"Chalstine, Log In!" (Complet...

sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... Еще

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 6: Ivan

4K 85 23
sacchariferousdreams

Chapter 6: Ivan

Ang laki ng mga ngiti ni Kuya Ivan pagtungtong nya sa may pintuan ng bahay namin.

“Anong ginagawa mo dito, Ivan? Mabuti nadatnan mo na ako, hindi ka man lang nagtext.” Komento ni Kuya Dustin habang nakatingin sa kaibigan.

“Papasok na ako ha, oh hi po tita!” maaliwalas ang ngiting binitiwan ni Kuya Ivan kay Nanay nang makita nya itong palabas ng kusina.

 

Tumango lamang si Nanay bilang pagsagot, saka nito binaling ang atensyon sa akin. Sumenyas syang umalis na ako sa kinalulugaran ko, sabay turo sa kwarto.

Sumunod na lang ako sa utos ni Nanay, nagexcuse ako kay Kuya Dustin at kay Kuya Ivan na mukhang may pinaguusapan. Nagkibit balikat na lang akong pumasok ng kwarto.

Agad kong inilapag ang aking back pack sa mesa, nagpalit ako ng damit na pangbahay. Hindi ko naiwasang hindi tumingin sa salamin. Naaalala ko si Virgo, ugh! Nakakahiya pa rin yung pagtawag ko sa pangalan nya, pero dahil ‘yon ang gusto nya sumang-ayon na lamang ako. Patay ako kay Kuya D kapag narinig nya akong ganun ang itinawag ko sa kaibigan nya. Ituturo ko na lang si Virgo na sya ang may kasalanan dahil yun naman ang gusto nyang itawag ko sa kanya, ang alisin ang salitang Kuya kakabit nang pangalan nya.

 

Lumabas na rin ako nang kwarto pagkatapos ng ilang minuto. Nanduon pa rin si Kuya Dustin at Kuya Ivan, may pinaguusapan sila. Hindi ko marinig kung ano man ‘yon dahil pareho silang mahina ang boses sa tuwing magsasalita. Ano kayang sinisekreto nila? Tungkol kaya iyon sa TLC?

Kahit nakita nila akong dalawa, wala man lang silang sinabi sa akin. Ganun ba talaga kaseryoso ang usapan nila para deadmahin lang ako?

Pumunta ako sa kusina para tingnan si Nanay, wala naman sya duon. Siguro bumili sya ng ulam namin.

Maya-maya narinig ko ang pagpasok ni Kuya Austin sa kusina, may bitbit syang isang plastic. Pagkain siguro iyon.

“Maghain ka na, pabalik na si Nanay kasama si Justin. Dagdagan mo ng pinggan, dito kakain ng hapunan si Ivan.” Utos ni Kuya Austin, tulad ng dati seryoso na naman ang panganay kong Kuya.

Wala naman akong palag kaya sinunod ko na lang ang utos nya, nagmadali na rin ako dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Pagdating nila Nanay, magaaya agad akong kumain.

Mukhang nakikiayon sa akin ang pagkakataon, saktong inilapag ko ang lahat sa mesa ng dumating sina Nanay. Isang malaking ‘YES!’ ang sigaw nang mga bulate sa tyan ko. Magpaparty na sila sa loob ng ilang minuto.

Lahat ay nasa hapag na kaya sinimulan na namin ang pagkain. Tuwang-tuwa naman si Kuya Ivan dahil dinamay pa raw sya sa pagkain namin, hindi daw talaga sya tatanggi dahil gutom na rin sya. Kahit seryoso at mukhang problemado palagi si Nanay, nakukuha naman nyang ngumiti sa mga bisita. Tulad na lang ng pagngiti nya sa sinabi ni Kuya Ivan.

“Tita kailan nyo papayagan pagboyfriend-nin si Margarette?” halos maibuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong ni Kuya Ivan. Nasundan naman iyon nang malakas na hagalpakan nang tatlong mahahalagang lalaki sa buhay ko.

“Hay naku! Eh kilos lalaki nga iyan, paano iyan magkakainteres sa lalaki? Saka bata pa ang nagiisang dalaga ko, ewan ko nga ba kung dalaga ko pa iyan. Baka apat na ang lalaki ko hindi ko pa rin namamalayan.” Alam kong hindi biro ang sinabi ni Nanay, lagi nya kasing sinasabi na magpakababae na raw ako.

Kunwari wala na lang akong narinig, pinagpatuloy ko lang ang pagkain kahit na sige ang inom ko nang tubig sa tuwing susubo. Pakiramdam ko kasi mabibilaukan ako sa mga pinagsasabi nila. Mahirap na baka magbara pa ang pagkain sa lalamunan ko.

“Nanay pwede nang magboyfriend si Ate, kaya Ate kapag may nanligaw sa’yo, sagutin mo agad! Malay mo sya lang ang nakapansin na babae ka pala!” Nakisawsaw na naman si bunso, nangalaska pa.

“Tse! Nakisali ka pa.” itinaas ko ang hawak kong tinidor, akmang tutusukin ko sya.

Naalala ko tuloy si Virgo, sabi nya liligawan nya ako. Ano kayang magiging reaksyon ni Nanay kapag nalaman nyang may manliligaw na ako? Ikwento ko kaya sa kanila yung mga nangyari sa arcade shop kanina? Kaso baka hindi pa alam ni Kuya Dustin at Kuya Ivan ang plano nang kaibigan nila. Baka magulat ko sila sa mga nangyari kanina, pati na sina Kuya Austin, Nanay at Justin siguradong hindi nila inaasahan ang ganung pangyayari.

“Kung sakaling may manligaw na sa’yo, papuntahin mo dito sa bahay. Gawin nya nang tama ang panliligaw nya, ayokong sa kalsada ko kayo makikitang magligawan. Mga kabataang ngayon ibang-ba na, hindi marunong rumespeto. Ayoko ng ganun, Margarette.” Isang mahabang paalala ang sinabi ni Kuya Austin.

Tumango na lang ako sa naging paalala ni Kuya Austin, si Kuya Dustin naman tahimik lang at nakikinig. Ngingiti lang sya kapag may nakakatawa sa usapan. Hindi kaya alam na nya ang plano nang kaibigan nya? Ayaw pa nyang ipaalam kina Nanay?

Natapos duon ang usapan kasabay ang hapunan. Inutusan ako ni Nanay na maghugas ng mga pinagkanan, hindi na lang ako umimik at sumunod agad sa utos nya. Hindi ko alam kung bakit ako ganito ngayon. Sinusunod ko ang lahat ng utos nila simula nang makauwi ako galing sa paggala kasama si Virgo.

Dahil kaya sa alam kong may itinatago akong lihim sa kanila tungkol sa panliligaw nang kaibigan ni Kuya Dustin sa akin kaya ako ganito? Kailangan kong magpagood shot sa bahay dahil siguradong mapapagalitan ako ‘pag nalaman nila na may ganung mangyayari.

__________________________

“Isang clash lang ha! May pasok bukas!” Madali kong pinagpipindot ang account details ko para makapasok sa TLC.

Buti na lang nasa bahay pa si Kuya Ivan kaya magkausap sila ni Kuya Dustin. Nawala tuloy ang atensyon ng butihin kong Kuya sa akin, nakaalis ako ng bahay nang matiwasay. Sina Kuya A naman at Justin, lumabas lang saglit para manood ng liga sa barangay. Pareho silang mahilig sa basketball, kung hindi PBA, NBA ang pinapanood ni Kuya A. Paminsan liga sa barangay tulad ngayong gabi.

“Syete! Online ang UFC! May invitation sila!” sigaw ni Aaron, napaangat sya ng dalawang paa sa upuan.

“Dali! Dali! Pasok na lahat may room na!” isa pang bulyaw ni PJ.

“Chalstine, login!” sa hudyat ni Steven sumabay ang pindot ko sa enter button.

May isang hindi pamilyar na username ang kasama sa mga players ng UFC ngayong gabi. Honored_Mistress ang username nya. Babaeng player sya malamang.

“May bagong silang member, ngayon ko lang nakita ang username nya sa UFC.” Halos ingudngod na ni PJ ang mukha nya sa monitor.

Lahat silang apat nagtinginan din, maski ako nagulat sa bagong salta.

“Baka bagong recruit nila, kung ganun weak pa yan! Madaling matalo, mababa pa lang ang level ng character nyan!” kampanteng sabi ni Dave.

“Eh chix yan eh! Baka maganda! Ilang taon na kaya sya?” ngumiti nang malapad si Aaron, mukhang type pang pormahan yung bago ng UFC.

“May maganda din naman sa KFC! Si Chalstine, tomboy nga lang!” nag-apiran silang apat sa sabay tawa nang malakas.

“Mga kumag!” sigaw ko sa kanila.

Pinansin ko ang mga players nang UFC. Kasama nila si Ironic_Volvo, pero may kulang na player. Yung madalas na kasali sa mga clash. Kung saan nanduon si IV (Ironic_Volvo) nanduon din sya. Nakapagtataka wala yung isang player.

Biglang sumagi sa isip ko ang isang bagay.

Nasa bahay nga pala si Kuya Ivan! Malamang sya yung isang member na palaging kasama ni IV, kaya siguro yung isang bagong salta ang naglalaro dahil wala si Kuya Ivan. Hinugot lang siguro tapos itratrain nila.

“Ayan na! Umaatake na!” hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagclick ng mouse, patay na! Si Ironic_Volvo ako na naman ang puntirya!

 

“Bomba! Bomba!” parang mapuputulan ng litid sa leeg si Dave kakasigaw.

“Ang lakas pala nung Mistress!” tila nabilaukan si Steven, sya kasi ang kalaban nung bagong salta.

Nakita ko rin sa screen yung sinasabi nya, oo nga marami syang weapon. Mukhang matagal na syang trained ng UFC, magaling ang skills nya. Mayroon syang isang skill nasa character nya ko lang nakita. Ang astig!

“Kaya mo ‘yan! Si Chalstine nga, si Ironic_Volvo ang kalaban. Panis ‘yang Mistress na ‘yan sa kalaban ni Cha, eh mas malakas ka naman kay Cha!” bigla akong sumulyap kay PJ, tumawa naman sya. Muntikan ko pa syang mamura.

Natapos ang clash nang natalo kami, sayang lang ulit. Pero hindi naman naming gaanong sineryoso ang clash, hindi naman kasi namin ganun kakilala yung bagong player na nakalaban namin.

“Sige bukas na lang ulit!” naghiwa-hiwalay na kami pagdating sa pintuan ng computer shop.

Palabas na ako nang makita ko si Kuya Ivan na papalapit. Hindi pa pala umuuwi sa kanila ang isang ito. Napatingin ako sa wall clock sa loob ng shop, pasado alas onse na.

“Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh! Tara, samahan mo naman akong bumili ng balut dun sa kanto. Ang tamad kasi ng Kuya mo eh, may tinatapos pa kaya hindi makalabas ng bahay nyo.” Hinila ni Kuya Ivan ang braso ko para isama sa pagbili nya.

Isa pa itong kaibigan ni Kuya D, pogi rin naman sya pero mukha ding feeling close. Pareho sila ni Virgo na kung saan-saan na lang ako balak na isama, pero ito rin naman si ako. Nakasunod ang mga paa sa paglalakad nya, wala naman akong magagawa dahil hatak-hatak nya ako.

Medyo madilim na ng mga oras na yun pero ang lakas pa rin ng sapak ng kaibigang ito ni Kuya para lang kumain ng balut. Para syang may uuwiang asawa na bigla na lang inatake ng paglilihi at nagpabili na lang agad-agad ng balut para kainin.

Nakarating kami sa kanto at agad syang bumili. Tatlo ang binili nya, isa sa kanya, para kay Kuya na nagaabang sa bahay at para sa akin yung isa dahil sinamahan ko sya.

Babalik na sana kami sa bahay nang may makita syang lugawan sa gilid nang kalsada. Matagal syang nakatitig duon saka bumaling ng tingin sa akin. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari dahil sa pag ngisi nya. Naku, mukhang food trip pa ito sa madaling araw.

“Lugaw muna tayo!” parang sumangyon ang mga bulate kong alaga, kumulo ang tyan ko kaya kusang loob na akong sumama sa kanya.

Yung totoo, magaan ang loob ko kay Kuya Ivan. Kahit na parang feeling close sya, iba yung pakiramdam ko sa kanya. Para syang isa pang version ni Kuya Dustin.

“Manang yun may laman pareho ha! Tapos may tokwa, bale tig-isa kaming order ng tokwa.” Kumindat sa akin si Kuya Ivan, saka bumalik ng tingin sa nagseserve.

Konti lang ang tao sa lugawan nung mga oras na yun kaya madaling naibigay sa amin ang mga order namin.

 “Kain na Margarette, pabilisan tayo maubos! ‘Di biro lang, kahit isang oras pa tayo dito. Hahaha!” tumawa sya sabay subo ng lugaw.

Dahil feeling ko naman katulad sya ni Kuya Dustin, parang gusto ko na din maging ganun ang turing ko sa kanya. Yung hindi nahihiya.

“Kuya, kailan ka pa naging member ng UFC?” tiningnan nya ako dahil sa tanong ko, muntik pa nyang maibalik ang isinubo na nya sa mangkok.

“Ikaw ha, nag-i-spy ka ba? Pero sige sasagutin ko yang tanong mo, member ako ng UFC kasabay ko nun sina Virgo at Evo. Kaya close kaming tatlo dahil sabay-sabay kaming natrain. At Kuya Dustin mo ang nagtrain sa amin kaya close kami sa kanya.” pagpapaliwanag nya.

Kaya pala close silang apat, talaga pa lang dati pa sila magkakaibigan.

“Oy balita ko, liligawan ka daw ni Virgo? Ikaw ha, magsumbong ka agad sa akin ‘pag may maling ginawa yung lalaking yun sa’yo. Alam mo ayaw sana ni Dustin na paligawan ka kay Virgo, kahit ako din nung nalaman ko. Playboy kasi ang lalaking yun, pero ang ending napapayag nya si Dustin. Ang kondisyon ni Dustin, basta nasaktan ka ni Virgo kalilimutan na nyang magkaibigan sila.” Nalunok ko ata ang isang hiwa ng tokwa dahil sa sinabi ni Kuya Ivan.

Grabe naman pala si Kuya Dustin, mahal talaga nya ako para isaalang-alang nya ang pagkakaibigan nila ni Virgo huwag lang ako masaktan.

“Ewan ko nga ba dun kay Virgillo, este Virgo kasi tinanggap nya ang kondisyon ng Kuya mo. Ibig sabihin gusto ka talaga nya. Pero hindi pa rin ako sigurado, siyempre kaibigan ko yun kaya kilala ko na ang ugali nya pagdating sa mga babae. Malay ko naman, baka ngayon nagiba na. Tutal ibang-iba ka talaga sa mga natipuhan nyang babae, Margarette.” Sinumot ni Kuya Ivan ang lugaw sa mangkok nya pagkasabi nun.

Sa ngayon ang alam ko lang kinakabahan ako tungkol sa ligaw-ligaw na yun. Wala naman kasi talaga akong alam sa ganun, kung anong ginagawa ng lalaki para sa babaeng nililigawan. Bahala na nga, tutal nandyan naman si Kuya Dustin at ngayon ay pati si Kuya Ivan para protektahan ako.

“Salamat Kuya ha! Ikaw? Wala ka bang nililigawan ngayon? Yiee!”panunukso ko sa kanya.

“Wala noh! Pahinga muna ako dyan ngayon, isa pa graduating na ako kaya magaaral muna akong mabuti ‘kuno’. Hahaha!” ang kulit kausap ni Kuya Ivan, ang cool nya!

 

“Weeeh? Hahaha sige Kuya Ivan sabi mo yan ha!” pangungulit ko naman.

Natapos ko na rin ang pagkain ko kaya agad kaming nagbayad saka umalis na sa lugawan. Habang naglalakad pauwi, nagdadaldal pa rin si Kuya Ivan. Sinabihan ko nga syang hinaan ang boses dahil may mga natutulog na. Nagsorry naman sya at sinabing sa amin sya matutulog ngayong gabi. Wala daw kasi syang kasama sa condo nya ng isang linggo. Matuturete daw ang utak nya sa tagal nyang magisa duon.

“Bukas kina Primitivo ako matutulog.” Pagkwekwento nya habang iniilawan ng flashlight ang daan papunta sa eskinita sa amin.

“Sino yun Kuya Ivan?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Ay pasensya ka na, sanay akong tawagin yung mga kolokoy sa real names nila eh. Si Primitivo, ‘yon ang pinanggalingan ng nickname ni Evo. First name nya yun. Si Virgillo, yun naman si Virgo.” Pagkwekwento nya sa mahinang boses.

“Eh ikaw Kuya? Anong real name mo?” Paguusisa ko.

“Inosencio Victorian. Ang tanda pakinggan noh? Kaya Ivan na lang, mas modern at mas poging pakinggan!” tatawa pa sana sya kaso pinigilan ko dahil baka mapalakas ang tawa nya, patay kami sa kapitbahay.

“Oo nga Kuya, mas okay yung Ivan!” natatanaw ko na ang bahay namin, ilang hakbang na lang ang layo.

Binilisan ko na ang lakad, sumunod naman si Kuya Ivan. Inaantok na kasi ako at gusto ko nang matulog, may pasok pa ako bukas.

Bago ako makarating sa pintuan, biglang nagsalita si Kuya Ivan

“Pero Margarette, secret lang natin yung sa mga real names nila ha? Lalo na yung sa real name ni Evo, naku masungit at seryoso pa naman ang isang ‘yon.”

Oo nga, mukhang seryoso si Kuya Evo. Pero ngayon ko lang nalaman na masungit sya, parang hindi naman nung pumunta sila dito sa bahay.

*~~~~~

sacchariferousdream®

Продолжить чтение

Вам также понравится

Whatever: The Full Story (Taglish) Louisse

Подростковая литература

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...