Famous Meets Bad Girl (Publis...

By SweetAdmirer

29.8M 609K 121K

Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Compl... More

Chapter 1 - The Encounter
Chapter 2 - Scholarship
Chapter 3 - Princess
Chapter 4 - Detention
Chapter 5 [1] - Naked
Chapter 5 [2] - Bad
Chapter 6 - Dreams
Chapter 7 - Classmates
Chapter 8 - World War 4
Chapter 9 - Announcement
Chapter 10 - Boys Talk
Chapter 11 - Past
Chapter 12 - Gas Station
Chapter 13 - Catwalk
Chapter 14 - Text
Chapter 15 - First Class
Chapter 16 - Call
Chapter 17 - Trunks
Chapter 18 - Threat
Chapter 19 - Like a Boss
Chapter 20 - Kid
Chapter 21 - Ceasefire
Chapter 22 - Mad
Chapter 23 - Deal
Chapter 24 - SPG
Chapter 25 - Clarification
Chapter 26 - Big Day
Chapter 27 - Duet
Chapter 28 - Anger
Chapter 29 - Mess
Chapter 30 - Savior
Chapter 31 - Good Side
Chapter 32 - Uyy!
Chapter 33 - Wtf
Chapter 34 - Bar
Chapter 35 - Huli Ka!
Chapter 36 - Island
Chapter 37 - Grabe
Chapter 38 - His Warning
Chapter 39 - LAME TO!
Chapter 40 - Sexy
Chapter 41 - Quest
Chapter 43 - Overthinking
Chapter 44 - Confusions
Chapter 45 - TV
Chapter 46 - Chase
Chapter 47 - Hanky
Chapter 49 - Risk
Chapter 49 - Stranger
Chapter 50 - Secret
Chapter 51 - Heartbreak
Chapter 52 - Agony
Announcements
Chapter 52.5 - Dumbfounded
Chapter 52.5 - Revelation
First Part of the Last Chapter
Last Chapter
Epilogue
Admirers
Announcement
Author's note
ABOUT THE BOOK TWO
PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA

Chapter 42 - Serious

361K 9.7K 2.7K
By SweetAdmirer

Chapter 42 - Serious

Hingal na hingal si Monster noong malapit na kaming makarating sa base camp. "Uy okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Kanina n'ya pa kasi ako pasan pasan.

"O-oo ayos lang." sabi n'ya. Bumaba na ako sa likod n'ya. Takang-taka s'yang lumingon sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong n'ya sa akin.

"I'll get you a water." simpleng sabi ko. Pinilit kong maglakad kahit masakit at mahapdi pa din ang tuhod ko. Sa paraan man lang na 'to ay maipaabot ko sa kanya na thankful ako sa kanya. Nagulat na naman ako ng hilahin n'ya ang kamay ko sabay hatak papalapit sa kanya. Kaya ang resulta ay napayakap ako sa kanya.

"M-monster.." kinakabahang sabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng lalaki na 'to at niyakap ako.

"Just a minute freak.. pagbigyan mo na ako." sabi n'ya habang hinahaplos ang buhok ko. Wala na din akong nagawa kung hindi yumakap pabalik sa kanya.

Nagtataka ako sa inaasta ni Monster ngayon parang may kakaiba. Parang sa susunod na araw ay magbabago. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Freak.. galit ka ba sa aken?" tanong n'ya. Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga n'ya, ang bilis ng tibok ng puso n'ya. 

"H-hindi naman. Minsan lang kapag nayayabangan ako sa'yo.." sabi ko. Talaga naman kasing nakakagalit yung mala-demonyo nyang pag-ngiti, ang pagiging mayabang n'ya, ang pagiging ungentleman.

"Naging masaya ka ba kahit papaano ngayon? I mean when we are together?" he asked. I don't what comes to his mind why he is asking such questions like that. It's really weird why I'm answering his question seriously. Maybe he is asking serious too. Hindi ko alam kung bakit ganito kaseryoso ang pag-uusap namin na 'to.

"Narealize ko na hindi ka pala ganung kasama.. na kahit may buntot at sungay ka pang nakatago jan.. eh may good side ka din." pagsagot ko. Inilagay n'ya yung baba n'ya sa balikat ko at hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.

"Na kahit anong pang-iinis mo sa akin, na kahit anong pangtitrip, pag-bubugbugan natin ay hindi mo naman ako pinabayaan.."

"Na kahit anong pagmura ko sa'yo, nanjan ka pa rin. Na kahit gaano ka pang kasikat, alam ko sa sarili ko na hindi ka naman ganoon kahirap pakisamahan. I really enjoy this moment when we are together.. I don't know pero masaya ka naman kasama.." pagpapatuloy ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sagutin yung tanong n'ya. Nakakahiya kasi masyado na atang napasobra ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko din alam.. basta ang alam ko sa sarili ko na totoo at galing sa puso ang mga sinabi ko sa kanya.

"Alam mo ba freak.. ikaw lang yung nakakaganyan sa akin. Ikaw lang yung nakakamura sa akin ng harapan. Hindi ko nga alam kung tanga ka lang o walang tv sa bahay..dahil hindi mo kilala yung gwapong katulad ko.." sabi n'ya tapos mahinang tumawa.

"Hangin mo grabe." pagkokomento ko sa sinabi n'ya. "Shhh.. don't speak. I'm the only one who is allowed to speak at this moment." he said. Wala na akong nagawa kung hindi tumahimik na lang.

Gusto ko kang enjoyin yung moment na 'to

"Naaalala mo ba yung mallshow na pinuntahan mo?" tanong n'ya sa akin. "Yes." mahina kong sagot.

"Sinumpa ko talaga ang araw na 'yon. Unang una dahil pinahiya mo ako sa libu-libo kong fans. Alam mo ba na talagang bumakat yung kamay mo sa gwapo kong mukha?"

"Kapal ng mukha mo na 'yan. . ako nga nasaktan eh.." pagsagot ko sa kanya.

"Pwera biro.. sinumpa talaga kita non. Kaya nga pinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita at pagbabayarin sa ginawa mo na 'yon. Kaso iba ang nangyari, yung araw na 'yon ay hindi ko makalimutan dahil nakakilala ako ng isang freak.."

"Iba ka sa lahat.. hindi ka naman kagandahan.. hindi ka rin sexy.. hindi rin talented..ano pa ba? Hindi ka rin ma—" hinampas ko s'ya sa likod n'ya.

"I hate you! Lalaiitin mo na lang ba ako?!" inis na tanong ko sa kanya. Nakakainis! Laitin ba naman ako. Okay na eh, natotouch na ako tapos babanat s'ya ng ganun.

"Patapusin mo naman kasi ako.." bwelta n'ya. Isinubsob n'ya lang yung mukha ko sa dibdib n'ya. Narinig ko na naman yung pintig ng puso n'ya. "Malayo ka man sa ideal girl ko. Pero basta ang hirap i-explain freak. Basta balang araw.. malalaman mo din. Hindi pa rin kasi ako sigurado... kung tao ka nga. Hehe!"

Inis kong hinampas s'ya sa dibdib n'ya. "Siraulo ka talaga! Wala kang kasing sama!" tumawa naman s'ya sa sinabi ko.

"Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko. Sa mga mangyayaring sa atin na hindi maganda."

"Basta freak.. sorry. Sasabihin ko sa'yo ang lahat lahat kapag handa na ako. Kapag handa mo ng malaman ang lahat. Pag dumating ang araw na 'yon, I hope you'll not get mad at me. Dahil matagal ko ng pinagsisihan yung nagawa ko."

"Tandaan mo na... ikaw lang yung freak sa buhay ko at ako naman ang magiging monster ng buhay mo."  sabi n'ya. Napangiti ako sa sinabi n'ya. Tumingala ako para tingnan ang reaksyon n'ya.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya.

"N-no. Napuwing lang ako." sagot n'ya. "Alam mo naman maraming buhangin. Kung umiyak nga ako.. that only proves na magaling akong artista. Haha!" tumawa s'ya at kinuha n'ya yung kamay ko at inilagay sa balikat n'ya.

"Balik na tayo. Akbay ka lang sa akin. Tanga ka pa naman minsan freak.."

"Heh! Tigilan mo ako monster! Sasapakin talaga kita! Kanina mo pa ako sinasabihan ng tanga!"

"Sorry na my princess.." sabi n'ya at tumawa. Nagfrown naman ako sa sinabi n'ya.

"Tse! Si Liam lang pwedeng tumawag sa akin n'yan." protesta ko. "Hindi bagay sa'yo kapag tinatawag mo ako ganyan. sa freak ako sanay. Alam mo ba yun? Sa ganda kong 'to, freak ang tawag mo sa akin. Ha-ha!"

"Oh edi sorry my freak. Okay na po ba?" tanong n'ya. Para pang napilitan 'tong siraulo na 'to.

"Much better!" pagsang-ayon ko.

Bumalik na kaming dalawa sa base camp. Sinalubong naman kami ng mga ka-grupo n'ya. Gabi na pala noong nakarating kami. Busy ang iba sa paggagawa ng bonfire. Yung mga maarte kong kaklase na babae ay nag-aayos ng mga gawa nilang tent. Yung mga boys naman ay nagluluto. Ano pa bang aasahan mo sa mga rich kid na kaklase ko?


Third Person

Lahat ay abala sa mga nakatokang gawain nila sa camp. Magkakasama ang magkakabigan. Naka-toka sila sa pag-iihaw ng isda.

"Congrats Russ! Kayo pala nanalo sa trail!" sabi ni Carl kay Russel. Eto kasi ang unang nakatapos ng trail.

"Haha! Salamat." masayang sabi nito. Ibinaling ni Russel yung tingin n'ya kay Terrence na abala sa pag-iikot ng stick. "What happened to Princess?" tanong n'ya.

"Nadapa kanina." simpleng sagot nito. Napatango na lang si Russel, talagang nag-aalala ito noong nakita nito ang benda sa tuhod ni Trish.

Dumating ang prof nila, "Kailangan n'yo daw bumalik sa Manila tonight. Pinababalik na kayo ni Mr. Sy, urgent daw. So boys, nakahanda na yung speed boat." sabi naman nito.

Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa balitang natanggap. "Bakit na naman kaya? Sana hindi naman bad news.." sabi ni Carl sa grupo.

"Oo nga, sana nga hindi bad news." pagsang-ayon ni Kurt sa binata.

Wala na silang nagawa kung hindi sumunod sa balitang natanggap. Nagpaalam na si Carl kay Trish at sa mga kaklase nito. Nabigla ang lahat sa balitang natanggap. Ang ginawa tuloy ng prof ay pinaghanda ang lahat at sa hotel na silang lahat matutulog.

Lahat ay masayang nagsipag-ayos at sumakay sa speed boat. Ano pa ba ang aasahan mo sa mga batang 'to, hindi sana sa buhay isla.

"Tara na Master! Sakay na tayo!" pagyaya ni Carl kay Trish. Nag-agree naman ang dalaga at tumingin kay Terrence at Liam na nasa isla pa at seryosong nag-uusap. Gusto n'yang tawagin ang dalawa pero pinili n'ya na lang sundan si Carl.

"Mahal mo ba talaga si Trish?" tanong ni Terrence sa kabigan.

"Oo pre. Mahal na mahal." sagot naman nito.

"Pero alam mo naman ang rules ni dad diba? Walang pwedeng mag-girlfriend habang nasa grupo."

"I know. Kaya ko naman i-sakripisyo ang career ko. Kung ganoon nga ang mangyayari. Ikaw ba? In love ka ba kay Princess?" tanong ng kaibigan.

"Ako?" turo n'ya sa sarili n'ya. "Hinde. Huwag ka nga magpatawa Russel!"

"Kilala kita Terrence. Matagal na kitang kaibigan.." sabi ni Russel . "Sigurado ka ba? Kasi ako.. sigurado akong mahal ko s'ya. Kaya kong magsakripisyo kung ikaliligaya ko naman ang gagawin kong desisyon diba?" dagdag pa nito.

"Malakas na talaga ang tama mo kay freak.. Suportahan na lang kita sa kanya. But bro.." sabi ni Terrence sa kaibigan sabay tapik sa balikat nito. "Take care of her, love her as much as you can 'cause If you don't do that.. I might steal her away from you.."

Continue Reading

You'll Also Like

736 105 12
Day's life fell down like Domino tiles since the death of her mom. Her father, a doctor, was now juggling between his profession and his drinking...
4.7M 147K 51
Inakala ni Kaizer at Sitti na magiging okay na sa kanila ang lahat dahil sa mahal na nila ang isa't-isa. Na hindi na lang pagkukunwari ang relasyon a...
7.6K 656 17
Isang kasunduan ang namagitan kina Alonzo at Celestina noon na kapag lumipas ang limang taon at wala pa rin silang ibang mahal ay magiging sila na. N...
21.6K 403 27
Panahon daw ang pinakagamot sa lahat ng sakit.. Panahon daw ang kailangan para tuluyan ng makalimot.. Pero paano mo iyon gagawin kung ang panahon mis...