Forever Yours

By supergirlwearspants

16.5K 633 553

[ON-GOING | TAGALOG] Based on my experience, forever is nothing but a word. Could he be the one to prove me w... More

Forever Yours
Chapter 1: Third Time's The Charm?
Chapter 2: Unplanned Twists
Chapter 3: Facing Facebook
Chapter 4: Just A Dream
Chapter 5: Bittersweet Symphonies
Chapter 6: Way Back Into Love
Chapter 7: Rollercoaster Ride
Chapter 8: Accusations & Assumptions
Chapter 9: Communication Barriers
Chapter 10: The Clearer Picture
Chapter 11: Why Not Her Instead?
Chapter 12: Almost Like The Movies
Chapter 13: A Jeepney Love Story
Chapter 14: Crossing Over Enemy Lines?
Chapter 16: Underlying Motives
Chapter 17: Your Crying Shoulder
Chapter 18: Doors Close for a Reason
Chapter 19: Right Turn, Maybe?
Chapter 20: Reconstructed Bridges
Chapter 21: Plausible Deniability
Chapter 22: A Fire I Can't Resist
Chapter 23: Affirmed Sentiments
Chapter 24: Distinction Comes with a Price
Chapter 25: It'll Always Be Her
Chapter 26: Could Miracles Happen?
Chapter 27: The Aftermath?
Chapter 28: Promises are Meant to be Kept
Chapter 29: If He Could Only See What I See
Chapter 30: The Chances Are... None
Chapter 31: Meet Pamela de Guzman
Chapter 32: Please Tell Me You'll Stay
Chapter 33: Start of Something Good?

Chapter 15: The Evident Truth

466 18 18
By supergirlwearspants

CHAPTER 15

[The Evident Truth]

AY, OO NGA PALA! Dahil sa napakadaming conflicts sa schedule at sa weather, ngayon palang kami magkakaroon ng batch elections. Late na nga eh, dalawang buwan nalang, intrams na!

Here goes my hopes and dreams again... CHOS.

Tulad nga ng una kong nabanggit [A/N: Chapter 2 to be exact] pangarap ko sanang naging muse ng batch namin. Nung first year ko pa gusto eh... kaso mahirap lumugar, eh mas madami pang maganda sakin sa klase. Hanggang nominate lang ako, hindi naman ako nanalo. Sa classroom elections palang 'yun ha! Ngayong third year lang ako hindi nanominate.

Kadalasan kasi, kung sino na yung class muse, siya na rin yung inonominate para sa batch muse namin. Nung first year, wala naman kaming class muse, kaya pumili nalang kami sa assembly. Nung second year ako, nagnominate kami sa klase... pero ayun, talo parin ako. I'm not that sociable, k?

Sabihin ko nga kay Vince na gusto kong manominate?? Nako, baka pagtawanan lang ako nun pag sinabi ko! Baliw yung lalaking 'yun eh.

Pero bahala na... Pakapalan na muna ng mukha! Best friend ko naman siya eh, kung pagtawanan niya ako, eh di pa ba ako nasasanay don? Hahahaha.

AHHH... Alam ko na! >:) *light bulb switches on*

Batch assembly kasi namin laging after last period. Si Vince muna yung naging kasabay ko... Siya naman kasama ko ngayon nuh! Alangan namang kila Alora na ako laging sasabay, si Vince ang best friend ko eh!

Ayun, pababa na kami ni Vince papunta sa AVR. Siningit ko muna yung topic ng muse at escort sa usapan namin...

"Sino kaya escort natin ngayon?"

"Baka si James. Ewan ko, madami yatang pwede."

Oo, si James Padilla. Isa rin siya sa mga dakilang gwapo sa klase namin! Sobrang gwapo din nito, tapos ang cool niya GRAAAABE. Mabait pa siya, mayaman. Hahahaha. Hindi ko nga lang siya naging crush. Idk eh, baka hindi ko lang siya type? Kaso nga, taken na siya. Tapos going strong parin sila.

"Malay mo, ikaw!"

"Gagi. Ayoko nga!"

"Eh, class escort ka naman last year ha?"

"Napagtripan lang ako nun!"

OH YESSS, siya ang class escort namin last year. Public demand eh! Hindi niyo lang alam, patok itong best friend ko.... kong mapagtripan! Hahahaha. Pero gwapo naman itong si Vince, hindi naman siya panget para di maging escort. Hindi nga lang bagay sa kanya. Kaya ayun, napagtitripan.

"Sabagay. Gusto mo nominate kita?"

"Lul. Subukan mo lang!"

"Edi ako nalang inominate mo."

"Escort?"

Sige, tawa ka pa. Whew. That went well.

"Baliw! Sige, lalaki ako. Lalaki!"

"Muse?"

"OO!"

"Sige. Try ko, nahihiya akong magnominate."

Suuuus. Ngayon pa lumabas yung hiya mo. Akala ko ba wala kang hiya?

Tapos si Randel yung escort ko ha? Hahahahaha JOOOOKE! Ang taas talaga ng pangarap ko. Pero seryoso, gusto kong maging escort si Randel. I can see it now. Hahaha, me and my wild imagination.

Pero wait... asan na yung ineexpect ko tawa-tawa mode niya? Si Vince ba itong kausap ko??

Pumasok na kami sa AVR. Nakaupo kami sa bandang harap kasi by section nga naman yung arrangement. Edi, katabi namin yung Burbank.

After ng ilang minuto, nagstart na yung assembly. As usual, president muna.

Vice president..

Secretary..

Assistant Secretary..

And so on...

Kawawa nga yung section namin kasi wala pang nananalong taga-Calvin! Sa lahat na ng section sa batch namin may officer na, samin nalang wala!

Tapos eto na... Muse na yung inonominate!

"The table is now open for the position of Muse, any nominees?"

Aba, kahit sino na 'to. Hindi lang yung elected class muse namin yung pwedeng manominate dito. May pag-asa pa ako!

"I respectfully nominate Charizze Toledo for muse."

"Charizze Toledo, please come forward."

O.O

Awsheeeeeeeet. Wala na. Goodbye hopes and dreams! Alam ko naman mahirap na kalaban si Charizze. Hindi lang sa puso ni Randel, pero pati na rin sa popular opinion.

"NICE RANDEL!!!!"

"Segovia for Escort!"

Sinisigaw ng mga kaklase kong lalaki. Ouch naman! Si Randel dapat ang escort ko eh! >< (Kahit ba madrama, feeler parin. Hahaha)

"Tara, inominate na natin si Dianne!" Narinig kong binulong ni Vince kay Maedelle.

Si Maedelle pala yung bagong kaclose ni Vince. Maedelline Bernardino yung totoong pangalan niya, Maedelle [A/N: pronounced sa Ma-del] nalang for short. Kapag kasama ko sila Janelle, si Maedelle yung kasama ni Vince para di siya mag-isa. Kaklase niya 'yun nung first year sila, kaya may "history" na sila ika nga. Medyo naging close na rin ako sa kanya dahil kay Vince.

"I respectfully nominate Minette Changco for muse."

Another awsheeeeeet. Naunahan na kami ng nominate! Wala naaaa! Oh well, there's always next year. Tska feeling ko naman matatalo ako lalo na dahil andun si Charizze sa harap.

"Uy Dianne. Sorry ha." -Vince

"Hindi, ok lang."

After ng nominations, nagvotations na sila agad. Para sakin, halata nanaman kung sinong mananalo eh.

Sino pa ba? Kundi si Charizze! Isa lang daw yung pair ng muse and escort ngayon year. Nung second year kasi kami, dalawa yung pair na sumali sa Mr. and Ms. Intrams per batch. Halatang-halata na kaya, si Charizze talaga ang muse ng Juniors.

"Yes! Si Charizze yung muse!" Napalingon ako sa kaklase kong si Zarah Abesamis, ang dakilang best friend ni Charizze... at number 1 fan ni Charizze at Randel.

"Tapos si Randel yung escort!" Sinabi niya sakin nung nagkatinginan kami. Ano ka 'teh, patama? Hindi nalang ako nag-react. Nagkunwari nalang akong agree ako sa kanya.

"The table is now open for the position of escort, any nominees?"

"Guys, sino sa Calvin?"

"Si Randel nalang."

"Hindi, si James."

"Si Michael!"

Narinig ko silang nagbubulungan sa likod namin. Mahirap bang desisyon ang escort sa klase namin? Oo naman! Madami ngang gwapo diba!

"I respectfully nominate Vince Dela Cruz for escort."

BOOOOOM!

"Hala, ayoko maging escort! Mga leche kayo!"

"Sabi ko sayo ikaw yung escort eh." -Dianne

"Vince Dela Cruz, please come forward."

Alam niyo, pagdating sa pangtitrip, malaki ang chance na manalo si Vince. Kilala ko mga kabatch ko, kaya nilang papanalunin si Vince.

"Si Randel nalang! Para Randel-Charizze, ayaw naman ni Vince eh!" -Zarah

Diba nga sabi ko sa inyo, number one fan siya ng loveteam nung dalawa?

"Oo nga!"

"Sabi ko kasi sa inyo si Randel nalang eh!"

"Seryosohin nyo kasi!"

Nagbulong-bulungan nanaman sila... Nako, mukhang si Randel na nga yung magiging nominee namin for escort.

"Ma'am, papalitan po namin yung nominee namin."

"Ah, bakit? Sino ipapalit niyo?"

"Randel Segovia po."

"Pinalitan ng Calvin ang escort nila. Randel Segovia, please come forward." Inannounce ng teacher facilitator namin sa mic.

"Hala! Ang daya, bakit si Vince naka-hindi?" -Randel

"Sus, gusto mo naman yan eh." Narinig kong sinabi ni James.

Wala nang choice si Randel kundi pumunta sa harapan. Oo, ayaw niya sana, pero alam kong gusto niyang makasama si Charizze. Pero syempre... may pantapat sila kay Randel diyan.

"I respectfully nominate Christian Paulino for escort!"

Si Chris kasi... ang pinakamalupit na karibal ni Randel sa puso ni Charizze.

"Randel-Charizze nalang!" -Zarah

Hinanda ko nalang sarili kong masaktan kung sakaling si Randel manalo. Feeling ko talaga si Randel yung mananalong escort eh. "Almost lovers" na kasi sila ni Charizze, tapos si Chris naman, nanliligaw palang. Last year niya lang sinimulan panliligaw niya, mga February yata? Saktong Valentines' Day pa.

And as it turns out, siya na rin ang pinakamalupit na kalaban niya para sa position ng escort. Natalo ni Chris si Randel, by two votes. O.O Grabe, hati talaga naging opinyon ng batch namin sa gusto nila para kay Charizze. Eh si Charizze kaya, sino yung binoto niya sa dalawa?? Hindi ko nakita, ang layo niya masyado sa section namin.

"EH, mas gusto ko sana Randel-Charizze!" -Zarah

(Sino bang kausap nitong babaeng 'to? Maka-sidecomments, wagas!)

"So, si Charizze Toledo at Christian Paulino ang representatives nyo para sa Mr. and Ms. Intrams sa September."

"YIEEEEEEEEEEEEEEE!"

Pinabalik na yung nominees sa mga upuan nila. Pagkabalik ni Randel, inasar na agad siya ng mga kabarkada niyang lalaki.

"Aray naman Randel. ARAY lang!" -James

"Talo ka nanaman kay Charizze." -Kyle

Para sakin naman... ayoko sanang matalo si Randel eh. Pero deep inside, natuwa din ako kasi hindi naging magkapartner sila ni Charizze. Wew, safe ang puso ko pagdating ng September...

Pero seryosohang usapan, nagkukunwari lang talagang natutuwa ako at hindi ako nagseselos tuwing inaasar nila si Randel kay Charizze. Alam kong wala naman akong karapatang magselos, pero ano bang magagawa ko? Hindi ko naman mapipigilan ang hypothalamus ko.

Ngayon, nalaman ko na talaga. Kitang-kita ko kanina...

Habang nakataas siya ng kamay para sa boto ni Charizze at habang andun si Charizze sa harapan... Hindi parin siya sumusuko sa kanya.

Kitang-kita sa mukha ni Randel... Mahal parin niya si Charizze. </3

[A/N: Mukhang hindi parin nakaka-move on si Randel kay Charizze... Ano na kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw ngayong alam na ni Dianne na mukhang hindi pa pala matutuloy ang happily ever after niya? Sana nagustuhan niyo ang mahabang chapter na ito! THANK YOU PALA SA 700 READS AT 143 VOTES! Paabutin na natin sa 1k! Hahaha. :D Comment/vote/fan <3]

Continue Reading

You'll Also Like

19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
1.8M 93.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...