Her Debt

By chiefheinous

188K 3K 182

To be with her. To take care of her. To give her chocolates everyday. To cherish her. To treat her as a queen... More

Paalala
SIMULA
PAYMENT 1
PAYMENT 2
PAYMENT 3
PAYMENT 4
PAYMENT 5
PAYMENT 6
PAYMENT 7
PAYMENT 8
PAYMENT 9
PAYMENT 10
PAYMENT 11
PAYMENT 12
PAYMENT 13
PAYMENT 14
PAYMENT 15
PAYMENT 16
PAYMENT 17
PAYMENT 18
PAYMENT 19
PAYMENT 20
PAYMENT 21
PAYMENT 22
PAYMENT 23
PAYMENT 24
PAYMENT 25
PAYMENT 26
PAYMENT 27
PAYMENT 28
PAYMENT 29
PAYMENT 30
PAYMENT 31
PAYMENT 32
PAYMENT 33
PAYMENT 34
PAYMENT 35
PAYMENT 37
PAYMENT 38
PAYMENT 39
PAYMENT 40
PAYMENT 41
PAYMENT 42
PAYMENT 43
PAYMENT 44
WAKAS

PAYMENT 36

3.3K 53 0
By chiefheinous

Inis akong umirap dito habang ito ay matamang nakatitig lang sakin. Tatayo na sana ako pero agad ako nitong hinila palapit sakanya.

"Ano ba!?"

Sinamaan ko ito ng tingin pero seryoso lang 'tong nakatitig sakin. Kaasar! Simula pagkagising ko ganyan na siya. Nakatingin lang talaga siya sakin.

"Today's holiday," blankong saad nito.

Tinaasan ko ito ng kilay at umayos ng upo. "So?"

Bahagya ko ding winasiwas ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at umayos ng upo.

"Let's make out," nakangising saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko at napalayo sakanya. "Ayoko! Ang aga-aga puro kabastusan naiisip mo!" Sinamaan ko pa 'to ng tingin.

"What? I said let's go out. Anong bastos dun? Baka..." Nakangisi niya ulit saad. "Ikaw ang may gusto."

Namula ako sa sinabi nito. Pero yung pagkakarinig ko talaga. Tsk! Baka kulang pa nga ako sa tulog! Kainis.

I heard him chuckled kaya agad bumalik ang tingin ko dito na mataman ulit akong tinitignan. Kahit naiilang sa klase ng titig niya ay hindi ako nagpadala, hindi pwede.

"You want? It's fine with me then."

Inis akong tumayo at nameywang sa harap niya. "Heh! Kahit ano pa yan ayoko!"

Sa inis ko parang gusto kong kumuha ng gunting at guputin yung damit niya! Este yung leeg niya!

"Come on. Date me, Mindy."

Tinignan ko 'to na prenteng nakaupo sa sofa. Nakadantay pa ang braso niya sa sofa na lalong nagdedepina ng braso niyang bakat na bakat sa suot niyang shirt.

"Stop drooling."

Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Drooling drooling ka dyan! Hindi kaya!"

Ngumisi lang 'to sakin at sa isang iglap ay nahila na ko nito paupo sa kandungan niya. Napasinghap ako sa bilis niya.

"So? Can you date me now?"

Para akong nahihipnotismo sa nakakatuliro niyang bango. Bakit ganto?

"It's a yes?"

Nakatingin lang ako dito habang nagnanakaw ito ng halik sa pisngi ko. Is it a yes? Yes? Yes!

No! Hindi pwede!

Bahagya kong nilayo ang mukha ko sa kanya. Napatingin ito sakin at ngumiti.

"Where do you wanna go? I heard there's a new restaurant nearby."

Tumikhim ako. "May... may lakad kasi kami ni..."

Umiwas ako ng tingin dito dahil... dahil... aish! Bakit nga ba!? Bakit ba kinakabahan ako ng ganto! Bakit!? Nakakainis na hindi ko sakanya masabi ng tuloy-tuloy!

"Who? Blair? Nanay mo? I can accompany you then?"

Nangilabot ang buong sistema ko ng maramdaman ang haplos niya sa bewang ko. Napatingin ako dito pero agad din umiwas ng tingin.

Tumikhim ulit ako at tumingin sa bintana. "May lakad kami ni... Kaine."

Biglang huminto ang paghaplos niya sa bewang ko at nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Kahit anong pilit kong wag tumingin dito ay hindi ko mapigilan.

Parang nakahinga ako ng maluwag ng makitang blanko lang ang ekspresyon nito. Ewan ko ba. Parang... parang natatakot ako sa makikita kong ekspresyon sakanya.

"How 'bout tomorrow? I'll pick you up after work."

Parang nanlamig ako sa kalamigan ng boses niya. Napalunok ako.

"May lakad din kasi kami ni Kaine bukas."

"Then the day after tomorrow?"

Napalunok ako. "Ano kasi..."

"The next next next day?"

"Baka kasi..."

"Five days from now?"

Stop it please...

"Gray..."

"Next week?"

Napalunok ako. Parang namumuo na naman ang galit sa loob ko. Naiinis ako!

"No. Hindi pwede," madiin na saad ko.

"Then when?"

Inis akong tumayo sa pagkakaupo sa kandungan niya. "Diba sabi mo hindi ka magrereklamo? Sabi mo handa kang maghintay?"

Nagpupuyos na naman ako sa galit lalo na nang magtama ang paningin namin. Ang kaninang blankong ekspresyon niya ay nahaluan ng kalungkutan.

"Then... then just call me if you have free time..."

I saw him tauten his jaw and his fist is clenched as well. Nakabaling ang mukha nito sa kabilang direksyon.

"See you when I'm bored then."

Hindi ko na 'to hinintay pa at umalis na agad. Ayoko na ding alamin kung anong naging reaksyon niya. All I know is that I have to be stiff to him.

"Saan ka galing?"

Napalunok ako. "Umuwi lang ako saglit."

Dumiin ang pagkakahawak ko sa daliri ko. Hindi ko din tinangkang salubungin ang mga titig niya.

"Dito ka natulog?"

Tumango-tango ako dito. Bahagya ko ding sinulyapan ito na malamig na nakatingin sakin.

Nagulat ako ng bigla niyang ibagsak ang kamay sa lamesa ng buong pwersa.

"Wag mo kong ginagago!"

Lalo akong kinabahan ng bumaling sakin ang nag-aapoy na tingin nito. "Nagising ako nung umalis ka! Pinuntahan kita sa condo mo kanina pero wala ka. Saan ka galing?"

Napalunok ako ng ilang ulit at napatingin sa mga daliri ko.

"Uulitin ko... saan ka galing?" Madiin na saad nito.

Nanatili akong nakatingin sa daliri ko at hindi makaimik.

Bigla itong tumawa. "Kay Gray? Kay Gray na naman!? Wala ka ba talagang balak seryosohin ako!?"

"Kaine mal---"

"Umalis ka na lang."

Tumalikod ito sakin at padabog na sinara ang pinto ng kwarto niya. Napabuntong hininga ako at napaupo.

Paano ko 'to maaayos? Napahilamos ako sa mukha ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito at kahit anong pigil ko ay binuksan ko pa rin ang mensahe niya.

From: Gray the fucker

Call me anytime. I love you.

Napahawak ako sa dibdib ko at bahagya itong hinampas. Huminga ako ng malalim at binalewala ang mensahe ni Gray.

Tinignan ko ang pintuan ng kwarto ni Kaine. Bahala na nga.

Pagbukas ko ng kwarto niya ay nadatnan ko 'tong nakaharap sa malapad na bintana. Nagulat ako ng makita ko ang sigarilyong nakaipit sa mga daliri nito.

Agad akong lumapit dito at hinablot ang sigarilyo sa kamay niya. "Kelan ka pa natuto manigarilyo!?"

Blanko lang akong tinignan at kukuha sana ulit ng isa pa pero agad kong kinuha ang kahon.

"Ano ba!?" Asik nito.

Tinapatan ko ang sama ng tingin nito. Tinaas ko ang box ng sigarilyo at tinapon sa labas ng bintana.

"Umayos ka, Kaine."

Ngumisi ito. "Dapat yata ako nagsasabi sayo niyan."

"Edi kung magiging ganyan ka rin naman pala tapusin na lang natin 'to ng tuluyan!"

Pikon na pikon na ko. Pikon na pikon na ko sa mga pinaggagawa niya. Nakakainis na.

He gave me his caliginous stare. "Tsk. Tara na."

Nagulat ako ng kunin nito ang kamay ko at pagsalikupin ang mga kamay namin. Nagpatangay lang ako dito hanggang sa parking lot.

Ito na yun. Maayos na siguro namin 'to. Pero bakit? Bakit ganto yung nararamdaman ko?

"Saan mo gusto?"

Tinignan ko lang 'to. Tinitigan ko siya mabuti. Hindi ko namalayan na ang kamay ko ay napunta na pala sa pisngi nito at bahagyang hinahaplos ang pisngi niya.

Bakit... bakit wala akong maramdaman?

"How 'bout Ozie?" Biglang sabi nito.

Umiwas ito sa haplos ko at nagsimulang magmaneho. Hinayaan ko na lang siya at tumingin sa bintana.

It feels right but it also feels wrong. Bakit ganito? Buo na ang desisyon ko... diba?

Napakunot noo ako ng makita ang isang pamilyar na kotseng nakasunod samin.

"Tara na."

Kunot noo akong bumaba sa kotse. Anong ginagawa niya dito? Bakit niya kami sinusundan?

Lumapit ako kay Kaine at pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Ngumiti pa ko dito bago naglakad papasok ng entrance.

Pasimple akong lumingon sa likod pero mukhang wala itong balak lumabas sa kotse.

"Okay ka lang?"

Lumingon ako kay Kaine at ngumiti dito. Nauna na kong umupo dahil siya ang oorder para saamin. Sinadya ko talagang pumwesto paharap dun sa glass wall kung saan tanaw ko ang mga nakaparadang kotse.

Pasimpleng tumingin ako sa paligid tsaka na rin sa labas. Sigurado na ko! Siya nga yun.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba siya sumusunod samin?

Dumating si Kaine na may hawak na tray. Diretso lang 'tong nakatingin sakin habang magkatapat kami. Pilit akong ngumiti dito at napainom sa frappe na binili niya.

Nagkwekwento ako dito kahit kadalasan ay puro tango lang ang sagot nito. Pasimple ko ding sinusulyapan ang kotse sa labas.

"Come on. Ihahatid na kita. May meeting pa ko."

"Pero holiday ngayon," nakasimangot na saad ko dito.

"I need to work," blankong saad nito.

Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi pabayaan na lang siya. He's still cold and distance at alam kong galit pa rin siya sakin hanggang ngayon.

Sabay kaming lumabas ng Ozie at bago makarating sa kotse ni Kaine ay dadaanan namin ang kotseng yun kaya mas dumikit ako kay Kaine at hinawakan ang kamay nito.

Pinatunog ni Kaine ang sasakyan at akmang papasok ng bigla akong nakaisip ng kalokohan at hinila siya palapit saakin. Tumingkayad ako para maabot ang labi niya at hinalikan siya ng mariin. Naramdaman kong nanigas ito sa kinatatayuan niya pero kalaunan ay sumabay na sa paraan ng paghalik ko sakanya. Sinigurado ko ding kitang-kita ng taong yun ang ginagawa namin.

Nakarinig ako ng pagtunog ng makina at namalayan ko na lang na humarurot na 'to paalis. Tinanaw ko pa ito pagkabitaw ni Kaine sa labi ko hanggang sa mawala na 'to ng tuluyan sa paningin ko.

Nabalik ang tingin ko kay Kaine na ngayon ay nakaawang ang labi habang nakatitig sa labi ko. Tama. Tama lang ang ginawa ko. Dapat kong ipamukha sakanya na may iba na kong mahal.

"Don't take advantage of me, love. Alam mo namang kahinaan ko ang labi mo."

Ngumiti ako dito at niyakap siya ng mahigpit. Gumanti ito ng yakap sakin at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko.

"Wag ka ng makikipagkita kay Gray kahit kelan. Please, love..."

Nakaramdam ako ng matinding kirot sa sinabi ni Kaine pero pilit akong tumango. Ayun naman talaga ang plano ko.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sakin at mataman akong tinignan. "Promise me."

"Promise."

And this time, tutuparin ko na ang pangako kong iyon. Hinding-hindi na ulit ako makikipagkita kay Gray. Ngumiti ang lalaking nasa harap ko kaya napangiti din ako. I miss his smile, ang ngiti niyang nagpapagaan ng loob ko.

Sumaya ang puso ko ng makita ang ngiti ni Kaine. Ilang araw ko ding hindi nasilayan ang maganda niyang ngiti kaya masaya akong nakangiti siya ngayon sa harap ko.

Masaya ako pagmasaya siya, nalulungkot ako pagmalungkot siya at mas nasasaktan ako pagnasasaktan ko siya. Mahal ko kasi siya.

I'm Mindy Jane Espeilla, and I won't break my promise to you, my love.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 75 51
Armed Forces Series 1: Black Eagle Commando Pietro Naeim Xodriga, Captain of the Military Special Force- Black Eagle Commando has constantly crossed...
37.2K 918 23
Emmanuel Van Morgan Morgan Series #3 ✅ kisstelm 2020 2020 Story ▪️Completed ▪️
230K 7.4K 54
"She was an ugly intruder who stole his heart" Master Jerk's goal is to get rid of the ugly intruder on their house and make her regret she came into...
187K 3.1K 33
You, me and her. I lost her when I finally had the chance to be with her. I found you when I am in the middle of grieving. Now, I am here doubting m...