His Wedding Planner (Complete)

De Eilramisu

3.6M 49.5K 2.5K

Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON** Mai multe

His Wedding Planner
1st Plan
2nd Plan
3rd Plan
4th Plan
5th Plan
6th Plan
7th Plan
8th Plan
9th Plan
10th Plan
11th Plan
12th Plan
13th Plan
14th Plan
16th Plan
17th Plan
18th Plan
19th Plan
20th Plan
21st Plan
22nd Plan
23rd Plan
24th Plan
25th Plan
26th Plan
27th Plan
28th Plan
29th Plan
30th Plan
31st Plan
32nd Plan
33rd Plan
34th Plan
35th Plan
36th Plan
37th Plan
38th Plan
39th Plan
40th Plan
41st Plan
42nd Plan
43rd Plan
44th Plan
45th Plan
46th Plan
47th Plan
48th Plan
49th Plan
50th Plan
51st Plan
52nd Private Plan
53rd Plan
54th Plan
55th Plan
56th Plan
57th Plan
58th Plan
59th Plan
60th Plan
61st Plan
62nd Plan
63rd Plan
64th Plan
65th Plan
66th Plan
67th Plan
68th Plan
69th Plan
70th Plan
The Final Plan

15th Plan

53K 723 30
De Eilramisu

"Hi Zeria! Good morning" Masiglang bati sakin ni Jared. Nandito kasi kami sa quandrangle. May flag ceremony daw. Every Monday na daw kasi. 

"H-hi din!"

"Sayang! Kung alam ko lang na may isang gaya mo ang mag ta-transfer dito... eh di dapat pinagbuti ko ang pag aaral ko. Para classmate tayo!" Diretsahan niyang sinabi sakin. 

Kunot ng noo at awkward na ngiti lang ang tinugon ko sa kanya. 

"Di bale, ang mahalaga nasa iisang floor tayo ng building natin." 

"Ahm... anong section ka ba?" 

"Two. Magkatabi lang ang classroom natin. Mamaya pala sa inyo na ko sasabay mag lunch." 

Kung anu ano pa ang pinag sasabi sakin ni Jared. Pero kasi natuon ang atensyon ko kay Bryle na nakaupo sa may hagdan ng stage. Malalim ang iniisip niya. 

Naalala ko tuloy yung sinabi niya sakin nung friday. He will teach me to like him... again.

Hindi na kami nakapag usap nun dahil tinawag na kami ni Sir Manalo. 

Kailangan pa ba niyang ituro sakin yun? Eh alam ko nanaman kung paano. Hay!

Matapos ang flag ceremony, sabay sabay kaming umakyat nila Jelly. Napatingin ako sa kanya na masayang nakikipag usap kay Annie.

"Bakit parang nakabusangot ka ata?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Arx sa tabi ko.

"Hindi naman! Inaantok lang ako." Pag sisinungaling ko na lang. Para hindi na siya magtanong pa.

"How's your weekend?" 

"Like the usual weekend." Walang ganang sagot ko. 

"Hmm, gusto mo mag stroll tayo sa park or mag malling pag weekend? Para naman hindi ka nabo-bored."

"I like that idea. But I don't know. Bahala na." 

"Nakita ko yung files mo sa office ng lola ko... sa Brillantes ka pala nag aaral dati?" 

"Ah. Yun ba. Oo."

"Kaya pala. Ang ganda ganda mo."

"Ano namang connect dun?"

"Alam ko kasing mararaming magaganda sa BU. Pero hindi ko alam na ganyan kaganda." 

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Maraming nagsasabi na maganda ko. Pero iba yung pagkakapuri niya.

"Thanks!" 

Nabigla ako ng biglang may sumingit sa gitna namin ni Arx. Si Annie pala. Tapus pinulupot niya yung kamay niya sa kaliwang braso ko.

"Zeria, nagtatampo na kami ni Jelly sa'yo."

"Oo nga. Hindi ka masyadong nakikipag usap samin." 

Nge! Talagang ako pa? Eh pag nag uusap sila tapus pag dumating ako, magtitinginan sila at mag sesenyasan pa. Nasan ang hustisiya dun? Nasan??

"Mag cr muna tayo. Sige Arx mauna ka na sa room." Sabi ni Annie. Hindi na ko nakaag react dahil hinila na nila ko papuntang cr.

"Anu bang problema niyong dalawa?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"W-wala no. Ano ka ba naman!" Sabi sakin ni Jelly na nananalamin. Si Annie naman naiwan sa may pinto na akala mo mag inaabangan. 

"Tara na! Dali! Bilis!" Sigaw ni Annie.

Paglabas namin ng cr, nakasalubong namin si Bryle, kasama si Jared at iba pang boys. Pero sa mukha ko lang kilala. 

"Hi Bryle! Hi Jared! Hi Niko! Hi Luis!" Bati ni Annie.

"Hi girls! Hi Zeria!" Malambing yung boses ni Jared ng banggitin yung pangalan ko.

"Hi din!" Sabay sabay na kaming umakyat sa mga classroom namin. 

"Ang tipid mo namang magsalita." 

Kay Bryle ako napapatingin kahit na si Jared naman ang kumakausap sakin. Nakapamulsa lang siya at seryosong naglalakad.

Tumingin din ako kay Jelly at Annie na nakikipag tawanan dun sa dalawa pang lalaki. 

Huminto na ko sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng classroom namin. 

"Sige Zeria. Sabay tayong mag lunch ah? Kita na lang tayo mamaya!" Sabi ni Jared.

"Sige na. Umalis na kayo Jared. Magpunta na kayo sa classroom niyo. Shoo!" 

"Bye Zeria!" Nag flying kiss pa si Jared habang umaalis siya. 

Napakunot ako ng noo sa ginawa niya. Bigla namang parang may kinuha si Bryle sa hangin sa tapat ng mukha ko. At parang dinurog din niya yun. Naguluhan ako sa ginawa niya. Ano yun? Bakit may ganon? 

"Loko yun ah! Uunahan pa ko sa flying kiss niya." Narinig kong sinabi ni Bryle. Pero pabulong lang yun. "Tara na sa loob."

Dun ko lang napansin na wala na pala dun sila Jelly. 

Halos mag inat na ko sa buong klase kanina. Hindi naman sa pagiging mayabang, pero kasi yung mga ibang lessons, na take na namin noon sa BU. Masyado kasing advance yung school na yun. Kaya halos lamunin ko na ang lahat ng science calculator, books, at handouts ko sa math noon. Maka survive lang! 

"Hi beautiful!" Bati sakin ni Jared nung mag lunch time na.

"Hi." 

"Na-bored ka sa klase niyo kanina no? Tsk! Kung nandiyan ako, hindi ka na sana maiinip at aantukin."

"Samin ka ba sasabay, Jared?" Tanong ni Annie.

Napansin ko lang na pag ibang boys yung mag sasabing sasabay saming mag lunch umaayaw sila. Ngayon si Annie mismo ang nagtatanong kay. Jared. 

"Oo naman! Gusto kong makasabay si Zeria mag lunch. Kung pwede ko nga lang siyang solohin eh." Napakunot ang noo ko sa binitawang salita ni Jared.

Tinignan siya ni Annie tapus tumingin siya sa paligid, ganun din ang ginawa ko, at pinandilatan agad niya si Jared, umiling din siya ng isang beses.

Ginaya ni Jared si Annie, tinignan in niya ang paligid niya at nakangiti siya habang kumakamot sa ulo niya.

"Sige, mauna na ko. Subject disappear." Paatras na naglakad si Jared palayo samin. 

"Palpak talaga!" Bumulong si Jelly pero di ko masyadong naintindihan.

"Anu yun, Jelly?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Wala! Ang sabi ko pakpak ng manok ang ulam ko. Chicken wings."

Umiling na lang ako dahil hindi naman convincing ang sagot niya.

Tatlong linggo na din ang nakakalipas ng magsimula ang pasukan. Maayos naman ang lahat. 

Yung seat plan namin binago. Well syempre, alphabetical order. Dalawa lang ang magkakatabing upuan per column. At sampung pairs ng chairs ang bawat column and row.

Hindi ko rin ini-expect na si Bryle ang seatmate ko. Paminsan minsan tinutukso kami ng mga classmate namin. Ang alam ko talaga si Thonny yung magiging seatmate ko. Dahil Lapuz siya. Pero dahil equal lang kami, boys and girls ang magkatabi. Nagkataon lang na yung sinundan kong girl, siya yung naging katabi ng sinundan ni Bryle. Basta, ganon! Kasi ang pagtatawag ni Ma'am Ella ng names ay salitan. Kaya nung tinawag ni ako ni Ma'am Ella, si Bryle ang kasunod niyang tinawag. 

Pero kung titignan ang mga surnames namin, hindi talaga alphabetical order yung kabuuan ng seatplan. Naka alpha yung girls, naka alpha din yung boys. Kasi iba iba ang surnames, may sinusunod ding pattern si Ma'am Ella na girl, boy, girl, boy sa seatplan.

"Zeria..." Napaharap ako kay Bryle dahil pabulong niyang binanggit yung name ko. Nakatingin siya sakin pero parang tagusan yung mga titig niya sakin.

"Bakit?" 

"Ah... wala! Wala naman. Hindi ka pa kasi tumitingin sakin."

Namula ang pisngi ko dahil sa mga sinabi niya. 

"Class! Listen!" Tumayo si Ma'am Ella sa harapan. "Maliban sa mga transferees. Alam niyo naman na yearly nating isine-celebrate ang foundation day ng Laurente. Pero sa third week pa naman ng August yun. Pero ang gusto kong mangyari, pag usapan na natin yung mga activities na gagawin natin. Para syempre magkaroon kayo ng class fund." 

Nagsimula ng mag ingay ang mga classmate ko. Kanya kanya na sila ng discussion. Sabay sabay silang nag sasalita. Kaya hindi din sila nagkakaintindihan.

"Ma'am Ella!" Nagtaas ng kamay si Annie tapus tumayo siya. Nasa kanan lang siya ni Bryle. Dahil Mendoza siya. Monteverde ako. Kami ang magkasunod sa girls. "Classmates! Quiet!!" Natahimik naman yung ibang classmates namin. "Ma'am Ella, na-approve po ba yung open gate policy?"

"Hmm, sa pagkakaalam ko, oo. Na-approve yun last week. Ay! Para pala sa mga hindi nakakaalam ng open gate policy... eto yung open yung school natin for other schools sa foundation day, actually, foundation week. So, kaya mas maaga ko sinabi, ay para makapag isip tayo ng mga gimik. Yung papatok hindi lang dito sa school natin, kundi sa ibang school din."

"Ma'am Ella,  may naisip po ako kaagad!" Maarteng sinabi ni Dianne. "Bakit hindi tayo mag conduct ng one week training sa dancing. Syempre per meeting ang bayad." Napairap ako sa pangit niyang idea.

"Bakit naman sila mag e-enroll sa training na gusto mo, kung pwede naman silang mag train sa mga school nila. Wala ng bayad, hindi lang one week." Napangiti ako sa banat ni Jelly. May tinatago din kasi siyang kamalditahan. 

"Duh! Common sense nga girl! Kukuha tayo ng professional dancer. Para hindi nila maisip na sayang yung ibabayad nila." 

Nagsimula ng magkantyawan yung mga classmate ko. Parang tumataya lang sila ng mga manok sa sabungan..

"Professional? What do you think of us? Rich kid? Can pay thousands for that professional dancer? Eh bakit hindi mo na lang i-refer dun sa kukunin mong dancer yung mga ina-assume mong mag e-enroll sa training na gusto mong mangyari? Ganun din naman yung magiging income and expense." 

Mas lalong naghiyawan yung mga classmate ko. At parang bull na nakakita ng red, kaya halos umusok na yung ilong ni Dianne.

"Dancer ka ba talaga? wala ka kasing passion." Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga pinagsasabi ni Dianne. Ang kitid kasi ng utak niya.

"Alam mo, Dianne... siguro ikaw ang may kailangan ng training. Wag mo na lang kami idamay, kahit kasi may passion kami sa dancing, isinasaalang alang din namin yung iba. Isa pa, masyadong mahal yun, luho mo lang yan." Kitang kita ko ang pag alab ng mga mata ni Dianne nang tumingin siya sakin. Nginitian ko na lang, para naman mas lalo siyang mainis.

Tumikhim si Annie na nakatayo sa harapan. "I agree with Miss Sandoval and Miss Monteverde. Hindi natin kailangan ng mga ganon. Masyadong maluho. Well, any suggestions?" 

"Bakit kaya?" Napalingon ako sa katabi kong si Bryle. Bigla kasi siyang bumulong. Sa ibang direksyon siya nakatingin. Pero sigurado ako na ako ang kinakausap niya. Yung kaliwang braso niya naka akbay sa sandalan ng upuan ko, yung kanang kamay naman niya ay nag ta-tap lang as desk niya, at as usual, naka de-kwatro nanaman siya. 

Napasinghap ako dahil sa position niya. Ang astig kasi eh, ang cool cool lang ng dating niya. "P-pardon?"

Dahan dahan niyang tinanggal ang salamin niya sa mata at parang naging slow motion ang lahat nung humarap siya sakin. "Hindi ko alam kung bakit ako nagagandahan sa'yo. Wala namang espesyal sa mukha mo." 

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Is that a compliment or some kind of insult?" 

"Hey! Wag kang magalit sakin. Wala akong ibang ibig sabihin. Dapat nga natutuwa ka kasi nagandahan ako sa'yo. Crush mo pa naman ako!" 

Nakagat ko ang labi ko dahil sa huling sinabi niya. Napaiwas agad ako ng tingin. "That was before..."  Saka lang ako napatingin sa kanya nung hindi na siya nag salita. At nag sisisi ako na tumingin pa ko sa kanya kasi nakatingin lang din pala siya sakin. 

Na-estatwa ako ng bigla siyang mag lean sakin, napaka lapit na nga ng mukha niya sa mukha ko. At sa muling pagkakataon, napagmasdan ko nanaman ng malapitan ang brown eyes niya. Halos hindi na ko kumurap. "Ibabalik ko yun..." Pagkasabi niya nun, hinipan niya ang mukha ko at umayos na siya ng upo. 

Napasinghap ako... dahil ang bango ng hininga niya. 

(c) Eilramisu

SORRY PO! NASOBRAHAN NG TAGAL YUNG UPDATE :) HIHIHIHI!! SANA MASUNDAN PA, PERO SUPER BILIS. YUNG AGAD AGAD!

THANKS FOR SUPPORTING MY STORIES! I LOVE YOU ALL! :-*

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.8M 37.4K 31
LESSON: Wag magmamahal ng sobra para walang umaasa, walang nasasaktan, walang umiiyak, walang nagagago at nagpapagago. Until one day...... LESSON: Wa...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.8M 37.2K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
4.2K 77 6
A Thomas Torres and Ara Galang's short story from my wild and cute imagination. This is not a fantasy story. All Rights Reserved.