How To Love (Trese Series #2)...

By chiXnita

360K 8.7K 2.2K

[ #TRESEseries No. 2 ] "You'd be able to live life to the fullest and appreciate what life could offer, if yo... More

How to Love?
[2] - Kung Magiging Kami, Magiging Kami
[3] - How To Move On
[4] - Studies First, Lovelife Later
[5] - Torpe
[6] - Friendship or Relationship
[7] - Opposites Do Attract
[8] - It's Complicated
[9] - Taking Risks
[10] -What Ifs

[1] - Currently Dating a Fictional Character

58.2K 1K 241
By chiXnita

[1] - Currently Dating a Fictional Character

“Paano mo matatagpuan ang taong itinadhana para sa ‘yo kung obsessed ka sa taong nabubuhay lang sa imahinasyon mo?” – ZD de Carpio

_..._..._

~ Paandar ni ZD ~

Topic: Fictional Characters

Fictional characters? They are the overrated unreal people who don't exist at all, only in our imaginary world.

They are overrated. They are unreal. They don't exist. They are fictional.

Pero bakit nakakainlove?

Siguro kaya tayo nahuhulog sa mga fictional characters dahil nakikita natin sa kanila ang mga katangiang hinahanap natin na wala sa mga taong nakapaligid sa 'tin.

Kaya hindi maiwasang hilingin... "Sana tauhan na lang ako sa libro para takasan ang kalupitan ng mundo."

Ngunit may nakakaligtaan tayo, dahil sa kanila, tumataas ang standard ng tao. Lalo na ang mga babae. Nangangarap tuloy na sana makatagpo ng real version niya.

Dahil din sa ideyang 'yan kaya maraming nasasaktan. 'Yon bang expectation na hindi mo kayang abutin kaya kapag nanapak ang realidad para gisingin ka, 100x ang sakit.

Para kang sinampal ng katotohanan. Ginulpi ng realidad. Nagiba ang expectation.

Take note, we fall in love with fictional characters because we are so focused on their point of views. We can read their thoughts. We can feel their feelings. We can predict their actions when there are conflicts that will soon to happen. We know "all" the things about them.

Try not to overlook the people and the possibilities around you.

Malay mo, nandiyan lang siya. Sa tabi-tabi. 'Di mo lang napapansin.

Paano pala kung real version niya 'yong kasama mo palagi pero binabalewala mo?

'Yong taong nagconfess ng feelings niya sa 'yo pero nireject mo kasi hindi g'wapo?

'Yong mga may itsura lang ba ang dapat magmahal at mahalin? Dapat ba sila lagi ang bida?

Give yourself a chance to love a real human.

Paano mo matatagpuan ang taong itinadhana para sa ‘yo kung obsessed ka sa taong nabubuhay lang sa imahinasyon mo?

Create your own fantasy. Make it happen in reality.

Remember, you're the one who's writing your story. It's up to you what kind of genre you'll choose. Happiness, tragic or misery?

Ateng at boyeng, paalala lang...

'Wag masyadong taasan ang standard kung ayaw masaktan. Bakit sobrang gwapo o ubod ka ba nang ganda para magpantasya? Ilagay ang sarili sa lugar, ha?

'Wag masaktan. Real talk lang.

- ZD de Carpio

_..._..._

ITINUPI KO ang laptop, matapos i-upload ang bagong entry kong vlog.

'Yong mga viewers ko, minsan hindi naman 'yong mismong topic ang inaabangan nila sa 'kin... kung 'di ang mukha ko lang.

Mga simpleng galawan.

Syempre, feel na feel ko naman.

May nagbuzzer sa bagong-bago ko pang condo. Wala pang isang buwan. Sa wakas pinayagan na rin ako ng mga parents kong maging independent. Makakaiwas na rin ako sa over-protective na si Kuya Zyle. Na ultimo lamok bago pa makadapo sa balat ko, napatay na niya.

Gano'n siya ka-OA.

Na masarap paliparin sa planetang Nemic nang manahimik.

Hindi nila alam kung saan ang condo ko. Ayokong sabihin. For sure kasi araw-araw akong bubulabugin ni kuya. Kaya walang nanliligaw sa 'kin dahil sa kanya.

Paano, kahit ubod ako nang diyosa... titigan niya pa lang, bumabahag na ang buntot.

Sure akong sina Irish ang nasa labas, best friend ko na kapatid ng best friend ko ring si Cyclone. Best friends ko ang magkapatid na El Grandia.

Mga magaganda ang lahi na gusto kong magpa-hybrid kung maaari kahit na umaapaw na ang kadiyosahang taglay ko.

Mas okay kasi kung pinaghalo ang dugo namin ni Cyclone. For sure, artistahin magiging anak namin.

Parang gatas na kape. Swak na swak na, swabeng-swabe pa.

"Happy Birthday, Den!"

May sumabog na confetti at wala sa tonong birthday song ang halos bumingi sa 'kin. Naiiling ako habang nakikita ang mga kaibigan kong nakatayo sa may pinto.

Si Irish, kasama sina Caleigh, Vlaire, Xhaiden at Keziah.

Sila lang. Wala ang pinsan kong si Shantal. Si Angel naman, hindi pa rin nagpapakita.

May hawak silang cake na hindi gano'n kalakihan. Mukha silang mga eng-eng, sa totoo lang. May suot pa silang b-day hat.

Bago pa mabulabog ang mga katabi kong condo, pinapasok ko na sila.

May dalang alak si Keziah. Adik talaga 'tong bruhang 'to. Emperador ba naman ang bitbit. 'Di ko nga alam kung ano nagustuhan ni kuya sa babaeng 'yan, eh.

At home na kaagad sila. Binuksan ni Vlaire ang stereo at malakas na nagpatugtog. Sina Caleigh at Irish, dumiretso sa kusina, kumuha ng pwedeng ipang-chaser at pulutan. Akala mo naman mga lasinggera. Habang si Xhaiden, pinaihipan sa 'kin ang kandila sa cake.

Tamo, 'di man lang nila hinintay na makapag-birthday wish ako.

Sa tuwing birthday ko, mas gusto kong magmukmok o mag-isa. Nagkukulong sa kwarto, nagbabasa ng libro o nag-uupload ng mga kalokohang videos. Tapos sa susunod na araw na gagawin ang celebration, dahil hindi makakapayag ang parents ko kung wala.

Kaso nandito ngayon ang mga sira para manggulo.

"How old are you na, Den?" tanong ni Vlaire.

Nag-iinom na kami dito sa sala habang nakaupo sa pulang carpet. Namumula na nga sila, eh.

Tanda ko pa ang unang beses na uminom ako, 3 years ago. Nagtampisaw ako sa ulan nun at pinagsisigawan ang mga mag-syotang dumadaan sa kalsada na "Magbibreak din kayo. Walang forever, Ateng at Boyeng."

I know what I was doing, pero 'di ko kayang kontrolin.

Sumakit ang ulo ng Sexy Chicks. Pinagtawanan ako ng Hot Dogs at pinagalitan ni Kuya Zyle. Nakakahiya!

Mabuti na lang walang kahit isang Hot Dogs na nandito ngayon. Makukutusan ko 'tong mga babaeng 'to, 'pag nagkataon.

"Unfortunately, I am now 22. Cheers for that!" Itinaas ko ang kopitang may lamang kalahating empe, humahagikhik.

"22? I thought I was two years older than you. Isa lang pala?" ani Caleigh na kanina pa nagpapapak ng chips. 'Tong babaeng 'to mas malakas kumain kaysa uminom.

"22. NBSB. Never been kissed, never been touched. Pretty but loner? Ikaw na lang kaya ang walang lovelife sa 'tin. Si Irish nga may kalandian na, eh. Hanapan kita ng lalaki gusto mo?" nang-aasar na komento ni Kez. Kahit talaga kailan, kontrabida ang babaeng 'yan.

Nakita kong biglang namula si Irish pero 'di nagkomento. Mukhang kilala ko kalandian niya. Hindi pa nagsasabi sa 'kin. Kailangan muna kasi pigain bago 'yan magkwento. Masyadong masekreto.

Akala mo naman artista, eh lamang lang naman ng tatlong tabong paligo at pahid ng whitening lotion sa 'kin. Mas matangkad ng isang pulgada. Mas maputi at makinis. Pero overall... mas malakas sex-appeal ko. Ha!

Wepak!

Sugod, ZD!

Confidence at its finest!

'Yan ang susi para umasenso.

"Hindi porke nasa isang relasyon ka, masaya ka na. Mas okay pang maging single kaysa naman nasa isang relasyong puro naman pagdududa," inirapan ko si Kez. Tamaan ka, bruha.

"Sino may relasyong ganyan sa 'tin? Meron ba?" tanong ni Leigh. Ah, natamaan din.

Buti pa si Xhai, tahimik lang sa tabi. Nangingiti. Palibhasa, bagong kasal. Pero sa lahat ng taong nakilala ko, isa siya sa may mabigat na pinagdaanan. As in!

Complicated life at its finest!

"Oo nga, Den. Hindi ka na bumabata. Magpaligaw ka na kaya?" Sus! 'Tong si Vlaire kung makapagsalita, akala mo nagpapaligaw lang kung kani-kanino. Eh, isa rin siya sa mga choosy na nakilala ko.

"Order tayo ng pizza," buti pa si Xhai, lifesaver. Naglilihi yata babaeng 'to, eh.

Habang hinihintay namin ang pizza na in-order ni Xhai, naglaro muna kami ng walang kasawaang "Truth or Dare." Para namang 'di pa namin kilala ang isa't isa.

Sabagay, lately lang naman naging close si Xhai kay na Vlaire at Caleigh.

Long story at its finest!

Hanggang sa ilang beses nang umikot ang walang lamang bote ng empe. Ang dumi na ng sala sa mga pinaggagawa nila. Nagkalat ang mga chips, tissue at may nabasag na ring baso. Kababaeng mga tao, ang salahula.

Pero ang saya. Ngayon lang ulit kasi kami nakapagbonding after ng kasal ni Xhai at matapos ng mga nangyari sa barkada. Hindi na namin iniisip ang mga 'yon. Nakakapagod madepress.

Tumayo ako. Sinabayan sina Keziah at Vlaire na sumasayaw. Lasing na ang mga 'to. I smiled and hurled my hands in the air. This is fun. Chill lang.

Sinabayan ko ang malakas na music.

Sumisingaw ang init sa katawan ko. Para akong nilalagnat. Namamanhid pakiramdam. Ang hardcore naman kasi ng mga babaeng 'to.

Emperador at its finest.

"I... I watcha get laid!" I removed my top, revealing my red bra. Niyakap ng lamig ng aircon ang aking katawan. I was enjoying the beat of the music when Irish smacked my head with the throw pillow.

Tinatawanan ako ng barkada. Sa amin ako ang pinakamadaldal, pinakamakulit at pinakabaliw (daw). At ako rin pala ang pinakamahina ang tolerance pagdating sa alcohol. Mas nagiging wild (daw) ako. Pero sa tingin ko naman hindi. Normal lang ginagawa ko.

Having fun at its finest!

Kaya hindi ako pinapayagan ni kuyang uminom. Patago nga lang 'tong ngayon. Saka ligtas naman ako. Si Keziah kasi ang pasimuno.

"Sit down, Den. You're drunk!" Inalalayan akong umupo ni Irish pero pinalis ko ang kamay niya't humagikhik.

To the rescue na naman si beshy.

Kaso sobrang opposite namin kahit mag-bestfriend kami. Kung gaano ako kabaliw at kadaldal, gano'n naman siya katahimik at seryoso sa buhay. Pero ang nakakaamaze, siya rin ang pinakamatibay pagdating sa alcohol kahit minsan lang siya uminom.

Siguro dahil may-ari sila ng malaking pub at magaling na barista ang kuya niyang si Cyclone?

"I want your brother back, Rish." I pinched her cheek.

"Hindi naging kayo ni kuya. NLSF ka, remember? Mas nagiging assuming ka 'pag lasing."

"I'm diyosa not lasing, Ateng."

I saw Leigh stood up and joined Vlaire. Si Xhai napapailing na lang sa gilid. Siya lang ang 'di umiinom.

Bawal.

"Oo na. Diyosa ka na." Inaalalayan pa rin ako ni Irish pero nagpupumiglas ako.

"Kaya nga may gusto sa 'kin 'yong kalandian mo," I laughed.

"Zion Denice!" boses yata 'yon ng ex ni kuya. Tapos may mga palad na humatak sa 'kin palayo kay Irish.

"Chill, chill! That's a fact though." Kumawala ako't tumingin kay Irish. Nakatingin lang siya sa 'kin. Normal na titig niya, but she didn't say anything. I smiled at her. "Pero mas bagay kayo at mas bagay kami ng kuya mo kaysa sa pinsan ko." Tumawa ulit ako't pumalakpak. "Let's get wasted. Party! Party at its finest! Woah."

Kinuha ko ang unan na pinangpukpok ni Irish sa ulo ko at ginawang gitara habang nagheheadbang, tumatalon at sinasabayan ang kanta.

"Malala talaga tama ni Den," tawa ni Caleigh.

"Hindi ka na p'wedeng uminom, Zion Denice." May humawak sa siko ko at pinaharap ako sa kanya.

"Oh, kilala kita." I pointed her nose. "Ikaw 'yong panget na ex ni kuya na hindi bagay sa kanya--"

Bigla niya akong pinukpok sa ulo pero mas lalo lang akong humagalpak.

"Ilayo n'yo sa 'kin ang baliw na 'yan, masasaktan ko 'yan."

"Relax, Kez. She's drunk," sabi nung pinakamasaya ang lovelife, si Xhai.

"Arrrg! Ba't ko ba pinainom ang lukaret na 'yan?"

May biglang nag-buzz. Nandiyan na yata ang in-order naming pizza. Mabilis akong lumapit sa may pinto. Pasuray-suray. Inunahan ko nang takbo si Vlaire. Muntik na tuloy akong makabasag ng baso... ulit.

"Zion Denice, get back here. Wala kang damit!" sigaw nung panget na ex ni kuya na hindi bagay sa kanya.

I opened the door. A tall man holding two boxes of pizzas greeted me. Bumati rin sa ilong ko ang amoy ng pizza na humalo sa bango niya. Masarap.

Masarap singhutin.

Nakauniforme siya. Ang tangkad niya o maliit lang talaga ako.

May suot siyang pulang sumbrero. Nakayuko. Hindi ko makita ang kanyang noo't mga mata. Mula ilong niya lang hanggang baba. Medyo nanlalabo paningin ko. Umiikot. Pero habang nakatingala ako sa kanya't nakatulala siyang nakayuko sa 'kin (at inaassume kong pinag-aaralan ang katawan ko) ay alam kong may ibubuga siya kapag pinanghanay ko siya kay kuya at sa Hot Dogs.

He has pointed nose. Mapula-pulang labi na parang kasing sarap ng dala niyang pizza kapag tinikman ko. At may cleft chin siya.

Oh God, humahaliparot ang mga hormones ko.

Hotness overload.

Delivery boy ba talaga siya? Baka naman model ng pizza?

Dim lang ang ilaw na nagmumula sa loob ng condo, at madilim sa labas kaya ang lakas ng urge ko na hatakin ang sumbrero niya para makita ko ang kanyang mga mata.

But I didn't, instead...

"Hi, pizza boy!" Ngumiti ako't niyakap siya mula sa gilid. Bumaon ang braso niya sa pagitan ng aking dibdib.

Nabitiwan niya ang dalawang boxes ng pizza. Damang-dama ko ang paninigas ng buong katawan niya. I'm pretty sure, 'di siya humihinga.

Nagtilian ang mga kaibigan ko. Narinig ko ang mga yabag nila palapit. Hinahatak nila ako palayo. Binabaklas ang mga braso kong mahigpit na nakapulot kay boyeng na ang sarap singhutin.

Amoy pizza at its finest.

Yummy.

"Den, you're harassing him!" 'Di ako sure kung sino nagsalita.

May mga pinipigilan ang pagtawa pero 'di kayang kontrolin.

May mga walang humpay na humihingi ng paumanhin kay pizza boy. Lasing daw ako.

I'm not lasing, I'm diyosa.

Diyosa.

"S e x?!" bulong ko kay pizza boy at kinagat ang tainga niya. Bigla siyang umubo.

"Zion Denice!" May biglang humampas sa braso ko. May humihila pa yata sa buhok ko.

"Bakit n'yo ba ako inilalayo kay boyfie ko? Isusumbong ko kayo kay Santa Claus na kaibigan ko. Sige kayo... 'Di niya kayo bibigyan ng regalo sa pasko!" bulyaw ko sa kanila at hinatak si pizza boy sa loob ng condo.

Tinatanong ko lang naman kung gusto ni pizza boy ng s e x. Ano problema dun?

Tumuntong ako sa sofa para magpantay ang height namin. Mukhang naspeechless siya sa kadiyosahan ko kaya 'di siya nagsasalita at nagrereact.

Lalapit na sana ang mga babaeng villians sa 'min pero hinatak ko si pizza boy. Humalik ang mukha niya sa dibdib ko. 'Di na naman siya humihinga.

Mabaho ba ako?

"'Wag kayong lalapit, kung hindi sasabog ang bungo niya," pananakot ko sa kanila. Pinaikot ko ulit si pizza boy. Dumikit likod niya sa tiyan ko. Nakapulupot ang isang braso ko sa leeg niya habang nakatutok ang baril sa ulo ni pizza boy.

He stiffened. Nanginig.

Am I that threatening?

"You don't have a gun, Den. You're using your thumb and index finger," bumwelo ng tawa si Vlaire. Actually, kanina pa siya tumatawa. Sila nina Xhai at Caleigh.

Baliw ba sila?

Naka-marijuana?

"I'm not kidding. Don't move! Hands in the air, or else I'll shoot him. Sinisigurado ko, dadanak ng dugo. Dapa!"

"Whatever, Zion Denice. Just release the boy!" parang nauubusan na ng pasensiya 'yong panget na ex ni kuya.

"He's not a boy. He is pizza boy. My pizza boy."

"Oh, Jesus, she's really drunk." Lumapit si Irish sa 'kin.

"Don't come near me if you don't want me to drink his blood!"

Pero 'di siya nakinig. That's why I pulled the trigger of my gun.

"Baaang!" sigaw ko na nakisabay sa tawanan ng mga baliw.

Kaso nanatiling nakatayo si pizza boy. Parang nilagyan ng padikit sa mga paa. Tulala.

Ipinatong ko ang baba sa balikat niya't sinilip ang mukha. He was holding the tip of his cap. Parang nahihiya.

"Pizza boy, binaril kita sa ulo," hinipan ko tainga niya. Lalo siyang nanginig. "Dapat patay ka na. Go, play dead. Play dead."

Pero 'di pa rin siya nagsasalita.

Hindi kaya sa dila ko siya nabaril kaya nawalan siya ng boses para magsalita?

"Okay, fine. I'll just turn you into a vampire." Tumalon ako't ipinulupot ang mga binti sa bewang niya. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa kanyang mga balikat. Ibinaon ang aking mga pangil sa kanyang leeg at sinipsip ang kanyang dugo.

Dumaing siya. Nasaktan. Kasabay ng malakas na tilian na naman ng mga baliw na kasama ko.

Gumigewang kami. Parang mawawalan ng balanse. Bumaba ako mula sa likod niya dahil parang natutumba siya. Natumba nga pero nakahawak ako sa braso niya. Nadala ako. Bumagsak kami sa pulang carpet.

Nauna likod niya. Dumagan ako sa tiyan niya. Natanggal ang kanyang sumbrero pero nakapikit ang kanyang mga mata. Hawak niya ang kanyang leeg habang may binubulong na hindi ko maintindihan.

Lumapit sila sa 'min pero pinigilan ko na agad. Delikado. Manganganib ang mga buhay nila.

"Don't come near us. He's transforming!"

Sigurado ako. Umuungol siya, eh.

He's transforming into a vampire.

Real quick.

Wepak!

Sabi ko na, hindi lang ako diyosa. May dugo rin akong bampira.

Doon na siya napadilat. Tumitig sa 'kin. And for the moment, natulala ako.

I was staring right into the vampire's eyes. They were captivating and hypnotizing. Amazing!

Ang gwapo niyang bampira.

Ang sarap magtanggal ng bra.

Inilapit ko ang mukha sa kanya. Bumagsak ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng kanyang tainga. I caressed his face and smiled at him.

"You are so handsome." Tila nakikiliti siya sa paraan ng paghawak ko sa kanyang pisngi. Ang sarap pisilin. "Mag-apply ka ngang boyfriend sa 'kin."

Bigla na naman siyang umubo na parang nabulunan. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan iyon. Napatitig tuloy ako doon.

Hanggang sa suminok siya. Sunod-sunod.

Nauuhaw na siya? Kailangan niya ng dugo?

Hindi ko napigilan ang mapalunok habang nakatitig sa labi niyang kinakagat niya. Tila nakatitig ako sa isang umuusok na hawaiian pizza na parang ang sarap-sarap kainin.

Iniengganyo akong tikman ko.

Ano kayang lasa 'pag tinikman ko nga?

So, I shut my eyes and closed the distance between my lips and that yummy pizza. Malambot.

Ginalaw ko ang labi. Tipid akong kumagat. Tumikim. Nilasahan. Ninamnam. Bahagyang nanginig. 'Yong pizza o ako? Ewan ko.

Isa lang alam ko.

Masarap nga.

Delicious spice at its finest.

The most scrumptious pizza I ever tasted in my entire life.

Parang nag-iisang flavor lang sa mundo.

Na tiyak na hahanap-hanapin ng panlasa ko kapag inilayo sa bibig ko.

Nagulat ako nang biglang mabagal na gumalaw ang pizza mula sa panginginig. Hala! Magic pizza?

Bakit gumaganti ng pinong pagkagat?

Balak niyang sumipsip ng dugo sa labi ko?

Kaso 'di ko na gaanong napagtuunan ng pansin dahil ilang saglit, naririnig ko na ang sariling malakas na humihilik.

--

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

162K 6.2K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...