Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED...

By iam_MissA

20.5M 410K 53.4K

What if mapunta ka sa 'worst section' ng bagong school mo, at ang malupit .. IKAW LANG ang BABAE sa section... More

CLASS 4-6
CHAPTER 1: HOW THE STORY STARTED (EDITED)
CHAPTER 2: MEET OUR BIDANG GIRL! (EDITED)
CHAPTER 3: MEET CLASS 4-6 (EDITED)
CHAPTER 4 - KARISSA MEET CLASS 4-6 (EDITED)
CHAPTER 5 (UNEDITED)
CHAPTER 6: KARISSA'S KUYA (UNEDITED)
CHAPTER 7: FIRST FIGHT with KARISSA (EDITED)
Chapter 8 (EDITED)
CHAPTER 8 (UNEDITED)
CHAPTER 9: The POPU Girls (EDITED)
CHAPTER 10 (EDITED)
CHAPTER 11 (EDITED)
CHAPTER 12 (EDITED)
CHAPTER 13 (EDITED)
CHAPTER 14 (EDITED)
CHAPTER 15 (UNEDITED)
CHAPTER 16 (UNEDITED)
CHAPTER 17 (UNEDITED)
CHAPTER 18 (EDITED)
CHAPTER 19 (EDITED)
CHAPTER 20 (UNEDITED)
CHAPTER 21 (EDITED)
CHAPTER 22 (UNEDITED)
CHAPTER 23 (UNEDITED)
CHAPTER 24 (UNEDITED)
CHAPTER 25 (EDITED)
CHAPTER 26 (EDITED)
CHAPTER 27 (EDITED)
CHAPTER 28 (EDITED)
CHAPTER 29 (EDITED)
CHAPTER 30 (UNEDITED)
CHAPTER 31 (EDITED) - Third Incident
CHAPTER 32 (EDITED)
CHAPTER 33 (EDITED)
CHAPTER 35 (EDITED)
CHAPTER 36 (EDITED)
CHAPTER 37 [EDITED]
CHAPTER 38 [EDITED]
CHAPTER 39 (EDITED)
CHAPTER 40 (EDITED)
CHAPTER 41 (EDITED)
CHAPTER 42 (EDITED)
CHAPTER 43 (EDITED)
CHAPTER 44 (EDITED)
CHAPTER 45 (EDITED)
CHAPTER 46 (EDITED)
CHAPTER 47 (EDITED)
CHAPTER 48 (EDITED)
CHAPTER 49 (EDITED)
CHAPTER 50 (UNEDITED)
CHAPTER 51 (EDITED)
CHAPTER 52 (EDITED)
CHAPTER 53 (EDITED)
CHAPTER 54 (EDITED)
CHAPTER 55 (EDITED)
CHAPTER 56 (EDITED)
CHAPTER 57 (EDITED)
CHAPTER 58 (EDITED)
CHAPTER 59 (EDITED)
CHAPTER 60 (EDITED)
CHAPTER 61 (EDITED)
CHAPTER 62 (UNEDITED)
CHAPTER 63 (UNEDITED)
CHAPTER 64 (UNEDITED)
CHAPTER 65 (UNEDITED)
CHAPTER 66 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 67 (UNEDITED)
CHAPTER 68 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 69 (UNEDITED)
CHAPTER 70 (EDITED)
CHAPTER 71 (EDITED)
CHAPTER 72 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 73 (UNEDITED)
CHAPTER 74 (UNEDITED)
CHAPTER 75 (EDITED)
CHAPTER 76 (EDITED)
CHAPTER 77 (UNEDITED & EDITED)
CHAPTER 78 (UNEDITED)
CHAPTER 79 (EDITED)
CHAPTER 80 (EDITED)
CHAPTER 81 (UNEDITED)
CHAPTER 82 (UNEDITED)
CHAPTER 83.1 (UNEDITED)
CHAPTER 83.2 (UNEDITED)
CHAPTER 84 (UNEDITED)
CHAPTER 85 (UNEDITED)
CHAPTER 86 (UNEDITED)
CHAPTER 87 (EDITED) - LAST CHAPTER
SPECIAL NOTE FROM MS. A
BIG FAVOR AND GOOD NEWS/ANNOUNCEMENT (not an update)
Class 4-6 on PopFiction
Ms. A @ MIBF 2018

CHAPTER 34 (EDITED)

213K 4.2K 274
By iam_MissA

Update Date: 08/08/19

*KARISSA'S POV*

"Nasaan na sila? Bakit ikaw lang ang bumalik?"

Nagsisimula na naman itong si bakulaw na kapre. Iyong pagkakatanong parang hindi nagustuhan na ako lang natira dito.

"Umuwi na sila."

"Umuwi na sila ng hindi nagpapaalam sa akin?"

Parang hindi rin magandang idea na ako ang nagpaiwan dito. Mukhang ako sasagot ng lahat ng katungan nitong isa na ito.

"Hindi na sila nakapagpaalam dahil baka daw nagpapahinga ka na. Ayaw nilang makaistorbo sayo."

"Eh ikaw? Bakit andito ka pa?"

Bakit nga ba ako nagpaiwan? Bakit hindi ako sumabay na lang sa kanila pauwi? Oo nga pala, thanks to my guilty conscience.

"Ako ang nagdala ng pagkain mo."

"Bakit ikaw pa ang nagdala at hindi ka na lang sumabay sa kanila pauwi? Nasaan si Auntie K?"

Bakit ba hindi nauubusan ng tanong itong lalaking ito?

"May inaasikaso si Auntie K mo sa nurse station. Nakakahiya naman siyang istorbohin saka papunta rin naman talaga ako dito."

Kitang kita ko sa mukha ni Marion iyon pagtataka. Inhale-Exhale Karissa. Ito na. Sasabihin mo na gintong salita.

"Saka dito ako matutulog."

"ANO?!"

Aray! Pero award winning pala magulat itong si Marion. Sayang hindi ako prepare para picturan siya. Pero mukhang kailangan ko muna iprepare iyon sarili ko para magpaliwanag sa kanya.

"Huwag ka nga sumigaw diyan. Nasa hospital tayo, mahiya ka kaya sa ibang pasyente dito. Dito ako matutulog dahil ako ang magbabantay sayo."

"Are you crazy?"

Sarap buhusan ng mainit na tubig itong bakulaw na kapre na ito. Ang haba ng litaniya ko at pasalamat pa dapat siya dahil nagvolunteer ako para bantayan siya. Pero ang natanggap ko lang sa kanya, baliw daw ba ko?!

"You're welcome ha?"

"Hindi ka puwede matulog dito. Halika--"

"Teka nga, ikaw yata ang baliw dito eh."

Aba, magtatangka pa itong bakulaw na kapre na ito tumayo. Mabuti na lang mas malakas ako sa kanya ngayon.

"Hindi mo na ko mapapauwi ngayon. Saka nagpaalam na ko kina Mommy and Daddy na dito na muna ako. Kaya wala ka ng magagawa kundi magpagaling lang diyan. At tignan mo kaya yan sarili mo, palagay mo kaya mo kong ihatid? Gusto mo bang maaksidente na naman tayo?"

Teka, ano naman ningingiti nitong bakulaw na kapre na ito.

"Sino bang nagsabing ihahatid kita?"

"Huh? Eh bakit ka tatayo diyan?"

"Kukunin ko lang iyon phone ko para tawagan un driver at siya ang maghahatid sayo."

Puwede na ba ko kainin ng lupa ngayon? Karissa, kailan ka pa naging feelingera?

"At mukhang hindi ang driver ang kailangan tawagan ko. Si Auntie K na lang para pauwiin ko na siya dahil mukhang mayroon ng papalit sa kanya na magbabantay sa akin dito. Salamat sa pagvolunteer."

Mukhang maling desisyon ang magpaiwan ako dito. Pero Karissa, kailangan mong panindigan ang sinabi mo. Mas lalong matutuwa ang bakulaw na kapre na ito kapag binawi mo na.

"Nasaan na ang pagkain ko?"

Urgh! Pahingi pa po ng mahabang pasensya! Bakit ganito ang ugali ng taong ito?! Anong akala niya sa akin Yaya niya? Nagpaiwan lang ako para bantayan siya hindi para maging yaya niya.

"Ito na po Master. Bakit ka pa kasi nila binili ng pagkain? May pagkain ka naman dito."

"Ayoko ng pagkain ng galing sa hospital."

Maarte.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Subuan mo na kaya ako."

"ANO?!"

Ito bang bakulaw na kapre na ito gusto talagang ubusin un pasensya ko? Wala ba siyang mga kamay para subuan ang sarili niya? Kailangan subuan ko pa siya? Aba manigas siya diyan.

"Magbabantay lang ako sayo Mr. Gatcheco pero hindi ko sinabing gawin mo kong Yaya."

"Excuse me po, dinala ko lang ang gamot po para kay Mr. Gatcheco."

Ganito ba talaga ang uniform ng mga nurse dito? Kailangan maikli ang uniform nila? Hindi ba sila nilalamig dito?

"Miss?"

"Clara na lang po itawag niyo sa akin, Mr. Gatcheco?"

At kailan pa naging service crew ang mga nurse? Kailangan all smile pag sasagot ng tanong?

"Uhm Ms. NURSE, ok lang ba na magtake na ng gamot ang pasyente kahit hindi pa kumakain?"

"Syempre hindi po pwede, Mam."

Teka lang ha? Bakit pagdating sa akin naging Principal ang nurse na ito. Kailangan masungit kapag sasagot sa akin?

"Ms. Clara, paano ba ito? Ayaw kasi akong subuan ng GIRLFRIEND ko kaya hindi ako makakain. Puwede bang ikaw na lang magsubo ng pagkain sa akin?"

"Oo naman, Mr. Gatcheco. Ok lang po sa akin."

ALL-SMILE na naman si nurse. Aba, Marion Gatcheco, ano na naman ang pinaplano mo? At anong akala nitong nurse na ito papayagan ko siya? Nagkakamali siya, pagkatapos niya kong sungitan kanina.

"Di ba, MS. CLARA, wala naman sa trabaho mo na pakainin ang pasyente unless na lang WALA NG KAMAY ang pasyente mo. At kayang kaya ko na pakainin ang BOYFRIEND KO."

Maraming salamat dahil umalis na ang malditang nurse na iyon. Sinubukan pa niya kong sungitan.

"HAHAHA!"

"At anong tinatawa mo diyan, Mr. Gatcheco?"

"Wala naman. Simulan mo na kong subuan para makainom na ko ng gamot. Ayaw mo naman siguro may mangyari sa akin masama dahil hindi ako nakainom ng gamot ko."

Pinanganak ba talagang nakakainis itong lalaking ito?

Ano pa nga ba magagawa ko? Edi subuan itong bakulaw na kapre baka sisihin pa ko nito kapag nangyari pang masama dito.

"Ito na po senorito. Kumain po kayo ng MALAKI."

"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa dami ng pinapakain mo sa akin?!"

Wala akong naririnig. Bahala siya diyan mabilaukan. At wala din naman siyang magagawa dahil ako ang nagpapakain sa kanya.

"Paano pa kaya kung si Auntie K mo ang naiwan dito? Ibig sabihin magpapasubo ka pa sa kanya. Aba, Mr. Gatcheco, ang laki laki mo na."

Parang wala akong kausap dito ah. At ang mukha pa niya ay isang malaking "WALA AKONG NARIRINIG".

"Teka, kanina pa natin pinaguusapan si Auntie K. Sino nga pala siya?"

"Siya ang nagalaga sa akin at sa Mama ko simula pagkabata."

"Wow. Ang tagal na pala niyang nagtratrabaho sa inyo. Ang swerte ng Mama mo dahil meron siyang katulong sa pagpapalaki sayo."

"Si Auntie K na lang kasama ko."

"Huh?"

"6 years old pa lang ako nun namatay ang Mama ko."

"Ay, sorry."

Bakit ang daldal mo talaga Karissa? Ang awkward na tuloy ng paligid.

*ring*

Huh? Kaninong cellphone yun?

"Uy Marion, may tumatawag sa phone mo. Sagutin mo kaya."

"Karissa, palagay mo ba magriringtone ako ng mga kantang pang-alien? Sagutin mo na yan kung ayaw mong ibato ko sa labas yan cellphone mo."

Phone ko pala yun tumutunog. Teka lang, nilait ba niya yun Super Junior ko?! Hindi ito alien song!!!

"Hello?"

"Karissa!"

Teka, familiar sa akin ang boses na toh. Kilala ko talaga ito eh.

"Uhmm?"

"Ganyan na tayo little princess, hindi mo na ko nabobosesan?"

"Hala, Nathan?! Ikaw ba ito?"

At parang may nararamdamam akong maitim na aura sa paligid ko. Pero hindi ko na lang papansinin dahil mas importante ngayon, kausap ko si Angel Nathan.

"Napatawag ka, Nathan?"

"Gusto ko lang siguraduhin kung talagang matutulog ka diyan? Puwede naman ako na lang maiwan kay Marion."

"Makulit ka talaga. Ako ng bahala sa isip bata na ito. Kayang kaya ng powers ko ito."

"Sinong sinasabi mong ISIP-BATA?!"

"Manahimik ka diyan! Ikaw kausap ko?"

Kahit kailan talaga itong bakulaw na kapre na ito, panira ng moment namin ni Angel Nathan.

"Talaga bang sigurado ka Karissa? Kasi nararamdaman ko dito, mukha kasing magpapatayan na kayong dalawa diyan."

"Huwag kang magalala Nathan, kaya nga andito na kami sa hospital. Madali nila kaming madadala sa emergency room."

"Ikaw talaga, Karissa. Pero mukhang sa mga sinasabi mo, hindi na talaga kita mapipigilan na matulog diyan. Basta tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka o gusto mo ng umuwi."

"Hindi mo na kailangan mag-alala, Nathan. At wala na rin akong balak bawiin ang sinabi ko na dito ako matutulog."

"Sige, magpahinga ka na rin diyan. –"

"Hoy! Ang tagal niyo naman mag-usap diyan! Isaw, papakainin mo pa ko dito!"

"Sige na, Nathan. Mukhang sa susunod na ulit tayo makakapag-usap dahil nagwawala na 'yung alaga ko dito. Ingat ka din.... I love you, TOO."

"H..Hoy! Anong—"

"Di ba nagugutom ka na? Hayan, kumain ka pa ng madami. Bawal magsalita habang kumakain."

Huh? Anong akala mo sa akin Marion Gatcheco hindi ka kayang asarin?

Hindi rin nagtagal natapos ko na rin pakainin ang malaking bakulaw na kapre na iyon. At napagod na rin kami maging aso't pusa kaya napagplanuhan na lang naming manood ng movie. Pero syempre hindi mawawala ang pag-aaway namin sa pagpili ng movie ng papanoorin namin.

Facebook status: ATM. Watching Koizora "Sky of Love".

Sayang kung friend ko si Marion sa facebook itatag ko siya. Ano kaya magiging reaction ng mga classmate namin dahil nanonood si Marion nito?

Obvious bang ako ang nanalo sa pagtatalo namin kung ano papanoorin? Syempre, mananalo ba siya sa akin eh ako may hawak ng remote control at wala siyang magagawa dahil hindi niya ko mahahabol.

At isang malaking joke lang sinabi kong nanonood si Marion. Simula pa lang ng movie na ito, puro reklamo galing kay Marion ang maririnig ko. Bakit daw ako nanonood ng palabas na wala naman daw ako naiintindihan. Kaya nga may English Subtitle!

Pero dahil gustong gusto ko ang palabas na ito, hindi ko nalang pinansin ang mga reklamo ni Marion. Tiniis ko na lang panoorin ito habang may naririnig akong reklamo ng bakulaw na kapre.

"Oh ano naman iniiyak iyak mo diyan? Iniiyakan mo na yan dahil wala ka naman talaga maintindihan."

Hindi na ba titigil bibig nito?

"Manahimik ka na nga! Sinong hindi iiyak dito? Iwanan ka ba naman ng taong mahal mo. Hindi ka ba masasaktan nun?"

...

Anong nangyari? Bakit nananahimik na ang isang iyon?

May mali ba kong sinabi?  

*MARION'S POV*

*SIGH*

Salamat, nakatulog na ang Isaw na ito. Akala ko hindi na titigil kakaiyak ito dahil sa pinapanood niyang pang-ibang planeta. Mukhang may balak siyang bulabugin ang buong ospital dahil sa lakas ng iyak niya. Pero kung may magbalak na magreklamo naman, puwede ko silang palipatin ng ibang ospital.

*TOK*TOK*TOK*

"Good--"

Nilagay ko agad ang daliri ko sa bibig ko para mabigyan ko siya ng babala na "Please lang, huwag niyong magising itong babaeng alien na ito."

Mabuti na lang naintindihan ako agad ng nurse na ito. Pero napansin ko ang uniform niya, magkaibang magkaiba sa suot ng isang nurse kanina. Tama nga ang hinala ko, hindi ganoon kaikli ang uniform nila dito. Sinadya lang dahil alam niyang ako ang pasyente dito at nagbabakasakali na mapansin ko siya. Pero pasalamat na din siya sa kaartehan at kadramahan ng Isaw na ito dahil napansin ko siya ng 10 segundo ng buhay niya.

Napansin kong dahan dahan lang kumilos ang nurse na kakapasok lang. Mukhang may tinignan lang siya sa chart ko at umalis na din siya agad.

Hindi rin nagtagal ng lumabas 'ung nurse, narinig ko na naman may pumasok ulit. Hindi ko ba puwedeng palagyan ng "Do not disturb" sa labas ng pinto nito?

"Good evening Mr. Gatcheco."

Mukhang nakita agad ng doctor ko na may natutulog na dito kaya hinaan na niya ang boses niya.

"Kamusta na po ang kalagayan niyo?"

"Ok na ako. So, tomorrow morning lalabas na ko."

"Huh? Teka po, hindi pa po puwede."

"Sa ayaw mo man o sa gusto, lalabas na ko bukas."

Halata sa mukha ng doctor ko na wala siyang magagawa sa desisyon ko. Mabuti na rin alam na rin niya ang dapat niyang gawin.

Tumango na lang doctor ko sa akin at nagdesisyon na siyang umalis.

Pero hindi rin nagtagal, may malakas na nagbukas ng pinto ulit. Sisigawan ko na sana kung sino ang nagtangkang magingay pero pinigilan ko ang sarili ko ng makita ko kung sino siya.

"Auntie K?"

"Iho, bakit ganyan ang mukha mo? Parang may gusto kang sugurin."

"Wala po, Auntie K."

Gusto ko lang po lagyan ng lock yan pintuan na yan para wala ng makapasok.

"Nagstay pala siya dito." Nakatitig si Auntie K kay Karissa. Mukhang may iba na naman iniisip itong si Auntie K na dapat akong kabahan.

"Nagpumilit siyang magstay dito at mukhang naguguilty siya sa nangyari sa akin, which is, hindi naman talaga niya kasalanan."

"Mukhang hindi mo na kailangan si Auntie K, may magbabantay na sayo eh."

"Auntie K, hindi niyo po ako madrdramahan. Wala din po akong sasabihin tungkol sa kanya. Classmate ko lang po siya."

"Iho naman, ang dami mo naman naiisip diyan. Wala naman akong sinasabi ah. Mukhang kailangan ko na umuwi, wala ka na ba ihahabilin?"

"Mabuti napaalala niyo po, Auntie K. Meron po pala akong favor."

Kumuha na ko ng papel at ballpen saka ko sinulat lahat ng ipapagawa ko kay Auntie K. Huwag kayong judgemental, sanay na si Auntie K sa mga ganitong gawain. Pagkatapos kong isulat lahat, ngumiti lang sa akin si Auntie K pagkabasa ng mga sinulat ko.

Pero bago pa makalabas si Auntie K, nag-iwan siya ng paalala sa akin.

"Iho, malaking problema ito."

"Auntie K, Marion Gatcheco ito. Ako na po ang bahala sa lahat."

Alam ko kung bakit nasabi ni Auntie K iyon. Lalo na dumating pa sa buhay ko si Karissa. Hindi ko naman itatanggi na kahit papaano may part na si Karissa sa buhay ko kahit malit na part iyon, malaking pagbabago pa din iyon sa buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

44.7K 1.3K 15
Mahigit 7 billion ang bilang ng mga tao sa buong mundo, pero wala kahit isa sa kanila ang soul mate mo. Anong gagawin mo kung ang iyong "destiny" ay...
248 105 17
Hindi akalain ni Adele Dios Lamboloto na nagising sa 2014 at bumalik ang lahat bilang Grade 7 student. Sa sobrang successful niya sa buhay bilang 40+...
133K 3.3K 48
Book two of And They Meet Again (ATMA).
245K 16.4K 79
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...