Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 26

195K 3.9K 1.3K
By simplychummy

CHAPTER 26

[AGA]

“Happy birthday Ms. Aga” bati sa akin nung mga staff.

“Thank you” sagot ko naman sa kanila.

“Ms. Aga, iuuwi nyo po ba yung mga cake?” tanong sakin nung isa

“Ahh… No. Hindi ko naman mauubos lahat yun e. If you want pwede nyong iuwi.” sagot ko naman sa kanya. Tumango sya at saka umalis na din.

Today is my 24th birthday. Kakatapos ko lang umattend dun sa isang birthday party na inihanda sakin ng modeling company na may hawak sakin, syempre together with my sponsors. Ayun lahat sila nag-bigay ng cake, gift certificates and freebies as a gift. Every birthday ko lang ako gumigising ng maaga. Why? Puno kasi ang schedule ko, kabi-kabila ang guesting, party, at kung ano-ano pa.

And later tonight may fashion show ako, together with my girl friends; Nats, Dori, Cams, and Dee, organized by my two gay friends; Dylan and Chi. It’s a charity event, and for my fans. Every birthday ko ginagawa ko yun. Eto na nga at on the way na ako sa venue namin.

-

“Happy birthday Agatha. I love you.” bati sakin ni Daddy.

“Thank you Superman, I love you too.” sagot ko naman.

“Lira, happy birthday. Naghihintay na yung mga fans mo.” sabi ni ams nung lumapit sakin

“Go ahead and goodluck.” sabi sakin ni Daddy

“See you later Dad.” sagot ko sa kanya saka ko sya niyakap.

Sumunod na rin ako kay Cams para maayusan na nya ako. Binati din naman ako nung iba ko pang kaibigan at ayos na din sila. Si Cams ang punong abala sa pag-papaganda sa amin, si Dori naman sa mga susuotin namin mamaya.

Present si Dad sa fashion show ko at ang Heavenly Food Restaurant ang nag-cater. First time umattend ni Daddy kaya naman nag-prisinta sya na sagot nya yung food. Alam nyo na, nung nag-asawa lang naman ako saka nila nalaman na Daddy ko sya. Speaking of asawa, wala si Liam. Bakit? Syempre alam nyo naman yun. Trabaho na naman.

But, after this diretsyo ako sa hotel nya dahil may surprise daw sya sakin. Back to normal na kasi kami after nung LV event. O sige aamin na ako, medyo threaten ako na nandito na si A.D sa Pilipinas, ewan ko kung bakit. Basta nathre-threaten ako sa kanya, ang laki kasi ng epekto nya kay Liam.

Anyway, isa-isa nang lumabas sina Nats, Dee, Dori at Cams

“Lira, 5 mins and you’re next” sabi sakin ni Chi.

“Ok, thank you Chi.” Sagot ko sa kanya,

“By the way, you look gorgeous, happy birthday.” bati nya

“I know, thanks!” nginitian ko sya

“5, 4, 3, 2, 1. Go go go.” sabi nya at sinenyas na lumabas na ako.

As expected paglabas ko pa lang, nagpalakpakan na yung mga tao. Naka ilang balik din kami sa backstage para magpalit ng damit. Nung last part na, nagulat ako nung biglang naglakad si Daddy sa stage na parang nagmomodel, in his chef uniform ha. Natatawa akong pinuntahan si Daddy at sinabayan syang mag-catwalk. Nung makarating na kami sa harapan nagtayuan yung mga tao at nagpalakpakan. Inabot ni Dylan yung bouquet of flowers kay Daddy at iniabot naman sakin yun ni Daddy. Yun na yung pinaka naging highlight nung fashion show ko. Sa loob ng limang taon ko ng ginagawa to, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. The best birthday so far.

“Ihahatid na lang kita” sabi sakin ni Daddy. Alam nya kasing didiretsyo pa ako sa hotel ni Liam.

“Hindi na Dad, take a rest na lang. May dala naman akong kotse.” sabi ko sa kanya habang hinahatid sya sa kotse nya

“Ok then, say hi to Liam for me ok? Happy birthday again Agatha” sabi nya.

“Sure. Thank you Dad, drive safely ok? Call me when you get home” paalala ko sa kanya. at kiniss ko na sya sa cheek bago ko sinarado yung pintuan ng kotse nya.

He wave his hand at saka umalis na din. Nung makaalis si dad saka ako pumunta sa kotse ko. Nauna na akong umalis sa mga friends ko kasi alam nilang may usapan pa kami ni Liam. 8pm ang usapan namin, syempre ako si Aga kaya naman sure akong late na ako. 7:45pm na. Sanay na naman si Liam eh. I texted him bago ako magdrive na I’m on my way. Para i-assure sya na pupunta ako.

*Hotel*

8:30pm na ako nakarating. Hindi pa din nagrereply sakin si Liam…baka busy sa pagluluto.

“Good evening Ms. Aga” bati sakin nung guard.

Nginitian ko na lang sya bago ako pumasok. Nakita naman kaagad ako ng receptionist at agad akong binati at inilead sa may garden. Nung nasa may glass door na ako papunta sa garden, iniwan na din ako ng receptionist yun daw kasi yung utos sa kanya at nagthank you na lang ako sa kanya at dumiretsyo na sa may garden

Habang naglalakad ako, na-amazed ako sa mga paper lantern at sa mga white petal roses na nakakalat papunta sa isang table na naka-ayos. Candlelight dinner? Haha. Hindi ko akalain na may ganitong side pala si Liam. Napansin ko din habang papalapit ako sa nakaayos na table na may nakapatong na isang bouquet of white roses. May napansin din akong tao sa gilid. Akala ko si Liam na, pero hindi pala. Bigla kasing tumugtog ng violin nung nakitang naglalakad ako papasok.

Hindi ko mapigilan na mapangiti. At gustong gusto ko ng makita si Liam para magpasalamat dahil sa loob ng 24 years of my existence ngayon lang ako nakaranas ng ganitong set-up. I know, madami na akong nakakadate pero tulad nung sinabi ko noon nung valentines day sa kanya na hindi ako nakaranas ng “real date” kadalasan kasi namemeet ko lang sa isang party, dahil ayoko ng seryoso. But now? Ghad. Ganito pala yung feeling nung mga romatic dinner date.

Nung nakarating ako sa table, inikot ko ang tingin ko sa garden, hinahanap ko si Liam. Lumapit yung waiter sakin at pinaupo na nya ako. Sinabi sakin na hintayin ko na lang muna si Liam. Kaya sinunod ko naman yung sinabi nya habang tinitignan ko yung paligid. Masyado kasi akong naamaze sa pagkakaayos. Kinuha ko yung bouquet of white roses, at binasa ko yung card from him.

Hey, late comer!

Happy birthday, I hope you don’t find the “set-up” boring.

Save your VIOLENT reaction later. Thank you.

-Liam

Napakasimple lang nung laman nung card pero it means a lot to me. Napatawa nya ako dun. Kaya siguro sya hindi naka-attend sa fashion show ko kanina. Now I know, sulit naman pala yung hindi nya pagpunta.

9pm nung nakarecieve ako ng text from him. Na may biglaan syang inasikaso. Tinanong nya ako kung makakapaghintay pa ako. Syempre I said yes. tutal, nandito na rin naman ako saka I want to wait for him din naman dahil ever since naman nung nagkakilala kami sya na lang yung palaging naghihintay sakin.

[LIAM]

(Kasabay nito yung fashion show ni Lira)

Birthday ni Lira ngayon at eto ako busy sa pag-aayos ng garden para sa surprise ko sa kanya. Naalala ko kasi yung sinabi nya sakin noon na hindi pa sya nakakaranas ng romantic dinner. At pinaalala nya din sakin kagabi na “please lang. ayoko ng party. Kaya don’t bother to plan one” kaya ito. Maaga ko ding tinapos lahat ng appointments ko, and hindi na din ako pumunta sa fashion show nya.

I was about to go to the hotel kitchen para ipagluto lahat ng favorite ni Lira, (syempre tinanong ko kay Chef Gee) nung napansin ko si Tita Maggie sa may lobby. Nilapitan ko sya, it’s been 3 years na din since I last saw her. Hindi pa rin nagbabago, her beuty is timeless sabi nga nya.

“Tita Maggie” tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumingon sakin at nginitian ako.

“Oh, hi there Liam” bati nya at bineso ko naman sya.

“What brings you here Tita?” curious na tanong ko sa kanya

“Actually, napadaan lang ako. I was on my way home, nung naisipan ko magdrop by, you know to say hi and such. How are you?” Masayang kwento nya

Niyaya ko si Tita Maggie na umupo dun sa may waiting area para makapag-usap kami ng maayos.

“I’m good, how are you Tita?” balik ko ng tanong sa kanya

“I’m fine. So I assumed that you and Lanah met already” sabi nya at I nod.

Gustong-gusto ko sanang itanong kung kamusta si Lanah, kaya lang nahihiya naman ako. Kahit naman napaka-cool ni Tita, nanay pa rin sya ni Lanah.

“Oh. That explains why. Haha. Sabi ko na nga ba, ikaw yung dahilan kung bakit bigla na lang nya akong inistorbo sa pagtulog ko.” natatawang sabi nya

“I’m s-sorry Tita” sabi ko naman.

“Ano ka ba, it’s ok. Ganun talaga, that’s life e. You shouldn’t blame yourself kung bakit hindi kayo nagwork out. Para lang kayong mga batang nagbubuo ng isang malaking puzzle, ipipilit nyo na pagkasyahin yung isang piraso na akala nyo ay yun yung right piece para mabuo yung picture, pero kapag pinilit nyong ilagay yun, hindi lang yung katabi nya yung nasira, kundi buong picture. It’s been 3 years na, so both of you should move na. If the pieces don’t fit perfectly maybe because it is not the right pieces to be together.” Nakangiting sabi ni Tita Maggie sakin.

“Tita, I still love Lanah, hindi naman po nagbago yun e” mahinang sabi ko.

Sasagot na sana si Tita nung biglang dumating si Robin kasama yung ilang lalaki na may dala nung tarpaulin nung picture namin ni Lira. Pinamadali ko talaga yun na ipaprint last week para mahabol sa birthday ni Lira, isa kasi yun sa gift ko sa kanya.

“Excuse me Sir Kurt, idederetsyo na po ba namin to sa garden?” tanong nya

“Wag muna, pakilagay na lang muna sa may office ko.” sabi ko sa kanya.

Agad naman syang umalis. At napansin kong nakatingin pa rin si Tita Maggie sa dala nina Robin.

“She’s beautiful. The girl in the picture” Mahinang sabi nya.

“Gorgeous, according to her.” sabi ko naman.

“You know her? I mean personally?” tanong nya

“Yes. She’s the famous and gorgeous AGA” sabi ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Tita Maggie na im married with Lira, pero minabuti ko na lang na wag nang sabihin.

“Really? Haha. Maswerte ang magiging asawa nya kung ganon.” Nakangiti nyang sabi.

Natahimik na lang ako. Maswerte…ako? Siguro. Sa dami ba naman ng taong nagkakagusto sa kanya. Maganda, sikat, mabait, mainipin, palaging tulog, malakas kumain at madaldal.

“So, Lanah told me that you’re married. Who’s the lucky girl?” tanong nya

Napatingin naman ako sa kanya, as always. Nakangiti pa rin sya, ever since na nakilala ko si Tita Maggie, palagi lang syang nakanngiti at bihira syang sumimangot, napakapositibo nya sa buhay kaya naman hindi na ako nagtataka kung pati si Lana ay palaging nakangiti.

“The girl in the picture” tipid kong sagot. Wala na naman sigurong dahilan kung iiwasan ko yung tanong nya, since alam na din naman ni Lanah.

She was shocked nung sinabi ko and then sinabi nya lang na

“R-really? W-wow, take good care of her Liam, she is a very nice, sweet and loving girl” nakangiti nyang sabi at hinawakan yung kamay ko.

“You know her Tita?” tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at saka tinignan yung orasan nya.

“So, I’ll go ahead na, Lanah is waiting for me.” Sabi nya at inayos ang sarili para tumayo. Tumayo na din ako.

“Tita…*lumingon sya sakin* C-can I come?” nag-aalangang tanong ko.

“You want to talk to Lanah?” tanong nya. I nod

“How about your wife?” nag-aalalang tanong nya

“She will understand. I just want to talk to Lanah” sabi ko sa kanya. nag-nod na lang sya at sumunod na ako sa kanya

(ALANNAH)

*ding dong ding dong

Si Mommy na ata…sakto, kakatapos ko lang magluto ng dinner namin at naghuhugas na ako ng pinaglutuan ko. Nagpunas ako ng kamay bago ako lumabas ng kitchen at pagbuksan si Mommy ng pintuan.

“You’re on time, the din—“ naputol yung sasabihin ko nung nakita ko na hindi lang pala si Mommy yung nasa harapn ng pintuan.

“H-hi” bati nya sa akin.

Tinignan ko lang sya at pati na rin si Mommy, as always nakangiti sya sakin, niyakap ako ni Mommy bago nagsalita.

“You both need to talk.” At saka umalis, iniwan kami ni Liam sa harapan ng pintuan

I was shocked when I saw my Mom with Liam in our front door. It been almost 2 weeks since the last time I saw him with his wife. Of course nasaktan ako but I have no intension na sirain yung pagsasama nila. I’m not that kind of girl, I know my limitations and I have to accept the fact that he is not mine anymore.

Stupid me. I was the one who left him 3 years ago. Kaya nga I kept my distance at umalis kaagad ako. The funny thing was, imbis na makarinig ako ng comforting words kay Mommy ang sabi nya lang sakin na..

“sabi naman sayo, if the pieces don’t fit perfectly maybe because it is not the right pieces to be together. Move on.”

“C-come in” I finaly said to Liam.

Tumuloy naman sya at huminga ako ng malalim bago ko sinarado yung pintuan at harapin sya. Pinaupo ko sya at saka inalok ng maiinom. Tumanggi sya at biglang tumunog yung phone nya. Tinignan nya lang yun at mabilis na nagreply saka binalik sa bulsa nya yung phone nya. Bago humarap ulit sakin at saka sinabi na

“Lanah, first of all, I want to say that I’m really really sorry. Second, yes I am married but it is not what you think. Technically I’m her husband.” 

“What do you mean technically?” naguguluhang tanong ko sa kanya

After he let out a deep sigh. Inexplain nya sa akin ang lahat. Yung deal na ginawa nila. Their reasons. And etc. at ang nasabi ko lang sa kanya

“That’s bullsh*t Liam, niloloko nyo ang lahat. Lalo na yung parents mo at lalong lao na yung Daddy nya. I can’t believe you Liam. No, I can’t believe both of you.” naiinis kong sabi. Don’t get me wrong ok? Naiinis ako kasi imbis na mapasaya nila yung Daddy ni Aga, niloloko pa nilang dalawa at lalo akong nainis kay Liam dahil because of his goddamn dream pumayag sya para lang maging apprenticed ni Chef Gee at naiinis ako dahil hanggang sa pagpapakasal nya kay Aga BUSINESS pa din ang iniisip nya.

“Lanah, please understand kung anong set-up namin ni Lira. Hindi ko lang masabi sayo nung nasa event tayo dahil madaming media na nakapaligid, masisira ang plano kapag kumalat.” Sabi nya

“Liam. Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Alam mo hindi ko alam kung matatawa ako sa set-up nyo o maaawa ako sa mga taong niloloko nyo. Seriously, I have nothing against about you being married with her. You look perfect together, I admit that.  Yes, I was hurt but I have to accept the fact that we’re over.” Tuloy tuloy na sabi ko sa kanya

“But I’m not over you. I still love you Lanah. We-- ” sabi ni liam.

“Liam, hindi ganon kadali yun. 3 years yung nawala satin. Madami ng nagbago. We both chose our careers over love. Tinanggap ko yung offer sa Thailand and I ask you to come with me, dahil may offer din sayo dun. But you never did, instead mas pinili mong sundan ng sundan si Chef Gee para maging apprenticed nya and then after a year nabalitaan ko na ikaw na yung nagmamanage ng hotel nyo. I ask you again na pumunta sa Thailand pero masyado ka ng nakatali sa trabaho mo at for the second time you refused the offer.” Sabi ko sa kanya

Natahimik na lang sya sa sinabi ko sa kanya. Kaya naman nagsalita ulit ako.

“You know what? Maybe mom was right. Maybe we are not meant to be together. Kahit na sa tingin natin noon na tayo na talaga, but look at us, kahit deal lang yung sa inyo ni Aga, hindi pa rin mababago ang katotohanan that you two are married. And we are over. Liam, we had our time…” sabi ko sa kanya

“Everybody deserves a second chance. Right?” tanong nya.

“Liam, people do change and feelings do too.” mahinang sagot ko sa kanya

“But mine doesn’t.” sagot nya.

Tumingin ako sa mga mata nya bago ako sumagot.

“Do you love her?” tanong ko sa kanya

“No.” mabilis na sagot nya.

“Do you like her?” tanong ko ulit

1.2.3.4….

“N-no” mahinang sagot nya.

Napangiti na lang ako sa sagot nya. Knowing Liam, hindi nya pa alam, but I can say that he likes Aga. The moment when I saw them at the event, na isip ko na kaagad na gusto nya na si Aga, why? Si Liam Kurt Villas nasa isang Fashion event? To think na magkasama kami for 4 years at ni minsan hindi sya pumunta sa kahit anong fashion event na pinupuntahan ko noon. Kahit pa pilitin ko sya.

“Liam, let just move on. Wag mo akong hanapin sa kanya. She is so much better than me, if you will see her as her. Maybe she is the right one for you. Ngayon alam ko na kung bakit ka nagpakasal sa kanya, not because sa benefits na makukuha mo, but because the moment you laid your eyes on her, alam mo na… that you like her. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo because akala mo that I’M STILL THE ONE FOR YOU.” nakangiti kong sabi sa kanya

Minahal ko si Liam, bilang kaibigan, kapatid, boyfriend at hindi ko pinagsisisihan yun at ayoko na matali sya sa idea na ako na yung para sa kanya. Hindi ko pinagsisisihan na nagkahiwalay kami, dahil kung hindi… siguro na-stuck ako sa Pilipinas habang sya patuloy pa rin ang paghahabol kay Chef Gee. Fortunately, ngayon hindi na nya kailangan pang maghabol dahil Daddy ito ng asawa nya.

“Don’t be silly Lanah. Hindi ko gusto si Lira, wala kaming ginawa kung di mag-away sa simpleng bagay. Tamad sya, hindi marunong mag-luto. Magulo yung gamit nya, malakas syang kumain. Madaldal sya. She says what she wants and do what she wants. Childish sya, lagi syang late and I hate late…” patuloy na sabi ni Liam pero natawa na lang ako sa kanya

“What?” tanong nya

“Pero kahit na madami kang ayaw sa kanya, pinili mo pa rin na makasama sya at ituloy yung deal nyo. Right?” sagot ko sa kanya

“Time will come Liam at maaamin mo din sa sarili mo na hindi na ako yung gusto mong makasama” dagdag ko pa.

After naming mag-usap ni Liam, pinag-dinner pa sya ni mommy sa bahay at saka umalis na din ng bahay.

--

(AGA)

10:52pm na, wala pa din sya. Kaya naman I decided na pumunta na lang sa bar para magparty mag-isa. Ilang beses kong tinry tawagan yung phone nya pero walang sumasagot. Nakalimutan na nya ata na may naghihintay sa kanya.

Totoo pala yun, expectation leads to disappointment.

Akala ko ito na yung pinakamasayang birthday ko. Hindi pala. Wala akong ginawa sa bar kung di sumayaw, uminom, makipagkwentuhan sa mga hindi ko naman kilala pero kilala nila ako. Nung medyo hindi ko na kaya at tinamaan na din ako ng antok at pagod kaya umuwi na ako sa bahay. Bahay ni Liam.

--

“San ka galing? Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sayo?” bungad sa akin ni Liam.

“Oh. Hi..” sabi ko sa kanya. Medyo blurred na rin yung paningin ko kaya naman I need to walk towards him para maaninag ko sya ng mabuti.

“You’re drunk. Hindi ka na maayos mag-lakad at amoy alak ka pa.” sabi nya.

“Huh? No, I’m not drunk. Nakainom lang and sa tingin ko naman maayos yung lakad ko. Look.” At naglakad pa ulit ako pero muntik na akong matumba kaya naman sinalo nya ako at inalalayan sa may couch.

“Alam mo ba kung anong oras na? It’s 3am.” galit na sabi nya

“I know. I have my watch *pinakita ko yung wrist watch ko* see? I got bored on waiting for you at your stupid hotel so I went to the bar and celebrate my birthday alone, nice diba? Hahaha.” I don’t know kung bakit parang mas lalong lumabo yung paningin ko, oh. A stupid tear fell down on my cheek. Wth.

“Lira, sana umuwi ka na lang instead of going to the bar. Look at you.” galit na sabi nya

“Ohh please shut up! Can you just at least greet me a “HAPPY BIRTHDAY” instead of nagging at me? *tumayo ako* Kung dumating ka lang sana edi sana kanina pa ako natutulog ngayon ng mahimbing at masaya. But thanks to you, nagmuka akong tanga kakahintay sa wala at muka pa akong tangang nagcelebrate ng birthday ko mag-isa.”  Nawala lahat ng alak na ininom ko. Pero salamat sa alak at nakakuha ako ng tapang.

“I’m s-sorry. How long have you waited?” tanong nya

“It doesn’t matter how long I’ve waited, it wouldn’t change the fact that you didn’t showed up…stupid.” At umalis na ako sa harapan nya at dumiretsyo na ako sa kwarto ko.

******************************

Continue Reading

You'll Also Like

51.3K 440 33
In my leaving springtime of life, with all the youthful odds to get by, will my feelings reach the quirkily epicene guy I've been telling the papers...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
277K 9.3K 8
Am I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...