And They Say...

By iDangs

979K 30.5K 14.8K

Melody is a dreamer. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya kahit maraming tutol ay sinunod niya... More

And They Say...
Prologue
Track 1: Starting Point
Track 2: Gallery of Stars
Track 3: Mini World
Track 4: Concordia Buzz
Track 5: Are we friends?
Track 6: Time Changes Things
Track 8: Headline
Track 9: Bad Day
Track 10: All Star
Track 11: Resident Chikadora
Track 12: Concordia Royalty
Track 13: Finding Solace in Music
Track 14: Obviously Jealous
Track 15: Getting Used To
Track 16: Believe in Yourself
Track 17: How Annoying
Track 18: I x D x K
Track 19: Something To Say
Track 20: Me Again
Track 21: What are you scared of?
Track 22: Choose Me
Track 23: People Pleaser
Track 24: Backstabbing
Track 25: Weekend Dinner
Track 26: New List
Track 27: Blind Item #86
Track 28: Wasn't Easy

Track 7: Helping Hand

26.9K 1.1K 348
By iDangs


Melody's Point of View


Nakaupo ako sa may likod ng counter habang wala pang masyadong tao ang nagpupunta sa cafè. It's Sunday noon kaya karamihan ng estudyante ng Concordia ay nasa kani-kanilang bahay pa o 'di kaya ay nasa galaan. Habang ako, ito, stuck sa trabaho.

I'm humming and tapping my fingers on the counter to keep myself from sleeping when the bell rang. I looked up and saw Leo, Aiden and Jarvis enter the coffee shop.

"Yo, Melody!" kaway ni Leo.

"Nasaan si Kelsey?" tanong naman ni Aiden at dinudungaw pa ang pintuan ng staff room.

Para namang naramdaman ni Kelsey na may naghahanap sa kaniya kaya bigla siyang lumabas sa staff room. Nang makita nga lang niya ang tatlo ay naglakad siya paatras pabalik sa staff room pero pinigilan siya ni Jarvis bago niya pa tuluyang maisara ang pinto.

"Wala ang seniors kaya hindi pwedeng kaming tatlo lang ang magpractice. Wala kaming drummer and bassist," reklamo niya dahilan para mapairap si Kelsey.

"May trabaho pa ako. Mamaya pa tapos ng shift ko. Mapapagalitan ako ng magulang ko kapag umalis agad ako."

"We'll wait," pursigidong sagot naman ni Aiden.

Napabuntong hininga si Kelsey at nagpamewang. "Kaya kong sagutin ang drums pero paano ang bassist?"

Natahimik ang tatlo sa naging tanong ni Kelsey. Dalawa ang hinahanap nilang proxy at isa lang ang pinuntahan nila. Ineexpect ba nila na hahatiin ni Kelsey ang katawan niya para lang magampanan ang dalawang role?

Hindi ko rin talaga alam minsan sa mga 'to.

Inilipat ko na lang ang atensyon ko sa pag-aayos ng mga gamit sa counter. Paling paling kasi at lalong napaling dahil natutulak ni Leo unconsciously ang ibang gamit.

When I'm done arranging those things, I noticed that the four are too quiet. Kaya nang tingnan ko sila ay nalaman kong nakatingin din sila sa akin.

What did I do this time?

Huwag lang nilang sabihin na may kung ano na naman na issue tungkol sa akin kasi pwede bang pass muna?

"Uhh, bakit kayo nakatingin?"

"Help us. Be a proxy," diretsyong sagot ni Jarvis. "Be our bassist for the day, please?"

"I would love to help," sagot ko dahilan para mapangiti sila kaya lang nawala 'yun nang ituloy ko ang sinasabi ko. "But I don't know how to play the guitar."

They all groaned and Leo even let his forehead touch the counter.

It would be nice if they asked me how to play first. Nag-alok kasi bigla kaya ayan. Ayoko man silang madisappoint kaya lang kusa silang nag-expect kahit nananahimik lang ako.

Expectation leads to disappointment, they say.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa ng apron ko kaya tiningnan ko 'yun. It's a text from Ingrid.


I'm going back now. Are you sure you don't need anything from your house?


Ah, oo nga pala. Umuwi si Ingrid ngayon sa kanila para kumuha ng ibang gamit at para na rin makita pamilya niya. Samantalang ako, ito, stuck pa rin sa trabaho. Pero wala man akong trabaho ngayon baka hindi rin naman ako umuwi. Gustuhin ko man, pakiramdam ko masyado pang maaga. Baka magtalo lang kami ng parents ko. Pipilitin lang nila akong umalis sa academe.


Yup! I'm good, reply ko sa kaniya.


Wait...

"Hey, guys. I know someone who plays the guitar."

Tumingin sila sa akin habang si Leo ay lumapit pa at halos umakyat na sa counter. "Sino?"

"Si Ingrid. Sandali lang. Itatanong ko kung pwede siya."


Wala ka namang gagawin na 'di ba? Saving Daylights needs some saving and a hand. Literally. Sinabi ko na marunong ka maggitara kaya patulong daw sa practice nila.

What's in it for me? reply niya na naging dahilan ng pagngisi ko. Typical reaction from my bestfriend.

You'll get a whole cake as compensation. Deal?

Deal. I'll be there in a few minutes. Hinihintay ko lang si Dex.

Okay. Ingat! :)


"She's in," balita ko sa kanila. "Pero sinabi ko bibigyan niyo siya ng cake. Kayo na bahala."

I asked them to move away from the counter when I heard the bell from the door ring. Work muna.

But before I could even ask the customer's order, narinig ko pa ang turo ni Leo kay Aiden at Jarvis. "You're paying."


***


"She's here!" sigaw ni Leo nang pumasok na si Ingrid sa music room.

Tapos na ang shift ko kaya sumama na ako sa kanila para manood sa practice.

Si Jarvis ang vocalist at guitarist nila habang si Leo ang rhythm guitarist at si Aiden ang pianist. Pareho naman graduating ang drummer at bassist nila. Busy kaya wala ngayon sa practice.

Sineset-up pa nila ang gamit nila kaya tumabi muna sa akin si Ingrid at umupo rin sa sahig.

"Akala ko ba sandali lang? Isang oras na," mahinang tulak ko sa balikat niya.

Tinanggal ni Ingrid ang sapatos niya at saka nag-indian seat. "Blame, Dex. Akala ko didiretsyo na kami dito pero biglang naisipan dumaan ng mall. Bibili raw siya ng sapatos. May natira na naman kasi sa allowance niya. Kainis. My feet hurt."

Knowing Dex, malamang ko ba mahigit sa sampung store ang pinuntahan niya para raw maraming choices pero in the end babalik naman sa first store na pinasukan niya. Ganoon kasi ang ginagawa niya kapag sumasama ako sa kanila ni Ingrid sa mall.

"Okay na!" sigaw ni Leo at sumenyas sa dalawa na lumapit na.

"Didn't know you could play the guitar?" tanong ni Aiden nang isuot na ni Ingrid ang strap ng gitara.

Inaayos ni Ingrid ang gitara at sinagot si Aiden ng hindi man lang tumitingin dito. "Didn't know you could play the piano so no big deal."

"Hindi mo alam? Nababanggit ko 'yon noong may introduction pa sa klase."

"I don't really care kaya hindi ako nakikinig kapag introductions," Ingrid shrugged.

It was obvious that Aiden was a bit taken aback but he just shook his head and smiled.

I was busy watching them that I didn't notice that Jarvis is standing in front of me. He looks so much taller since nakaupo ako sa sahig. Lalo lang tuloy akong nangliit.

"D'yan ka lang ba?" he asked.

"Pinapaalis mo na ba ako?" biro ko sa kaniya.

"Oi, di ko sinabi 'yan. Basta kung sakaling mainip ka pwede kang sumayaw habang tumutugtog kami."

"Masaya ba ang tutugtugin niyo."

"Not really. But you could do a slow dance alone. Or interpretative. Your choice."

Pinangliitan ko siya ng mata at pabirong sinipa dahilan para matawa siya. Bwisit 'to, gusto pa akong pagmukhaing baliw.

"Shoo. Bumalik ka na doon."

Natawa na naman siya, umiling, pero bumalik naman sa pwesto niya kanina.

Nang maituro na nila kay Ingrid at Kelsey ang tutugtugin ay inistrum na ni Leo ang gitara. "One, two, three."

And wow.

Now I know why they have a lot of fans. Magaling pala talaga ang Saving Daylights. At first ang akala ko marami lang silang fans kasi may mga itsyura sila pero mali pala ako. They've got the looks and the talent. Hindi ko pa malalaman kung hindi ko sila pinanood magpractice ngayon. I feel bad for judging them so quickly.

They put so much emotions sa ginagawa nila. Maski si Leo na sobrang palabiro naging seryoso. Si Aiden din parang kino-consume ng music. Pati si Jarvis ganoon din.

At in all fairness sa boses ni Jarvis. Ang sarap pakinggan. 'Yung voice color niya grabe. Para kang hinehele.

Nang matapos silang tumugtog ng limang kanta ay tumayo ako at pumalakpak.

"That's awesome! All of you are super awesome!"

"Thanks," ngiti ni Aiden.

"I'm now a fan! Where do I need to sign up to join the fandom?" I joked. But I'm serious about being their new fan.

"Kausapin mo na lang ang manager namin. Ayan si Kelsey. Kapag natuwa kami sa 'yo baka bigyan pa kitang autograph," pagpatol naman ni Leo sa sinabi ko. "Pero huwag ko lang na malalaman na ibebenta mo 'yun sa malaking halaga. Ibaban kita sa lahat ng events namin."

"Yes, sir," saludo ko sa kaniya.

Pinagtawanan niya ako at nakipag-apir sa akin at ganoon din naman ang ginawa ng iba pwera kay Ingrid na umupo ulit sa sahig at minasahe ang paa niya.

Lumapit ako sa kaniya at tinusok ang pisngi niya gamit ang daliri ko. "What's up? Ngawit ka pa?"

"Yeah. Masasapak ko talaga si Dex kapag nagkita kami."

At kapag sinabi niyang sasapakin niya si Dex, sasapakin niya talaga. Hindi siya nagbibigay ng empty words.

Lumapit sa amin si Aiden at tinuro ang upuan niya. "I could stand. Ikaw na lang umupo."

Inirapan siya ni Ingrid at tumayo. "Do I look like I need some help?" pagsusungit ng magaling kong bestfriend. Kita mo 'to! Siya na lang inaalala nagsusungit pa.

"Yes," sabay na sagot naman namin ni Aiden.

Kokontra pa sana si Ingrid pero tumayo na rin ako at tinakpan ang bibig niya. "Huwag na magpapilit. Tanggapin ang blessing kapag nasa harap mo na."

Wala nang nagawa ng tuluyan si Ingrid nang hilahin na rin maski ni Jarvis ang inuupuan ni Aiden at itinabi sa kaniya.

Nagthumbs up ako sa kanila at umatras na dahil magpapatuloy na sila sa pagpractice.

Nasa kalagitnaan na sila ng isang kanta nang sumenyas ako na lalabas lang ako sandali. Since wala naman akong ginagawa, naisipan kong bilhan na lang sila ng pagkain. Paniguradong gutom na rin ang mga 'yon.

Kung ako nga na nanunood lang nagugutom na, sila pa kaya?



Nagpunta ako sa convenience store sa tapat ng academe. I took some chips, biscuits, candies, bottled water and softdrinks.

Will this be enough? Hindi kaya sila mabitin dito? At baka hindi rin naman sila mabusog.

Ah, alam ko na. Dadagdagan ko na lang ng sandwich for each person. At least dito pwede silang mabusog.

I was about to pick a bun when someone did it first.

"Oh, Chord."

Humarap siya sa akin at tiningnan ang basket na hawak ko saka iyon tinanguan. "Gutom ka?"

"Hindi lang akin 'to. It's for the guys." Itinagilid niya ang ulo niya na parang nagtatanong kaya sumagot na agad ako. "Saving Daylights. They're practicing kaya I decided to buy them some food and drinks."

"Oh. Saving Daylights huh."

I smiled at him and was about to say 'yup' when I realized what I've just said. Oh my God, Melody. You and your big mouth. Rivals nga pala sila.

"Inutusan ka nila?"

I shook my head and my hands. "No. Hindi nga nila alam na pupunta ako dito."

Tumango siya at ipinagpatuloy na ang paggawa ng hotdog sandwich. "Hinahayaan na talaga nila kayong pumasok maski sa practice room nila, ano?"

Well... yeah. Sila naman ang nag-aya.

"Melody, yo!" Napatingin ako sa paparating na si Dex na may mga hawak na energy drink. "Takaw natin ha. Daming pagkain. Hulaan ko. Kalahati niyan para kay Ingrid?"

Well may part na para kay Ingrid pero hindi lahat at hindi rin kalahati. Ayoko naman sabihin na para sa rival band nila 'to kasi feeling ko ang inconsiderate ng dating knowing na may gap sa kanila tapos sasabihin ko lang 'yon. Parang hindi –

"Para sa Saving Daylights 'yan," sagot ni Chord at humarap na sa amin.

Nanglaki ang mata ni Dex at umiling. "Huwag mong sabihin na kampon ka na ng kalaban! Pinagtyatyagaan mo ba ang mga kanta nila?! Ang sakit sa tenga kaya ng mga tugtugan nila! Nakakaantok! Sobrang boring!"

"Uhm..." Honest akong tao kaya sasabihin ko ang totoong opinyon ko base sa narinig ko kanina. "But they're good. As in really good."

"Akala mo lang 'yon kasi hindi mo pa kami naririnig!" Ayaw talaga patalo nitong si Dex.

"Hindi pa nga but I have this feeling na magaling din kayo. I bet you're both good in different ways," I said and smiled at him.

"Kumakampi ka na sa kalaban. Kailangan marinig mo kami kaya sa susunod isasama kita sa practice namin para malaman mo ang tunay na meaning ng music."

"Okay, I guess?"

Tumango si Dex at pinat ang ulo ko. Kukuha na sana ako ng anim na hotdog sandwich nang harangan niya ulit ako at saka humarap kay Chord.

"Dude, mukhang mabibitin tayo sa hotdog sandwich. Kuhanin na natin lahat 'to."

Tinaasan lang ng kilay ni Chord itong si Dex.

Hay nako! Alam ko 'tong nasa utak ng lalaking 'to.

Hindi naman ata ako papayag na kuhanin niya lahat 'yon. Ang dami pa kaya! Isa pa paniguradong sinasadya niya lang 'to kasi alam niyang para sa rival nila ang bibilhin ko. Kaya para matigil siya ay kinonsensya ko na lang siya.

"Kapag kinuha mo lahat 'yan walang matitira sa amin. Kawawa naman kami. Pati kami nila Kelsey at Ingrid madadamay pa sa inyo."

Huminto siya kaya napangiti ako nang kaunti. Ilang sandali lang ay umusad na siya sa gilid at inabutan ako ng lalagyan ng sandwich. Ha. Success.

Chord smirked and shook his head at Dex. "Dude, tara na lang. Para kang tanga."

Dex tsked and faced me again, "Pasalamat sila nandoon kayo. Sige na. Una na kami."

I just waved my hand at him. Magpapaalam na rin sana ako kay Chord nang bigla niya akong tanguan. "See you around, Melody."


***



Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...