Hiiii! magiging active na pala ako dito. bwahahahaha! pasensya na kung di ko napag patuloy ito. naging busy kasi ako sa isang story ko.. :)
Pa spread po ng story ko . Di ko kayo bibiguin sa pagiging active ko na rito at pagagandahin ko pa lalo istorya kong ito.
Actually si Author mahilig sa mga zombies ;) kaya marami akong alam dito bwahahahaha. any way...leggo na nga! Vote and comment!
----------------------------
Papasok na nga kami ng Ministop...nang pagbukas namin ng pinto ay tumunog ang Bell na nakasabit sa itaas ng pinto xD...buwahahahaha!
dahil sa ingay na yun...may lumabas sa harapan namin na Fat Zombie siguro yung magtitinda yun dito...ang taba sheet!
nang agad agad rineady ni Billy yung baril niya..lahat kami natataranta dahil palapit ito ng palapit saamin...
BENG!
Hindi ito natamaan . sinewerte waaaaahhh! dahil dun..nagalit ang zombie na ito at tumakbo na ito palapit samin ...
BENG!
Natamaan ito sa tyan . sira ulo 'to si Bestiee bat sa tyan..-,- tumumba ang zombie at parang patay na ito...
pero alam namin Play Dead lang 'to dahil dapat sa ulo talaga sila Binabaril...
Dahil dito naisipan kong gumawa ng Rules.
RULE #1
DOUBLE TAP.
Inagaw ko yung baril kay Billy at tinutok ko sa ulo yung baril sa zombie at pinutok ko ito ng dalawang beses.
Double Tap para siguradong patay na ito lalo na kung sa katawan mo lang 'to natamaan maari ka pa rin nito mapatay at gawing pagkain..fieeesta babeey!
Nang binalik ko na yung baril kay Billy...Sa nangyayari ngayon ang layo na namin sa Showtime Host noon sa Ngayon dahil sa pangyayari ito naging matapang kami yung ba maangas...na matapang at seryoso sa lahat ng bagay lalo na pag dating sa zombie at ang Aura ko ay si Celine yung bida sa Underworld pero dahil comedian ako nakukuha ko pa rin mag biro syempre. bwahahahahaha!
Maliit lang ang ministop . linibot namin 'to pero wala nang zombie...kaya safe na safe kami at busy sa kakatingin at pag free taste sa mga pagkain na nandito bwahahahaha!
RULE #2
ENJOY THE LITTLE THINGS
Syempre kahit ganito na ang mundo kailangan mo pa rin mag Enjoy. Everyone deserves to enjoy.
FREE TASTE! EAT ALL YOU CAN na.
Bwahahahaha! pumunta naman ako sa mga inumin...naghanap ako ng VitaMilk chocolate flavor at nakahanap nga ko...Kinuha ko ito at tinanggal ko ang Bottle cap nito atsyaka ko ininom..
Lahat sila kumakain na rin..di pa kasi kumakain noh..Kumuha naman ako ng Siopao Pizza Flavor...mainit init pa...dahil sa naaamoy kong bango nito nasabik na ko kagatin ito..lasang pizza talaga 'to pati amoy.
Yung mga beks naman enjoy na enjoy habang namimili ng pagkain nila naghaharutan...foodtrip eh! eat all you can na!...
Nang nakakita naman ako Stool Chair..kaya naupo ako doon...at patuloy lang sa pagkain..
Nang lumapit naman sakin si Karylle at naupo rin sa isang Stool Chair.
"Kumain ka na?..bilisan mo..babalik pa tayo sa hummer natin." ang sabi ko sakanya..
"Eh Vice! sa tingin mo makakain ako nito sa itsura ko ngayon...eww..." ay oo nga pala may dugo pala siya ng mga zombie hahahaha xD...
Nang kinapa ko bulsa ng pants ko at nakahanap ako ng Handkerchief at pinunasan ko ang gilid ng labi ni Karylle...
At sinubuan ko ito ng Pizza Siopao hahawakan sana ni K. yung siopao pero pinigilan ko siya dahil may dugo rin kamay niya...baka ma-effected pa siya ng virus.
Kaya pinakain ko 'to na parang bata...nang kumuha pa ko ng sprite na nasa Can at binuksan ko 'to at pinainum ko kay K.
Nang nabusog rin 'to.
"Thanks Vice. ang dami mo nang nagawang kabutihan sakin.."
"Sus! maliit na bagay. tatayo tayo na lang ang magkakasama eh. syaka inalagaan mo naman ako nung nagkasakit ako bago mangyari ang Apocalypse.."
Ngumiti na lamang ito sakin.
Nang pinuntahan kami ni Billy kung na saan kami.
"Vice...tapos na ba kayo kumain?"
"Kumain? Billy I don't eat seafoods " Nang pinalo naman ako pabiro ni K. sa braso ko. bwahahahaha!
"Hahahaha brad ha! di nga seryoso? :D."
"Yup tapos na kami Billy." Ang sabi ni K. na magsasalita pa lang ako! Baliw talaga 'tong si K. eh.
"Ah good. Vice what if mag dala tayo ng foods? may plastic bags naman diyan. para pang stock lang natin pag nagutom tayo sa Biyahe. malaki pa naman space ng hummer mo."
"Go lang ng go. syaka para di na rin tayo mahirapan. magdala ka nang Pizza Siopao ha!"
"Pizza Siopao?.."
"Ayun oh!" sabay turo ko.
"Ah sure..."
"So ano Vice di ka tutulong sa pag pack ng foods?" Ang sabi ni K. sakin waaaaaahhhh!...Tinitigan ko naman 'to na paniguradong mababaliw siya sakin :D..
Nag meet na ang mga mata namin...after few second ay sumuko rin si K. natawang kilig much ito..
"Hahahaha yiiiee ang gwaapo! wala ka na kasing make up! :P No eyeliner,No lipstick,No false eyelashes."
Oo nga pala nung nasa restroom kami hihihi...kaya pala di na kayanan ni Karylle mga titig ko. :D
"ViceRylle ha...may apocalypse na nga. Lumalandi pa kayo." Sabi naman ng Inggiterang Confused na si Billy.
"Wag ka mag alala Billy hahanapin natin si Coleen! nang manahimik ka."
Nang sinuntok naman ako nito pabiro sa braso ko. huhuhu kawawa braso ko..kay K. palo, si Billy suntok..Inaano ba sila ng braso ko >.<
Nang dumating naman si Vhong...na tila may hinahanap...
"Guys nakita niyo ba yung favorite kong foods?"Ang tanong samin ni Vhong...
"Bat di mo try hanapin sa loob ng bibig ni Anne. O kaya itanong mo kay Deniece kung sakali magkasalubong kayo diyan sa daan." nang narinig naman ni Anne punchline ko sakanya.
kaya naman lumapit ito at tila hahampasin ako sa braso ko...kaya tumayo ako karakaraka at inikot ikot ko ang braso ko na mala-WindMill kay Anne
"Sige ano!? ano ha!? inaano ba kayo ng braso ko ha!?"Ang sabi ko kay Anne.
Habang siya naman napapa stepback sa mala-windmill kong braso...bwahahahaha!
Nagtawanan naman sila.
After ng kulitan. Nag impake na nga kami ng mga pagkain dito sa ministop. Halos mga 20 plastic bags. nang nag 1 plastic bag naman ako ng Mentol na Mentos pampalamig lang ng bibig.
Halos sila Buern,Neggy at Donna nag dala ng plastic bags yung iba ay kami na nag dala.
At palabas na nga kami ng Ministop. 3:30 na ng hapon...paglabas namin ay may nakasalubong na kami agad na isang Zombie nang binaril agad ito ni Billy. patakbo na kami pabalik sa Hummer habang bitbit ang mga plastic bags. dahil delikado na marami kaming dala.
at nakarating na rin kami sa hummer. at inilagay namin ang plastic bags sa back seat. at sumakay na nga silang lahat...habang ako ay Pasakay pa lang dahil ako ang mag dri-drive. Nang biglang may sumulpot na zombie...sa bandang labas ng likod ng hummer ko. Ako naman nataranta lalo na naalala ko wala sakin yung susi...kaya tumakbo ako dahil wala akong dalang panangga sa zombie..naisama ito sa pag pasok namin ng mga plastic bags sa back seat.
Kaya tumakbo nga ko..hinabol naman ako nito...di naman ako papahabol..
RULE #3
CARDIO
Kailangan mas mabilis ka sa zombie tumakbo dahil mabibilis tumakbo ang mga ito. Kaya pag mataba ka You're kawawa. gagawin ka nilang Letchon pag naabutan ka nila...Eh na saan ang apple?
Paikot akong tumakbo sa gas station para makabalik ako sa hummer. at malapit na nga ako sa hummer...
Pagdating ko sa pintuan ko ay nakita kong naka Unlock naman pala kaya pumasok naman ako sa loob at palapit na yumg zombie kaya sinara ko agad agad at linock.
"Nakakalokaaa!"
"Oh meme yung susi nga pala" Inabot sakin ni Buern waaaaaaahhh naka unlock pala tas na kay Buern ang susi. muntikan pa kong mamatay. buti na lang mabilis akong tumakbo. wala eh..kabayo eh..
Inistart ko na nga para makaalis na kami dito.
RULE #4
SEATBELT
Kailangan mo pa rin 'to. paano kung mataranta ka sa zombie at inaandar mo agad ang Kotsye mo may padaan pa lang truck. Eh di talsik ka. Safety first dapat diba!
And ooopsss..I forgot..
RULE #5
BEWARE OF THE BATHROOM
Kahit sa Restroom kasama mo pa rin sila. wala man sila sa restroom nakakaamoy mga yan . kaya Beware! sige ka masilipan si Junjun or si Maria :')
Katulad nung sinamahan ko sila Anne diba may zombie sa loob. ;)
Nag drive lang kami ng nag drive. hanggang sa 6:00 na ng gabi.
"Guys...I know this place..may White House dito. may gate na. syaka parang bahay ng president sa United States. " Pag share naman ni Billy..
"Malamang kaya nga White House eh."
"Viceral! -___- pero sabi nila wala na daw nakatira dun. "
"So dadalin mo pa kami sa Hunted House!?"
"Hahaha hindi Viceral..Basta wala nang nakatira dun..namatay na may ari nun at yung mga anak naman niya nag decide sa states mamuhay..kaya handler na lang nila nakatira diyan. at ito pa! nagbubukas yung gate pag sinabi mo yung password"
"Waait nga! yung totoo Billy? bat alam mo lahat ng yan!?"
"Oo nga kuys!"-Vhong
"Kamag anak ng kaibigan ko yun! nakapunta na ko dun. ang laki guys!"
"Eeehh paano nemen yung password!?"
"Hahaha..ako pa Viceral!? White house lang. "
Nang tinuro sakin ni Billy papunta doon sa White House na tinutukoy niya...
At sa wakas! nakadating din kami...Labas pa lang nito makikita mong napakalaki nito..13 Ft. ang Fence nito na Bricks...kaya panigurado hindi ito maakyat ng zombie...nasa gate na kami..ang laki rin ng gate..aber hindi nagpahuli ha...
Binuksan ko yung bintana para masabi ko yung password .
"Go Vice sabihin muna.."
"Ano ulit password?"
"White house nga lang!"
"Ah okay" at linabas ko na nga ulo ko.
At sinabi ko na ang password "White house nga lang!" at pumasok ko muli ang ulo ko sa loob ng kotsye.
Nang nakaramdam naman ako ng batok kay Billy habang sila Vhong tawa ng tawa .
"Kahit kelan! Bully Crawford talaga 'to! tama naman ah? pero bat hindi pa rin nag bubukas!?..nako Ine-echos mo ba kami bestiiee?"
"White House lang nga kasi!! as in White House"
"Ahh! Klaro! Klaruhin mo kasi!"
Linabas ko ulit ulo ko para masabi ang password
"White House"
taaraaay eh noh! White House. white house. white house cheee! bwahahahaha!...
At nag bukas nga ang Gate na kalaki-laki!..
Inandar ko muli ang Hummer ko papasok sa loob. At taraay automatic rin nag sara yung gate.
Padiretsyo ako ng Garage. hindi ko pinasok mismo sa loob ng garage yung hummer. Nasa labas lang ito.
Kaya naman nag si-babaan na kaming lahat. Nag stretch stretch kami ng katawan. naka upo ba naman halos 2 hours...
Pag tingin namin sa bahay parang Bahay nga ng Presidente ng United States. Nang nasa front door kami nakasara ang pinto. kumatok si Billy...
Pero walang sumasagot...nang sinubukan ko nang buksan yung pinto dahil hindi naman 'to naka-lock..
Pag bukas ko ng pinto. madilim dahil hindi nakabukas ang ilaw. ng biglang pumalakpak ng 3 beses si Billy
"Turn the lights on!" at nag On nga ang lights. ang liwanag..ang laki laki...mga 20 pamilya pwede nang manirahan dito sa laki ng bahay.
"Ano mga brad? safe house na ba natin 'to?" ang sabi naman ni Vhong..
"Cho-choosy ka pa. papa vhong?" Ang pag singit naman ni Neggy loko talaga 'tong baklang 'to!
"May gusto na bang matulog sainyo? maraming Bedroom sa itaas." Ang sabi naman ni Billy..hanggang 4th floor ang bahay lahat kami nag libot at puro Bedroom nga sa itaas...bumaba na ko..
Nang may nakita naman akong isang pinto..na curious ako dito kaya tinanong ko kay Billy..
"Besstiiee! ano itetch?..kwarto rin ba 'to?" Tinignan naman ito ni Billy..
"Ah..ayan...papunta ng Underground yan." Oh..taraay may underground pa.
Kompleto ang bahay na 'to. May Bar section, May Entertainment room..may Pool sa likod..nakakaloka ang may ari nito!
Nang lahat kami nag tipon tipon sa Living Room.
"Mukhang wala na yung handler nila na nakatira dito.."-Billy
"Linibot na namin itong buong bahay halos mahilo kami sa kakalibot sa sobrang laki!" ang sabi ko naman..
Nang binuksan naman ni Anne yung TV.
"Sige Anne. tignan natin kung may mapanood ka diyan!" natawa naman silang lahat..
"Ang bored kasi guys..."-Anne
"May Entertainment room doon oh" sabay tinuro ko..."May pa-sinehan kaya manood na lang kayo dun.."
Yinaya naman ng mga bakla si Anne..
"Waiiit! K.? Let's go!?" Pagyaya ni Anne
"Sorry guys. Mag sho-shower muna ako. tuyong tuyo na yung dugo sa katawan ko."
"Ok K. pagtapos ka na. punta ka na lang ha." Nag nod na lang si K. dito.
Kahit ako may dugo dugo pa ko sa katawan ko. lalo na yung damit ko.
Kaya naisipan ko na rin mag Shower.
"Be right back guys. shower lang kami ni K."
Nakita ko sa mga mukha ni K. ang pagka gulat nito nang lalaki ang mga mata nito sa narinig
Pati sila Vhong at Billy..
"Viceral akala ko ba...You don't eat seafoods!?"-Billy
"Brad!? a-ano yan ha!?"-Vhong
"Wag nga kayong ano diyan! Mag sho-shower si K. mag Sho-shower din ako. Pero mag kaiba ng Bathroom. Keeerii!? kaloka mga 'to!!"
Nag tawanan na lang mga ito.
Sabay naman kami umakyat sa hagdanan ni K. nang inunahan ko naman 'to sa Master Bedroom bwahahahaha! pero sa bawat kwarto ay mukhang Master Bedroom na sa laki eh.
At pumasok na nga ako sa Master Bedroom. Tinurn on ko ang ilaw. at ang laki nito ...Ang laki rin ng Bed..
Nang nag dive naman ako sa Bed..ang sarap humiga ang lambot lambot...pero agad agad akong tumayo..naalala ko hindi pa pala ako naliligo...
nag shower na nga ako.
Vote and comment!
nakadalawang UD ako ngayong araw :D..
To be continueee. . ;)
Pa spread po ng story ko please? :)