Mafia Boss Obsession [PUBLISH...

By Miss_Terious02

2.1M 36K 1.5K

Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasa... More

Mafia Boss Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Thank You!
MIBF 2023

Chapter 16

44K 786 11
By Miss_Terious02


Enjoy reading!

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang magsaing at magluto ng ulam para sa amin ni tita. Pinipilit niya pa rin na maglaba siya ngunit hindi pa rin ako pumayag. Alam kong hindi niya na kaya pang maglaba ngunit araw-araw niya akong kinukulit. Sinabi ko na rin sa kanya na meron na akong bagong trabaho kaya hindi niya na kailangan pang maglaba.

Bago ako umalis para magtrabaho ay pinakain ko muna siya at pina-inom ng kanyang gamot. Pagkatapos ay nagbihis na ako at pumunta sa sala kung saan naroon si tita.

"Tita, alis na po ako." Paalam ko.

"Sige. Mag-ingat ka." Sagot niya. Tumango lang ako at lumabas na ng bahay.

Habang naglalakad ako ay may isang itim na sasakyan ang huminto sa aking tabi na ikinagulat ko. Napahawak pa ako sa akingg dibdib dahil sa kaba. Bumukas ang bintana ng sasakyan at hindi ako nagkamali sa aking naisip na si Kian iyon.

"Good morning." Bati niya sa 'kin.

"Good morning din." Bati ko rin sa kanya.

"Papasok ka na ba sa trabaho mo?" Tanong niya.

"O-oo." Sagot ko.

"Ganon ba? Hatid na kita." Alok niya ulit katulad kahapon. Saan ba siya nakatira at palagi niya akong nadadaanan? Malapit lang ba ang bahay niya rito?

"Huwag na. Nakakahiya na sa 'yo kasi kahapon sinabay mo rin ako." Sagot ko.

"Sabi ko naman sa 'yo na madadaanan ko 'yong hotel na pinagtrabahuhan mo. Kaya walang problema sa akin." Sabi niya. Kahit na. Paano kung araw-araw niya akong nakikita rito na naglalakad tapos isasabay niya ako palagi? Ang suwerte ko naman.

"Pero–"

"No buts, Abigael. Get in." Pagputol niya sa sasabihin ko. Lumabas siya ng driver seat at pinagbuksan na naman ako ng pinto sa front seat.

Hindi ko alam kung normal lang ba sa kanya ang bilis ng pagpapatakbo ng kotse niya o sadyang binibilisan niya lang talaga. Hindi naman siguro kami maaaksidente nito. Mukhang expert na siya sa pagmamaneho. Kaya ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng hotel na pinagtatrabahuhan ko.  Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at binuksan ang pinto.

"Salamat." Sabi ko.

"No problem." Sagot niya at ngumiti.

"Sige, pasok na ako. Ingat." Paalam ko at lumabas na ng sasakyan niya. Bumusina muna siya bago tuluyang umalis. Nang mawala na ang kotse niya sa paningin ko ay naglakad na ako papasok sa loob ng hotel.

Pagdating ko sa room kung saan kami tumatambay ni Elen tuwing walang lilinisan ay wala pa siya roon. Siguro ay mamaya pa siya. Baka mayroon pa siyang klase kaya wala pa siya rito.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag ay biglang tumunog ang selpon ko hudyat na may tumatawag. Kinuha ki iyon sa bulsa ng suot kong pantalon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Number lang ang lumalabas at walang pangalan. Baka mamaya scammer 'to at pinagloloko ako. 

"Hello?" Pagsagot ko ngunit wala namang sumasagot sa kabilang linya. Ilang segundo rin ang hinintay ko kung may magsasalita ba ngunit wala pa rin.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko. Sabi na nga ba baka scammer ito e.

"Kapag kinausap mo pa ulit si Kian ay magsasara 'yang hotel na pinagtatrabahuhan mo." Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang galit na boses ni Harvey mula sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman ko. Bakit ayaw niya akong tigilan? Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang tinapos ang tawag. Paano niya nalaman na nakipag-usap ako kay Kian? Nakikita ba niya ako? Sinusundan ba niya ako? Alam niya rin kung saan ako magtatrabaho!

"Ate Abigael, okay ka lang po ba?" Napatingin ako kay Elen na kararating lang. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ko.

"O-oo, okay lang ako." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya.

Buong araw ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagtawag si Harvey sa akin. Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi niya. Bakit siya galit na galit kay Kian? Ano bang kasalanan ni Kian sa kanya? Mukhang mas mabait pa nga si Kian kay sa kanya.

Pagsapit nang hapon ay ako na lang mag-isa ang lumabas ng hotel dahil kanina pa umuwi si Elen dahil mayroon pa siyang klase. Bilib na bilib ako sa batang 'yon dahil madiskarte sa buhay.

Paglabas ko ng hotel ay agad kong nakita ang kotse ni Kian na nakahinto malapit sa entrance ng hotel. Nakasandal siya sa gilid ng kanyang kotse. Pati ba naman sa pag-uwi ay isasabay niya ako?

"K-kanina ka pa ba riyan?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya at umayos nang tayo.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Hinihintay kita." Sagot niya.

"Sana ay hindi mo na lang ako hinintay. Kaya ko naman umuwi mag-isa, Kian. Nakakahiya na sa 'yo." Sagot ko. Talagang natatakot lang ako sa pagbabanta ni Harvey sa akin. Ayaw kong pati ang hotel na walang kinalaman sa gulong 'to ay nadadamay.

"It's okay, Abigael. Ginusto ko naman na hintayin kita kaya don't worry, okay?" Sagot niya at binuksan na ang front seat na para bang pinapasakay na ako roon.

"Last mo na 'to na hatid sundo sa akin, ha. Huwag na sana 'tong maulit bukas." Seryoso kong sabi at agad na pumasok sa loob ng kotse. Mayroon siyang sinasabi ngunit hindi ko marinig kung ano 'yon.

At habang bumabyahe kami pauwi ay siya lang ang dumadaldal at tumatango lang ako sa mga pinagsasabi niya. Ngayon ko lang nalaman na isa siyang business man at marami daw siyang negosyo ngunit hindi niya naman sinabi kung ano ang mga iyon.

Ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan niya sa harap ng bahay ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at binuksan ang pinto.

"Sige, salamat sa paghatid. Ingat." Sabi ko.

"You're always welcome, Abigael." Sagot niya. Agad na akong lumabas ng kotse niya at kumaway sa kanya. Bumusina muna siya bago tuluyang umalis. 

Tatlong linggo na ang nakalipas noong nakauwi na ako rito sa bahay namin ni tita. At tatlong linggo ko na rin pilit na kinakalimutan ang nangyaring pagdukot sa akin ni Harvey. Kinaumagahan ay ganon pa rin ang routine ko. Maaga akong gumising at nagluto ng almusal namin ni tita. Maayos na nag pakiramdam ni tita at tapos na rin siya sa pag-inom ng kanyang gamot. Pinagbawalan ko siyang maglaba na ngunit sadyang mapilit siya kaya hinayaan ko na lang. Baka kasi magalit pa siya sa 'kin kung hindi ko papayagan. Pagkatapos kong magluto ay sabay na kaming kumain ni tita.

Siya na rin ang nag presenta na maghugas ng pinagkainan namin. At dahil ilang minuto na lang ay late na ako sa trabaho ko ay pumayag na ako. Mabilis ang bawat kilos ko dahil dalawang sakay pa ang gagawin ko bago makarating sa Ideal Hotel.

"Tita, alis na po ako." Paalam ko kay tita na abala sa paghuhugas ng pinggan sa kusina.

"Sige, mag-ingat ka." Sagot niya.

Agad na akong umalis sa bahay at nagmamadaling naglakad upang makaabang na agad ng jeep na masasakyan.

Mabuti na lang at maraming jeep na bumabyahe kaya mabilis rin akong nakarating sa hotel. Pagpasok ko sa loob ay laking gulat ko na marami ang nagliligpit ng kanilang mga gamit at halata sa kanilang mga mukha ang lungkot. Kunot-noo kong pinuntahan si Ma'am Mary Joy na abala sa pag-aayos ng mga gamit malapit sa reception desk.

"Ma'am, ano pong nangyayari?" Tanong ko.

"May pumunta kasi rito kanina at pinagbantaan na papatayin ang pamilya ng manager natin kung hindi ibebenta ang hotel na 'to sa kanya. Kahit kami ay natakot sa kanila dahil may mga dala silang baril, Abigael." Pagkukwento niya. Bigla akong kinabahan sa kwento ni Ma'am Mary Joy.

"Ate Abigael, mabuti at ngayon ka lang dahil nakakatakot sila kanina. Lahat sila, ate, naka-itim na mga damit tapos may mga baril pang hawak. Para silang mga mafia, ate." Mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ko ang salitang mafia. Siya ba ang nagpasara ng hotel na 'to? Siya ba ang may pakana nito?

"Ma'am Mary Joy, sorry po." Sabi ko na ipinagtataka niya.

"Bakit ka humihingi ng sorry sa akin, Abigael? Wala ka namang kasalanan." Sabi niya. Nang dahil sa ginawa ni Harvey ay marami ang nawalan ng trabaho. 

"Basta po, ma'am, sorry po talaga." Sabi ki at tumakbo palabas ng hotel. Hindi ko kayang makita ang mga mukha nila na malulungkot. Marami ang nawalan ng trabaho at wala man lang akong nagawa.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw ngunit ito ako at naglalakad. Napapunas pa ako ng luha sa aking pisngi. Saan na naman ako maghahanap ng bagong trabaho nito? Hayop na Harvey 'yon! Talagang ayaw niya akong tantanan.

Namalayan ko na lang na tinatahak ko na ang daan papunta sa police station. Kailangan kong humingi ng update tungkol sa pag-report ko kay Harvey. Kailangan na siyang mahuli.

Nang pumasok ako sa loob ay agad kong kinausap ang isang police na naroon.

"May update na po ba sa sa pina-report ko tungkol kay Harvey Sandoval?" Tanong ko sa police.

"Pasensya na po, miss, pero wala po kayong sapat na ebidensiya para kasuhan at  hulihin si Mr. Sandoval." Sagot ng police.

"Paanong wala po? Wala po ba kayong nakuhang cctv record kung saan ako dinukot dati?" Tanong ko.

"May nagbura po ng cctv record doon. Pero naghahanap pa rin po kami nang maaaring ebidensiya para kasuhan siya." Sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa muli. Kahit naman sagutin ko pa iyon ay wala rin naman akong mapapala.

Umalis ako sa police station at muling naglakad. Habang naglalakad pauwi ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Siguro dahil sa init ng panahon at uhaw na rin ako. Hindi ko na lang pinansin ang pagkahilo ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala pa naman akong dalang payong na panangga sana sa init. Nag dahan-dahan lang ako sa paglalakad baka sakaling mawala ang pagkahilo ko. Ngunit hindi pa rin talaga nawala. Ano bang nangyayari sa 'kin? May sakit ba ako? Patuloy lang ako sa paglalakad at hanggang sa hindi ko na kinaya at unti-unti ng dumilim ang paningin ko.

"Miss, okay ka lang ba? Miss?" Narinig ko na may tumatawag sa akin ngunit huli na ang lahat at tuluyan na akong nilamon ng dilim.


Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

590K 15.7K 46
Warning R🔞 Lahat ay inilalayo niya sa kaniya dahil sa takot na pati ang mga ito ay mawala sa kaniya. He thinks that loving him is a curse like his l...
1.2M 43.1K 44
The serial killer wants to make you suffer.
479K 10.2K 56
NOTE: SPG/R-18 BOOK 1 & BOOK 2 "I will save your mother but on one condition you will become my slave.."-Dr. Jayson Andrich. Book 1 Started: Decembe...
200K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...