit naman umuwi kayo dito?"
"Nagkaroon kasi ng emergency eh."
"Oh? What kind of emergency?"
"Ok, I understand."
"Pero we're going to stay here na."
"Talaga?"
"Yup. kaya nga sabay nga kami papasok ng kapatid ko dun sa school namin."
"Edi good. Sayang, paalis naman ako. Saan pala ka--, oh, andito na pala tayo."
"Dito ako magstay?"
"Yup. Ok lang ba?"
"Oo naman."
Bumaba na rin ang dalawa. Sobrang uncomfortable ni Carmela. Paano ba naman, pagpasok nila, sakanya nakatingin lahat ng tao. At feeling niya, dahil yun sa katabi niya na sobra kung makangisi sa mga tao dun sa hotel at todo pa ang bati sa mga staff.
"Regular ka dito noh?"
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh kasi lahat sila bumabati sayo. Tapos para kang artista, pinagtitinginan ka ng iba. Parang hindi ka nga lang VIP dito eh. Parang ikaw pa yata ang may-ari."
"Ganun?"
"Sir, bakit po kayo nandito? Kakausapin niyo po ba ang Chairman?" biglang singit naman nung tao sa information desk.
"Hindi, kukuha sana ako ng VIP room."
"Para kanino po?"
"Sa kanya. Yung pinakamagandang room natin dito ah?"
"Sir, girlfriend niyo po?"
"Haha! Hindi ah. Nakilala ko lang siya sa airport."
"Sir, sir!!" may bagong dating naman na clerk na parang nagmamadali.
"Oh, bakit? Parang may humahabol na aso sayo ah."
"Sir, pwedeng papirmahan to?"
Sobrang litong-lito na si Carmela. Ano ba tong napasok niya? But most especially, sino ba tong kasama niya? Artista ba siya kaya may nagpapapirma? Kaya ganun kung dumugin ng mga tingin ng lahat ng tao?
"Bakit ako? Wala ba si daddy?"
"Kakaalis lang po ni Chairman. Eh kailangan na po pirmahan to."
"Kayo talaga. Sige, akin na. Pipirmahan ko na."
"Salamat po talaga. Buti nalang hindi pa po kayo nakakaalis. Wait, sino po siya? Girfriend niyo?"
'Ahhh, siya ang may-ari. Tama ako.' Yan ang iniisip ni Carmela. Isa pa sa iniisip niya, madaldal ang mga clerk sa hotel nila Chris. Mana sa amo, ganun?
"Uhmm, excuse me? Hindi ko po siya boyfriend."
"Ay, ganun ba? Sayang naman. Bagay na bagay pa naman kayo."
"I'm finished. Kayo talaga, kung anu-ano pinagsasabi niyo. Sige, dadalhin ko na siya sa VIP room."
"Okay po, sir."
Umalis na yung dalawa at nagsimula na maglakad papunta sa VIP room.
"Bakit naman hindi ka sumagot kanina?"
"Sumagot?"
"Nung tinanong ka kung girlfriend mo ako."
"Eh nandyan ka naman, diba? Minsan-minsan kailangan mong i-defend yung alam mong tama."
Napatigil nalang si Carmela. Hindi niya alam kung nananadya si Chris o talagang pagkakataon lang na tinamaan siya sa mga sinabi nito. Pero ang alam niya, yun ang kailangan niyang unawain at isabuhay. Hindi niya lang alam kung kelan niya magagawa yun.
"Bakit parang gulat na gulat sila na may kasama kang babae dito?"
"1st time ko kasi magdala ng babae dito except lang sa ate ko."
"Talaga? Nagkagirlfriend ka na ba?"
"Hindi pa eh."
"Talaga?!"
"Wag mo na rin itanong kung bakit. Kasi kahit ako hindi ko alam ang sagot."
"Wala naman akong sinabi na magtatanong ako eh."
"Ha. Sabi mo eh. Ito na pala yung room mo."
Hindi makapaniwala si Carmela sa nakita niya. Walang binatbat ang ibang hotel room o condominium. Kahit yung kwarto lang yun mismo, pwede na masabing 5-star talaga yung hotel nila.
"Ito ang magiging kwarto ko?"
"Yup. Okay lang ba?"
"SUPER OKAY! Ganito ba lahat ng VIP Room niyo?"
"Nope, nagiisa lang ito. Actually, ako mismo ang nagdesign nito. At parang ito na rin ang naging 2nd room ko."
"Ganun ba? Naku, pwede bang sa iba na lang ako magcheck-in. Wag na lang dito, nakakahiya sayo."
"Ano ka ba, kaya nga dito kita dinala para makapagrelax ka. Alam kong naguiguilty ka or you feel uncomfortable, pero huwag mo na isipin yun. Isipin mo na lang treat sayo to ng new friend mo."
"New friend?"
"Oo. Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman. Pero gusto mo talaga ako maging kaibigan?"
"Hindi ba obvious? Saka kung ayaw ko sayo, edi sana hindi na kita kasama ngayon."
"Salamat talaga ah?"
"Wala yun, what are friends for? Diba nga?"
"Nga pala, mag—"
"Opps. Wag mo ng itanong kung magkano babayaran mo dahil lahat toh libre. Syempre, hindi ko hahayaan na magbayad yung maganda kong kaibigan."
"Bolero ka talaga, pero thank you talaga ah?"
"Wala yun. Pero I'm sorry, kailangan ko nang umalis. Baka kasi mauna yung ate ko dun. Baka magulat na lang tayo, na may ibalita na may nababaliw na sa airport."
"Okay lang, thank you talaga."
"Ingat ka na lang lagi ah. Wag kang magpa-under sa kapatid mo. Kailangan mo din lumaban."
"Sana nga kaya ko. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala, naging masaya ako."
"Ako din. Hindi ko makakalimutan yung huling friend ko dito sa Pilipinas."
"Babalik ka pa naman diba?"
"Let's see."
"Sana bumalik ka."
"Don't worry, kapag bumalik ako dito, ikaw ang una kong pupuntahan. PROMISE ko yan."
Umalis na rin agad si Chris. At mula sa sasakyan ni Chris at sa pagkaka-upo ni Carmela sa may bintana ng kwarto, para sila ng nasa isip. Sobrang saya at nagpapasalamat sila na nakakilala sila ng kaparehas nila ng sitwasyon. Kahit para lang hanging lumipas ang isa't isa, Malaki parin ang na-contribute ng isa sa isa.
Habang nagmamaneho si Chris papuntang airport, bigla nalang niyang napatigil ang sasakyan. Nakalimutan niyang itanong kung saang school si Carmela!! Anong address niya?? Anong cellphone number niya?! Mukhang malaki na agad ang poproblemahin niya kung sakaling bumalik sa Pilipinas. Sana lang magkita nga silang muli.
>>NEXT DAY || PHILIPPINE AIRPORT<<
"Ma'am Chloe, nasa labas na po ang media."
"Ugh, hanggang dito ba naman hindi ako tatantanan ng media?"
"Magpapainterview ka po ba?"
"May choice ba ako?"
Muli nang nakarating si Chloe sa bansa kasama ang kanyang PA. Lumabas na rin siya para mainterview ng media.
"Ms. Chloe, are you going to stay here in the Philippines for good?"
"Yes, definitely."
"Ano po bang dahilan kung bakit bumalik kayo dito?"
"Personal reason. I hope you'll understand."
"Ico-continue niyo po ba yung modeling career mo dito sa Pilipinas?"
"Let's see. As of now, I want to focus on my studies."
"Balita po namin, may kakambal po kayo. Nasaan po siya ngayon?"
"Uhmm, thank you po sa inyo! But Ms. Chloe needs to rest, okay? Tatawag nalang po kami ng press conference."
Dali daling sumingit ang PA niya sa media at dumeretcho na sa sasakyan ni Chloe.
"Grabe! Hanggang dito pa naman ba tatanungin nila si Carmela?!"
"Pagkakaalam ko po kasi, may isang source na nakatuklas na may kakambal ka po."
"Akala naman nila kasing ganda ko yung kakambal ko. Yung phone ko nga!"
((PHONE CALL))
"Carmela, ready ka na ba?"
"Oo."
"Nasaan ka ba ngayon?"
"Nasa Crystal Hotel ako."
"Ano?! Bakit dyan ka nag check-in?! Hindi mo ba alam na mortal nating karibal ang hotel na yan?! Bakit hindi ka sa hotel natin nag check-in?"
"Eh ka—"
"Nevermind. It's just a waste of time kung mageexplain ka pa. Mag-ready ka na para maka-deretcho na tayo sa school."
((END))