My Bully Best Friend

By GabrielaTimog

344K 5.4K 853

Naghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Watt... More

My Bully Best Friend (Soon)
My Bully Best Friend Teaser #1
PROLOGUE
Chapter 1- This means WAR!!
Chapter 2- What the Hell?
Chapter 3- Make over daw
Chapter 4- Facebook Profile
Chapter 5- New Love?
Chapter 6-The Date
Chapter 7- Be Alright
Chapter 8- The Party Pooper
Chapter 9- Gentleman
Chapter 10- Their Way of Hell Life
Chapter 11- Final Wave
Chapter 12- My Bully Best Friend?
Chapter 13- Once a Bully, Always a Bully
Chapter 14- Seven Eleven
Chapter 15- Feels
Chapter 16- Sad Endings
Chapter 17- Ferris Wheel
Chapter 18- Glimpse of Reality
Chapter 19- Real Rev
Chapter 20- Trap
Chapter 21- Mission: Sabotage... Failed
Chapter 22- Such'a Snob!
Chapter 23- A Night to Remember
Chapter 24- She is Back
Chapter 25- No One Else Comes Close (Part 1)
Chapter 26- No One Else Comes Close (Part 2)
Chapter 27- No One Else Comes Close (Part 3)
Chapter 28- Melancholy
Chapter 29- Thank You
Chapter 30- The Plan
Chapter 31- It's a Christmas Thing
Chapter 32- Fallen Stars
Chapter 33- So Fishy
Chapter 34- Dragon Balls
Chapter 35- A goblet of Wine
Chapter 36- The Decision
Chapter 37- Insa
Chapter 38- Clone Replacement... Yes or No?
Chapter 39- Let it Rain
Chapter 40- Backstabber
Chapter 41- Broken Valentine
Chapter 42- When is my turn?
Chapter 43- By the Way, His Name is Jack Frost
Chapter 44- Proper Closure
Chapter 45- When I Fall
Chapter 46-Jealousy
Chapter 47- I am Lucky tO haVe a bestfriEnd like YOU.
Chapter 48- Lucky
Chapter 49-Reconciliation
Chapter 50- Kasama Kang Tumanda
Chapter 51-My Life Without You
Chapter 52- Sunset
Chapter 53- Batman ♥ Pikachu
Chapter 54-Unexpected
Chapter 56- Weak
Chapter 57-Tears
Chapter 58- Come Back to Me
Chapter 59- 100th Day
Chapter 60- That Night
Chapter 61- Where Is He?
Chapter 62- The Revelation
Chapter 63- Painful Truth
Chapter 64- Suffering and Pain
Chapter 65- Photographs
Chapter 66- Will You...
Chapter 67- Why, Lord?
Chapter 68- My Beginning and End
Chapter 69- His Last POV
Chapter 70- All of Me
Chapter 71- All My Life
Chapter 72- Till Death Do Us Part
Chapter 73- My Bully Best Friend
Chapter 74- Almost
FAQs and FYI
Chapter 75- One Last Good-bye
EPILOGUE
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 55- Secrets

2.5K 40 6
By GabrielaTimog

3rd and last day na ng school fair. Ngayon din ang pinakaiintay ng lahat na event... ang Auction. Ang totoo nyan, kagabi pa handang handa ang damit na isusuot ko mamaya. Nadala na si mommy sa nangyari sakin last year. hahaha.

Samin nina Kristelle at Kona, ako lang ung napasali sa dancing ladies. Kaya they ended up laughing at me. hahaha. Ang sasama.

"Ibibid ka naman nun. Maniwala ka samin." sabi ni Kona habang nakaupo sa sofa namin at nagbabasa ng magazine.

"Oo nga. Nung ngang last year, binid ka nya eh. Natalo lang sya kay Jared." dagdag ni Kristelle na nagcecellphone.

"Kahit pa. Alam nyo naman yang si Rev, isang salita lang talaga." Nagpout ako.

"Sus."

Hindi na kami pumasok dahil last day na naman ng school fair tsaka papanoorin daw nila akong ayusan. Ayun nga lang, si Kona na ang pumalit kay Enzo. Last year kasi si Enzo ang kasama namin diba? Ewan ko dun. Busy na atang magpakalalaki. Hahaha.

2:00 PM dumating na si Leila at yung kangyang team. As usual, always ready. Pero since nasabihan na sya ni mommy ahead of time, mas nakapagprepare sya ngayon kaya naman mas madami syang dalsng magagandang damit ngayon. At mukhang mas mahihirapan akong pumili nito.

Nagsimula kaming mag-ayusan sa kwarto ko. Inayos muna ang make up ko. Light lang sya since ayoko ng heavy make ups. Tsaka hindi na nakamask.

Nang matapos na sa make up, sinimulan na nila ung buhok ko. Waves lang ang pinagawa ko sa buhok ko tas nilagyan nila ng shiny na accessories sa aking buhok.

Oo nga pala, inaayusan nadin sina Kona and Kristelle. Kasi kailangan lahat nakaformal. Parang JS ung style nya. Yun nga lang, may live bands. Kyaaaah! Excited na ako sa bands!

Sinuutan naman nila ako ng pink straight long gown. Hindi sya fuschia pink, baby pink sya and nagmamatch sa fair skin ko.

5:42pm kami natapos ayusan. As in ung fully na ayos and ready to go na lang.

"Omg. You girls look so pretty!" sabi samin ni mommy pagkababa namin.

"Thanks tita/Mom." sabi naming tatlo.

"Thanks a lot talaga tita. Pangalawang beses ko nang mangnakaw ng damit galing sa stylist nyo. Hahaha." sabi ni Kristelle.

"Haha. Ano ka ba Kristelle? Ang mga kaibigan ng anak ko ay anak ko na rin. Kaya wag kayong mahihiyang lumapit kung may kailangan kayo." sabi ni mommy.

"Sure tita!" sabi nina Kona.

"Ok. Off you go. Baka ma-late pa kayo."

"Ok. Bye mom/tita." sabi namin then sumakay na kami sa van namin at umalis na papuntang school.

On the way to school, I checked my phone kung may text si Rev. Pero wala. Nagtaka naman ako. Bakit naman wala syang text? Bakit hindi sya nagtetext?

I dialled his number. After several rings, sinagot na rin nya sa wakas.

"Hello?" sabi nya sa kabilang linya.

"Busy ka ba?" tanong ko.

"Ah... h-hindi naman. Bakit?"

"Bakit hindi ka nagtetext?" tanong ko.

"Nasa CR kasi ako. Kakalabas ko lang ngayon. Sorry."

"Ok. Pupunta ka ba ngayong gabi?" tanong ko.

"Oo. Malupit ang mga pupuntang banda ngayon eh."

"Ok. Text me, okay?" sabi ko.

"Ok. Babye. I love you. See yah."

"Ok. I love you too."

Rev's POV

Nailaglag ko sa kama ang aking cellphone dahil pakiramdam ko'y sobrang hina ko.

The last time I looked at the mirror, sobrang putla ko at pakiramdam ko hihimatayin ako. Hindi ko agad nasagot ang tawag ni Kylie dahil hindi ako makalakad ng mabilis. Ang sakit ng joints ko.

Kulang nalang sumigaw na ako sa sobrang sakit. Parang hindi ko na talaga makakaya. Buti nakaya ko pang makipagusap kay Kylie nang maayos kanina sa phone.

Kailangang matanggal ang sakit na nararamdaman ko ngayon. May sorpresa pa ako kay Kylie para mamaya.

Kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ko, ginamit ko lahat ng energy na natitira sakin para maabot ang cellphone ko and luckily, nakuha ko ito and I dialled tito Allen's number.

"Tito. Please come over. Ang sakit na po. Sobra." then I press end call then nailaglag ko ang phone ko sa sahig sa sobrang hina ko.

Enzo's POV

"Tito. Please come over. Ang sakit na po. Sobra." sabi ni Rev sa kabilang linya.

Nagtaka ako sa pagkasabi nya dahil parang hinang hina talaga sya. Tsaka bakit tito eh ako naman ung tinawagan nya?

"Rev? Rev!" too late, naibaba na nya pala ung phone.

Tumakbo ako sa garahe at pumasok sa aking sasakyan. Mabilis kong pinatakbo ito papunta sa apartment ni Rev. Nang makarating ako, nakita kong hindi nakasara ang pinto. Hala. Baka kung ano nang nangyayari sa kanya.

Pagkapasok ko, nakita ko ang walang malay na si Rev na nakahandusay sa sahig, sa tabi ng kanyang kama.

"Omg. Rev!" tumakbo ako palapit sa kanya.

"Rev? Rev? Rev ok ka lang ba? Rev!" pinalo palo ko ang kanyang pisngi.

Napansin ko na sobrang pawis sya at sobrang putla nya. Omg. Anyare ba sayo Rev?

Mukhang nagreready sya para makapunta sa auction mamaya sa school. Naka long sleeve na white sya at black pants. Pero wala pa syang medyas at coat. Halos magkaparehas kami ni Rev na get-up ngayon. Yun nga lang, naka tsinelas ako papunta dito.

"Oy Rev. Ano ba? Gumising ka." sabi ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na akong nagpapanic. Nung subukan kong tawagan sina Kylie, walang sumasagot. Baka nagsimula na ang gig. Shiyet. 9pm ang start ng auction eh.

Wala akong nagawa kundi ang akayin sya papuntang kotse at nagdrive na ako papunta sa ospital.

After ng ilang minutes...

"Doc, kamusta na po ang kaibigan ko?" tanong ko pagkalabas ng doctor sa kurtina kung saan naroroon si Rev.

"Ok na sya. Severe joint pains ung naranasan nya. Don't worry, tinurukan ko na sya ng pain reliever and ayos na sya ngayon." sabi nya.

"Severe joint pains? May rayuma po ba ang kaibigan ko?"

"Wala naman. Wala syang rayuma. I think the symptoms are really visible." sabi nya.

"Symptoms?" may sakit ba si Rev?

"Oh. Excuse me. May pasyente ako. He may be discharge." then umalis na ung doctor.

Wtf? Anung symptoms ang sinasabi ni doc? Tsaka nakakapagtaka naman. Severe joint pains?

Pumasok ako sa curtain at nakita si Rev na gising na.

"Ok ka na?" tanong ko.

"Oo." sagot nya.

"Pasalamat ka, nasagot ko. Kundi, baka matagal kang nakahandusay sa apartment mo." sabi ko.

"Dala mo ba ang sasakyan mo?" tanong nya tas bumangon sya.

"Oo. Teka Rev. May itatanong ako sayo."

"Ano?"

"Nagtataka lang ako. Bakit nung nakita kita sa apartment mo na nakahandusay at walang malay, ang putla mo? Tsaka, bakit nagkajoint pains ka?"

"Hindi ba ako pwedeng magkajoint pains? Tsaka, diba nga, anemic ako.Tara na." patayo na sana sya pero...

"Eh ano ung symptoms?" napatigil sya sa tanong ko.

Napatingin sya sakin. "Ano?"

"Sabi ng doctor, the symptoms are visible." sabi ko.

"Enzo---"

"Rev tapatin mo nga ako, may sakit ka ba?"

Kylie's POV

"WOOOOOOH!"

Sobrang saya na dito. Andito pala kasi ang Parokya ni Edgar at ang Silent Sanctuary. Tapos nang magperform ang Parokya ni Edgar. Silent Sanctuary na ang nagpperform ngayon.

"~Maalala mo sana ako dahil noon pa man

Sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko.

Bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita.

Kaya ngayon, aaminin na sayo. Na mahal na mahal kita. Na mahal na mahal kita.

Maalala mo... sana...~"

Halos lahat ay nakikikanta. Yun nga lang, may lumapit sakin at sinabing kailangan na daw ang mga dancing ladies sa likod ng stage. Kaya nagpaalam ako kina Kona at pumuntang backstage.

After ilang minutes, nagsimula na ang auction. Kaya naman pumasok na kaming dancing ladies sa stage.

"For our final dancing lady of the night, may we have Kylie Samonte." sabi nung emcee.

I took a step forward.

"Kylie is a third year BS Psychology student. Her hobbies include eating and... uhhh... yeah. That's all. Who's up for P5,000?"

I stood there. Sobra na akong kinakabahan. Ang tahimik talaga ng mga tao. Ok. Sana kainin na ako ng lupa. huhuhu.

"Anyone?"

Then...

"AAAAAAHHHHHH!" napuno ng malalakas ng iritan ang auditorium nang mamatay lahat ng ilaw.

Maya maya pa, may naramdaman akong humawak sa aking braso at hinila ako palabas ng auditorium.

"WAAAAAAH! BITAWAN MO AKO! SAAN MO AKO DADALHIN?!?!" sigaw ko sa taong nahila sakin. Hindi ko sya makilala dahil masyadong madilim ang paligid.

"HOY! TATAY KO SI BRUCE LEE! PWEDE KITANG IMARTIAL ARTS NGAYON! BITAWAN MO AKO!" patuloy lang sya sa pagtakbo habang hila hila ako.

"HOY KAPAG HINDI MO AKO BINITAWAN, HAHARANG NALANG BIGLA SI EDWARD CULLEN JAN SAYO! SUSUPSUPIN ANG DUGO MO!" sigaw ko pero walang epek. Talagang patuloy lang sa paghila sakin ang taong ito.

"WAIT LANG OY! TEKA, SA MAY GARDEN NA ITO AH! BITAWAN MO AKO! ANG HIRAP TUMAKBO! BUTI KA PA HINDI NAKAHEELS!" sabi ko.

Then bigla syang tumigil at binitawan ako tas saka sya naglakad paalis.

"Dadalhin dalhin mo ako dito tas iiwan din? Aba matinde." sabi ko.

Ang pangit na ng buhok ko, pawis na ako, wala na akong poise! Bwisit na tao na un ah.

Tumalikod na ako para maglakad pabalik pero tumugtog ang isang violin.

Napatigil ako sa aking paglalakad. I tilt my head to one side. Anong meron? Bakit biglang may tumugtog na violin?

I turn my back at nakita ko ang isang full of lights na gazebo tas nasa gitna nito ang nakatalikod na lalaki. He's wearing a black tuxedo. Nasa right side ng gazebo ang violinist. Ang ganda ng tinugtog nito, "God Gave Me You".

Medyo nalilito na ako sa mga nangyayari. Bakit may ganito? Bakit gumanda ang gazebo sa gitna ng garden? Tsaka, sino ba itong nakatalikod na lalaki? May iniintay ba sya?

To my curiosity, naglakad ako papasok ng gazebo. Napansin ng violinist na pumasok ako at siguro ay muntik nang matumba dahil sa haggard na itsura ko. Pero patuloy lang sya sa pagtugtog.

Ang setting nitong gazebo ay ung parang katulad dun sa Twilight. Nung JS nina Bella. Tumingin ako sa paligid ngunit wala nang ibang tao kundi ako, itong lalaking nakatalikod sa harap ko at ang violinist.

Maya maya pa, humarap na sakin ang lalaki. Ngunit hindi ko sya mamukhaan dahil may maskarang nakaharang sa kanyang mga mata.

Without a word, he reached out his hand, asking me to dance with him. Nagalinlangan pa ako. Like duh. Ngayon? As in now na?

I took his hand and he hold it. Nilagay nya ung kamay nya sa waist ko, then nilagay ko naman ung akin sa isa nyang balikat.

We are swaying slowly and quietly. Wala ni-isa samin ang nagsasalita. Oh, here I am, dancing with a stranger.

"Ahm... pwede magtanong?" I broke the ice

A grin slowly form on his lips then he slowly nods.

"Pwede bang malaman kung sino ka?" tanong ko.

He smirked then shook his head as an answer.

"Why not?"

Nagbigay lang sya ng ngiti at hindi na nagsalita.

Patuloy lang sa pagtugtog ang violinist. Sa kalagitnaan ng kanta, tumigil sya sa pagsayaw kaya napatigil na din ako.

"What's wrong?" tanong ko.

Lumayo sya ng konti sakin at naglakad papunta sa likod ko. Kinabahan ako. Bakit naman sya pumunta sa likod ko? Omg. Is he going to holdap me?

I stood frozen. Inaabangan ko ung gagawin nya. Omg. Baka kung ano nang mangyari sakin.

Nung andun na sya sa likod ko, he held my shoulders. Pero imbes na magwala ako sa takot, parang naramdaman kong safe ako. Parang naramdaman kong safe ako sa stranger na ito at wala syang balak na masama sakin.

May nilagay sya sa neek ko, isang necklace. Nang hawakan ko ang necklace na ito, nakaramdam ako ng matigas na bato. Isang diamond heart. Wow. It looks like real.

He whispered to me...

"5..."

"4..."

"3..."

"2..."

"1..."

As if on cue,nakarinig ako ng fireworks. Sakto nga naman, glass gazebo ito kaya kita ko pa din ung makukulay na fireworks sa itaas. Woaaaah! Ang ganda naman!

"Did you like it?"

Napatingin ako sa nagsalita, "Rev?"

He smiled. Hawak nya ang maskara nya at nakinood na din sa fireworks.

"Ang ganda talaga." sabi ko.

"Mas maganda ka syempre."

"Hinanda mo ba talaga toh?" tanong ko.

"Yung pagkidnap at ung necklace oo. Pero hindi ako ang naghanda sa fireworks."

"Sino?" tanong ko.

"Wala. Diba may fireworks naman talaga? Sinakto ko lang na alas dose para mas gumanda."

Pumunta sya sa harap ko tas inayos ung buhok ko.

"Gusto ko lang gawing masaya ang bawat oras na nagugugol ko na kasama ka." sabi nya.

"Masaya naman ako sayo." sabi ko.

"Lalo na ako."

Then we kissed.

---

One week later...

Rev's POV

"Sa tingin ko, may dapat kang sabihin sakin." sabi sakin ni Jae na pumunta pa dito sa bahay.

"Ano namang sasabihin ko?" tanong ko as if parang walang nangyari.

"Rev, hanggang kailan mo ba itatago yan?"

Nalaman na kaya nya? "Anong itatago ko?"

"Yang sakit mo."

BOOM. Mukhang alam na nga nya. "Bakit ko itatago? Hindi naman malala ang anemia ah."

"Anemia?" di makapaniwalang tanong nya.

"Oo. Anemic ako."

Bigla syang lumapit sakin at hinawakan ang braso ko.

"HOY! ANO BANG GINAGAWA MO?! BITAWAN MO AKO!" sabi ko habang tinatanggal ung pagkakahawak nya sa braso ko.

Tinaas nya ang sleeves ng jacket ko. "Anemia pa ba yan? Anemia pa ba ang dahilan ng mga pasa mong yan?"

Tinulak ko sya palayo. "Wag na wag mong subukan---"

"Rev, may leukemia ka. Wag mong itago sa pamamagitan ng pagsabi na may anemia ka lang. Kaya ka ba palagi nakajacket dahil nagkakapasa ka na sa braso?"

Umiwas ako ng tingin at binaba ung sleeves ng jacket ko.

"Rev, bakit kailangan mong itago?"

"Ano naman ba sayo? Ha? Sa tingin mo ba kapag nasabi ko sa kanila na may sakit ako, gagaling ako? Mawawala ang mga pasang ito?"

"Rev, kaibigan mo sila. At ang matindi. May girlfriend ka. Isipin mo nalang ung mangyayari kapag pinagpatuloy mo pang ilihim yan." sabi nya.

"Kaya kong harapin ang kung ano mang pwedeng mangyari. Kailangan ko lang namang... makasama si Kylie ng matagal tagal nang walang sagabal."

"Walang sagabal? Sa tingin mo hindi sagabal yang sakit mo? Rev, walang kasiguraduhan ang pagbilis ng sakit mo at ang... itatagal mo dito---"

"MANAHIMIK KA." napatigil sya nang sabihin ko un. "Oo, alam kong walang kasiguraduhan ang itatagal ko dito sa mundo dahil alam kong walang lunas ang sakit kong toh. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng makakaya ko para iparamdam na mahal ko si Kylie dahil alam ko na anytime today, or tomorrow, or next month or kahit next year, my disease will slowly kill me. Kulang pa nga ito eh. At ang hirap iexplain pa dahil hindi mo alam ang mga nangyari dati."

Naging tahimik kami. Wala syang naiimik sa mahabang sinabi ko.

"Hihintayin mo pa ba na sila ang makaalam bago mo masabi mismo sa kanila?" sabi nya.

Napatingin ako sa kanya.

Tumingin sya sakin, "Si Enzo..."

"Ano?"

"Pumunta sya sa ospital nina doc Allen kanina. And I think... alam na nya."

What?

_________________________

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 834 65
May pag- asa pa bang magkagusto sayo ang turing lang sayo ay kaibigan? ? May chance bang maging kayo? O talagang di kayo para sa isa't - isa... PARA...
1.1K 12 8
si Bestfriend na lagi andyan para sa akin khit na nerd ang tingin sa akin ng lhat, mgiging BOYFRIEND ko O_O ? Kaya ko ba isugal ang friendship namin...
2.1K 4 41
May pag-asa pa ba talaga? O hanggang bestfriend na lang tayo Mahal kita pero tingin mo sakin isang simpleng bestfriend lang...May magbabago kaya?
584 1 43
Bestfriend ko siya, masaya kami, pinoprotektahan at iniingatan namin ang isa't isa. Hanggang sa umpisa lang ba ito? Mananatili ba kaming magbestfrie...
Wattpad App - Unlock exclusive features