I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER XXVIII - Dinner

5.9K 75 14
By fizz_chae07

CHAPTER XXVIII

**YURI’s POV**

“ Ano pala sa tingin niyo? Mga engot kayo!”  balik-sabi sa amin ni Jin Ren ko nang nakataas pa ang isang kilay niya.

Grabe lang. Di ko alam kung ano ang ire-react ko tungkol sa katotohanang ang babaeng eto na nasa harap ko na ang lapad-lapad pa ng ngiti, na animo’y mapupunit na ang mukha sa sobrang lapad ng ngiti niya; ang babaeng eto na kanina’y binalak kong sugurin; ang babaeng gustong-gusto kong tirisin kanina at kung ano-ano pang mura ang nasabi ko sa kanya, ay walang iba kundi ang nanay ng pinakamamahal kong si Jin Ren?

WAAH!!! Hanggang ngayon, tulala pa rin ako at di pa rin ako maka-get over sa mga nalaman ko at alam kong ganun din si Heina.

“Hay naku, wag mo nga silang pagsalitaan ng ganyan.” Suway nung magandang binibini na nasa aking harapan.

 Kinuha niya yung kamay ko at saka hinawakan ito ng mahigpit, yung tipong mahigpit na pagkakahawak dahil sa tuwa at excitement. Ganun, ganun na ganun ang pagkakahawak niya sa magkabila kong kamay.

“Yuri, tama ba?” paninigurado niya.

Tumango lang ako.

“Totoo bang ikaw ang katipan netong anak ko?” natutuwa niyang sabi na halata mong kinikilig-kilig pa.

“P-PO!?” bigla ko na lamang naisigaw sa sobrang gulat sabay bawi pa nung magkabila kong kamay.

ERR, pano ba naman niya hindi tatanungin yun, eh di ba nga nagpanggap ako kanina na girlfriend ako ni Jin Ren ko.

Tsk... nice one Yuri. -____-

“Miss Jane, sabi ko naman sa inyo hindi ko siya girlfriend.” Tugon naman ni Jin Ren ko na ngayo’y nakahalukipkip pa.

Ang kanina’y maligayang aura at napakatamis na ngiti na nakaplaster sa mukha ng kanyang ina ay ngayo’y napalitan na ng lumbay. ERRR, anong ibig sabihin niya dun?

Binigyan ko na lamang siya ng isang nag-aalanganing ngiti dahil hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko. Bigla na lang tumahimik dun sa table namin. 

“Pero gusto mo ang anak ko di ba?” nakakagulantang niyang tanong sa akin sabay kuha ulit nung mga kamay ko.

halos mapatalon ako sa sobrang gulat. Bigla-bigla na lang kasing nagsalita etong mama niya at yung tanong niya naman oh. Talagang nakakagulantang.

Nanlaki lang ang mga mata ko sa itinanong niya. halos di ako makasagot. Kung nakaraang araw lang eh itinanong sakin ni Jin Ren ko kung bakit ko siya gusto, ngayon naman tinatanong ako ng mama niya kung gusto ko ba raw ang anak niya.

Ano ba??? Kelangan ko rin bang magtapat sa mama niya. -____-

magkakaroon yata ako ng atake sa puso sa kanilang dalawa eh. Nakakagulat ang mga tinatanong nila sa akin.

Eh kasi naman, kagulat-gulat naman talaga ang mga tinatanong nila noh.

“MOM!” tawag ni Jin Ren ko sa kanyang ina na para sa kanya’y ibig niyang ipahiwatig sa kanyang ina na ‘wag nang marami pang tanong’ sa pamamagitan lamang ng pagtawag ng pangalan.

“Hmp!” yun lang ang nasabi ng mommy niya.

“Uhmm, kung kayo po yung mama ni Ren bakit po Miss Jane lang ang tawag niya sa inyo.” Tugon naman ni Heina na mukhang nakabawi na sa pagkakagulat.

Oo nga noh, kung siya ang mama ni Jin Ren ko na future mother-in-law ko, (charing lang!) eh bakit Miss Jane lang ang tawag niya rito sa magandang dilag, este ginang na ito?

Bigla namang tumawa ng mahina  ang mama niya habang nakatakip pa ang kanang kamay sa bibig. Na akala mo’y isang maria clara na napakakonserbatibo.

“Hay naku, si Ren kasi mas gusto niyang Miss Jane lang daw ang itawag niya sakin. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Baka siguro  ang bata ko pang tignananda kong to para matawag na mama. HAHA” sagot ng mama niya at tumawa pa ng kay tamis-tamis.

Tinigna ko si Jin Ren ko, siya naman eh tinititigan lang ng masama yung mama niya.

Siguro naiinis na siya sa mga topic namin.

ERRR, bakit kaya ayaw niyang tawagin ng mama ang mama niya? Hmmn, nakakapagtaka. Pero siguro tama rin yung hinala ng mama niya. Para kasing dalaga pa kung titignan lang yung itsura ng mama niya eh. May makinis at mapuputing balat, may kahali-halinang mukha, at sexy na katawan. Kung pagmamasdan mo lang siya para talagang walang DALAWANG anak.

Sa kanya nga siguro nagmana ng itsura si Jin Ren ko. XD

“Best friend!”

“Huy, best friend!” natigil ang pagmumuni ko nang kinalabit ako ni Heina. Tinatawag niya pala ako kanina pa.

“Tulala ka na naman diyan!?” ewan ko kung tanong ba yun o pahayag niya sa akin.

“Nasan na yung iba?” tukoy ko sa mga kaklase ko. eh kasi iilan na lamang kami rito sa loob ng room eh, pati si Jin Ren ko eh nawawala.

“Iba ka diyan! Heller!? Uwian na po kaya, malamang umuwi na yung iba.” Sarkastiko na sagot sa akin ni Heina.

O.O

uwian na pala? Hindi ko man lang namalayan. Nasobrahan yata  ang pagmumuni ko tungkol sa nangyari kahapon eh, at halos di ko na napansin ang oras, alas 5 na pala ng hapon.

“Ganun ba.” Yun lang ang nasabi ko.

“Ano ba kasing iniisip mo? Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang sumasagot.” nakapangiwi niyang tanong sa akin habang nakapameywang pa.

“Ah, wala. Wala naman. Halika na, uwi na tayo.” Yaya ko sa kanya sabay tayo at kinuha na yung mga gamit ko.

“Hoy, hoy, hoy… uwi ka diyan! Nakalimutan mo bang Thursday ngayon? Ibig sabihin may review ka. kaya nga kanina pa kita tinatawag diyan eh kasi pinapatawag ka na nina ma’am, dun sa faculty.” paalala niya sa akin.

ERRR, nakalimutan ko. May review pa nga pala ako ngayon.

Hay, mas mabuti na lang din yun na may review ngayon kesa naman umuwi na ako sa bahay. Wala kasi akong kasama sa bahay ngayon eh, umuwi kasi si nanny dun sa probinsya nila kasi namatay daw yung kapatid niya. Kaya ayun, simula kahapon ako lang mag-isa sa bahay. Ako nga lang din ang nagluluto para sa sarili ko eh.

Tama nga kayo, ako ang nagluluto. Marunong akong magluto nuh, galing ko kaya!

“Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

"Uhmm, best friend… may gagawin ka ba ngayon?” nag-aalangan kong tanong sa kanya.

Napaisip naman siya bigla. Tapos nginitian niya ako sabay sabing, “Wala, bakit?”

“Pwede mo ba akong hinatayin na matapos ang review ko? tapos sabay na tayo umuwi, daan ka muna sa bahay ko. wala kasi akong kasama eh.” sagot ko naman.

“Sige, hihintayin kita. Bakit ikaw lang mag-isa? Si manang pala?” nagtataka niyang tanong sa akin.

“Eh namatay kasi yung kapatid niya eh kaya pinauwi ko muna.” paliwanag ko.

Tumango-tango lang siya sabay sabing, “Ahhh…”

“Sige na, halika na.” lumabas na kami ng room ni Heina para dumiretso sa faculty room.

Sa di kalayuan, may natanaw kaming isang magandang babae na nakasuot ng isang puti na casual dress, at tila nawawala pa yata siya ng tamang daan. 

“YURIII!!!” sigaw nung babae?

Huh? Sino siya?

Marahan na tumakbo papunta sa amin yung magandang babae. Nakarating siya sa kinaroroonan namin nang hinihingal-hingal pa sa sobrang pagod yatang tumakbo kahit hindi naman kalayuan ang tinakbuhan niya.

Dun ko lang din napagtanto na ang babaeng tumawag sakin kanina ay ang mama ni Jin Ren ko.

HUH??? Ano naman daw kaya ang ginagawa niya rito.

“Uhmm, tita... Bakit po kayo naparito?” bungad na tanong ko sa kanya.

Yup... tita ang tawag ko, este namin pala ni Heina sa kanya. Yun kasi ang gusto niyang itawag namin sa kanya eh.

Itinaas niya ang kanang kamay niya at saka itinapat sa amin ang palad niya na waring ibig niyang ipahayag na ‘sandali lang, hinihingal pa ako’. Kaya naman hindi muna kami nagsalita at saka hinintay na lamang namin siyang sumagot.

“Wew! Hiningal ako masyado dun huh.” Masaya niyang wika.

“Hay naku, kanina ko pa kayo hinihintay dun sa labas ng gate. Ang tagal niyo naman kasing lumabas eh, kaya pumasok na ako at saka hinanap ang room niyo. Kala ko nga nakauwi na kayo eh, buti na lang di pa pala.” Mahaba niyang sagot dun sa tanong ko kanina.

“Bakit niyo naman po kami hinahanap?” tanong naman ni Heina.

"May pupuntahan tayo, tara!” tapos bigla na lang niya kami hinila.

“T-teka, san po tayo ppunta?” tanong ko habang hila-hila pa rin niya kami.

“Basta!” sagot lang niya habang nginingitian niya kami ng nakakaloko. Teka, di ako pwedeng umalis. May review pa ako eh.

“P-pero may review pa po ako ngayon, kaya hindi po ako makakasama.” pagpapaliwanag ko.

Napahinto si Tita sa paglalakad at paghihila sa amin, kaya naman napahinto rin kami.

“Review?” nalilito niyang tanong?

“Nagpapa-private tutor po kasi si Yuri sa mga teacher namin eh, pati nga rin po si Ren tutor niya rin, kaya la--bfftsfhahgsrtahgabs.”

Agad kong tinakpan ang bibig ni Heina para wala na siyang masabi pang iba. Baka kasi masabi pa niya sa mama ni Jin Ren ko na hindi na niya ako tinututor kasi ayaw ni Ren na lapitan ko siya.

Tong babae to oh, napakachismosa.

“Si Ren ko tinututor ka?” di makapaniwalang tanong niya samin.

“Ah, opo. Hehe.” nahihiya kong sagot, tsaka tinanggal yung nakatakip kong kamay sa bibig ni Heina.

OMG! Wait lang! Nalaman ng mama niya na tinututor niya ako... ERRR, pano na lang pala kung banggitin niya yun kay Jin Ren ko?? Edi mas lalo siyang magagalit sa akin... WAAAAAAAAAAAAAAAAHHH

Si Heina talaga ohh... pinahamak pa ako.. T___T

“That’s great!” maligaya niyang wika.

“Uhmm, sorry po pero di ako makakasama sa inyo ngayon eh." pag-iiba ko ng topic. Baka kasi kung san pa mapunta ang pag-usap namin tungkol dun eh.

“Oh don’t worry dear, kakausapin ko na lang yung mga teacher mo para sabihing di ka makaka-attend ng tutorial session niyo.” sabi niya at nag-grin pa sa akin.

Di na ako nakaangal pa kasi agad na niya kaming hinila papunta sa faculty room.  Nadaanan na kasi niya ito kanina kaya niya siguro alam.

-----------------

Obviously, di na nga nakatanggi pa yung mga teacher ko at pinayagan na nila akong sumama kay tita.

Nandito na kami ngayon sa mall, namimili ng damit. Sabi kasi ng future mother-in-law ko (HAHA) magpalit daw muna kami ng damit. Kaya heto ngayon kami at namimili.

Pinili ko yung black na dress, simple lang naman yung design niya pero cute. Si Heina naman ayun, ayaw pa sanang mag-dress. Medyo boyish kasi tong bestfreind ko eh. Mas gusto niya yung mag-jeans tapos three-fort blouse. Kaya lang mukhang pormal yata yung pupuntahan namin at kelangan nakadress daw sabi ni Tita, kaya wala siyang choice kundi mag-dress. Si Miss Jane na ang pumili para  sa kanya. Isang color pink na cocktail dress.

Dumaan din kami ng salon para mag-ayos ng mga itsura namin kahit magaganda naman na kami. Inayos lang yung buhok namin at saka nilagyan kami ng kaunting make-up.

“Wow! You gals are so gorgeous.” Msaya niyang bati sa amin.

“Thank you po.” Sabay naming sagot.

“So, let’s go? Tamang-tama lang ang oras na natapos tayo. Alas 8 na, kaya tara na.” yaya ni Tita.

Sumakay na kami ng kotse. Pero hindi pa rin sinasabi ni Tita kung saan ba talaga kami pupunta, or should i say na ayaw niya talagang sabihin sa amin kung saan kami pupunta.

Ilang saglit pa eh huminto kami sa tapat ng isang five star hotel. Kaya pala dapat bongga ang attire namin kasi sa sosyal na resto kami pupunta. Pero ano naman daw ang gagawin namin dito? Kakain lang? (Ay hinde... hinde...HAHA)

Pumasok na kami sa loob at saka diretsong pumunta sa isang long table, na kung titignan mo eh yun yung table para sa mga VIP. May nakita kaming tatlong lalaking nakaupo doon sa reserved table namin.. Hindi ko mamukhaan kasi nakatalikod sila at mukhang naka-formal attire din. Nang tuluyan na kaming nakalapit dun sa pinagreserbahan na table ng mama ni Ren, dun ko lang din napag-alaman na sina Raven, Alexis, at… at Jin Ren ko pala yung nakaupo dun.

Woah, halos matulo ang laway ko nang makita kong nakaformal attire siya. Ang gwapo-gwapo talaga niya. ngayon ko lang siya nakitang nkaformal attire. Napakadisente talaga niyang tignan.

Nanlaki naman yung mga mata nilang tatlo, at mukhang napanganga pa yata si Alexis, nang makita nila kami. Siguro nagulantang sila sa kagandahan namin. HAHA

“H-heina?” di makapaniwalang bungad ni Alexis. Wahaha, siguro crush na niya tong best friend ko oh.

Tinignan ko si Heina, at namula pa ang loka-loka sabay iwas ng tingin kay Alexis. HAHA, nahiya pa raw. Pero teka, si Jin Ren ko, wala ba siyang sasabihin sa akin?

"Ano tingin mo kay Yuri Ren, maganda ba?HAHA" parang baliw na tanong ni Tita sa anak habang hawak-hawak pa ako sa magkabilang braso para iharap ako kay Jin Ren ko.

Tumingin ako sa direksyon niya, pagkasalubong at pagkasalubong ng mga tingin namin eh agad rin naman siyang nang-irap.

Problema niya? di ba siya nagandahan sa akin?

“Tch, napaka-snob mo!" parang naiinis na sabi sa kanya ng mama niya.

Tinignan kami ni Tita with matching smile that was plastered on her face sabay sabing, "Upo na kayo girls.”

Gaya ng inutos niya eh umupo na rin kami ni Heina. Magkatapat kaming dalawa nina Jin Ren ko habang si Heina naman eh katapat si Alexis at si Tita naman eh sa tapat ni Raven.

Tinawag ni Tita yung manager ata ng restaurant na to, tapos may sinenyas yung manager at automatic na lamang naglabasan ang mga waiter dala-dala yung mga pagkain namin.

“Okay, so obviously we will be having a dinner tonight. Let's just say welcome party to ng pagbalik ko. :)” paliwanag sa amin ni Tita. Marahil sa aming dalawa nina Heina niya talaga ito pinapaliwanag kasi wala nga kaming ideya kung anong meron.

**REN’s POV**

Sinabi sakin ni mommy na magdi-dinner daw kami ngayon sa labas  kasama sina Raven at Alexis. Nakapag-bonding na rin kasi sila nina Granny at Maxine nng dumating siya. Actually sinundo ko siya sa airport kahapon kaya ako nalate ng dating sa school. Miss na miss niya raw ako kaya panay ang pagtext niya sa akin kahapon kahit na sinabi kong may klase pa ako. Sabi niya ayos lang daw, matalino naman daw ako kaya ayos lang kahit di na ako makinig sa class discussion. HAHA

Pero ang di ko lang inaasahan sa gabing ito ay ang pagdating nina Yuri at Heina. Kaya pala nahuli ng dating si mama. Dinaanan pa pala niya ang dalawang to at trinasform pa niya.

Inaamin ko, nagulat ako nang makita ang itsura nila. Para kasi silang ugly duclikng na nagging swan eh. Pero di ko naman sinasabi na pangit sila. Yung dating lang ng transformation nila sa akin eh parang ganun.

"Ano tingin mo kay Yuri Ren, maganda ba?HAHA" tanong ni mama sa akin na parang may iba siyang ibig sabihin dun.

Tumingin sa akin si Yuri, agad ko namanng binawi ang mga tingin ko sa kanya dahil ayokon isipin niya na pinagpapantasyahan ko na siya dahil sa naging itsura niya. Pero sa totoo naman eh ang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang damit niya. Mas lalong  nangingibabaw ang kaputian niya sa kulay ng damit niya. At kahit na ang make-up niya eh katamtaman lang din at lutaw na lutaw ang natural na kagandahan niya.

“Tch, napaka-snob mo!" parang naiinis na sabi sa akin ni mama dahil dinedma ko ang tanong niya.

Nagsimula na rin kaming kumain,

Ang totoo lang eh napakatahimik ngayon dito sa table namin. Pansin ko lang din etong dalawang maiingay na katabi (Alexis at Raven) ay mukhang natahimik din yata. Ang tahimik talaga. Ni wala man lang sino man ang may gstong magbasag ng katahimikan na napapalibutan dito sa table namin.

Patuloy lang kami sa pagkain. Ni walang nagpangahas na magbukas ng conversation. Ang tanging maririnig mo lamang dito sa table namin ay ang mga nag-iingayang tunog ng kutsara't tinidor tuwing tumatama sa plato namin pati na rin ang tunog ng bawat paglapag namin ng baso sa glass table na ito.

Tanging mga mata lamang namin ang nakikipag-usap. Yun bang tipong pag-uusap na kapag tinitigan mo yung taong nakatitig sayo eh maiintindihan o mababasa mo na kung ano yung nasa isip niya. Ganun, gann lang ang naging pag-uusap namin ngayon.

Palipat-lipat lang kami ng mga tingin kahit saan o kahit kanino.

Tumingin ako kay Mommy at nagkasalubong kami ng tingin. And then she grinned at me. Yung tipong ngiti niya na parang may nalaman siyang isang bagay  tungkol sayo na ayaw na ayaw mong ipag-alam sa iba. Ganun, ganun na ganun ang titig at ngiti niya sa akin.

"Ehem.. ehem.." nagclear throat si mommy na waring magsasalita na rin siya matapos nun. At tama nga ako....

“Uhm Ren, bakit di mo sinabing tinututor mo pala si Yuri?”

Muntik na akong masamid dun sa tanong ni mommy at agad-agad kong ibinalin ang tingin ko kay Yuri tas binigyan ko siya ng ‘sinabi mo?’ na tingin. Siya naman eh binigyan lang ako ng gulat na expression dahil hindi siguro niya inaasahan na babanggitin yun ni mommy sa harap namin. Binukas niya ang bibig niya na waring magsasalita na sana siya pero agad rin naman niya itong isinara.Tapos  nag-iwas na rin siya ng tingin sa akin.

Halatang hindi niya alam ang sasabihin kaya napasara na lang siya ng bibig at nag-iwas ng tingin.

“Yo, yo dude! Tinututor mo siya? Samantalang kami ni hindi mo man lang tinuturan kahit ni isang lesson man lang.” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Alexis. Si Raven naman eh nilaanan lang ako ng nanlalaking mga mata.

“Hindi ganun yun.” Tugon ko kay Alexis. Kasi hindi naman talaga ganun yun. Di ko siya tinututor ng libre lang noh. Syempre may kapalit yun, at yun na nga yung kondisyon na ibinigay ko sa kanya.

“Hindi na po ngayon.” Sagot ko naman kay mama.

“Bakit naman?” tanong niya.

“Mom… ba----“ di ko na natapos pa ang mga sasabihin ko dahil pinutol na ito ni Yuri nang bigla siyang sumabat.

“Pinatigil ko na po, kasi ayos na rin naman po yung grades ko sa math eh.” Pagsisinungaling niya, tapos natataranta siyang ibinalik ang atensyoin niya sa pagkain.

“Ahh, ganun ba. Sayang naman.” Sabi ni mama na mukhang may binabalak pa yata sana siya.

 “Anyways, kayong dalawa.” Sabi ni mama habang tinuturo pa sina Raven at Alexis. Kumusta naman daw ang pag-aaral niyo?”

“Ayos lang naman po yung sa akin tita. Si Alexis na lang po ang kamustahin niyo tungkol diyan kasi puro babae lang ang pinagtutuunan niyan.” sagot ni Alexis sabay nginitian si Alexis ng nakakaloko. HAHA

“Naku tita, alam niyo naman pong mga babae ang naghahabol sakin di ba? Super gentleman lang po ako kaya naman pinagbibigyan ko na lang sila. Pero di ko naman po pinababayaan ang pag-aaral ko gaya ng sinasabi netong si Raven.” sagot naman ni Alexis kay mommy sabay siko pa kay Raven dahil dun sa sinabi niya.

Naku, kung umarte tong si Alexis oh. Ang galing talaga.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Si mama kasi, nag-iinterrogate siya samin. Kala mo kung sinong imbestigador, tanong ng tanong. Pero di na rin naman niya tinanong kay Yuri o sa akin tungkol dun sa isyung iniitriga niya na "may gusto si Yuri sa akin". ><

Di ko alam kung bakit di na niya inopen up pa ang topic na yun kahit alam kong naiintriga siya ng sobra-sobra.

Maya-maya pa’y napagkasunduan na rin naming umuwi na.

“Ren, ihatid mo na si Yuri pauwi sa kanila, ako na ang bahala kay Heina..” Sabi ni mama sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

Sabi na nga ba, may pinaplano pa siya eh. ><

“P-pero po?” pagtatanggi ni Yuri na halos di rin naman niya matapos-tapos ang mga sasabihin niya.

Alam ko na kung ano ang binabalak ni mama, gusto niyang magkaroon kami ng oras nina Yuri..

Alam ko naman kasing gustong-gusto ni mama si Yuri. Kung pano niya ito tratuhin talagang mahahalataan mo na pabor nga siya kay Yuri. hay, ano bang iniisip niya?

“Sumakay ka na.” sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya dahil pumayag ako sa gusto ni mama.

“Sige Yuri, bye-bye. Pasok ka na dali.” Tapos pinagtulakan na ni mommy si Yuri papasok ng kotse. Nginitian niya ako sabay sabing, “have fun.”

ERR, baliw na nga yata tong nanay ko.

“Tch.”sagot ko lang tapos inirapan ko na sila para sumakay na rin sa loob ng kotse.

Bago ako tuluyang nakaupo sa driver’s seat narinig ko pang inalukan ni Alexis si mama na siya na lang daw ang maghahatid kay Heina. Tong lalaking to, malamang pumoporma na naman. HAHA

------------------------------

 Btw guys, gagawa na lang po ako ng side story nina Heina and Alexis. May nag-comment po kasi na medyo magulo raw po ang story kasi may multiple POV! Hehe :D

fizz_chae07

Continue Reading

You'll Also Like

744K 16K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...