Sweet Revenge

By pinkyjhewelii

1.2M 20.5K 909

One shot story. Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014 More

Sweet Revenge
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 8

62.2K 1.2K 103
By pinkyjhewelii

“OKAY. See you later.”

Ipinatong ni Celene ang kaniyang cellphone sa table niya pagkatapos ng tawag na iyon mula kay Lemon. Nagyaya kasi itong mag-lunch sa paborito nitong Italian restaurant. At bilang bestfriend nito, hindi naman niya ito matanggihan.

Sumandal siya sa kaniyang swivel chair saka huminga ng malalim. Mag-i-isang lingo na mula ng huling magparamdam sa kaniya si Ches. Mukhang tuluyan  na itong nagtampo sa kaniya. Missed na niya tuloy ang kakulitan nito. Ayaw naman niya itong tawagan o padalahan ng mensahe dahil ayaw niyang mag-isip ito ng kakaiba sa kaniya.

Tumingin siya sa kaniyang orasang pambisig. Mag-a-alas-dose na pala. Lunch time asuxual. Inabot niya ang kaniyang shoulder bag mula sa side drawer saka tiningnan ang kaniyang mahahalagang gamit. Kumuha siya ng polbos na ipinahid niya sa kaniyang mukha at lip gloss para sa kaniyang labi. Sinuklay niya ang buhok niya at tiningnan ang sariling repleksiyon sa pocket mirror niya. She’s ready.

Tumayo na siya saka isinakbit ang shoulder bag sa kaniyang balikat. Dire-diretso siyang lumabas ng restaurant pagka-senyas kay Daisy na aalis na siya.

Nang makasakay sa kotse niya ay mabilis din niyang pinaandar ang car engine saka nagsimulang magmaneho.

Habang nagmamaneho ay pilit na namang sumisiksik sa isipan niya ang gwapong mukha ni Ches. Kailan ba ito maaalis sa isip niya? At kailan mawawala ang nararamdaman niyang pagka-missed rito? Magpaparamdam pa kaya ito sa kaniya? Tuluyan na ba itong lumayo sa kaniya? Arggghh! Bakit ko ba siya pino-problema? Kung ayaw niyang magparamdam, e ‘di huwag!

Napalitan  ng pagkakunot ang noo niya ng mapansin ang pag-para sa kaniya ng traffic enforcer na naka-destino sa lugar na iyon. Itinigil niya ang sasakyan saka niya ibinaba ang windshield.

“Ma’am may violation po kayong nalabag.” Ani traffic enforcer.

Mas lumalim ang pagka-kunot ng noo niya. “H-Ho? Pero..”

“Pasensiya na po kayo Ma’am. Sumusunod lang po ako sa rules and regulation.”

"Pero wala naman akong ideya na nalabag ko. Ilang taon  na ho akong nagmamaneho rito at kailanman ay hindi pa ako nagka-violation." Katwiran niya.

"Pasensiya na po talaga kayo Ma'am. Maaari ho ba kayong bumaba muna diyan sa sasakyan ninyo?"

Walang nang nagawa si Celene kung hindi ang bumaba ng sasakyan niya. Anumang sabihin ng traffic enforcer sa kaniya ay hindi siya matatanggap hangga't hindi nito naipapaliwanag ng ayos kung ano ang nalabag niya.

Isinara niya saglit ang pinto ng sasakyan niya. Nanatili lamang siyang nakatayo habang hinihintay ang sasabihin ng traffic enforcer sa kaniya ngunit biglang may pwersang nanggaling mula sa likod niya na nagtakip ng panyo sa may ilong niya.

Bigla ay nanghina siya saka tuluyang pumikit ang mga mata niya. Tanging palitan ng salita na mga boses lalaki ang huling narinig niya bago siya nawala sa huwisyo.

~

"I LOVE YOU. You love me. We are happy family, with a great big hug and a kiss from me to you.. Won't you say you love me too.."

Paulit-ulit na kanta ni Barney ang naririnig ni Celene hanggang sa tuluyan siyang magising.

Ano nga bang nangyari sa kaniya? Halos wala siyang gaanong matandaan. Ang tanging naaalala lamang niya ay may sumitang traffic enforcer sa kaniya nang magmaneho siya upang makipag-kita sana kay Lemon.

Pagmulat ng kaniyang mga mata ay puting kisame na may kaaya-ayang chandelier ang una niyang nakita. Inilibot niya ang tingin sa paligid nang mapatigil siya dahil sa lalaking nahagip ng mata niya mula sa sofa na abala sa pagkalikot sa iPad nito. No other than - Ches.

Sinubukan niyang bumangon sa malambot na kamang kanyang hinihigaan. Kulay pink ang bed sheets at pillow case niyon na may floral printed.

Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari? Bakit naroon siya sa kwartong hindi pamilyar sa kaniya kasama si Ches?

"Hey! Gising ka na pala." Bati nito nang mapansin ang pag-upo niya sa kama. Tumayo ito at lumapit sa kaniya. "How's your feeling?"

"Teka lang ha? Naguguluhan kasi ako. Nasaan ba ako at anong nangyari sa akin saka bakit ka ba kumakanta ng barney song? Sagutin mo nga iyong mga tanong ko?" Napalitan ng pagka-irit ang awra niya.

Tumawa ito ng bahagya. "I don't know if you'll believed me pero.. Kinidnap kita. And speaking of Barney song, anong masama kung kantahin ko iyon?"

Ano daw? Kinidnap? "W-What? You kidnapped me? Pwede ba! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Saka, ayokong marinig ang kanta ng baklang dinosaur na iyan!"

"Hindi din ako nagbibiro. That's true. Before I explained of what happened, ipagtatanggol ko muna si Barney. Hindi siya bakla okay? Sadyang jolly lang siya at kulay violet. Huwag ka ng sasabat, isusumbong kita kay Barney! Tandaan mo, mas malaki sa’yo yun.”  muntik na siyang matawa sa sinabi nito kung hindi lamang niya iyon pinigilan.  “Now, remember iyong traffic enforcer! Kinuntsaba ko lang iyon para pababain ka sa sasakyan mo at magawa kitang kidnapin. Iyong pagyayaya sa'yo ni Lemon ng lunch, kinausap ko lang din siya para lumabas ka sa lungga mo. I know na hindi kita mapapasama rito sa Isla Fuentaberde kaya naisipan kong gumawa no'n. Hope you'll understand Celene. I'm just eager to give you a vacation." Dire-diretso nitong paglalahad saka naupo sa gilid ng kamang inuupuan niya.

"I can't believe this! Pati sarili kong kaibigan nagawa akong lokohin?" Naiinis na saad niya.

Hindi gaanong nakakatuwa ang ginawa nito dahil sa pagkaladkad nito sa kaniya ng walang permiso pero bakit may bahagi sa puso niya na natutuwa sa effort na ginawa nito maisama lamang siya sa bakasyon nito. Ano bang dapat niyang pakinggan? Isip niya o puso niya?

"I'm sorry Celene. Nagawa ko lang naman  ito dahil no'ng huli tayong mag-usap, you told me you can't come with me. Na pag-iisipan mo pa. Ang dami mo pang segue kaya ako na ang gumawa ng paraan. Ang tigas din kasi ng ulo mo."

"At sinabihan mo pa akong matigas ang ulo? Pagkatapos ng ginawa mong ito sa'kin? How there you!" Hinampas niya ito ng unan sa mukha.

"Ouch! Celene naman. Kung hahampasin mo lang din ako, huwag naman sa mukha. Sayang ang ka-guwapuhan ko. Ouch!"

Hinampas niya ulit ito ng isa. "Ang yabang yabang mo! Iuwi mo na ako!!" Pagmamaktol niya.

"Saan? Sa bahay ko o sa puso ko?" Pang-aasar nito saka tumayo mula sa kama.

Shiiiit! Bakit siya kinikilig sa mga banat ng gunggong na ito? "Ewan sa'yo! Argghhh! Nakakainis ka na! Bakit ka ba ganito sa'kin?"

"How many times do I need to tell you that I like you, I want to be with you and I want you to stay here in my side. And remember, nanliligaw ako sa’yo right? Uulitin ko pa ba ulit?"

Napapikit siya saka huminga ng malalim. "Okay fine. Wala na akong narinig."

"Manhid mo talaga. Tara na nga, let's have breakfast." Yaya nito.

Pababa na siya ng kama ng may maalala. "T-Teka.. Totoong nasa Isla Fuentaberde na tayo? Paanong.."

"What?"

"Paano tayo nakarating dito agad agad?"

"Anong ginagawa ng private helicopter? Hindi ba't lumilipad  iyon? Ayun yung sinakyan natin. Kahapon ka pa tulog mula ng kidnappin kita. Ngayon ka lang nagising kaya sigurado akong gutom ka na."

"Grabe ka! How can you do this to me. Ang sama mo talaga." Reklamo niya. Ano pa nga bang magagawa niya? Naroon na siya. Hindi rin naman niya magawang magalit dito.

"See what love can do." Anito nang buksan nito ang pinto ng kwartong iyon.

"Ha?"

"Wala. Sabi ko kakain tayo."

Sumunod na lamang siya rito. Ngunit pasakay pa lamang sila sa elevator  pababa sa lobby ay may napansin na siya sa sarili niya.

"Aaaahhhhh!"

"Bakit? What's the matter? Bakit ba bigla-bigla ka diyan sumisigaw?"

"B-Bakit iba na ang suot kong damit? Hindi ito iyong suot ko kahapon? Paanong.. Paano.." Napatulala siya sa suot niyang yellow floral dress na hanggang tuhod niya.

"Exxagerated ka mag-react. Huwag ka ngang green minded. Iyong massage therapist na iyong inutusan kong magpalit ng damit mo dahil pina-masahe naman kita bago tayo lumipad papunta rito sa Isla. Kung anu-ano agad naiisip mo." Nganga siya sa sinabi nito. Exxagerated ba talaga siya mag-react? Hindi niya inasahan ang pag-akbay nito sa kaniya saka siya iginiya pasakay ng elevator. "Tara na nga." Anito.

Hindi na lamang siya nag-react. Mabuti na lamang at sila lamang ang naroon sa floor na iyon. Nakakahiya naman siya. Bumabalik na naman kasi sa isipan niya ang muntik nang may mangyari sa kanila ni Ches nang siya’y malasing.

Bahala na nga. I-enjoy ko na lang siguro ang pag-stay ko rito. Lubusin ko na ang ka-lambingan ni Ches. Hindi ko naman maitatangging kayang-kaya niya akong pasayahin at pangitiin kahit sa simpleng bagay lamang na ginawa nito.

Bahala na kung kelan niya pipigilan ang sariling makipag-lapit dito. Hindi talaga niya keri na lumayo rito eh. Lakas ng hatak.


~

MALAMIG na simoy ng hangin, malinis na dagat.. Iyon ang nababagay sa relaxation na hinahanap ni Celene. Napaka-ganda naman sa islang iyon. Bakit hindi niya iyon alam?

Naglakad-lakad pa siya sa tabing dagat. Natutuwa siyang tingnan ang mga shells na nakakalat sa paligid ng dagat.

Marami ng nagawa si Ches para sa kaniya pero parang hindi niya matandaan na nagpasalamat siya rito. Kung hindi niya siguro gusto si Ches ay magagalit siya sa ginawang pag-kidnapped nito sa kaniya. Sino ba naming matinong lalaki ang mangki-kidnapped para lang sa isang bakasyon? Ang dami talagang pakulo ng lalaking iyon.

“Nand’yan ka lang pala.”

Napalingon siya sa pinaggalingan ng boses. The man who’s occupying her mind. He’s wearing blue floral shorts ang white sando. How macho he is naman. Nabubusog na naman ang mga mata niya. Nyay! Ano bang nasa isip niya?

“Y-Yeah..” nauutal niyang sagot habang napapalunok.

Ngumiti ito. “Gusto mong mag-swimming?”

“Ha? Eh..” she gulped. Hindi niya kasi alam ang isasagot. Kung bakit naman kasi swim suit lang ang nakita niyang maaaring panlangoy na nasa maleta niya. Sino bang naglagay no’n? Sino namang magbabalak maglangoy na naka-pantalon o naka-dress. Iyon lang kasi ang mga klase ng damit na mayroon sa maletang nasa kwarto niya. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi pag-tiyagaan ang swim suit. Sanay naman siyang magsuot niyon, parang hindi lang siya komportable ngayong si Ches ang kasama niya

Inside her malong na ibinalot niya sa katawan niya, she’s wearing a red swim suit na bumagay sa maputi niyang balat. Ano kayang magiging reaksiyon ni Lex kapag nakita na siya nitong iyon lamang ang suot?

“What? Hindi mo ma-e-enjoy ang kagandahan ng dagat kung hindi ka maglalangoy. Let’s go! Take off that malong..”

Nanlaki ang mata niya. Walang pakundangan? Hubad agad? Tss. Sa inis niya ay tinanggal niya agad ang malong na nakabalot sa katawan niya at hinayaan lamang na malaglag iyon sa buhangin saka agad na tumakbo sa tubig.

Nasa tubig na siya nang mapansing hindi niya kasunod si Ches. Napalingon siya at doon niya nakita si Ches na animo’y tulala na nakatitig sa kaniya. “What’s the matter? Akala ko ba maglalangoy tayo?” sigaw niya rito.

Napuknat naman ito saka sumulong na rin sa tubig papalapit sa kaniya.

“Problem? Para kang nakakita ng multo.” Aniya.

Umiling ito. “You are so damn sexy!” bulgar nito.

Ikinagulat niya ang rebelasyon nito. Napaka-straightforward naman nito. But deep inside, natutuwa siya dahil na-sexy-han ito sa kaniya.

“Ewan sa’yo!” tinalikuran na niya ito saka sinimulang sumisid sa dagat.

Sobrang linaw ng tubig ng dagat, iyon ang unang napuna niya. kitang-kita niya sa ilalim ang mapinong buhangin at iba’t ibang hitsura ng shells. Nang ilutang niya ang ulo sa tubig ay napakampay siya ng may humawak sa paa niya mula sa ilalim ng tubig.

Nagpumiglas siya hanggang sa si Ches naman ang lumutang. “Ano bang ginagawa mo? Papatayin mo ba ako?”

“Para binibiro lang..” anito.

“Pwes hindi iyon magandang biro.” Pasusungit niya. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa hanggang leeg niyang parte ng dagat na iyon.

She tried to look at his face then she saw him looking at her intensely. Ano bang nasa isip nito? Hindi siya agad nakapag-react nang bigla na lamang siyang hilahin nito papalapit sa katawan nito na nanatili pa ring nakatitig sa kaniya.

“C-Ches..”

Sa halip na sagutin ay isang mainit na halik mula rito ang sumalubong sa kaniya. He is kissing her torridly. Parang uhaw na uhaw ito sa halik. She can’t be move. Hindi niya alam kung itutulak ba niya ito o ano. Ayaw makisama ng katawan niya hanggang sa hindi niya inaasahan an pag-traydor sa kaniya ng sarili niya. She is responsing in his kisses. Sabi niya, lalayo na siya upang hindi na lumalim ang pagtingin niya rito. Pero bakit parang ayaw makisama ng puso niya? Bakit sinusuway ng puso niya ang kagustuhan niyang umiwas rito? Ano ba talagang gusto niyang mangyari?

Ches told her that he likes her and he wants her to stay in his side. So what that means? That he is damn serious to her? Dapat na ba niya iyong tugunin? Ano nga bang masama kung halos kakahiwalay lamang nila ni Gino? Anong magagawa niya kung ang puso niya, si Ches na ang isinisigaw? Sa tingin niya may magagawa pa siya? Puso na iyan, titibok iyan kapag nakaramdam iyan ng pagmamahal sa isang tao at walang gamot upang pigilan na magmahal ang puso.

Now she know. Give-up na siya sa kagustuhan niyang lumayo rito. Sa tingin niya kasi, hindi niya makakaya. Why not to try? Nararamdaman niya ang malinis na konsensiya nito. Ramdam niya sa halik nito na mahal siya nito. Bakit ba niya itataboy ang lalaking handang sumalo sa kaniya? Ang lalaking nagpasaya sa kaniya sa oras ng kalungkutan. Ang pagiging sandalan  nito sa tuwing umiiyak siya. Palagi siyang nariyan, sino bang hindi mai-in-love sa isang katulad ni Ches?

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay napatingin siya sa mga mata nito. “I love you Celene..”

Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabi nito. She already decided.  She grabbed his head ang kissed him in his lips. Sapat na kaya iyon para maipalam na handa na siyang ipaubaya rito ang puso niya?

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
5.1K 357 13
PUBLISHED AS PART OF ILYWAMYHAK ANTHOLOGY BOOK UNDER UMPRINTABLES! Isang symposium ang ginanap sa barangay nina Vina. Hindi naman siya iyong tipo ng...
26.9K 946 24
Mag-aral, magtayo ng business, mag-ipon, tumira mag-isa sa gilid ng dagat at mamatay kung kelan niya gusto. Iyon lang talaga ang gustong gawin ni Yer...
881K 1.5K 2
This story is signed under Dreame. If you want to continue reading this, please visit Dreame app. Thank you