His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[21] Hinalikan

4.2K 193 17
By Yaoistorywriter

L I O N N E

Bente taon na akong nage-exist sa mundong ito. At sa bente-taon na iyon, alam nyo kung ano ang naging buhay ko? Isang alipin. Kumbaga ako ang utusan, ang espiya, ang utu-uto sa pamilya kung saan ako nabibilang ngayon.

Pamilyang alam kong hindi ko tunay na pamilya. Kaya nga nila nagagawa ang bagay na ito sa akin.

At alam nyo kung anong mas nakakatuwa? Ni-hindi ko magawang tumanggi sa lahat ng pinapagawa nila sa akin. Dahil sinabi nila sa akin na tutulungan nila akong mahanap ang tunay kong mga magulang kung susunod ako palagi sa inuutos nila.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa pinangako nila. Pero alam ko rin sa sarili kong unti-unti na akong sumusuko at nawawalan ng pag-asa.

Oo. Isa akong ampon. Nakakalungkot isipin na nagawa akong sukuan ng mga magulang ko noong mga panahong iyon. Marahil akala nila'y tuluyan na akong namatay sa sunog kaya hindi na nila hinanap noon. Isa lang ako noong walong buwang gulang na bata at wala pang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi na nila ako hinanap.

Sa pamilyang kinabibilangan ko ngayon. Noong bago pa lamang ako lumalaki, sabi ko sa sarili ko -- ang swerte-swerte ko at napakadisente ng pamilyang kinalalakihan ko. Bukod doon, mayaman pa. Hanggang sa sila na rin ang nagsabi sa akin na inampon lang nila ako dahil isa ako sa mga nakaligtas na sanggol noon sa kalagitnaan ng malaking sunog.

Mababait naman sila. Oo. Maganda at malusog ang takbo ng buhay nila.

Maganda ang pakikitungo nila. Sa tunay nilang anak na si Lhor.


Syempre, ano pa bang aasahan ko? Hindi talaga magiging patas ang pakikitungo nila. Dahil hindi naman nila ako kamag-anak o kadugo. Noong una, oo, nakakapangselos. Pero nasanay na rin ako. Wala naman akong magagawa. Good thing, itinuring ako ni Lhor na tunay na kapatid. Sobrang lambing at bait niya. Kaya nagsisi ako na napagtaniman ko siya ng sama ng loob.

Ang pinakang problema ko ngayon ay dumating nga sa puntong maging alipin nila ako. Dahil binigyan nila ako ng pag-asang mahanap ang tunay kong mga magulang. And that's because I begged. Ayoko talaga sa kanila. Gusto kong mahanap ang tunay kong pamilya. Gusto ko silang makita. Nakakatangang isipin na inampon-ampon nila ako, tapos tutulungan nila ako ngayong hanapin ang tunay kong mga magulang.

Kaya siguro sila nagbigay ng kondisyon. Isang nakakatangang kondisyon.

Pero sinasabi ko sa inyo, napaka-useless ng pamilyang ito kung wala ako.

"Lionne, still up?" Sabi ni dad sa kabilang linya.

Napalunok ako, then I faked a smile kahit na alam kong hindi niya ito makikita.

"Y-yes dad."

"I'm telling you, act sincere. This is for your future. At kung gusto mo talagang mahanap ang totoong nanay at tatay mo." Sabi nito mula sa kabilang linya.

Napangiti ako ng mapait. 'Diba? Kakasabi ko lang. Isa ako ngayong utusan. Dito sila magaling.

Dahil binigyan nila ako ng isang kondisyon, tinake advantage naman nila.

Ang tatalino.

"Dad, may tanong ako." I asked.

"I'm in a rush"

"Bakit ito pa? Bakit kailangan pa nating gawin 'to? Alam ko namang hanggang ngayon gusto nyo pa ring gumanti. Pero sinasabi ko po sa inyo, kahit ano pang gawin natin, nakamit na natin ang hustisya. Walang may gusto sa nangyari kaya alam kong hindi natutuwa si Lhor sa ginagawa nyo ngayon. Gusto ko nang makita ang tunay kong mga magulang pero sana naman, kahit ito lang -- ipagpaliban nyo na." Mahaba kong sabi.

Dad chuckled. "Lionne, you're a genius. Pero mali ka sa parteng nakamit na natin ang hustisya. I will never meet the justice I've ever wanted kung hindi magdurusa ang pamilya nila. Call me greedy as you want. Pero hindi mo na ako mapipigilan sa gusto kong mangyari."

"Uulitin ko po, walang may gusto sa nangyari. Isa iyong aksidente."

"Kung aksidente iyon, bakit humingi ng patawad ang gagong Vincent na 'yon? Umamin siya noon, Lionne! Umamin siya! Huwag mo akong gaguhin. Akala ba nila sapat na yon para kalimutan ko ang nangyari? Hindi. Kahit kailan, hindi iyon magiging sapat. Gagawa at gagawa ako ng paraan para bumagsak sila. Let's end this, Lionne. Ang dami ko pang gagawin. Huwag mo na akong istorbohin. Kung ayaw mong ituloy yang pinapagawa ko sayo, makakalayas ka na ng puder ko." Sabi nito at pinutol na ang tawag.

Matagal ko nang naiisip ang lumayas sa kanila. Dahil oo, pinag-aral nila ako ng hanggang pangalawang taon ng kolehiyo. Pero sa ngayon, wala pa akong kahit ano. Wala akong pera. Talagang sa kanila pa ako nakadepende. At iniisip ko na worth it ba kung aalis na ako sa kanila. Dahil sakal na sakal na ako sa totoo lang. Pero marami pa rin akong bagay na kailangang i-consider.

Kagaya ng kagustuhan kong makita ang tunay kong pamilya.

Mukhang wala pa akong magagawa sa ngayon.

Marahil ngayon nyo lang ako nakilala sa istoryang ito at sobrang bilis ng pangyayari pero sinasabi ko ngayon sa inyo -- dito pa lang mag-uumpisa ang tunay na kwento.

~*~

K E N


"Bakla, gising. May bisita ka sa labas."

Sabi ng isang babae na wari ko ay ang maganda kong nanay. Unti-unti kong iminulat ang mata ko.

"Sinong bisita nay?" Tanong ko sa kanya.

"Aba, malay ko ba sa kabarkada mo? Hindi ko naman kilala ang taong 'yon. Kumilos ka na kung gusto mo siyang makita."

"Eto na, eto na." Sabi ko at kumilos na ako.

Tumayo ako at naghilamos. Syempre! Nakakahiya naman sa bisita kung magpapakita akong may muta, 'diba?

Lumabas na ako ng bahay at nagulat ako nang makita ko ang gwapong pagmumukha ni Vincent.

Teka lang, kailan pa niya nalaman ang bahay namin?

"Vincent?!"

"Ako nga. Pwede bang sumama ka muna sa akin ngayon? Madali lang. I promise." Sabi niya.

Nagtaka naman ang inyong lingkod sa bigla-biglang pagyayaya nitong si Vincent. Ni hindi pa ako nakakaligo o nakakakain. Teka, dapat ba akong sumama? Biglaan e. Date ba 'to? Char.

"Ngayon na ba? As in?" I asked him.

Nguniti lang siya at tumango.

I sigh, "Ok. Bihis lang ako." Sabi ko at muli akong pumasok ng bahay.

Ang sama nga ng ugali ko eh. Ni hindi ko man lang siya naalok na pumasok sa bahay. Haha. Pero ok lang, mukhang nagmamadali naman siya. So bibilisan ko na lang din para hindi ako ma-guilty.

Nakakatawa. Hindi pa ako completely nakakamove-on na iisa lang si Vincent at Paul. Shucks. Ang dami ko kayang masasamang nasabi kay Paul tungkol kay Vincent! Paanong hindi ako aatakihin ng anxiety? Naloloka na ako!

Tapos biglang may paganito. Hay nako.

Kagabi nga, pagka-uwing pagka-uwi ko from party, napahiga agad ako sa higaan ko at nag-isip. I gave myself time to think. Totoo ba 'to? Hindi ba nananaginip lang ako?

Parang bigla tuloy akong na-miss. Si Paul. Ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko na makikita si Paul.

Unless, sabihin ko kay Vincent na mag anyong Paul siya. Nakakaloka naman 'yon. Ang scripted. Gusto ko, yung hindi ko ineexpect na magpapakita sya sa akin.

Hehe. Ang corny pero wala lang. Naging part na rin kasi siya ng buhay ko kahit papaano. Sana dumating ang time na 'yon.

And now that I am already aware na wala talagang nage-exist na Paul, at siya si Vincent? Gusto ko pa rin ba siya? Paano na 'to?

Pero ako rin ang sumagot. Naisip ko, mukhang ang babaw ko naman kung buburahin ko kaagad ang nararamdaman ko. Hindi kaya biro ang mainlove. Siguro, unti-unti ko na lang tatanggapin si Vincent. Siya na rin naman mismo ang nagsabi sa akin na kaya niya mag-adjust. If he can, I think I can as well.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin ako kaagad. Now that I can see Vincent's charming smile as I walk towards him, mukhang wala talaga akong choice kundi mahulog at mahulog sa kanya.

"Wow, ang gara mo." Bungad niya sa akin.

"Naman. Naghanda lang, mamaya date pala--"

"Date?" Sabi niya na nagpatigil niya sa akin.

"Oo. Baka kasi kung may anong event ngayong date na 'to eh. Date, as in petsa. Ikaw naman kung anu-ano iniisip." Defensive kong sabi.

"Huh? Wala naman akong sinasabi. Ikaw 'tong kung ano-ano iniisip." Sabi niya.

"Hay nako, halika na nga! May gagawin pa ako mamaya pagbalik ko!" Sabi ko at akmang palakad na.

"Halikan na? Nagpapahalik ka sakin?" Sabi niya.

Napatigil ako at tumingin ako kay Vincent. He's grinning widely. At, sa hindi ko malamang kadahilanan, I can feel na hindi genuine ang ngiti niya. He has something in his eyes. Hindi ko mawari kung ano.

"Pag sinabi kong oo, gagawin mo ba?" I asked him.

"Pag sinabi kong oo, magpapalik ka ba?" Balik tanong niya.

I nodded but my response is "No."

Oo, self. Lokohin mo pa sarili mo.

"Ang gulo mo. Tara na nga. Baka mamaya hindi lang kita mahalikan, ma-rape pa kita."

Bago pa magsink-in sa utak ko 'yung sinabi niya, nahila na niya ako pasakay ng kotse niya.

~*~


"Nandito na tayo." Sabi ni Vincent.

Lumabas na kami ng kotse niya at nagulat ako nang makita kong nandito kami sa bahay nila. Nakapunta na ako dito once. Noong nagpractice kami ng hiphop.

And I'm wondering kung bakit dinala niya ako ngayon dito.

"Anong ginagawa natin dito?" I asked him.

Hindi siya nagsalita. Instead, kinuha niya ang aking kamay at dinala niya ako sa loob ng kanilang bahay.

Pagkapasok namin ay bunungad sa akin ang kanyang dad at isang babae. Isang pamilyar na babae.

"Nakikita nyo itong taong 'to?" Sabi ni Vincent at tinuro niya ako.

"Sa kanya na ako. At hindi na ako papayag ngayon na may humadlang na naman sa akin. Ayokong maulit na naman ang dati. Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang taong hindi ko lubos nakilala."

Sabi ni Vincent.

Sa lahat ng sinabi niya, kasal, hadlang, at kanya lang ang pumasok sa isip ko. Wala akong maintindihan. Naguguluhan ako.

"Vincent.. I know. Alam na alam ko na ang mangyayari. Kung ang mommy mo nga, hindi ko nautusan ang puso nyang mahalin ako. Malamang, hindi ko rin magagawa iyon sa'yo. That's why, hahayaan na kita. Kung ayaw mo, then, I'll let you. Hindi naman kita pipilitin. Pero hahayaan rin kita kung magbabago ang isip mo. Gusto ko lang malaman mo na wala akong balak pigilan ka sa nararamdaman mo dahil anak kita." Sabi ng dad niya.

"D-dad.."

"Para saan pa't malulugi at malulugi rin naman ang kumpanya natin. Makakapag-umpisa naman tayo ng panibago. Naumpisahan ko nga, 'diba? Ano na 'yung gawin ko uli ang ginawa ko dati. Kung kapakanan mo ang iisipin ko, hindi ako magdadalawang isipin na isuko ang matagal ko nang naipundar."

"Dad.."

"It's ok, Vincent. Don't think too much. Lionne, I'm really sorry to say this but we're declining the offer. At isa pa, my son won't admit he's guilty. Dahil naniniwala akong wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Lhor. You can go back, ihahatid na kita. Baka mapaano ka pa." Sabi ng dad niya at inalalayan na niya yung babaeng maputla. Mukhang may sakit ito. Umalis na sila.

Kaming dalawa na lang ni Vincent ang natira dito sa kanilang sala.

I can see Vincent in mere confusion. Alam kong ang dami niyang iniisip sa ngayon.

Maya-maya ay may nakita siyang isang papel sa may lamesita. Kinuha niya ito at binasa. At mula sa kanyang ekspresyon, ramdam kong lalo siyang naguluhan. Gusto ko siyang kausapin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya dahil kahit ako ay naguguluhan na.

Unti-unti siyang tumingin sa akin. I thought may sasabihin siya. But instead, hinalikan niya ako. One, passionate kiss.

Kung may isang bagay na magpapawala sa lahat ng kaguluhan sa isip ko, iyon ay ang kanyang halik.

---

Continue Reading

You'll Also Like

685K 17K 59
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
142K 9.3K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?
322K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!