HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 8

16.2K 344 106
By hunnydew

Hiningi ko kila Mama 'yung address nina Hiro. Ilang beses ko pa silang kinulit kasi ayaw talaga nilang ibigay. Baka raw manggulo ako sa bahay nila lalo na't ako nga raw 'yung nagturo sa kanyang magDOTA at napagalitan tuloy si Hiro ng tatay niya.

Eh hindi nga ako 'yon! Siya nga 'yung nag-aaya eh. Hmp!

Kung 'di ko pa sinabing ako ang tinatanong nung mga professor namin kung nasa'n si Hiro kasi nag-aalala sila, 'di pa talaga sasabihin nila Papa. Tas pinagalitan ba naman ako nung sinabi ko rin na gusto ng mga kaklase kong dumalaw kay Hiro. Kung pupuntahan ko raw si Hiro, 'wag na raw akong magsama ng iba para hindi raw magulo at hindi nakakahiya kila Tita Adeline. Ako na lang daw mag-isa at siguraduhin ko lang daw na hindi ako magtatagal doon. At 'wag na 'wag ko raw babanggitin ang pangalan ni bespren dun.

Bakit ba sila nag-aalala? Eh sigurado namang malaki ang bahay nina Hiro at kasya kaming lahat ng mga classmates namin. Pero baka nga magalit na naman si Tatay niya. Nakakatakot kaya. Parang mangangain ng bata si Mr. Kwok. Pinaglihi siguro sa sama ng loob 'yon.

Kaya ayon, nisabi ko sa mga kaklase ko na bawal raw talaga ang ibang tao. At dahil sobrang naawa sila kay Hiro, gusto nilang bilhan siya ng maraming pagkain at kung anu-ano para raw mas mabilis siyang gumaling. Dumiretso nga kami sa SM San Lazaro para mamili eh.

"Hansel Mocha Sandwich. Bigger and Better. Ingredients: wheat fla...flo..." Kumunot ang noo ko habang binabasa yung likod ng biskwit at nag-uusap sila Chelsea kung anu-ano ang bibilhin. Sinabi na sa'kin 'to ni kuya Chad eh. Bukod sa 'flar' may isa pang bigkas dun. Eh ano? "Flo...wer?"

"Ano ba yang mga pinagkukukuha mo, Charlie! Hindi naman 'yan ang kinakain ng may sakit eh," natatawang puna ni Martin.

Ngumuso ako sa kanya. "Hindi ko naman nilalagay sa basket ah, binabasa ko lang naman," depensa ko. 'Yun kasi yung pinapagawa sakin ni kuya ko. Basahin ko raw lahat ng makita kong English kahit saan ako magpunta.

"Oishi. Party size. Enriched with Vitamin A. Pillows. Choco-filled crackers." O, eto pala, maraming Vitamin A! Diba pampalinaw ng paningin 'yon? Pede 'to kay Hiro! Nilagay ko na sa basket 'yung malaking tetra pack.

At napansin naman 'yun ni Martin. "'Yung totoo. Para kay Hiro ba ang binibili mo o para sa'yo?'

"Kahit kanino. Sabi kasi dito marami raw Vitamin A eh. Baka makatulong sa paggaling niya," sagot ko naman.

Pinanliitan ako ng mata ni Martin. "'Wag ka ngang nagpapaniwala sa mga nakasulat sa mga 'yan. Junk food pa rin 'yan-"

"Aray ko!" angil ni Harvey kasi nasagi ko siya ng basket na hawak ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" sita ni Martin.

Agad kaming pinatahimik ni Harvey bago kami binulungan. "Naririnig kong nag-uusap sila Chelsea. Nililigawan na pala siya ni Hiro."

"Talaga?" di-makapaniwalang sambit ni Martin tas halos itapal ni Harvey 'yung kamay niya sa bibig ni Martin. "Ano namang masasabi mo, Charlie?" mahinang tanong niya sa'kin.

"Okay naman. Maganda naman si Chelsea. Bagay naman sila," tumatango-tango kong sagot. Kaso napag-isip-isip ko, 'pag naging sila... edi pagtutulungan na nila ako! Parang Team Rocket lang sa Pokemon! Nuuuu!

Pagtapos ng thirty minutes naming pag-iikot sa Supermarket, pumila na kami sa cashier. Puro biskwit at kung anu-anong cup noodles na hindi ko naman maintindihan 'yung nakasulat. Sa imported kasi sila bumili. Ang mahal tuloy ng binayaran. Di bale, kasya naman 'yung inambag ng buong klase.

At dahil nga bawal raw malaman ng mga kaklase ko kung saan nakatira si Hiro, nag-taxi na lang ako. Pinagamit na lang sa'kin nila Chelsea 'yung sukli dun sa pinambili namin ng pagkain ni Hiro. Nagpababa ako dun sa malaking gate. Ang laki nung gate nila! Tas hindi ko matanaw 'yung bahay nila! Grabe, mas mayaman talaga sila kina bespren Louie!

"Naliligaw ka ba, bata?" tanong nung mukhang inaantok na taga-bantay sa'kin.

"Ay! Hello po! Hindi po ako nawawala. Dito po ba nakatira si Hiro Ang Kwok. May ibibigay lang po ako," paliwanag ko. Itinaas ko pa 'yung dalawang paperbag na hawak ko sa magkabilang kamay.

Humikab nang malawak si Manong Guard. "Ahh, si Sir Hiro. Oo, dito nga. Pahiram na lang ng ID mo, bata." Agad-agad ko namang binigay 'yung school ID ko. Astig talaga! Kailangan pa ng ID para makapasok! "O sige, diyan ka muna. Hintayin mo nalang 'yung shuttle-"

"Hindi na po, Manong, lalakarin ko na lang po!" masigla kong sabi sa kanya. Kung ganito ba naman kalaki 'yung bakuran nina Hiro, sempre gusto kong makita ang buong paligid!

Tumaas 'yung mga kilay ni Manong Guard. "Sigurado ka? Hindi ka ba nabibigatan sa buhat mo?"

"Hindi po. Ayos lang po 'to, Kuya," paninigurado ko kaya binuksan na niya 'yung gate.

"Sige. Basta 'yung pinakamalaking bahay, sa mga Kwok na 'yon," paalala niya sa'kin bago ako tuluyang makapasok.

Hindi ko naman kasi alam na gate pa lang 'yon papasok ng village! Huhu. Pero grabe! Kitang-kita talaga 'yung pinakamalaking bahay! Parang palasyo! May malalaking bahay din naman sa tabi, pero tanaw na tanaw talaga 'yung higanteng bahay!

Habang naglalakad nga ako, nai-imagine ko 'yung sa mga Disney Princess. Naaalala ko nung Elementary ako, laging bukambibig ng mga kaklase kong gusto raw nilang maging katulad ng Disney Princess. Ang naiisip ko naman, bakit gusto nilang makatulog nang mahabang panahon? Edi hindi na nila naranasan 'yung maraming bagay kasi tulog nga? Diba, ganun 'yun sina Sleeping Beauty at Snow White? O kaya makulong sa mataas na tore tulad ni Rapunzel. O kaya, gusto kaya nilang pinagmamalupitan ng mga kapatid tulad ni Cinderella? Ako kasi ayoko.

Kaya nga ayokong tinatawag akong prinsesa. At mas lalong ayokong maging prinsesa kasi parang tingin ko sa kanila ang hina-hina naman nila. 'Yung naghihintay nalang ng tulong ni Prince Charming. Di ba nila kayang ipagtanggol ang sarili nila?

Gusto ko, parang si Merida ng Brave! Ang astig kaya niya! Diba diba? Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya? Tas wala rin siyang lablayp kahit maraming nirereto sa kanya.

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayang nabuksan ko na 'yung isang kahon ng mocchi yata ang tawag dito. 'Yung bilog na malambot na malagkit tas may parang munggo sa loob? Ang sarap eh! Tsaka, nakakagutom ang paglalakad! Isipin niyo nalang, sampung minuto na akong naglalakad, hindi pa rin ako nakakarating sa bahay nila Hiro! Tapos, nauuhaw na rin ako. Hindi naman siguro siya magagalit kung kakain ako ng konti diba?

Nung sa wakas, nakarating na ako sa mas malaking gate ng bahay nila, naubos ko 'yung anim na mocchi sa loob ng isang kahon. Nainom ko rin 'yung parang Gatorade na Vitamin Boost 'yung tatak. Tas anti-stress daw. Lasang ubas. Masarap naman, hehe. Nakadalawa nga ako eh.

Pero grabe! Wala pa sa kalahati ng bahay nina Hiro 'yung bahay nina bespren Louie eh! Nakakatakot pumasok. Baka may dragon akong kalabanin. O kaya ang mas nakakatakot, baka nando'n si Tito Lorenzo tas tignan na naman ako nang masama. Hanggang ngayon, naaalala ko pa kung pa'no niya ako pinanlisikan ng mata eh.

May bumusinang sasakyan sa likod ko kaya tumabi ako. Ang gara nung sasakyan! Puting-puti! Parang pangkasal. Nung nasilip ko 'yung harap ng sasakyan, ang tatak... Ro-Rolls...Royce. Tapos unti-unting bumaba 'yung bintana sa likod at may dumungaw na naka-shades na babae.

"Charlie?" tanong niya sa'kin bago tinanggal 'yung salamin. Si Tita Adeline pala! "Bakit nandiyan ka sa labas?"

"Hello po, Tita! Dadalawin ko po sana si Hiro. May pinapabigay po 'yung mga classmates namin eh," sagot ko sa kanya. Ang ganda-ganda talaga ni Tita. Mukhang beauty queen pa rin. Mabait pa. Bakit kaya 'yung anak niya itsura lang ang namana?

"Halika, pasok ka sa loob-"

"Sige po, Tita. Ano.. pwede na rin pong makisakay? Hehe." Aba, nakakapagod kaya ang maglakad sa ilalim ng araw! Tsaka...hehe... para maranasan ko ring sumakay sa magarang sasakyan. Baka di na maulit eh.

Bumukas 'yung mataas at malaking gate tas nakita ko 'yung malaking fountain pa sa harap habang papasok 'yung magandang sasakyan. At kung sa labas nakakamangha na 'yung laki ng bahay nila, mas lalo naman sa loob! Nakanganga talaga ako habang nililibot ko 'yung mga mata ko sa loob ng palasyo ng mga Kwok.

"Waaaaw! Anlaki naman ng bahay niyo, Tita! Para kayong Reyna, hehe. Marami rin po ba kayong mga tauhan? May kabayo rin po ba kayo?"

Umabot sa mga mata ni Tita 'yung ngiti niya pero parang pinipigilan pa rin niya ang ngiti niya. "Meron. Ferrari ang pangalan. Pero sikreto lang natin ha." Nilapat pa niya 'yung hintuturo niya sa bibig niya at sabay kaming naghagikgikan.

"Sigi pu, hihi."

Tinapik ni Tita 'yung ulo ko. "Sige, dito ka muna ha. Baka gising na rin si Hiro. May gusto ka bang kainin? Mukhang hapong-hapo ka kasi eh."

Ano ba ang pagkain sa palasyo? "May cake po ba kayo, Tita? Tsaka po juice kung meron, hehe."

Tumatawa siyang pumunta sa kusina nila habang naiwan ako sa sala nilang mas malaki pa yata sa buong bahay namin eh. Nagpalinga-linga ako kasi parang gawa yata sa ginto lahat. Naalala ko na naman 'yung mga paalala nina Mama. 'Wag daw akong magtagal. Nakakatakot ngang magtagal dito, parang kulang pa 'yung pang-tuition namin 'pag may nabasag ako eh.

"WAAAAH!" narinig ko ang malakas na sigaw mula sa hagdan kasabay ng pagtama ng unan sa ulo ko.

"Aray ko naman!" angal ko at nakita ko si Hiro na nagsimula nang sumigaw para tawagin 'yung Nanay niya. Ngayon na nga lang ulit kami magkikita babatuhin pa niya ako ng unan. Eh kung di ko nalang kaya ibigay 'yung mga pagkain niya? Hmp!

Agad namang dumating si Tita Adeline kasunod 'yung kasambahay nila na may dalang... yehey!!! Cake at red iced tea! Nagbabakasakali lang naman ako kanina kung meron eh, hehe. Agad kong pinulot 'yung unan tas nilagay 'yun sa sofa bago ako umupo sa harap nung mesa kung saan nilapag 'yung pagkain. "Naku, thank you po, Tita! Peborit ko po 'to. Mukhang masarap po ah, hehehe."

At habang nag-uusap silang dalawa, ninanamnam ko 'yung cake. Ang saraaaap. Nakalimutan ko nga yata 'yung pangalan ko habang kinakain ko 'yun eh. Kasi ang lambot, tapos hindi pa tuyot. Nalalasahan ko talagang mabuti 'yung chocolate. Nag-thumbs up talaga ako kay Tita nung napatingin siya sa'kin. Kahit pakainin ako ng ganito araw-araw hindi ako magsasawa, hehe.

Sa kasarapan ng pagkain ko, biglang hinablot ni Hiro 'yung unan na binato niya sa'kin. "Akin na nga 'yan," masungit niyang sabi sa'kin.

"Masama ka talaga. Mabuti pa si Mommy mo, hmp," bulong ko bago sumubo ng malaking piraso ng cake.

"At least hindi katulad mong matakaw," balik naman niya habang paakyat ng mataas nilang hagdan.

Gusto kong sumagot, pero naalala ko, nasa teritoryo niya pala ako. Kailangan kong mag-behave. Dinaan ko nalang sa pagkain ang pagkainis ko sa kanya. Sana sumakit ang tiyan niya pag kinain niya 'yung mga pinadala sa kanya nila Chelsea. Hmp!

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko ha. Bugnutin lang talaga. Lalo na ngayong..." nagbuntong-hininga siya.

Nalungkot naman ako. Nasa-sad din siguro si Tita dahil napaka-sakitin ng anak niya. "'Yaan niyo po, Tita. Ipagpe-pray ko na lang po si Hiro para gumaling na siya agad."

Parang naguluhan naman siya sa sinabi ko pero ngumiti pa rin bandang huli. Tinabihan pa nga niya ako hanggang sa nasimot ' na 'yung cake eh. Gusto ko pa sanang palisin 'yung icing, kaso... nahiya naman ako kay Tita. Kaya tumayo na ako at nagpunas ng labi. "S-sige po, Tita... thank you po talaga-"

"Teka, 'wag ka munang umalis. Magkwentuhan muna tayo. Gusto mo, ipasyal kita sa buong bahay?" pag-aya niya sa'kin.

Wala na akong nagawa. Sumukbit siya sa braso ko tas nilibot namin 'yung malawak nilang bahay. 'Yung sa pinakababa, kusina, kainan at malawak na sala lang. Sa second floor, office daw ni Tito Lorenzo kaya hindi na ako pumalag nung hindi na ako nilibot dun ni Tita. Baka mamaya andun ang dragon, masinghalan pa ako ulit. Sa third floor, may library, entertainment room, mini gym, 'yung kwarto ni Hiro tsaka siguro limang guest room 'yung nabilang ko. Sa taas nun, master's bed room, family room at lima pang guest room. Tas sa pinakataas pa nun... 'yung rooftop, may jacuzzi! Tas may halfcourt pa! Tas may limang guest rooms ulit!

"Grabe, Tita! Andami pong kwarto sa bahay niyo pero tatlo lang kayo?" puna ko. Kasi nasa likod-bahay pa 'yung mga kwarto ng mga kasambahay nila. Malapit 'yun sa malaking swimming pool na may slide at diving board pa! "Nagtatagu-taguan po ba kayo nina Hiro at Tito Lorenzo 'pag wala kayong magawa?"

Mahinhing tumawa si Tita at nakita ko na naman 'yung malungkot niyang ngiti. "Maganda sana Charlie kung ganun nga. Mas gugustuhin ko pang maglaro kaming tatlo bilang pamilya."

"Bakit hindi niyo po sila ayain, Tita? Malay niyo, hinihintay lang nilang may mag-aya? Pede pa nga po kayong maglangit-lupa dito eh."

Nagbuntong-hininga siya at naupo sa...'yung kung saan nagpapa-araw 'yung mga nasa beach? "Hindi ganun kadali, Charlie. Lalo na ngayong mas napapalapit si Hiro kay Louie."

Natahimik ako. Kasi diba, sabi sa'kin nila Papa, 'wag na 'wag kong banggitin si bespren sa bahay na 'yon? Pa'no kung si Tita ang nag-umpisa? Anong gagawin ko? "Ahhh... ganun po ba?" sabi ko na lang at aligagang nagpalinga-linga. Parang gusto ko na tuloy umuwi agad.

"Mabait ba si Louie kay Hiro?" tanong niya sa'kin pero umiling din agad. "Bakit ko nga ba itatanong sa'yo. Baka hindi mo rin pala alam--"

"Opo, Tita." Bahala na. "Nagtatawagan nga po sila eh. Kahit nung nasa America po si bespren. Tsaka... tingin ko naman po masaya silang dalawa 'pag magkasama sila kasi nga magkapat... ah... ang ibig ko pong sabihin parang magkapat..." Napakamot ako ng ulo at napalatak.

"Siguro nga, ano? Mas masaya nga 'pag may kapatid. Buti na lang marami kayo ng mga kuya mo. Ang saya niyo siguro lagi?" usisa niya bago tumunog 'yung telepono at sinagot niya.

Pinagmasdan ko na lang si Tita habang may kausap siya sa telepono niya. Nakakalungkot naman. Kahit mayaman sila, tas nabibigay nila 'yung mga luho ni Hiro, parang 'di naman sila masaya. Malaki nga 'yung bahay, maraming kotse, may kabayo pa na ang pangalan ay Ferrari, pero hindi naman nagkakakitaan. Sana magkaayos pa silang tatlo.

Maya-maya pa, tinawag na ako ni Tita. "Charlie, gusto mo munang pumunta sa Entertainment room? Manood ka muna ng kahit ano doon. May aasikasuhin lang ako saglit ha. Naliligo lang yata si Hiro. Doon mo na rin siya hintayin."

Hinatid niya muna ako sa Entertainment room bago nagmadaling pumunta sa opisina ni Tito Lorenzo. Tinawag pa niya 'yung isang kasambahay para kalikutin 'yung malaking TV. Pinandala pa nga ako ng popcorn tsaka red iced tea eh. Pinapili niya pa ako ng papanoorin at Harry Potter series ang pinili ko, hehe. Sinamahan pa nga ako ni Ate eh. Pero pagtapos ng HP1, umalis na rin siya. Naalala ko ring i-text sila Kuya kung nasaan ako.

"Ay grabe, ang saya ng buhay natin ah," biglang may nagsalita sa likod ko kaya nagulat ako at nalaglag pa 'yung mga popcorn na isusubo ko sana.

Akala ko si Tita Adeline. 'Yun pala si Hiro lang. 'Di ko rin napansin na nasa kalagitnaan na ako ng palabas. "Hiro! Ginulat mo 'ko!" Isa-isa kong pinulot 'yung mga nalaglag sa carpet at sinubo ulit para hindi na maglinis 'yung mga kasambahay nila. "Ang tagal mo talagang magpaganda. Nasa part two na tuloy ako ng Harry Potter," katwiran ko. "Tara, nood tayo. Upo ka. Ang laki-laki ng bahay niyo ha. Napagod ako kakaikot. Pinasyal ako ng Mommy mo kanina, hehehe!"

Di ko na natapos 'yung HP2 kasi nag-aya nang kumain si Hiro ng hapunan. Doon ko lang din napansin na maggagabi na pala. Pero dahil hapunan na 'yon, hindi na ako tatanggi, hehe.

Ang sasarap ng pagkain na hinain nila! Pang-mayaman! Grabe si Hiro, buhay prinsipe, asal-salbahe naman. Tss. Pero di ko na lang pinansin at nagsimula nang lumamon. May crab and corn soup, may sweet and sour pork, chopsuey at fish carbonara. Siniguro ko talagang matikman lahat, hehe.

At dahil hindi ako sanay sa tahimik na hapag-kainan, nagsimula akong magkwento. "Kinukumusta ka nila Prof. Naka-ilang exam na kami, tas lumalaki na 'yung baby goldfish memory ko. Toddler na siya ngayon, hehehe. Tapos tapos... 'yung barkada nina Martin ang lagi kong kasama 'pag free period tsaka lunch. Ako 'yung ginagawa nilang taga-tikim ng mga niluluto ni Harvey kasi raw matibay daw ang tyan ko. Tas alam mo ba, alam mo ba, sabi pa nila Chelsea... pupunta rin daw sila dito sa bahay niyo para bisitahin ka. Akala nga nila na-ospital ka eh. Kumusta nga pala 'yung appendicitis mong tinubuan ng pigsa at bulutong-tubig?"

"Hoy, bubuwit anong iinumin mo?" tanong niya sa'kin. Parang 'di man lang nakinig sa sinabi ko. Tss.

Red iced tea nalang ulit 'yung hiningi ko at nagpatuloy akong kumain at magkwento. Ano pa ba ang hindi ko nasasabi? "At alam mo ba, sabi din pala ni Chelsea sa mga kaklase nating babae, nililigawan mo raw siya. Hindi ko nga alam bakit--"

"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo!" malakas na singhal ni Hiro kaya kahit gusto ko rin siyang sigawan, pinigilan ko nalang ang sarili ko. Baka hindi lang talaga siya sanay 'pag maingay sa bahay nila. Edi 'wag.

Tinuon ko na lang din ang atensiyon ko sa pagkain. Lalo na nung dumating 'yung mango float. May sarili siguro silang bakery sa kusina. Parang 'di sila nauubusan ng cake eh.

"Ah! Ano ba! Hoy, magsalita ka nga," baling ni Hiro sa'kin.

'Di ko na napigilang bigyan siya nang masamang tingin. "Nakakainis ka na ah! Kaninang nagsasalita ako sabi mo ang ingay ko tapos ngayon pagsasalitain mo 'ko! Ano ba talaga?!"

"Nasa teritoryo kita kaya huwag mo akong sisigawan. Magsalita ka," utos niya sa'kin.

Okay, fine. "Ah! Alam ko na. Kakanta na lang ako! Peram ng gita--"

"Sabi ko magsalita ka, 'di ko sinabing kumanta ka," sabat niya.

Tss. Ang arte talaga. Ang ganda kaya ng boses ko. Buti pa si Nile gustong naririnig akong kumanta dati. Kaya ayon, inulit ko nalang lahat ng sinabi ko. Tutal di naman nakikinig si Hiro eh. Kahit nga siguro magsabi-sabi ako ng kung anu-ano, 'di rin niya papansinin. Ano kayang problema niya?

Pagkatapos naming kumain at napagod ang panga kong kakakwento, sabi ni Hiro, ihahatid na raw niya ako pauwi. Pero may kukunin lang daw siya sa kwarto kaya sumama na ako, hehe. Sempre gusto ko ring makita 'yung kwarto niya. Marami rin kayang stuffed toys parang kay Chang? O kaya, maraming painting tulad ni bespren Louie?

"Hooowaaaaw!" manghang-mangha kong puna nung binuksan ni Hiro 'yung pinto sa kwarto niya. Kasi tatlong gitara ang nakasabit sa dingding. Tas puro origami at kung anu-anong painting. Tas akalain niyo, may sarili siyang ref! Tinignan ko talaga 'yung laman at andaming drinks at sokoleyts! May gummy bears pa kaya dumakot na ako, hehehe. Parang di naman kasi mahilig sa matatamis si Hiro. Baka mapanis lang. Tutulungan ko na lang siyang umubos non, hehe. Pati nga 'yung mga padala ng mga kaklase namin, binigay na rin niya sa'kin eh.

Iginala ko 'yung mga mata ko habang ngumunguya ng gummy bears hanggang sa makita ko 'yung astig na laptop sa mesa niya. Nilapitan ko agad 'yon para matignan mabuti. Macbook 'yung tatak. Pangalan at itsura pa lang, mamahalin na. Hahawakan ko sana kaso--

"Don't touch that," sita ni Hiro.

"Tignan ko lang na--"

"Don't ever touch that," ulit niya na may pagbabanta at hinila niya ako papalayo.

Saka ko nakita 'yung malaking teddy bear sa sulok ng kwarto niya. Kung nailayo niya ako sa laptop niya, hindi na niya ako napigilan nung tumakbo ako para yakapin 'yung manikang mas malaki pa sa'kin.

Hinimas-himas ko 'yung balahibo nung higanteng teddy bear. "Talaga? Sinasaktan ka Hiro? Kawawa ka naman. Ang bad niya 'no? Gusto mo iuwi na lang kita? Hindi kita pababayaan." Tinapat ko 'yung tenga ko sa nguso nung bear at tumango ako bago hinarap si Hiro. "Panget! Ipaampon mo na sa'kin 'to ah. Kawawa naman. 'Di mo naman daw siya nilalaro. Nalulungkot siya."

Umikot naman 'yung mga mata niya. "Edi iuwi mo. Tss."

"Yaheeey!" Niyakap ko pa nang mahigpit ang teddy bear. At hindi talaga ako tinulungan ni Hiro na buhatin 'yung manika mula third floor hanggang sa kotse nila. Pero hindi naman ako nagreklamo. Baka bawiin pa sa'kin eh. Sino kaya 'yung nagbigay sa kanya? Ambait naman. Pero hindi kaya magalit 'yung nagbigay sa kanya kasi binigay ni Hiro sa'kin 'yon? Kawawa kasi talaga 'yung bear. Inaalikabok lang sa kwarto niya.

Sa tabi ng bintana ko pinaupo si Kuma-chan, hehe. Baka gusto niyang makita 'yung paligid kahit madilim eh. Para alam niyang hindi ko rin siya kini-kidnap, hehe.

Pero sinasabi ko na nga ba, may problema si Hiro. Akalain mo, binuksan pa 'yung pinto ng sasakyan habang mabilis 'yung takbo ng kotse! Niyakap ko talaga siya sa bewang para pigilan ang maitim niyang balak. Mag-isang anak na nga lang siya, magpapakamatay pa? Paano na lang si Tita Adeline?

Saka niya ako binatukan. Hindi daw siya nagpapakamatay. Tinitignan lang daw niya kung gaano kabilis ang takbo ng sasakyan.

Hooo. 'Yung mga dahilan niya, hindi naman kapani-paniwala. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung talaga bang kukunin ko si Kuma-chan. Baka kasi mamaya, nahihiya lang si Hiro na sabihin sa'king si Kuma-chan lang ang kinakausap niya lalo na ngayong pati siya 'di makontak si bespren.

Nung nakarating kami sa bahay, naghihintay na sa may gate si Kuya Mac-Mac. Paktay. Alas otso na pala ng gabi. Hindi ko sila agad nateks. At nakakatakot pa 'yung bungad niya nung bumaba ako ng kotse, yakap ang malaking teddy bear.

"Bakit ngayon ka lang? At kanino galing 'yang bear na 'yan?" tanong niyang parang nagbabanta.

===============

A/N: Ayan... ang haba na niyan ha. Magsawa kayo. hahahaha XD Naubos ang braincells ko sa UD. Wala na akong masabi XD hahaha. Salamat sa mahabang paghihintay.

*kuma = Japanese for 'bear'

*chan = usually, dinadagdag 'yan ng mga Japanese sa pangalan ng taong 'close' sila. 

Ang saya-saya ni Charlie sa pichure noh? Ikaw ba naman, tiba-tiba sa pagkain. May naiuwi pang giant teddy burr XD hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...