Chapter 3

80.7K 1.6K 63
                                    

 

“IHO!”

Awtomatikong napangiti si Chester nang salubungin niya ang ina niya nang makapasok siya sa mansiyon nila. Kasama niya si Sheena nang gabing iyon pauwi galing sa restaurant ni Celene.

“Mama! It’s been eight years when I last saw you. You still looks young.” Aniya saka yinakap ang ina.

Hinampas siya nito ng bahagya sa balikat. “Bolero ka na ngayon. Napaka-guwapo ng anak ko.” Proud na sabi nito nang humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya.

“By the way ‘Ma. She’s Sheena, my girlfriend. She will stay here in our house while we are here in Philippines.”

“Hi tita! Nice meeting you.” Bati ni Sheena sa ina niya.

“Nice meeting you rin iha. Don’t worry, you can use the guest room.” Nakangiting sagot ng ina niya.

“Kumain na ba kayo? Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka, e’di sana ay nasundo ka man lang namin.”

“Yeah kumain na kami ‘Ma, isa pa hindi ako nagpasabi because I wanted to surprise you.”

“Ikaw talaga na bata ka! Mabuti pa magpa-hinga na muna kayo.”

“Yaya halika, ihatid mo si Sheena sa magiging kuwarto niya.” utos ng ina niya sa katulong nila.

“Akyat muna ako Ches, Tita.” Paalam ni Sheena.

“Okay iha. Take a rest.”

“Goodnight Sheena.” Aniya.

Sinundan niya ito ng tingin habang paakyat sa ikalawang palapag kasunod ng katulong nila.

“Are you serious with her?”

Bigla siyang napatingin sa ina niya. “Not really. I’m just enjoying her company ‘Ma. You know how much I love Celene.” Dire-diretso niyang sabi.

“Yes I know. At alam kong si Celene rin ang naging inspirasyon mo sa lahat ng pagbabago sa iyo Chester. I’m really proud of you. You made me happy."

“Thank you ‘Ma. Where’s dad?”

“Tulog na. Masyadong napagod sa trabaho. Alam mo naman kung gaano iyon ka-work-aholic. You can surprise him tomorrow morning. Siguradong magugulat iyon dahil ang aming si Chester ay binatang-binata na at mukhang marami ng napaiyak na mga babae.” Pagbibiro ng ina niya saka siya iginaya paakyat ng hagdan. “Let’s go, ihahatid kita sa kwarto mo para makapag-pahinga ka na. Mabuti na lamang at araw-araw ko pa rin iyong pinalilinisan kahit walang gumagamit.”

“That’s okay ‘Ma. Hindi na ako bata. I’m a big boy now and I’m responsible enough.” Nakangiting sabi niya sa ina niya.

~

“ALIS na naman?”

Nang-gagalaiti na sa galit si Celene dahil sa fiancé niya. Paano ba naman, nangako itong sasama sa kaniya upang mag-food tasting sa mga nag-ooffer ng cater para sa kasal nila. Pero hayun at tumawag, nagpapasama raw kasi si Sheena sa Davao dahil may aasikasuhin ito roon.

“Bakit ikaw? Hindi ba’t may boyfriend siya?” asik niya rito sa kabilang linya.

“Hon, puwede namang sa ibang araw ang food tasting na iyan. Importante ang lalakaring papel ni Sheena sa Davao at kailangan niya ng makakasama. Her boyfriend can’t come with her dahil inililibot daw si Ches ng ama nito sa kompanya nila.”

Iba na talaga ang pakiramdam niya sa Sheena na iyon. May gusto ba ito sa fiancé niya? Malapit na siyang mapuno. Hindi na tama ang pagdikit-dikit nito kay Gino. Isa pa, si Sheena ang nagiging dahilan kung bakit napapabayaan na yata siya ni Gino. Hindi na siya nito nasusundo sa oras, lagi na itong busy at higit sa lahat, mas pinapahalagahan pa nito si Sheena sa halip na siya. Anak naman ng tokwa oh!

Sweet RevengeWhere stories live. Discover now