10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS

176K 4K 304
By Khira1112

RHEA POV

Goodness! Natawag ko na lahat ng santo. Dinadasalan ko na ang high heels ko. Utang na loob! Huwag naman sana akong matapilok mamaya! Halos buhatin na ako ng mga stylist kanina para lamang maalalayan akong makasakay sa kotse.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Annielle Martin. Ang magaling kong bestfriend! Sobrang lawak ng ngiti, pwedeng ihambing sa lawak ng pacific ocean. Bwisit 'to,eh!

Nakita ko siya kanina na nagpipigil ng tawa. Wow naman! Nakakaproud siyang maging bestfriend!

"What? Para saan na naman ang tingin na 'yan?" tanong niya.

Hinubad ko ang high heels ko at itinapat ko sa mukha niya. Napangiwi siya. "Palitan mo 'to!"

"Gosh,Rei! Bagay nga 'yan sa dress mo,eh."

"Aba'y pakialam ko kung bagay sa damit? Nakakamatay 'to!" itinutok ko sa kanya ang heels. Nanlaki naman ang mata niya.

"OA ka na,Rhea Louisse!"

"Hoy! Hindi ako OA! Porke marunong ka magsuot ng ganito! Nakakahiya namang mamatay ako nang dahil sa high heels! Duh!"

"Walang namamatay dyan! Nakuu,Rei! Ba't ka naman mamamatay diyan?" pinanlalakihan na ako ng mata ni Anne. Nilakihan ko rin siya ng mata.

"Pwede! At ako ang kauna-unahan kung saka-sakali! Palitan mo nga 'to! Akin na ang sneakers ko!"

"Kumalma ka nga. Ayan,oh! Nasisira ang make-up mo. Na-s-stress ka-"

"Dahil sa'yo at sa pesteng high heels na 'to!" nanggagalaiting wika ko. Naku! Kung may ibang sapatos lamang akong maisusuot, naitapon ko na 'to.

"Sandali nga lang. Linawin mo nga sa akin." tinitigan ako ni Anne ng mabuti. "Ayaw mo ba ng ayos mo ngayon? Hindi ka ba nagagandahan sa sarili mo? Kasi ako, gandang-ganda ako sayo."

Namula ata pati dulo ng buhok ko. Anak ng tinapa naman! Alam kong maganda ako ngayon. Thanks to the magic of make-up!

"O? Ba't namumula ka? You know what, dapat maging confident ka na and start it from now." hinawakan ni Anne ang mukha ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis at marahang pinisil-pisil ang pisngi ko.

"Rei,ang ganda-ganda mo! Huwag ka na nga magalit dyan! You're beautiful tonight! Huwag mong i-stress ang sarili mo. Sayang ang make-over. Ikaw rin."

Napayuko na lamang ako. Confident ako sa sarili ko pero hindi ako confident sa ganda ko.

Inaamin kong nagandahan ako sa sarili ko kanina pero syempre may insecuritiy pa rin na katapat. May bumubulong pa sa akin na 'ngayon lang 'yan!' at syempre lagapak na naman ang confidence ko kapag na-realize ko na may point ang kabilang side ng utak ko.

Kaya lang naman ako nagpapaganda ay dahil sa deal namin ni Delgado. Pero kung ako lang, kahit magdamit pa ako ng sako, okay lang!

Isa lang talaga ang pinaglalaban ko dito. Pride.

Hindi na ako nagsalitang muli. Hinayaan ko na lamang na ngumiti nang ngumiti si Anne.

Ano kayang dadatnan ko sa dinner mamaya? Nandoon na si Papa. Nauna na siya at hinihintay na lamang ako.

Kinakabahan pa rin ako.

Ano kayang sasabihin nila pag nakita na nila ako?

Marerecognize pa rin ba ako ni Coby at Artemis?

Tumingin na lamang ako sa bintana ng kotse. I bit my lower lip. Confidence ng kagandahan, sumanib ka naman sa akin! Now na!

-

Agad namang umalis si Anne nang maihatid niya ako sa hotel. Hindi na ako nagpahatid sa loob kahit mukha na akong tuod dito. Hirap akong maglakad at pinagtitinginan ako. Iniisnab ko lamang sila.

Hingang malalim. "Okay. Kaya mo 'to. Kalma,Rei. Kalma. . ." pinapaypay ko ang isang kamay ko sa mukha ko.

Sinubukan kong ihakbang ang paa ko.

Shems!

Daig ko pa ang pilay sa bagal kong maglakad!

"Miss. . ." lumingon ako sa kanan at nakita kong nakatitig sa akin ang isang lalaki. Pamilyar ang mukha nito.

"Y-yes?" Halata na ba ang katangahan ko at nilapitan na ako ng gwapong nilalang para punahin? Naman,oh!

"Hi. I think I know you." nakangiting sabi niya. I swear I could see admiration in his eyes.

Napakunot ang noo ko. "Y-you know me?" Sumisikat pala ako ng hindi ko nalalaman!

"Coby! We're late! We need to hurry!" may babaeng umangkla sa braso ng lalaking kausap ko. Agad na nalipat sa akin ang tingin niya ng makitang may kausap ito. Kumunot rin ang noo niya. "Who is she?"

Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano nga ulit ang tinawag ng babae sa lalaking kaharap ko? Coby,di ba? Coby. . .

Napasinghap ako nang marealize ko kung sino sila. Ngunit bago ko pa matawag ang mga pangalan nila, agad na lumapit sa akin ang babae.

"Oh my! I know you! Gosh,Rhea! Is that you?"

"A-artemis. H-hi." napahawak ako sa buhok ko. Anak naman ng tinapa! Ayos pa ba ang hair ko? What about my make-up? Baka nalusaw na! Naman! Hindi ako ready sa paglitaw nila!

"Oh my geee!" niyakap ako ni Artemis. Muntik pa akong matumba! Halos hindi ako makahinga sa yakap niya. Napatingin ako kay Coby na nakatitig pa rin sa akin.

"Hey,sis. Ako naman." sabi ni Coby. Napanga-nga ako sa sinabi niya. Pinakawalan ako ni Artemis at tuwang-tuwa akong kinumusta.

Bago pa ako makasagot kay Artemis, lumapit si Coby at siya naman ang yumakap sa akin.

I blushed. Oxygen please!

"Wow. You looked pretty then, you are prettier now." bulong niya. Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin at tinitigan niya akong muli. "It's nice to see you again ,Rhea." he added.

Natutunaw ako.

Hindi ako magtataka kung dumudugo na ang ilong ko. Hindi ako ready sa ganitong scene! Ang inaasahan ko kanina ay malulunod ako sa kahihiyan kung sakaling gagapang ako papasok ng hotel.

I can't believe na mabilis na lilitaw sila Coby at Artemis. At mas lalong hindi ko inaasahan ang mga papuri ni Coby!

He said I'm pretty. Compliment 'yon,di ba? Shet. Ba't ako kinikilig?

Walang hiya! Kailan pa ako natutong kiligin?!

Argh! Rhea, hindi na ikaw 'to!

Marahang tumawa si Artemis. "Sweet."

Agad akong humiwalay kay Coby. Pulang-pula na ata ang buong mukha ko.

"We need to hurry,guys.I'm sure naghihintay na sila daddy sa atin." sabi pa ni Artemis. Agad naman akong tumango.Hindi ako makatingin ng diretso.

"T-tara na." nauna na akong maglakad. Pero dahil may halong malas ang araw ko, muntik ko nang mahalikan ang sahig. Nangyari na ang inaasahan kong scene. Natapilok ako!

Si Coby ang humagip sa braso ko upang hindi ako tuluyang bumagsak sa tiles. He put his one arm around my waist. Nabigla man ay wala na rin akong nagawa. "Careful."

Bakit ba ang hilig niyang bumulong sa tainga ko? Nakakadalawa na siya,ah! Nakikiliti ako!

"Are you okay,Rhea? You should watch your step." Artemis reminded me. Tumango na lamang ako.

Wala na talagang salitang lumabas sa bibig ko habang inaalalayan ako ni Coby. I tried really hard para maayos akong makabalanse sa lintik na high heels na 'to. Thanks to the guy beside me, sigurado akong hindi ako babagsak uli.

Tumingala ako kay Coby. Nang maramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya, yumuko siya at nginitian ako. Alanganin kong ibinalik ang ngiti niya at mabilis na yumuko. Ibang pagbagsak ata ang dapat kong alalahanin. Fuuu.

-

Hindi makapaniwala si Papa nang makita niya ako. Halos hindi siya makapagsalita. Stunned. Hinalikan ko si Papa sa pisngi ngunit hindi ako tumitingin sa kanya ng diretso. Nahihiya ako!

Si ninong naman ang nilapitan ko. "Welcome back, ninong Art."

"Woah! You look dazzling,hija! You've grown up." lumingon si ninong kay Papa. "She looks exactly like her mother,amigo. She's very pretty."

"Don't ever doubt that,Art. She's a Marval. My only princess. Alam mo naman ang lahi ko. Pulido." nagtawanan ang dalawa. Nakitawa rin sila Coby at Artemis. Nakitawa na rin ako kahit di ko ma-gets. May choice pa ba ako?

Lumingon muli si ninong Art sa akin.

"I mean it,hija. Napakaganda mo. Dalaga ka na talaga. Parang kailan lang naglalaro lamang kayo nila Coby,Artemis, Anne at Ren."

Napakagat ako sa labi ko. "T-thank you,ninong."

Damn. Dapat may dala akong recorder! Dapat narerecord ko lahat ng compliments nila at ipaparinig ko lahat kay Delgado para masupalpal siya!

Nagsi-upo na kami. Inalalayan pa ako ni Coby. Napaka-gentleman naman ng mokong na 'to. Hindi pa rin siya nagbabago.

Nasa kanan ko si Papa, sa kaliwa naman si Coby. Nasa tapat naman ni Papa si ninong Art at nasa kanan si Artemis. Nagtaka ako dahil bakante ang upuan sa tapat ko at ni Coby. May darating pa bang iba?

"Speaking of Anne and Ren, darating pa ba sila Loren at Raniel?"

What the hell?! What the hell talaga?! Parang kanina lang kasama ko si Anne,ah! At kasama rin sa dinner na 'to si tito Loren at ang hinayupak na si Ren!

Sumagot si Papa. "Hahabol rin si Loren at ang kanyang unico hijo."

Napahawak ako ng mahigpit sa dress ko. Ang ganda na sana ng gabi ko,eh! Bakit kailangang sumingit pa si Ren? Gusto ko na mag-back out!

Umikot ang usapan. Hinahayaan ko lang silang mag-usap ng mag-usap. Tahimik lang ako. Wala naman akong sasabihin,eh. Medyo naiilang rin ako kay Coby. Ewan ko ba! Nawi-weirdohan ako sa sarili ko ngayong gabi!

"You okay?"

Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko. Ayan na naman si Coby! Bumubulong na naman!

Napalingon ako sa kanya. Napatitig kami sa isa't-isa.

Nagsalita siyang muli. "I really can't believe what I'm seeing right now. I'm mesmerized."

My jaw dropped. Napigil ko ang aking paghinga. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya.

Gwapo siya.

What the fox! For the first time, nagwapuhan ako sa isang lalaki! That means mas gwapo siya sa boyish na ako!

Ilang segundo na ang lumipas pero nakatitig pa rin kami sa isa't-isa. Nakangiti siya. Ako naman ay namumula. Mukha kaming tanga. Ay. Ako lang pala.

"Loren! Finally! Hanggang ngayong ikaw pa rin ang VIP sa atin." natatawang sabi ni ninong Art. Iyon ang nakapagpahiwalay sa nakakakilig- este nakakamatay na titigan namin ni Coby.

And there, nakita ko si Tito Loren na nakangiti kina Papa at ninong Art. Nasa tabi niya si Ren na mukhang constipated. Natatae ba siya?

And yeah, nakatingin siya sa amin ni Coby. Yung titig na talagang pamatay.

At syempre, hindi ako magpapatalo sa mga dagger looks niya. Tinignan ko rin siya nang matalim. Epal.

Ano na namang problema mo,Delgado?

Sa gulat ko, sa tapat ko pa talaga siya umupo. Lalo akong nag-ngitngit.

"Nice to see you again,Ren." bati ni Coby sa lalaking nasa harap ko at mukhang natatae.

"Welcome back, bro." ngumiti si Ren at nakipagkamay kay Coby. Binati niya rin si Artemis at hinalikan ito sa pisngi. Yuck! Gusto kong sigawan si Artemis! Yuckish ang saliva ni Delgado! May virus 'yon!

"Who's the beautiful girl beside Coby? His girlfriend?" tanong ni Tito Loren. Napanga-nga ako. Masyado ba akong maganda ngayon para hindi makilala ni Tito Loren?

"That's my daughter,Loren." natatawang sagot ni Papa kay sa ama ni Ren.

Napaawang ang labi ni Tito Loren. "R-rhea?"

"Hi,tito." nahihiyang bati ko. Mukhang nabigla talaga si Tito.

"Hindi kita nakilala,hija. The dress looks good on you."

Lihim akong natuwa. Natuwa ako dahil narinig mismo ni Ren ang sinabi ng ama niya. Eh di naipamukha ko sa kanya ang pagbabago ko!

Napatingin ako kay Ren. Hindi ko nakita ang inaasahan kong reaksyon niya. Kabaligtaran ang nakikita ko sa kanya. Nakangisi siya na tila nang-aasar.

Bwisit.

Isa lang ang narealize ko. Maybe,it's not enough. The dress, my new hairstyle, the make-up and even this high heeled shoes are not enough. This is not enough para maipamukha ko sa kanya na kaya kong maging tunay na babae.

Hindi ako matatalo. Not this time. And definitely not to that devil!

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 232K 94
First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish, siga, sadista at mala-amasona. Nangara...
2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.
24.5M 251K 99
UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.