I'm His Unwanted Wife (COMPLE...

By akino_yoj

5.6M 91.8K 12.8K

The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Special Chapter
Another Special Chapter

Chapter 2

230K 3.6K 628
By akino_yoj

Kinusot ko ang mga mata ko at nag-unat ng kamay tsaka ako bumangon. Linggo pala ngayon. Bumangon ako at dumiretso sa tapat ng bintana at nag-stretching ng ilang minuto.

Pumunta ako sa banyo para magmumog at magpalit ng maluwag na damit at jogging pants. Umupo ako sa gilid ng aking kama para magsuot ng rubber shoes tsaka ko pinusod ang buhok ko.

Saktong alas-singko ako lumabas ng bahay para sa isang oras kong pagjajogging.

Paglipas ng isang oras na pagtakbo sa buong village, hingal na hingal akong pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng isang basong tubig, nadatnan ko si Nay Esther na nagluluto na ng pang-agahan. Binati ko siya ng magandang umaga at ganoon din siya sakin.

Pinupunasan ko ang aking pawis sa mukha at leeg habang paakyat sa aking kwarto para maligo nang biglang bumukas ang pinto sa katapat kong kwarto.

Nagkatinginan kaming dalawa pero agad akong bumitaw ng tingin tsaka nagbaba ng tingin sa sahig. Ako ang palaging nag-iiwas ng tingin.

Ito nanaman iyong pakiramdam na parang may kung ano sa tiyan ko.

"Umm m-magandang umaga". Bati ko nang hindi nakatingin sakanya.

Hindi na ako nagulat na nandito siya sa bahay. Tuwing linggo kasi hindi siya pumapasok sa kompanya nila, pwera na lang kung may importanteng kailangang asikasuhin, kaya kahit linggo ay pumapasok siya.

O kaya naman ay kung may importante siyang lakad kasama ang kaibigan niya.

Hindi niya ako pinansin at naglakad na siya pababa ng hagnan. Sinundan ko siya ng tingin, naka-plain white t-shirt at cargo shorts siya, his usual get-up pagwala siyang lakad. Wala siguro siyang lakad ngayon.

May jetlag pa siguro siya. Kagagaling lang kasi niya sa America dahil sa isang business deal na nakuha naman niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Naligo at nagbihis ng usual na pambahay ko which is ang mga maninipis na pajama at over sized t-shirt.

Kahit na parehas kaming nasa bahay, buong araw kaming walang imikan. Buong maghapon lang siyang nanuod ng basketball sa tv. Passion niya kasi ang maglaro ng basketball, sa katunayan siya ang MVP sa university nila noong nag-aral pa siya.

Isa iyon sa mga traits niya na nagustuhan ko sakanya. Naalala ko pa noon, pikit mata akong bumili ng napakamahal na ticket para lang mapanuod siyang maglaro sa loob ng school nila. May bayad kasi ang mga outsiders na gustong manuod ng game.

First year college ako noon, siya naman ay graduating na. At sa tuwing nakakapuntos siya, isa ako sa mga kababaihang kulang nalang maputol ang lalamunan kakasigaw.

Habang buong maghapon siyang naka-upo sa sofa sa may sala habang nanunuod ng tv, ako naman ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Laglalapag din ako ng meryenda niya sa center table na nasa harap niya. Tuwing ginagawa ko iyon, ni minsan hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Nagkikibit balikat nalang ako. Sanay na naman akong hindi niya pinapansin. Nothing new.

Pagkalapag ko sa center table ng juice na tinimpla ko para sa kanya, napadako ang tingin ko sa umiilaw niyang cellphone na nakapatong din doon.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pangalan nang nagtext sa screen ng cellphone bago niya ito kunin sa mesa.

Astrid.

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kung ano pagkabasa ko sa pangalan ng babae.

I mentally shake ng head para mawala kung ano man ang iniisip ko, tsaka ko kinuha ang pinagkainan niya ng cake tsaka ako bumalik sa kusina.

Kung noon na malayo kami sa isa't isa na parang langit at lupa ang pagitan namin ganoon pa rin naman hanggang ngayon kahit na nasa iisang bahay na kami. Kahit na napakalapit na niya sakin, feeling ko ang layo pa rin niya. Na kahit kailan at kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ko siya maaabot.


Lunes ng umaga. Nag-aabang na ako ng bus na masasakyan papunta sa eskwela sa may waiting shed sa may gilid lang ng gate ng village. Habang nag-aabang ng masasakyan, biglang hinangin ang buhok ko dahil sa dumaang magarang sasakyan.

Napangiti ako ng masulyapan ko ang taong nagmamaneho at siya ring nagmamay-ari ng mamahaling kotse. Buong akala ko hindi ko masisilayan ang gwapo niyang mukha bago man lang ako pumasok.

Hindi kasi kami nagpang-abot kanina sa bahay.

"SECOND WEEK pa lang ng pasukan pero ang hirap hirap na ng mga pinapagawa ng mga gurang na iyon" reklamo ni Barry sabay nguso. Isa sa maituturing kong pinakamatalik kong kaibigan. Siya rin ang natatanging kilala kong gwapong bakla.

He's gay pero hindi siya nagdadamit ng pangbabae. Parang iyong mga 'paminta'. Sa itsura, hindi mo aakalaeng bakla siya, pero paggumalaw na siya, confirmed teh.

"Bakla ka, hinaan mo nga iyang boses mo, baka may makarinig pa sa'yong alien, isumbong ka pa, tapos madadamay pa kami." Sita sakanya ni Sadie. My other friend. May pagkasosyal si Sadie. Kita sa mga mamahalin niyang gamit at sopistikada niyang kilos. Maraming nagkakagusto kay sakanya pero siya iyong taong 'who you?' sa mga lalaking nagkakagusto sakanya.

Both of them are from a rich family. Parehing may mga negosyo/kompanya ang pamilya nila.

Kaming tatlo ang magbabarkada sa school, the rest are enemies, hindi naman sa kaaway talaga, pero kasi laging kaming tatlo ang pinag-iinitan. Lalo na ako.

Lalong napanguso si Barry pero agad niyang tinikom ang nguso niya nang akmang hahampasin ito ni Sadie. "Edi magsumbong sila, diyan naman sila magaling". Sabay irap pa nito.

Nasa school cafeteria kami ngayon dahil vacant time namin. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil silang dalawa lang ang nakipagkaibigan sa akin. Puro kasi mayayaman ang mga nag-aaral dito kasama na sina Barry at Sadie. Noong unang taon ko dito sa school ni isa walang gustong makipagkaibigan sakin sa kadahilang mahirap lang ako. Nakapasok ako sa school na ito dahil nakakuha ako ng scholarship pagkatapos kung ma-perfect ang entrance exam.

"Anyway, balita ko naka-uwi na ang baby Devin ko galing America. Look." Malanding saad ni Barry, sabay pakita samin ng cellphone niya na may picture ni Devin na papalabas ng airport.

Ang gwapo niya sa suot niyang casual wear sa picture. Kahit ano namang isuot niya, hindi naman nababawasan ang kagwapuhan niya. Kaya hindi na ako magtataka na maraming babae at binabae ang nagkakagusto sa kanya. Isa na doon si Barry.

"Curious lang ako kung bakit hanggang ngayon ay single pa din siya?" Nagtatakang tanong ni Sadie, sabay inom ng canned softdrinks.

"Nagtaka ka pa, syempre dahil hindi pa niya ako nakikita." confident na sagot naman ni Barry.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Sadie dahil sa naging sagot ni Barry. "Magtigil ka bakla, kung si Mindy ay baka maniwala pa ako". Sabay tapik niya sa akin. I smile awkwardly.

Hindi alam nang mga kaibigan ko na may asawa na ako at si Devin Nicklaus Wechsler pa. Tsaka ayaw kasing ipaalam ni Devin ang tungkol sa kasal namin sa publiko.

Technically hindi lang ako unwanted wife; secret wife din ako.

Nabibilang lang sa daliri sa kamay ang nakaka-alam sa kasal namin.

Kaming dalawa, dalawang kasambahay sa bahay, sina Nay Esther at Mang Erning, ang kaibigan ni Devin na si Aero at ang lolo niya.

Para hindi masita ng mga kaibigan at mga katrabaho ko ang wedding ring namin, minabuti kong gawing pendant nalang ito nang aking necklace, nang sa ganoon ay suot ko pa rin ito.

Iyong kay Devin? Hindi ko alam. Ni minsan kasi hindi ko pa nakitang suot niya ito. Hindi ko nga alam kung may balak pa siyang suotin ito.

Pag sinuot niya kasi ito, iisa lang ang ibig sabihin noon. Na tanggap na niyang may asawa na siya, na parte na ako ng buhay niya. Pero mukhang imposible na iyong mangyari dahil sa tingin ko tama na ang nakalipas na tatlong taon para marealise niya kung tanggap ba niya ako sa buhay niya o hindi.

At sa pinapakita niya ngayon. Alam ko na ang sagot, kahit hindi ko na siya tanungin, alam ko na ang sagot.

I smile bitterly. His actions says it all.

Tsaka kung tanungin ko man siya, at sa mga labi niya mismo manggagaling ang mga salitang paniguradong mang-iiwan ng sugat sa aking puso, baka hindi ko kayanin. Masyado akong masasaktan.

Alam ko na sa sarili ko, na hindi ako tanggap ng asawa ko.

Akoyo nang umasa, dahil masasaktan lang ako lalo.

"E balak atang tumandang dalaga ng kaibigan natin e" bumaling sakin ang tingin ni Barry. Nakaupo kasi siya sa katapat kong upuan, "anong petsa na Mindy, may balak ka pa bang magkalovelife?".

Napasimangot ako "maka-anong petsa ka naman, e bente uno palang naman ako."

Eighteen ako noon nang ikasal kami. I was young but never did i regret my decision to marry him, 'cause I know in that very moment that I love him. That very moment is one of my happiest moment in my life.

And I admit, I was selfish back then, cause I know in that very moment that he doesn't even like me, he can't say no to his grandfather. I should be the one to back down, pero pinili ko ang sariling kaligayahan kapalit nang sakanya.

I kinda thought that I deserved his hostility towards me.

"Yun na nga e twenty one ka na pero NBSB ka parin, ay oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Kinukuha pala sakin ni fafa Enoch ang cellphone number mo, sabi ko sakanya na sayo niya dapat kunin." Tudyo ni Barry

"Sinong Enoch, iyong captain ng basketball team ng school?" Tanong ni Sadie

"Malamang siya lang naman ang may pangalang Enoch dito sa school" sarkastikong sagot ni Barry.

Hindi na nakatiis si Sadie kaya binato niya ng kinakain niyang fries si Barry "Aba malay ko ba kung dito sa loob ng campus o sa labas. Tigil-tigilan mo akong bakla ka at baka kusang kumilos ang mga kamay ko at maisend ko sa tatay mo ang picture mo habang naka-suot ng grown at korona" banta ni Sadie

"Subukan mo lang at nang makalbo ko iyang limang kilo mong kilay." Ganti naman ni Barry

Hinayaan kong magbangayan silang dalawa. Tsaka isa pa sanay na ako, walang araw na hindi sila nagbabangayan.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa isang mesa na hindi kalayuan samin.

Nahuli kong nakatingin sa pwesto namin si Enoch, kasama niya ang mga kateam niya sa basketball. Nakaupo sila sa reserved table na para talaga sa kanilang basketball players. Imbis na umiwas siya ng tingin dahil nahuli ko siyang nakatingin. Mas lalo pa niya akong tinitigan, tsaka siya ngumiti, sumingkit tuloy ang mga mata niya at lumabas ang mga dimples niya tsaka siya kumaway.

Nginitian ko siya ng tipid tsaka ako umiwas ng tingin. Ang bastos naman kasi kung hindi ko siya papansinin.

Sinundot ako ni Sadie sa tagiliran ko sabay 'uyyyy' niya.

"Malandi ka, akala mo makakaligtas samin ang pagkaway at pagngiti sayo ni Fafa Enoch? malay mo siya na ang hinihintay mong 'da one' ayieee kinikilig si ako". May hand gesture pa na sabi ni Barry.

Hindi ko na lang pinansin ang panunudyo nila sakin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

∞∞∞

ms. akino

Enoch - pronounce as 'y-nok'

Continue Reading

You'll Also Like

48.5K 1.2K 55
Alam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring...
Option By Eya

Short Story

22.8K 335 25
"Being an option was never easy, but waiting for the time to come for you to become the first and last option will always be worth it."
562K 9.1K 96
C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming...
4.5K 215 13
(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito...