His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[19] Realized

3.9K 235 21
By Yaoistorywriter


K E N

Kanina noong nasa bahay pa ako, naa-anxious ako. Ang dami kong iniisip. Kasi, you know, hindi ko alam kung dapat ko ba talagang ituloy ang balak kong gawin ngayon.

Ang balak kong sabihin kay Paul. Hindi ba ako nahihibang? Gusto ko ba talaga 'tong gawin?

Gusto ko ba talaga si Paul?

He's mysterious. Ewan ko ba. Oo, ang konti pa lang ng time na nagkakasama kami pero eto ako at hulog na agad sa kanya. Totoo pala talaga na ang love ay walang timeline. Hindi mo mape-predict kung kailan ka ba dapat mahuhulog. O mai-inlove. Kusa kang maf-fall at kapag nangyari iyon sa pinakamadaling panahon, ang malas mo. Kasi maghahanap ka pa ng dahilan kung bakit ka nahulog sa taong 'yon.

In my case, do I still have to find reasons why I fell for Paul?

"P-paul?" I stuttered.

Ngumiti si Paul at iniabot na sa akin ang DSLR na hinahanap ko. Eto kasing si manyak eh.

"Salamat." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong napatingin si Paul sa taong kasama ko.

"Ahm, Ms. Beautiful. Una na ako. Baka hinahanap na ako ni pres." Sabi ni manyak at umalis na siya.

Kaming dalawa na lang ni Paul ang natira dito sa may gate dahil halos lahat ng estudyante ay nasa loob na ng hall.

Paul faked a cough, "Ahem. Ken,"

"Yep?"

"Sino 'yun? Jowa mo? Nakita ko kasi yung ginawa nya kanina." He said out of concern.

"Ahh. Wala yun. CSC auditor. Gago talaga 'yung hayop na 'yon. Haha." Sabi ko sa kanya at nag-umpisa na kaming maglakad.

"Hinahayaan mo lang na ginaganun-ganun ka?" Sabi nya.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya. He's serious.

Wait. Concern ba talaga siya? Nakakakilig naman. Shete. O baka naman natanong lang niya? Hay nako.

"Hindi ah, kaya ko nga sya nahampas ng bag, diba? Nakita mo naman siguro." Sabi ko sa kanya.

He smiled, "Well."

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. I don't think na concern si Paul sa akin dahil he sort of somewhat liking me. Tingin ko, concern sya dahil kilala nya ako.

"By the way, nasabi mo last time na may sasabihin ka sa akin sa party -- I mean -- ngayon, 'di ba? Actually umattend lang ako dahil doon. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganito." Sabi ni Paul.

Medyo natigilan ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Bigla ulit akong kinabahan. Ano ba naman 'yan, Paul! Masyado mo na akong pinapaasa!

O baka hindi. I think nag-eexpect ng iba si Paul. Patay tayo diyan. Siguro iniisip nya na may ibibigay ako sa kanya. Wala pa naman akong pera. Charot lang.

Paano kaya pag nalaman na niya? Matutuwa kaya siya? Ikakahiya kaya nya ako kagaya ng mga napapanood ko sa tv o nababasa ko sa mga libro? Iiwasan nya kaya ako?

Tingin ko hindi naman. Oo, konting time ko pa lang nakakasama si Paul pero nase-sense ko na hindi naman siya ganoong tao.

"Really? Then, tara na. Mamaya ko na lang sasabihin." Sabi ko sa kanya at nginitian ko sya. He smiled back.

Naku Paul. Sana hindi pera ang ine-expect mo sa akin.

~*~

Nandito na ako ngayon sa may unahan malapit sa stage for documentation. You know, duty ko ang magpiktyur-piktyur ngayon. Nandito na rin ang lahat ng estudyante sa loob ng hall for the opening ceremony.

And yeah, actually nag-uumpisa na. Nakapag Lupang Hinirang na, mga chenes message and so so.

Napatingin ako sa event plan na hawak ko. Sabi dito, bago umpisahan ang first part ng party ay may magi-intermission na nursing student. Nai-intriga ako sa nursing student na 'to dahil heart throb daw ito. Sus. Totoo ba?

"Good evening everyone! Welcome to SML's Golden Party!" Sabi nung emcee at naghiyawan naman ang mga balugang estudyante.

"This party is the final part of our university's 50th anniversary celebration. Kaya naman, enjoy lang tayo mga kuys! And to lift our moods up as we step forward to this event, let's wrap up through the last numberee's serenade. Let's give him a round of applause!"

Inihanda ko na ang aking DSLR. Ok, Ken. Keri mo 'yan. Matatapos rin yang trabaho mo.

Naglakad na ang lalaking nursing na magpeperform sa stage. Sabi nila heartthrob daw 'tong isang 'to. Wait. Ang weird naman ng buhok nya para maging heartthrob! He even wear glasses. He also seems familiar. Parang Paul ang pormahan nya. So tell me, pano naging heartthrob 'yan?

Napatingin sa gawi ko 'yung lalaki. He smiled. Ok, get's ko na. Kaya pala familiar kasi siya talaga si Paul. At anong ginagawa niya diyan?

"Alam ko, wala akong time machine o kahit anong special ability para ibalik ang nakaraan. Pero ngayon, masasabi ko na sa sarili ko na I already moved on. Kaya hindi ko na kailangang bumalik pa dahil simula ngayon, magf-focus na ako sa kasalukuyan. I have to open my heart for a new chapter. For someone. Guys, I have a question. May mga mahal ba kayo sa buhay?" Sabi niya. Naghiyawan muli ang mga estudyate

Malamang meron! Ano bang ginagawa niya? Magde-declamation ba siya?

"I know, meron. Sorry for the vague question. So, I'm dedicating this song for someone na hindi ko alam, unti-unti ko na palang minamahal. I don't know. Am I stupid? Am I dumb? I fell, at hindi ko alam ngayon kung nasaang kondisyon na ako. But one thing is for sure...somehow, I have learned to love again." He said, then smiled.

At saka tumugtog ang intro ng instrumental ng kanyang kakantahin.

I suddenly heard a continuous beat. At hindi ako manhid para hindi ko malamang sa akin nanggagaling ang tunog na 'yon.

"Kung may taong dapat na,
Mahalin ay walang iba
Kundi ikaw.
Wala ng ibang makakapigil
Pa sa akin"

Kanta niya. Sumabay ang ibang estudyante sa pagkanta.

Paul, why are you doing this to me? Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Grabe. Ang lakas ng tama ko sa kanya. Kababawan ba 'to? Tingin ko hindi. Haaay.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Paul. He may be the weirdest person for anybody out there, for me -- he's the most unique and charming. May mga tao man na ngayon lang nalaman ang existence niya, para sa akin ay nagniningning siya.

"Binuhay mong muli ang takbo,
At tibok ng puso
Sa 'yong pagmamahal
Ang buhay ko'y muling nag-iba,
Napuno ng saya"

He has a nice voice. Sobrang soft, warm at ang gwapo ng dating. May ganito pala siyang side. 'Yung ang confident niyang tingnan sa harap ng maraming tao kahit na ang aloof aloof niyang tao.

Naalala ko tuloy bigla si Renz. Parehas kasi sila ng vocal range. 'Yung ang gwapo ng dating. They also have the same aura on stage. May pagkagaspang lang talaga si Renz.

Ganitong ganito. Ganitong ganito ang nangyari noon. Kumanta si Renz sa isang event sa school dati na nakalimutan ko na. Noong time na 'yun, inlababo pa ako sa kanya kaya naman feel na feel ko na ako ang kinakantahan nya.

Syempre, tamang daydreaming lang ako noon. Kasi alam ko naman na hindi ako ang kinakantahan nya noon kundi ang babaeng nakapwesto sa harap ko.

I felt so hopeless that time. Tingin ko sa sarili ko nun, ang baba. Walang pag-asa. At sa pagkalagapak ko, iniyakan ko pa siya. Kasi diba, sino ba naman ako? Walang katapusang kabigan. Napaka-cliché. At sumahin man natin ang lahat ay babae pa rin ang makakabihag sa puso niya.

Doon ko naisipan na sumuko na. Alam ko kasi na wala nang mangyayari. Na walang kahahantungan ang kabaliwan ko. Kaya naman pinilit kong burahin ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero may plot twist ang kwentong 'yan. Sa akin daw talaga siya nakatingin noong kumakanta siya. Hindi dun sa babae. Hindi daw niya 'yun kilala. Kinuwento niya sa akin 'yun dati, nakalimutan ko lang kung kelan. O diba, ang galing? Nag-iiyak pa man din ako.

"Mahal na mahal kita,
Higit pa sa iniisip mo.."

Napatingin ako sa stage. I caught Paul staring at me.

My heart skipped a beat. Sana this time, totoo na ang interpretation ko. Kasi umaasa na talaga ako. At ayoko nang mangyari ang nangyari dati.

I took a photo of him at umalis na ako doon. Tapos na rin naman siyang magperform.

Narinig ko na rin na sinabi nung emcee na umpisa na ng first part ng party. Then, dinner.

Hinanap ko na ang presidente namin at binigay ko na ang DSLR. I told him na tapos na ako sa duty ko. Sila na lang magpicture ng during and after event.

At dahil alam kong wala akong mapapala sa hall kaka-party dance at wala rin namang magbabalak sa akin na magsayaw doon, maggagala na lang muna ako dito sa labas.

Hay nakoo. Alone na naman ako. Usually sa mga ganitong pagkakataon, si Renz ang nakakasama ko. At dahil wala siya ay mag-isa lang ako ngayon. You know, hindi kasi ako palakaibigan. Pili lang talaga ang mga nagiging kaibigan ko. 'Yung iba pa may kanya-kanyang tropahan. Ako kasi 'yung tipong freelance student. Ina-approach ko kahit sino but I'm not into tropahan tropahan. A friendship like Renz, ok na ako.

Ang ganda ng paglalakad ko dito nang biglang mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng puno. At dahil medyo madilim ay natakot ako. Nakakita kasi ako ng usok. Feeling ko naninigarilyo 'yung lalaki. Hindi kaya kapre 'yan?

Kahit natatakot na ako ay naglakas loob pa rin akong lumapit then I saw...Paul?

Teka, naninigarilyo si Paul?

Kung sabagay. Mukha lang siyang wholesome pero may habits rin siya. Hindi naman ako na-turn off. Actually turn on pa nga eh. Haha, ewan ko ba.

Nilapitan ko si Paul at bigla naman niyang itinapon ang sigarilyo niya. I smiled at him.

"Ok lang. Di naman kita jowa para pigilan sa gusto mo." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at nginitian niya ako. Biglang may nag-flash na image sa isip ko.

Isang ngiti. Familiar ang ngiti niya. Bakit kaya? Nakita ko na ba 'yon? Kung oo, kanino? Baka naman sa kanya rin.

"Thank you for the understanding, Ken." Sabi niya.

Ngumiti lang ako at tinabihan ko siya. Sumandal ako sa puno st tumingin sa langit.

"Paul, sasabihin ko na sa'yo." I told him.

Ginaya niya ako. Sumandal din siya sa puno st tumingin sa langit.

"Sige. Ano ba 'yun?" He asked.

Bigla ulit ako kinabahan. Eto na naman ako, naa-anxious na naman. Bakit ba kasi ganito? Ang daming "paano kung" ang pumapasok sa isip ko.

Paano kung magalit siya? Kung hindi siya magsalita? I'll take time.

"May isang taong nagkakagusto sa'yo. And that's..." I paused, at tumingin ako sa kanya, "...me."

Natahimik kaming dalawa. Walang nagsalita sa amin. Hindi siya tumingin sa akin. Ni hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya.

Tingin ko, alam ko na.

I knew it. Nandito na ako point na feeling ko plakda na naman ako. Pero handa ako rito.

"'Wag kang magsasalita, Paul. I just need you to listen to me. Oo, nahulog ako sa'yo. Nakakatawa nga eh, kasi ang bilis. At ang kapal din ng mukha ko para umamin at sabihin lahat 'to sa'yo. Siguro kasi, alam kong iba ka? Kasi malakas ang loob ko sa harap mo? Pero akala ko lang 'yon. Dahil ngayon, hindi mo alam kung gaano ako kumuha ng lakas ng loob para makapagsalita dito sa harap mo. Ang gusto ko lang namang mangyari ay masabi ang gusto kong sabihin dahil ayokong maulit uli 'yung dati. 'Yun lang, Paul. I like you, nothing more I wanna say." Sabi ko sa kanya.

And then, umalis na ako sa harapan niya. Hindi dahil alam kong rejected ako. Kundi dahil ayokong makita ang magiging reaction niya.

Good thing is, hindi niya ako sinusundan.

Thank you, Paul. Thank you for letting me take my time.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapansin kong nandito na ako sa may pool area ng university. Thanks God at walang tao dito.

Umupo ako sa gilid at saka lang nagsink-in sa utak ko ang lahat ng pinaggagawa ko sa buhay ko.

Damn, Ken! Anong ginawa mo? Umamin ka ba talaga? If yes, first time mo 'yun! Wow, big time! Di na virgin si heart.

Di na naman talaga virgin si heart. Pangalawang beses nya na 'tong mahulog.

"This is the perfect time." Rinig kong sabi ng isang babae mula sa likod.

Nilingon ko ito at nakita ko babaeng na-encounter ko noon sa cafeteria. 'Yung babaeng kung anu-anong sinabi sa akin. 'Yung babaeng muntikan akong sampalin ngunit hindi natuloy dahil dumating si Vincent.

"Mukhang makakabawi na ako. Mabuti at ikaw na mismo ang sumadya dito," sabi niya at lumapit siya sa akin.

Akmang itutulak niya ako ay tinulak ko rin siya. Hindi kasi ako marunong lumangoy kaya naman stimuli ko na na matulak siya ng malakas.

"Hindi ka pa rin talaga nadadala, 'no?" Sabi niya at unti-unti siyang tumayo.

Tumayo na rin ako at akmang paalis na nang bigla niya akong sabunutan at sampalin ng malakas.

Napahawak ako sa pisngi ko. Parang bigla itong namanhid sa lakas ng impact.

"Kulang pa 'yan. Kapalit ng pagpapahiyang ginawa mo sa akin noon," sabi niya.

Maya-maya ay bigla ulit may dumating. Akala ko isa sa mga alagad niya. But no.

It's Paul. Mukhang mali ako. Kung hindi niya ako sinundan, bakit nandito siya? Nagkataon lang?

"Isa ka pa?! Umalis ka na dito at isara mo 'yang bibig mo kung ayaw mong madamay." Sabi nitong babae at bigla ulit akong sinabunutan.

Ni-hindi na ako nakadaing. I signed at Paul na umalis na para hindi na siya madamay. Kung tutuusin kaya ko na namang i-handle 'to.

"Itigil mo 'yan." Matigas na sabi ni Paul.

Wait. This is the first time na makita kong seryoso at galit si Paul. Nararamdaman ko dahil sa paraan ng pagtitig niya.

"Inuutusan mo ako? Eh parehas kayo nitong talunan eh," sabi nitong babae at mas lalong hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin. Napapikit ako sa hapdi ng anit ko.

Lumapit si Paul sa amin at hinawakan niya ako. Pinilit niya akong agawin mula dito sa babae at oo, masakit ang ginagawa nila. Halos pag-agawan nila ako.

I ended at Paul. Dahil lalaki siya, mas malakas ang puwersa niya kesa sa babae. Kaya naman sa kanya ako napunta.

"Gusto mo talagang madamay eh, no?" Sabi noong babae at akmang susugod siya papunta sa amin.

Hinawakan ko ng mahigpit si Paul.

"Tara na Paul. Wag na nating palakihin pa 'to." Sabi ko at hinigit ko na siya palayo sa pool pero napahinto rin ako.

Maging 'yung babae ay napahinto rin.

Paul's into something. May tinanggal siya mula sa mukha niya. Tinanggal niya ang kanyang suot-suot na glass. Tinanggal rin niya ang kanyang retainer. Maging ang plastic mask na...ngayon ko lang nalaman na meron pala siya.

And lastly...he removed his wig.

At halos hindi ako makagalaw ngayon sa nakikita ko. Ibang tao. Nag-ibang tao si Paul. Nawala si Paul. Hindi na siya ang taong hinahawakan ko ngayon.

Kundi si Vincent Saavedra. Wait. Vincent Saavedra?

"I told you this. Na makita pa kitang sinaktan ang batang 'to," Vincent pointed at me, "hindi talaga ako magdadalawang isip na pumatol sa babaeng kagaya mo." Sabi niya.

Lumapit siya doon sa babae at walang mintis, itinulak niya ito sa pool.

The girl screamed and cried for help. But I'm not alerted.

I'm more alerted to what I have just realized.

Na hindi ako kay Paul umamin ng nararamdaman ko. Kundi kay Vincent Saavedra.

---


A/N. Sorry po sa delay. Ito po mej mahabang update. I mean, mej mahaba than usual. 😂 Pambawi lang po.

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 2.3K 17
Paano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan...
307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO
548K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...