Stuck With A Gunner.. ♥

By makeanjosmile

789 22 16

Namamaril. Brutal. Asintado. - Yan ang definition ko ng Gunner. Sabihin niyo nga sakin? Pano'ng ang isang tu... More

1st Bang!
2nd Bang!
3rd Bang!
4th Bang!
5th Bang!
6th Bang!
7th Bang!
8th Bang!
9th Bang!

10th Bang!

90 1 2
By makeanjosmile

Yeyeyyy! Early update! Early nga ba? Hahaha. Eto naaa!

Mahaba-habang update 'to. :D

Vote and Comment po! :)

FOR ADDITIONAL IMAGINARY TOOLS NAG-ADD PO AKO NG PHOTOS AND VIDEO SA MULTIMEDIA BOX, ENJOY! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alex: Talaga lang ha?

10th Bang!

Kinabukasan eh ginising ako ng pagkatok ni Ate Emily..

"Alexandra  Lynne Ordonez Villanueva!! Gisinggg!" At ayun na po. Binuo na ang pangalan ko.

"*Uhmmff*" Sabi ko habang naguunat. "Bukas yan Ate!" Sigaw ko naman kay Ate Em. Binukasan naman ni Ate yung pinto at kita sa itsura niyang nagmamadali siya.

"Bangon ka na! Andyan na si Lyle, Kanina ka pa hinihintay!" Sabi ni Ate Em sakin habang hinihila yung comforter ko palayo sakin. 

"Haaaaaa??????!!! Andyan na siya?!?" Tanong ko sabay tayo. Tinulak naman ako ni Ate Emily para pumasok ng banyo. At agad-agad kong sinindihan ang shower. 

"Bilisan mo ha! Pupunta pa kayo ng botique ng mommy mo para i check yung dress mo para mamaya tapos diretso na kayo sa venue at dun ka na aayusan. Bilisan mo Alexandra ha!!" Sabi ni Ate Emily habang nagpapaikot-ikot yung boses niya sa pintuan ng bathroom ko. Siguro eh nililigpit niya yung mga kalat ko. Oh well, binilisan ko ng maligo. After ko namang maligo eh dali-dali akong lumabas ng kwarto at naghanap ng madaling masusuot na damit. I picked my summer rompers na may floral print then pinair ko siya sa peep toe flats ko. I picked my chained shoulder bag to place my ipod, phone and dahil di ko mahanap yung make up kit ko eh dinampot ko nalang yung lipstick, blush-on at facepowder ko since sila lang yung nakita ko sa dresser ko. Halos hindi man lang ako nakapag-lotion man lang o nakapagblow-dry ng buhok o sige kahit nakapagsuklay man lang hindi. Kaya tapos kong punasan yung buhok ko eh sinuklayan ko siya agad habang pababa ng stairs.

"Sorry! Sorry!" Sabi ko habang nagmamadaling bumaba ng stairs. At ayun, kita ko si Lyle. Nakatingin lang sakin. Tulala. "Sorry, kanina ka pa ba?" Sabi ko habang sinusuklayan ko yung basa kong buhok. "Huy!" Sabi ko uli sakanya.

"Ha?-Ah.. Hindi naman. Nakakwentuhan ko na nga sina Ate Puring, Ate Celia at Yung si Kuya Jep eh. Gusto pa ata akong pag-almusalin kanina. Pero sabi ko eh hihintayin nalang kita." Grabee?! Nakakuwentuhan niya na mga kasambahay at driver namin?! Infairness. Mukhang kanina pa nga siya dito. So lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa car niyang nakapar sa harap lang ng main door ng bahay namin. 

"Ate Em!!! Pabukas na po nung gate!!!" Sigaw ko kay Ate Em. Wala kasing tao sa labas kaya tinawag ko pa siya. "Sige.Sige! Sakay ka na. Bilisan niyo at baka tanghaliin kayo." Sabi ni Ate Emily habang patakbo sa gate. Grabe 'to si Ate Em. 10 am palang naman. 6pm pa start ng Party. Hay na ko... So ako naman eh binaba na yung over head mirror sa car ni Lyle at nagstart mag-apply ng face powder, blush on then shempre yung favorite kong coral lipstick. Napansin ko naman sa peripheral vision ko na lumilingon-lingon sakin si Lyle habang nag-aayos ako. 

"Hindi ka ba nahihirapan dyan sa ginagawa mo? Umaandar yung sasakyan eh." Sabi niya sakin habang diretso ang tingin sa road.

"Hindi naman. Sanay lang kasi akong ganito lalo pag nalelate." Sabi ko naman habang sinuklayan pang uli yung buhok ko. Hayyy. Grabe 'di pa nagsisimula yung araw ko eh feeling ko ang wasted ko naaa. -_-

"Tama na nga yang kasusuklay mo. Maganda ka na kahit ganyan ka lang. I like it. Sandal ka na uli. Di ko makita yung side mirror eh." Sabi niya habang linilingon yung side mirror sa tabi ko.

"Hmp. Pwede namang sabihin nalang na di mo makita yung side mirror eh!" Sabi ko nang bigla naman siyang natawa.

"Uhm.. Okay lang ba if magbrunch muna tayo? Nagugutom na kasi ako eh." Sabi niya sakin nang mapansin ko naman na malapit-lapit na pala kami sa botique ni mommy.

"Sure. Gutom narin kasi ako eh." Sabi ko rin naman sakanya. So nagdrive siya paliko somewhere. Ohhhh. The Old Spaghetti House. OMG GUYS. ANSAYA KO LANG. FAVE KO TALAGANG SPAGHETTI HOUSE TO FOREVERRR! Napansin siguro ni Lyle na nakasmile ako ng sobra-sobra kaya naman siya eh napangiti.

"Ang saya mo yata? Favorite mo ba dito." Whoa. Mind reader ata 'tong lalaking 'to.

"Di lang kaya favorite. Kulang nalang eh dito na ako tumira before." Sabi ko naman habang tatawa-tawa rin. 

"Talaga? Favorite ko rin dito eh. The best!" Sabi niya. So pumasok na kami at nagpareserve ng seat.

So we had fried mozarella sticks and Chicken fingers for appetizer then ang order ko eh Seafood Alfredo siya naman eh Swiss mushroom chicken with creamed fettucine at gusto naman daw niyang kumain ng pizza so we agreed to have 5 cheese pizza siguro eh makakailang piece lang ako. Lakas talaga kumain neto ni Lyle. Pansin ko lang? Humiling nalang rin ako ng isang Frozen mudpie for dessert at syempre iced tea yung beverage. 

"Grabe. Di ba madami yung order natin for brunch?" Sabi ko kay Lyle. Habang hina-hand over yung menu sa waiter.

"Okay lang yun. Treat ko naman eh. Tska para tipid sabay na ang lunch and breakfast. Haha." Reply naman niya sakin na ikinatawa ko. "Oh di ba, ganda mo lang pagtumatawa ka?" Sabi niya sakin ng tinitignan tignan ako sa mata. Eeew. Tingin rapist. HAHAHAHA. JOKE LANG.

"Sus. Alam ko na yun noh." Sabi ko ulit sabay smile. After ng ilang minutes eh dumating naman na yung order namin. Kumain na kami then agad-agad ng nagbayad para ma-pick up na namin yung mga damit namin dahil 2:00pm narin pala. Sabagay, dumating kami ng TOSH ng around 12:40 na. Hehehe. So pagpasok namin ng botique eh. Humarap samin si Shey, isa siya sa designers ni mommy sa botique niya.

"Hi Miss Lexy! Ito po ba yung groom-to-be mo?" Tanong niya sakin habang hinahawakan sa arms si Lyle. Nag-nod naman ako as an answer. 

"Di ba sabi ko sayo, Lexy nalang? So.. Nasan yung clothes namin? Sabi kasi ni Mommy sayo raw namin iccheck." Sabi ko naman habang nagllean dun sa counter ng botique. 

"Oh.. Oo nga pala. Teka lang po ha?" Sabi niya then pumasok siya sa kuhaan ng clothes para hanapin yung samin. After a minute or two eh pinakita niya na yung dresses ko. Actually yung isa eh   pure red siya then yung isa eh with white naman. Maganda. Yung kay Lyle naman eh Red long sleeved polo with white lines sa sleeves niya from shoulders to hands tapos yung isa eh white and red stripe long sleeved polo. May bow ties din siya na red and silver. 

"Wow..They're so fab Shey." Sabi ko naman habang hinahawakan yung mga damit namin. "Oo nga, simple but elegant." Pag agree naman ni Lyle.

"Thank you. Sir and Miss Lexy. Ay.. Lexy pala." Sabi niya then nilagay na sa different boxes yung clothes namin. "Padedeliver ko nalang 'to Lexy. Pinadaanan lang 'to ni ma'am Alexa para daw malaman namin kung gusto niyo yung styles na gawa namin." 

"Okay sige. Bye Shey! Salamat!" Then nagproceed na kami ni Lyle sa venue. Medyo malayo-layo rin yung venue kaya nakarating na kami dun ng mga 3:30 Hindi ko pa totally nakikita yung venue namin dahil sa rooms agad namin kami tumuloy ni Lyle. Yes, separate rooms. Room number ko is 1892 so nagproceed na ako dun at may nakita akong two girls na nakatayo dun.

"Hello po Miss Alexandra Villanueva?" Tanong niya sakin habang tinitignan ako.

"Yes. Kayo ba ang make-up artists ko ngayon?" Tanong ko naman sakanya. Nag nod naman siya at sinabing "Yes po. I'm Mae, I'll be the one responsible for your make up and this is Yel siya naman po incharge sa hair.." "Hi ma'am! Ganda niyo. Excited na akong ayusan ka!" Sabi naman nung Yel. Then after nun eh may pumasok ulit sa pinto, babae rin. Photographer ata dahil may camera siyang dala.

"Uhm.. Event photographer po para kay Miss Alexandra." Sabi niya habang onti-unting pumapasok ng door.

"Sige pasok ka. Shall we start?" Sabi ko naman and umupo na ako dun sa harap ng dresser. So sinimulan na ni Mae yung pagmmake-up sakin. Actually hiniling ko sakanya na medyo gawing natural but pang night make up yung sa face ko and what can I say? nag succeed naman siya dun. Ang ganda-ganda ko LALO hahaha! Thanks to Mae. Yung photographer naman eh. Ayun, kumukuha lang talaga siya ng shots ko habang inaayusan ni Mae.

"Ang ganda mo lalo Miss Alex, pwede ko po ba kayong tawaging ganun?" Tanong naman ni Mae sakin.

"Thank you mae! Sure. Pwedeng-pwede." Sabi ko naman sakanya and nagsmile naman si Yel sakin. 

"Ma'am okay lang po ba kung akong bahala sa hair niyo?" Sabi naman ni Yel.

"Sure." Sabi ko. So yeah, hindi ako nagsuggest ng gusto kong ayos ng buhok. Si Yel lang ang nag-ayos ng buhok ko. Well, ang ginawa niya eh. Ki-nurl niya ng konti yung buhok ko then turned it into an elegant messy bun. Maganda rin syempre. Hindi siya nagmukhang pipichugin lang na bun dahil dun sa curls at sa tiarang parang headband na nilagay niya.  

"Ayan. Para po pagchange outfit eh pwede po nating palitan yung hair niyo. Multi purpose di ba?" Sabi naman niya sakin.

"Hehe. Kaw talaga. Thank you sainyo. Ganda-ganda ko ngayon." Sabi ko naman sakanila. Nagsmile lang sila sakin. Wala pa naman yung dresses ko kaya hindi pa ako makakapagbihis.

"Tara po Miss Alex, dito kayo sa bed. Kuhanan ko kayo." Sabi nung photographer ko ng eksakto naman eh dumating na yung dresses ko shempre, with the shoes.

"Wow. Timing." Sabi naman nung photographer. So yeah, nilatag namin yung mga shoes ko, dresses,  and accessories na pinadala ni mommy. Sila muna yung kinuhanan then ako. Without the dresses and with the dresses. Infairness parang feel ko eh pinagpawisan ako sa ginawa namin kaya si Mae eh niretouch ako. After naman nun eh eksakto ng 5:30 so naisipan ko ng magbihis. Bongga lang talaga ng hair and make up ko. Bagay na bagay sa red dress ko. Syempre yung engagement ring namin. Ewan ko. Yun yata engagement ring, nakalagay lang eh?

"Miss Alex, entrance niyo na po." Sabi ng isang random guy na kumatok sa hotel room ko. Taraaayyy. May entrance effect pa?

So lumabas na ako ng hotel room ko at nakita ko naman na madami ng tao sa baba. Actually, ang ganda rin ng pagkakadecorate ng venue namin.

 *Nasa multimedia box yung picture ng venue. Kayo na bahala mag add ng details. Hehehe* 

"Ladies and Gentlemen, let's all welcome. The very beautiful bride to be, Miss Alexandra Villanueva." So ako naman eh nakatingin lang ng diretso habang ayun sasalubong sakin ang gwapong groom na naka red polo with silver bow tie. Yung hair niya eh nakabangs lang siya tapos napansin ko namang may white ring siya sa pointer finger niya. Gwapong-gwapo talaga siya. Wala akong ma-say.

"You look stunning.." Sabi naman niya sakin pagkarating ko sa tapat niya kasabay ng pagflash ng maraming cameras.

"Thank you. Ikaw rin. Ang gwapo mo ngayon."  Sabi ko sabay natawa kaming dalawa. Pero slight lang. I bet we're having a great photo. Hahahahaha! So ayun, umupo lang kami sa loob nung gitnang parang ring dun sa stage. Habang yung MC eh nagtawag ng parents namin for message saming couple. After nun eh message ng friends and relatives then ayun nagstart na yung party. So nagchange outfit muna kami well, yung pang party naman daw.

at si Lyle naman eh ganun parin yung ayos ng buhok pero stripe with white and red naman yung long sleeved polo niya then red bow tie. Cute lang niya talaga. 

"So can we ask the couples to open the social dance?" So ayun sabi ng MC.

"May I have this dance?" Sabi naman ni Lyle sakin.

"Sure." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sakanya. Tumugtog naman na yung I won't give up na alam kong version ni Janice and Sonia yun. Dahil syempre. Fave! :)

Try niyong sabayan para medyo feel niyo naman.. (PLAY THE YOUTUBE VIDEO SA MULTIMEDIA BOX)

*Song plays here*

 So naglakad na kami ni Lyle sa gitna ng dancefloor at nilagay ko na yung arms ko sa shoulders niya.

"Maganda ka talaga ngayon Alex.." Sabi niya sakin habang tinititigan ako sa mata ko.

"Salamat ha. Kahit ngayon lang!" Sabi ko naman sabay tawa ng konti. 

"Hindi pala, maganda ka pala talaga..." Sabi naman niya. Habang nagssway-sway naman kami na sabay sa kanta. 

"Nako, bolero kaasar..." Sabi ko naman sakanya. Sapakin ko 'to eh. 

"Hindi 'to bola noh. Kaw talaga." Pag sabi naman niya nun eh dinugsungan niya ng "Alam kong badtrip ka sakin dahil nagbreak kayo ng boyfriend mo dahil sakin, tapos nagugulo ko pa ng slight yung buhay mo pero tandaan mo Alex. Kahit pa friend or  kahit aquaintance, ang turing mo sakin. Aalagaan kita. Promise!" Sabi niya sabay taas pa ng isang kamay niya. At syempre yung mga flash nanaman eh naffeel ko nanamang tumatama sa mata ko. 

"Talaga lang ha?" Sabi ko naman. Then kiniss niya ako sa forehead. OMG.

"Promise." Sabi naman niya.

"Hoy ha. Kinakareer mo yang pag kikiss mo sakin ha. Kis-kisin ko yang mukha mo sa pader eh." Sabi ko naman sakanya. Naikinatawa niya. Sira talaga.

"Sa iba naman pong couples dyan, samahan po natin ang ating very sweet couples." At ayun sumali na yung iba. After ng medyo mahaba-habang pagsayaw namin ni Lyle eh umupo muna ako dun sa seat namin. Hanggang ayun kumakain na yung mga tao. Ako naman eh pumunta muna sa veranda ng hotel room ko para ipahinga yung mga paa ko. Hayyy. Ansakit. Sakto namang pasok ni Lyle.

"Uy, 'di pa tapos yung party ah? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Pahinga muna. Sakit ng paa ko eh." Sabi ko habang hinihimas-himas yung legs ko.

"Saan, tulungan na kita diyan." Sabay abot naman ni Lyle sa legs ko. 

"Wag na. Ako nalang.." Sabi ko habang nilalayo yung legs ko kay Lyle. Eh kaso makulit. Umupo ba naman sa sahig?? "Kulit mo Lyle. Ako na nga lang.." Sabi ko uli sakanya.

"Hawak ko na. Wag ka ng makulit." Sabi niya sabay himas sa legs ko. I must say. Mas nakakarelax pala kung siya yung nagmamasahe. Hmm.. Samantalahin ko nalang rin. HAHAHAHA!

"Bakit ka naman sumunod dito? Baka hanapin ka ng mga parents mo or baka mga relatives mo." I said habang nakatingin ng diretso dun sa bubong ng kapitbahay ng hotel. Eh may akyat bahay yata eh? HAHAHA. JOKE!

"Hmm.. Wala lang. Naisip ko lang kasi na baka dito ka dumiretso. Hinahanap kita eh. Andyan kasi sina Cymuelle at Tyrone hinahanap ka. Actually, pati si Rei andyan." Reply naman niya habang hinihimas parin yung paa ko. 

"Sige, baba ka na dun. Susunod narin naman na 'ko." Sabay alis ko naman sa mga paa kong nakakandong sakanya. "Naku Lyle, andumi mo na kung anu-ano kasi pinaggagawa mo eh." Sabi ko sabay tinulungan ko siyang magpag-pag. 

"Ako nalang." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. 

Ang awkward. Bat ganun ba siya tumingin. Alam mo yung nakakatunaw? Shucks. 

"Nasobrahan ka ata sa re-touch ah. Medyo nagrereddish na yung cheeks mo. Or nagbblush ka lang?" Tanong naman niya sakin habang ngi-ngiti ngiti.

"E-..-Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay walkout. Shiiiiittt. Kakahiyaaaaaa. :"> HAHAHA. So nagtuloy-tuloy lang akong bumaba at hinanap ko naman si Rei. Syempre. At hindi nga ako nagkamali, andun siya sa mini-bar stall na white with black belt cocktail dress siya. I think nagsshot siya ng kanyang favorite. Slippery Nipple (Sa mga hindi po nakakaalam. Para itong vodka in a shot glass ofcourse with cream/milk at Strawberry syrup/grenadine at the bottom.) So nilapitan ko na siya. Nako baka makarami 'tong babaeng to.

"Hoy! Rei! Tama na yan. Mamaya  malasing ka diyan, walang bibitbit sayo. " Sigaw ko kay Rei habang binablock ng napakalakas ng sounds yung boses ko. Well, kung hindi niyo naitatanong. Kahit na party girl ako eh HINDI AKO UMIINOM. Like seriously, no.  Siguro kung sino man ang kayaning makapag-painom sakin eh kabibiliban ko talaga. Hahaha.

"Ikaw naman oh. Blowjob na kaya susunod na mix. Pag-bigyan mo na 'ko. LAST NA TOOO!" Sabi niya while smiling sakin. Sa mga hindi po ulit nakaka-alam Blowjob is a mixture of vodka ata or whiskey and grenadine tapos with flame siya.

"Okay! Sige! Last na yan ha!" Reply ko naman sakanya. At sumenyas ako na dun lang ako sa center, uupo. 

"Sige, puntahan kita later!" Sabi niya nanaman with her smiling face. Well, I think okay pa naman siya. Malakas talaga uminom yang si Rei. Bilib nga ako diyan eh. Pwera nalang pag nasasagad talaga siya, binibitbit ko lang naman yan pauwi. Kaya natatakot ako kung anong nangyayari dyan pag nagbabar siya tapos wala ako. Hay grabeeee! HAHAHA! So andun lang ako sa center habang nakikita kong masaya ang lahat ng bisita namin. Infairness lang talaga, kahit pumaparty sila eh poise na poise parin. 

"Alex, sabi nila daddy pakikilala ka daw sa mga relatives namin." Grabe. Aatakihin talaga ako dito sa Lyle 'to. Bigla-biglang susulpot malay mo kung san galing.

"San ka galing? Hay aatakihin naman ako sa mga pinag gagawa mo eh." Sabi ko sakanya while hawak-hawak yung chest ko. 

"Tara na!" Sabi niya ng nakasmile tapos eh hinila niya na ako papunta sa relatives nila. At nang makarating kami sa table eh napakadaming taong andun. Mga 6 na babaeng kaedad and older sa mom niya, 4 little kids (2 boys,2 girls), 5 old men and mga 8 teenagers (5 boys and 3 girls). 

"Alex, eto si Tita Cos, Tita Grace....---" At andami-dami pa niyang binanggit. Actually, mababait sila at talagang tahimik. Parang si Lyle, sa una tahimik. Hahaha! So after nun eh pinakilala ko rin siya sa relatives namin. Ewan ko ba kung bakit iilan lang sila dito. Mga 5 lang halos yung mga aunts and uncles ko. Bali 3 women, 2 men.

"Eto si Tita Sally, husband niya si Tito Ed." Introduce ko kina Tito at Tita.

"Hello po. Lyle po, fiance ni Alex." Sabi niya sabay reach ng hands niya.

"Si Tita Divine, husband niya si Tito RS." Sabi ko naman uli kay Lyle.

"Hello po. I'm Lyle, fiance po ni Alex." Sabi niya sabay reach niya uli ng hands niya

"Eto naman si Tita Chelle, wala pa siyang asawa ha." Sabi ko naman kay Lyle.

"Ahh..Hello po tita. Lyle po, fiance ni Alex." Sabi niya sabay reach ng hands niya.

 Sila naman eh 'hi' lang din halos ang reply wala man lang kahit isang naginterview man lang. Hahaha. So ayun. Tagal-tagal man ng partying namin eh syempre matatapos rin. Pinuntahan ako ni Rei para sabihin na dito rin siya makikitulog with me, shempre payag naman ako. Nagproceed na kami sa hotel room ko para makapagligo at makapag-pahinga na.

"Hayy. Kapagod noh? DI KA BA LASING HA?!" Tanong ko naman sakanya.

"Oy, hindi noh! Kayang-kaya ko pa sarili ko." Sabi naman niya habang paakyat na sumusunod sakin. So pagkarating namin ng room ko eh siya yung naunang naligo at after ilang minutes lang naman eh lumabas na siya na sakto namang may kumatok sa pinto ko. Infairness, ang iingay nila ha. Kasi naririnig ko pa yung pagbubulungan nila. Pag bukas ko ng pinto eh...

"HI ALEX!" Sabi ni Cymuelle at Tyrone. Si Lyle naman ng tignan ko eh napakibit balikat nalang.

"Pajama party daw." Sabi naman ni Lyle sakin. 

What?! Walang pahingahan 'to?? Umaga na ah?? Hindi naman ako makahindi dahil nakakahiya kina Cymuelle at Tyrone.

"Sige, tuloy kayo." Sana lang maging masaya 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...