Fifteen Seconds

By thephantelle

1.2M 15.2K 2.3K

❝Fifteen seconds... and I fell in love with him." More

Fifteen Seconds
I. Kuya (Kathryn)
II. Lola Bambini (Kathryn)
III. Summer Escapade (Kathryn)
IV. Night with Rina (Kathryn)
V. Revelations (Kathryn)
VI. Childhood Memories (Kathryn)
VII. Lies (Daniel)
VIII. Ice Cream (Daniel)
IX. Sad Truth (Kathryn)
X. Who You Love (Kathryn)
XI. Help (Kathryn)
XII. Scared (Kathryn)
XIII. Treehouse (Daniel)
XIV. Letter (Kathryn & Daniel)
XV. Still (Kathryn)
XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)
XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)
XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)
XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)
XXI. Khalil (Kathryn)
XXII. Papa (Kathryn & Daniel)
XXIII. Official (Kathryn)
XXIV. Selfish (Kathryn)
XXV. Vangie (Kathryn)
XXVI. Master (Kathryn)
XXVII. Migraine (Kathryn)
XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)
XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)
XXX. Lantern (Kathryn)
XXXI. Confused (Kathryn & Daniel)
XXXII. Over My Head (Kathryn)
XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)
XXXIV. Skyscraper (Kathryn)
XXXV. Felicity (Kathryn)
XXXVI. Lia Barretto (Kathryn & Daniel)
XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)
XXXVIII. I Love You (Lia & Daniel)
XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)
XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)
XLI. Last I Love You? (Kathryn)
XLII. Beginning (Epilogue)

XVIII. With You (Julia & Kathryn)

25.1K 376 65
By thephantelle

(Julia)
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Si mommy at si daddy, nasa trabaho. Si kuya CJ naman, kadate si Miles. Samantalang ako, mag-isa dito sa labas ng bahay kasama ang aso kong si Paw. Naalala ko si Kathryn, yung mata niya, alam kong may tinatago siya sa akin. Alam kong may pagtingin siya kay Daniel. At naisip kong sobrang selfish ko. Mas inuna ko pa ang pangangailangan ko kaysa sa kaibigan ko. Ang sama kong kaibigan. Hindi ko naman talaga mahal si Daniel. Oo, gusto ko siya pero hindi ko siya. Siguro, wala pa sa stage na 'yun. Pinaparemind kasi ni Daniel 'yung bestfriend ko sa ibang bansa, si Paolo. 

Ang sama-sama ko.
Puro sarili ko na lang iniisip ko.

Seven years old ata ako noong pumunta kami sa ibang bansa. Sobrang malungkot ako noon kasi mawawalay kami kay Kathryn at kay Daniel. Dumating sa punto na hindi ko kinakausap si mommy at si daddy pati si kuya CJ. Sobrang galit ako sa lahat ng tao. Lumabas ako ng bahay at naglibot-libot, hanggang sa maalala ko na wala ako sa Pilipinas. Naliligaw na pala ako. Umiiyak na ako noon ng biglang may tumamang paper plane sa noo ko. Tsaka ko nakilala si Paolo. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Simula noon, palagi ko na siyang kasama. Unti-unti ng nawawala 'yung lungkot ko dahil sa mga naiwanan kong kaibigan sa Pilipinas. Pinaramdam ni Paolo sa akin ang magkaroon ulit ng taong mapagkakatiwalaan.

Hanggang sa dumating ang araw na sinabi sa akin ni mommy at daddy na babalik na kami muli sa Pilipinas. 'Yun din ang araw kung kailan inamin sa akin ni Paolo na mahal niya ako. Syempre, wala akong sinabi. Hindi ko sinabi na mahal ko rin siya. Ayaw ko siyang umasa. Kasi alam kong hindi na kami babalik pa sa abroad. Alam kong hindi ko na siya makikita ulit.

Nang makarating kami sa Pilipinas, nakita ko si Paolo kay Daniel. Maalaga, masayahin at gentleman. Sa kanya ko binaling ang atensyon ko. Kahit alam kong naiirita na siya sa pagiging clingy ko. Oo, gusto ko siya kasi mabait siya. Pero hindi ko siya kayang mahalin kasi alam kong si Paolo lang ang nasa puso ko. Si Paolo lang talaga. Aigoo, ba't ngayon ko lang narerealize 'to? Kung kailan nasaktan ko na si Kathryn dahil sa pagiging madamot ko!

"Paolo!! Bwisit ka!" 

"Bwisit ka rin, Julia!" Nabitawan ko si Paw ng marinig ko ang boses ni Paolo. Tumahol si Paw at lumapit sa isang lalake na nasa harapan ko. 

Shemay, naghahallucinate na naman ata ako. "Imposible." Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng bigla akong halikan sa pisngi ng lalakeng nasa harapan ko, si Paolo. "Walang imposible, Julia." Hay nako, imposible talaga!! Sinampal ko si Paolo. "Langya, ang mahal ng pamasahe papunta dito tapos sasampalin mo lang ako?!"

"Omg! Totoo ka nga! PAOLO!!" Sigaw ko at niyakap si Paolo. Sobrang miss ko na si Paolo. Namiss ko 'yung tawa niya, yung pangaasar niya. Namiss ko siya. Siya, mismo. "Sorry, Paolo. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo na-" Hindi ko natuloy ang sinabi ko kasi hinalikan niya ako sa kabilang pisngi, at sa noo.

"Okay lang. Tinetext ko si CJ, at nalaman kong nandito ka. Sinundan kita kasi mahal kita at gagawin ko ang lahat, makasama ka lang. I love you, Julia." Paliwanag ni Paolo at hinalikan ang tip ng ilong ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. OH MY GOSH.

THANK YOU PO, LORD!

"Ma-mahal rin naman kita, eh." Mahina kong saad sa kanya.

"Ano? Di ko marinig. Lakasan mo nga." Nakangising saad ni Paolo.

Hinampas ko siya sa braso. "Narinig mo naman, eh." bulong ko.

"Pumunta ako ng Pilipinas para sayo. Iniwan ko ang pag-aaral ko doon para sundan ka. Tapos ibubulong mo lang? Kinakahiya mo ba ako?" Mapaglarong saad niya.

"UWAAA, OO NA! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SI PAOLO!!!!" sigaw ko.

Ang sarap talagang mainlove, lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo.

(Kathryn)
From: Daniel - Hoy! Pupunta ako sa bahay mo. I love you, i love you, i love you, i love you, i love you, i love you, i love you. Ah basta, mahal kita!!! 

Napangiti ako sa text ni Daniel. Shemay, kinikilig na naman ako. Ang sweet ni Daniel, nakakainis. Parang dati, umiiyak ako dahil natatakot ako. Ngayon naman sobrang sarap sa pakiramdaman. Parang worth it lahat ng iniyak ko para sa kanya.

"Oy, ang ganda ng ngiti ng alaga ko." Mapangasar na saad ni Aling Melinda. Nandito kasi kami ngayon sa sala at nanunuod siya ng koreanovela sa tv samantalang nakahiga lang ako sa sofa.

Tumayo ako at tumabi kay Aling Melinda. Nagcling ako sa braso niya. "Aling- este, Nanay Melinda. May sasabihin po ako sa inyo." Sabi ni Aling Melinda dapat raw Nanay ang tawag ko sa kanya since matagal-tagal rin kaming magsasama. 

"O, ano ba 'yon?"

"Eh, nahihiya po ako." Kinikilig kong saad kay Nanay Melinda.

"Edi wag mo ng sabihin."

"Hindi, joke lang po. Kasi po... si Daniel, inamin niya po sa akin na love niya ako. Tapos inamin ko rin po. Tapos, UWAAAA, kinikilig po ako." 

Hinampas naman ni Nanay Melinda ang braso ko. "Kumalma ka, kumalma kang bata ka!" Suway niya sa akin at kiniliti ako sa tiyan. UWAAAAA~ wag ang tiyan ko. Tumigil rin sa pagkiliti si Nanay at biglang nagseryoso. "Hindi ko kayo pipigilan, hindi ko kayo huhusgahan. Hindi naman kayo tunay na magkapatid, diba? Tsaka kitang-kita ko sa mga mata niyo ang kislap kapag nagkakasama kayo. Wag lang kayong magpadalos-dalos. Alamin niyo ang limitasyon niyo. Susuportahan ko kayo. Teka, alam na ba 'to ng nanay at tatay mo?" 

"Hindi pa naman po kami. Pero sasabihin po namin kapag naging kami na talaga. Nanay, sa tingin niyo po, magagalit sila?"

"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Hindi naman kayo magkadugo at wala naman kayong maling ginagawa. Hanggang nasa tama kayo, wag kayong matatakot." Nakangiting saad ni Nanay.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat po, Nanay." 

*ding dong* 

"Andiyan na ata si lover boy." sabi ni Nanay Melinda. "Osha, magluluto muna ako para sa meryenda niyo." Dagdag niya at dumeretso na sa kusina.

Binuksan ko ang main gate at nakita ko si Daniel na may hawak na isang mansanas at nakita kong may maliit na kagat na ito at inabot niya ito sa akin.

"Ha? Anong gagawin ko diyan?"

"Ayaw kong bigyan ka ng chocolate. Makakasama lang 'yun sa kalusugan mo. Kaya binigyan kita ng apple. Mas healthy!" Nakangiting saad niya.

Kinuha ko ang mansanas at pinakita ko sa kanya 'yung may kagat. "Bakit may kagat?"

"Tinikman ko lang at wala siyang lason." Sabi ni Daniel sabay kindat.

Tumalikod ako kay Daniel. Shemay, kinikilig na naman ako. "Tse! Pasok na tayo sa loob. Naghahanda raw ng meyenda si Nanay Melinda. Ba't ka nga pala pumunta dito?" Sabi ko kay Daniel habang naglalakad papunta sa sala.

"Wala naman tayong pasok bukas kaya nagyaya si Julia na mag-outing raw tayo. May alam daw siyng magandang resort, eh." sabi niya.

Bigla akong kinabahan.

Si Julia? Pano pag nalaman niya.

"O wag kang magpanic. Hindi magagalit si Julia. Pramis." Saad ni Daniel at hinalikan ako sa noo. "Mag-impake ka na." Dagdag pa niya.

Pumunta ako sa kwarto at nagsimula ng magimpake.

"DANIEL, ILANG ARAW BA TAYO DOON?!"

"ISA LANG! WAG KANG MAGTWO-PIECE O KUNG ANO MAN! MAGPAJAMA KA NALANG!!!!" sagot ni Daniel sa akin.

"Pajama? Swimming? Lul!"

Nagdala ako ng isang floral shorts at white tank top, black leggings at white shirt para sa pantulog, dress na hanggang tuhod at undergarments. Kinuha ko rin ang cellphone ko para magpaalam kanila mama at papa. After 20 minutes, nagreply sila at pinapayagan daw nila ako basta kasama ko si Daniel.

Pagkatapos ay binaba ko ang bag ko at nakita kong kumakain na si Daniel sa sala at nanunuod ulit ng koreanovela si Nanay Melinda.

"O, iha, nagpaalam na sa akin si Daniel. Nagpaalam ka na ba sa mama at papa mo?" Tanong ni Nanay Melinda. Tinulungan naman ako ni Daniel sa pagbuhat ng bag ko. 

"Opo, pinayagan po nila ako."

Kumain na rin ako ng pancake at hotdog na hinanda ni Nanay. Hanep, parang breakfast lang kahit six thirty na ng gabi. Pero ang sarap. Mwahahahaha.

Makalipas ang isang oras at kalahati, inaantok na yata si Nanay. 8:00 pm na kasi at wala pa sina Julia. Ba't ang tagal kaya nila? Night trip ata trip nila, eh.

"Nay, kami na pong bahala maglock ng pinto kapag umalis na po kami. Magpahinga nalang po kayo." Sabi ko kay Nanay Melinda.

"Salamat, iha. Osha, mag-iingat kayo, ha? Daniel, bantayan mo 'yang alaga ko." Saad ni Nanay Melinda at dumeretso na sa kanyang kwarto.

Pinatay ni Daniel ang tv at humiga sa sofa. Dahil malaki ang sofa, tumabi rin ako kay Daniel. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at hinalikan sa pisngi.

"Kathryn, I love you."

"I love you too."

"I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, Ah basta, Mahal na mahal kita." Sabi ni Daniel at muling hinalikan ang pisngi ko.

Napangiti ako. Ang sarap sa feeling.

Natigil kami ni Daniel sa lambingan *ehem* moment namin nang biglang may nagdoorbell. Tumayo ako at tumayo rin si Daniel. Nakaakbay siya sa akin habang binuksan ko ang gate.

"Oy, anong akbay 'yan? Wrong timing ata tayo mga prends! Mukhang lambingang naganap!" sigaw ni Miles pagkabukas namin ng pinto. 

"Oo nga, balik na lang kami later." Nakangising saad ni Julia.

SHEMAY, SI JULIA! Ngayon ko lang napansin na kumpleto kaming magkakaibigan. May dagdag pa nga. Si Neil, si Miles, si CJ, si Julia... at may isang lalake.

Baka kaibigan ni Julia? 

Speaking of Julia, ba't parang dedma lang siya? Ba't parang wala siyang pakialam na nakaakbay sa akin si Daniel? Ba't parang wala lang sa kanya? Weird.

"Tse! Pumasok na nga kayo." 'Yan lang ang nasabi ko.

Tumatawang pumasok silang lahat. Papasok na sana ako pero hinawakan ni Daniel ang kamay ko kaya napatigil ako. Hinawakan ni Daniel ang bewang ko at nilapit ako sa kanya.

"Advance happy birthday bebe ko." sabi ni Daniel

Huh? BIRTHDAY KO? =________=

Tapos BEBE? Shemay, ano na bang nangyayari sa mundong ito!?

*tsup* 

Hinalikan na naman ako ni Daniel sa noo. 

"Birthday mo bukas. Nakalimutan mo na naman? Taon-taon mo na lang ba makakalimutan ang birthday mo?" Nakangiting saad ni Daniel, nakahawak pa rin sa bewang ko.

"Ay oo nga pala. Hahaha."

Tsaka ko lang narealize na 26 nga pala bukas. Birthday ko na nga pala. Ano ba 'yan?! Palagi ko nalang nakakalimutan ang araw ng kapanganakan ko.

*tsup* 

Hinalikan naman ako ni kuya sa ilong. "Sixteen ka na bebe ko." 

"Daniel, ganito pa rin ba tayo kapag matanda na tayo?"

"Seventeen, Eighteen, Nineteen, Twenty, Twenty One, Twenty Two, kahit ilang taon pa tayo. Tayong dalawa lang. Walang bibitaw." Sabi ni kuya at hinalikan ang kaliwa kong pisngi. "Kasi mahal kita." At hinalikan ni kuya ang kanan kong pisngi. "At mahal mo rin ako." 

"Oooops." Napabitaw ako kay Daniel ng makita kong nasa labas si Julia at nakangiting nakatingin sa amin- sa akin. Shemay, kinakabahan na naman ako.

Binitawan ni kuya ang pagkayakap sa akin at kinindatan si Julia.

Ha? Anong meron?

"Ju-Ju-Julia..."

Lumapit sa akin si Julia at niyakap ako ng sobrang higpit. "Wag ka ngang kabahan, sis. Nakwento na sa akin ni Miles 'yung nangyayari sa inyo ni Daniel. Dapat nga magtatampo ako kasi di mo sinabi sa akin pero narealize ko na kahapon lang pala nangyari 'yun at kasalanan ko rin pala. Naging selfish ako at inangkin ko si Daniel. Pero nevermind, past na 'yun. Guess what?"

 


Bumitaw sa yakap si Julia at binigyan ako ng malaking smile.

"Guess what?" saad ko.

 

"Si Paolo, siya ang para sa akin."

@kitkath
"Naniniwala na ako sa perfect moment."

END OF CHAPTER EIGHTEEN
Thank you po sa pagbabasa!

Continue Reading

You'll Also Like

153K 649 41
Compilation po ito ng mga Spoken Words Poetry ng katulad kila Ate Mai Mai Cantillano and Kuya Juan Miguel Severo and other spoken word artists. Nains...
11.3K 658 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
Wink | PJW By X

Fanfiction

2.7K 143 13
[English-Tagalog Version] You being secretly head over heels over the boy named Park Jeongwoo of Class-B. (I do not own any of the characters mention...
62.4K 1.6K 32
Kaizer x alexa story ..