We Are Married?! (PUBLISHED u...

By iheartcandiii

18.7M 203K 33.4K

You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be y... More

We Are Married?!
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Ten- Continuation
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Author's Note: Read it! I need your answers!
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven Prt1
Chapter Forty Seven Prt 2.
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Epilogue
Special Chapter 1 (Daryl and Yla)
Special Chapter 2 (Daryl and Yla)
Special Chapter 3 (Daryl and Yla)
Special Chapter 4 (Daryl and Yla)
Special Chapter 5
Special Chapter 6 (Ralph De Guzman)
Special Chapter 7 (Ralph De Guzman)
Special Chapter 8 (Wedding)
Special Chapter 10

Special Chapter 9 (The First Conversation)

85.6K 1K 70
By iheartcandiii

"Kuya please wag mo 'kong iwan dito." Pagmamakaawa ni Noneen habang hawak-hawak ang braso ng kapatid. Ang bilis ng pangyayari, parang kelan lang normal pa ang buhay niya tapos ngayon. Napayuko naman ang kapatid niya at napabuntong-hininga. Akala nyo ba madaling mang-iwan ng kapatid sa lalaking noong nakaraang linggo mo lang nakilala?

"Please kuya, please. Ayoko dito, isama mo na lang ako kung saan ka pupunta." 

"Noneen, di ko 'to gusto alam mo naman 'yon di ba?" Sabi nito. Napayuko na lang si noneen at napabitaw sa pagkakahawak sa braso ng kapatid. Naiiyak siya, sa murang edad niya ganito na agad? Eh sa ngayon pa nga lang nagsisimula ang pagkatao niya eh.

Parang noong nakaraang linggo may humarang sa kanya sa pagpasok sa eskwelahan at dinala siya sa isang mansyon para sabihin na pupunta sila sa ibang bansa at ikakasal na siya sa lalaking hindi pa niya kilala. Noong una ayaw niyang maniwala pero nang makita niya ang kasulatan na ginawa ng nanay niya halos gumuho ang mundo niya. 

Pinangbayad-utang siya nito.

At ngayon nagmamakaawa siya sa kapatid niyang kunin siya. Sa totoo lang, mukha namang hindi interesado ang lalaki sa kanya at walang balak seryosohin kung ano man ang nangyari. Iniisip nga niya na miske mawala siya ngayon ayos lang sa lalaking yon. Hindi pa nga niya alam kung ano pangalan nito.

"Kuya please, natatakot ako." Mahinang sabi nito. Pero wala talagang magagawa si Gabby, ang kapatid nito. Kelangan nilang bayaran eh, lubog na lubog na sila. At tsaka inalok rin siya ng trabaho sa ibang bansa. Gusto niyang tumanggi, kaso kung gagawin man niya. Anong ipangtutustos nila sa araw-araw? Nahuli na nga si Noneen sa pag-aaral dahil dito. Hindi na niya kaya pang paghintuin ito. 

Hinila ni Gabby si Noneen at niyakap. "Wag kang mag-alala, kinausap ko na si Lawrence. Hinding-hindi ka niya pababayaan alam niya yon. Dahil sinabihan ko siya na pag di ka tinrato ng mabuti babaon ko siya ng buhay. Tatawag naman ako sa'yo eh. Hindi talaga kita pababayaan miske nasa ibang bansa na ako." Sabi nito.

"Pero kuya..."

Kumalas si Gabby sa pagkakayakap sa kapatid at hinawakan ito sa balikat. Ngumiti ito at tsaka nagsalita. 

"Isipin mo na lang ginagawa mo 'to dahil ikaw ang daddy's girl. Alam kong mahal na mahal mo si Papa." Ngumiti ng marahan si Noneen. "At mahal na mahal ka rin niya, mahal na mahal tayo non. Madaya nga lang, nauna agad sa taas." Sabi nito. Hindi na nagsalita si Noneen, may punto ang kapatid niya. Para kay papa, sige magtitiis siya.

"Sige mauna na ako? Magpakabait ka ha? Baka batukan mo 'yang si Lawrence, malaki utang na loob natin sa tatay nyan." 

"Oo na. Ingat ka kuya ha. Mamimiss kita." Malungkot na sabi nito. Ngumiti ito ulit at ginulo ang ang buhok ni Noneen. Nakita niyang tumalikod ito at tuluyan nang lumabas. Kinuha naman niya ang bag niya at tsaka huminga ng malalim. This is her first night with her official/unofficial husband. Ay jusko, help me Lord, help me Papa. Isip ni Noneen.

Binuksan niya ang pinto at tuluyang pumasok ng bahay. Gabi na nga pala, ineexpect niya sana na baka nasa kwarto na si Lawrence. At yung maid na lang nila ang mag-aassist sa kanya. Sinabi kasi nito na magkakaroon sila ng maid para di sila mahirapan. Pero laking gulat niya ng makita niya si Lawrence sa sofa, nakadekwatro habang nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang mukha nito, kaya hindi niya masabi kung naiinis ba ito o ano. Pero isa lang ang sigurado siya, kabadong-kabado siya ngayon. Ang lakas ng pintig ng puso niya. 

Nagkatinginan sila ng ilang minuto. Walang gumagalaw sa kanilang dalawa. Ang awkward. Para bang unti-unti siyang nilalamon ng lupa sa kinatatayuan niya.

Unang gabi na unang gabi no. Ganito ang dadatnan niya.

"Hindi mo ba isasara yung pinto? Malamok." Walang emosyon na sabi nito. Napalunok naman si Noneen at agad sinara ang pinto at bumalik si pwesto niya. Nagtitigan nanaman sila ulit. Makapbasag-pinggan nga ang katahimikan ngayon eh. Konti na lang aatakihin na si Noneen sa kinatatayuan niya.

Nakita naman niyang tinuro ni Lawrence ang isa pang sofa gamit ang mukha nito. Napakunot ang noo ni Noneen. Anong gusto niyang sabihin? Sa sofa ako matutulog??? Isip nito. Napaturo naman siya sa sarili niya. Shet baka kasi hindi siya yung sinesenyasan mapagkamalan pa siyang feeler.

"May iba pa bang tao dito para ituro mo pa yung sarili mo?" Halatang medyo inis si Lawrence sa tono ng pananalita nito. Pahiyang-pahiya tuloy si Noneen sa pwesto niya. Napakamot lang ito sa ulo at tsaka hinila ang bag niya ang umupo sa sofa. 

Tiningnan lang siya ni Lawrence habang siya naman nakayuko lang. Hinihiling kasi ngayon ni Noneen na lamunin muna siya ng sofa. 

NAKAKACONSCIOUS NAMAN KASI NG BONGGA YUNG TINGIN NI LAWRENCE.

"Okay mukhang wala kang balak magsalita. I'll go first. I'm Lawrence Andrew Alcantara. 19, De La Salle University, BS Mathematics with specialization in Business Applications, Magna Cum Laude, September 27, 5"11 1/2, and I hate annoying and talkative people." Sabi nito at tsaka tumingin kay Noneen. Wow Magna Cum Laude tas BS Math pa? Wow ha, wow as in. Isip ni Noneen. Napakamot naman siya at tsaka nagsalita.

"Noneen Jaizel Evangelista, 14, St. Agatha ugh...July 21, 5"4, iyon." Kinakabahang sabi ni Noneen. 

"Okay, bago ko ipakita sa'yo yung buong bahay may ilang bagay lang akong gustong sabihin na sana maintindihan mo ng mabuti." Diretsahang sabi ni Lawrence. Napataas naman ang parehong kilay ni Noneen.

"Una, I'm the one who will provide you with your basic needs, money, tuition, toiletries, or if you want to buy anything or whatever. You don't need to do anything as an exchange of it. A simple thank you would do, or better just shut up." Para namang sinampal si Noneen sa 'shut up'. Pranka kung pranka rin yung lalaking ito no?

"Pangalawa, yes we have a maid but she's only here to cook and to frequently clean the house. Ibig sabihin ikaw maglalaba ng sarili mong damit. You're 14 siguro alam mo na yung mga ganong bagay di ba?" Napatango na lang si Noneen.

"Pangatlo. Mind your own business. I don't like people meddling with my own life. I won't and will never have plans to interfere yours so do you."

"Sungit." Bulong ni Noneen. Napatingin naman si Lawrence sa kanya. 

"Ano?"

"W-wala." Matipid na sabi ni Noneen. Umirap lang si Lawrence at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. Sa isip-isip ngayon ni Noneen gustong gusto na niyang dukutin ang mata nito at ibaon sa lupa. Aba walanghiya pala tong gago na 'to. All this time, gwapong-gwapo pa naman siya kahapon. Tapos wow.

"Pang-apat. I will work on St. Agatha next semester. And I don't want anyone, or even a single cell of a person should know that we are living in the same house or under the same roof or worst that we are married somewhere its legal. Naiintidihan mo ba yon?" Tumango lang ulit si Noneen. Wala naman siyang magagawa eh. At isa pa, sa mas lalong may sinasabi nito mas lalong nagiging mukhang nakakatakot ang pagmumukha e. 

"Pang-lima. Ang huli sa lahat, this marriage is not legal here in the Philippines. So don't act like my wife unless my family is here especially lolo. Don't ask me where the hell I am, why am I not home yet or why didn't I go home at all. Because I'm not giving you any right to. Just like I am to you, unless it's school days. Are we clear?"

Napanganga lang si Noneen sa sinabi nito. Ano daw? 

"I said are we clear?"

"C-clear." Sagot ni Noneen. Ngumisi si Lawrence at tsaka tumayo.

"Good, madali ka namang kausap. Sana naintindihan mo lahat ng sinabi ko, siguro naman may utak ka na dahil 14 years old ka na di ba? Yung kwarto sa kaliwa ang iyo unang pinto. Ang kwarto ko yung pangalawang pinto sa kanan. Feel free to have a tour in this house. Matutulog na ako. Bye." Agad naman itong tumalikod at umalis. Umakyat na ito papunta sa kwarto niya. Naiwan si Noneen na nakaupo habang nakanganga pa rin.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago makapagsalita si Noneen.

"Ano 'tong pinasok ko?"

Nga naman parati na lang nasa huli ang pagsisisi no?

Well Noneen, welcome to the place where your dreams are made of! 

---

Sorry this update was supposed to be yesterday of yesterday. Kaso I was on a weird not so vacation so yeah. This is just a short filler for WAM. Last filler yung next update sa Monday. Yun lang, happy weekend guys :---)

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 117K 84
[MJS BOOK 3] JD wants revenge for what they did to Rina. But, as the new page of their story begins, someone from his past will come back and will ru...
1.5M 22.2K 97
Si Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
35.6M 737K 69
HIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di...