Battles Of The Gifted Ones

Oleh _SilentPrince_

2.6K 146 15

Never. Never risk something that you don't want to lose. Lebih Banyak

PLEASE READ
×Prologue×
×CHAPTER I: Save The Day×
×CHAPTER 2: The Bad Hero×
Chapter 3:
Chapter 4: The Start of the Nightmare
Chapter 5: Despair
Chapter 6: The Kiss and the Trap
Chapter 7: The Killer
Special Chapter : The Story of the Puppeteer
Chapter 8: The Revelation
Chapter 9: Girl on the Rooftop
Chapter 11: Lyra Denaia
Chapter 10: Joker
Chapter 12: Class Picture
Chapter 13: Operation: Blackmail
Chapter 14: Lipsticks
Chapter 15: Infinity
Chapter 16: Library
Chapter 17: Secret's Room
Chapter 18: The Meeting
Chapter 19: Section War
Chapter 20: The War Begun
Chapter 21: Mistakes
Chapter 22: Lies behind Him
Chapter 23: Bloodbath
Chapter 24: Liers go to hell
Chapter 25: What She Really Is
Chapter 26: The Principal's Secret
Chapter 27: Their Return and their Death
Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Special Chapter: A Sacrifice
ANNOUNCEMENT
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Epilogue

30 2 0
Oleh _SilentPrince_

Nagising ako sa isang kwarto, nurse's office siguro ito. Si Zhraine ay nasa aking tabi at nakaupo sa isang upuan ngunit nakatulog siya. Hindi ko siya ginising dahil alam kong pagod rin siya sa mga nangyare.

Nakakatuwa at nakakalungkot na isiping nakaligtas kami ni Zhraine, wala nang iba kundi kami lamang dalawa.

Bumalik sa aking isipan ang mga alala simula ng magtransfer ako dito sa Secret High. Merong mga masasayang alaala kahit na meron itong bahid ng kasinungalin at pagpapanggap. Maraming buhay ang nawala para sa mga walang saysay na dahilan. Nakakatawang isipin na sa tagal naming naghirap at nagtiis sa paglalaro sa amin ni Haize, ay ganito lang pala namin kadali siyang mapapatay.

"Zac." Sambit ni Zhraine ng nakangiti sa akin.

"Nagising ba kita? Paano tayo napunta rito? At anong nangyare kay Haize?" Tanong ko at ngitian siya pabalik.

"Nahimatay rin ako kanina kaya wala akong masyadong maalala at ang tanging natatandaan ko na lamang ay nakahiga na ako sa kama sa kabilang nurse's office. Nahanap kita rito at balak sana kitang bantayan pero... nakatulog ako. I also don't know what might happened to Haize." Paliwanag niya.

"Ok."

"Tapos na ang lahat, diba?"

"Tama ka."

"Ngayong tapos na ang lahat, meron nalang isang tanong ang aking nasa isipan. Ano sa tingin mo?"

"Hindi ko alam."

"What are you hiding Zac?" Seryoso niyang tanong. Alam niya sigurong may itinatago ako at ang pamilya ko.

"It's not yet the time. Balang araw sasabihin ko sa'yo pero ngayon... please accept this." Sabi ko habang iniaabot ang isang singsing sa kanya. Nagulat siya at namula ang buo niyang mukha, as expected naman. Sino bang hindi mabibigla kapag may nagpropose? I mean, this is not really a proposal for a marriage but a proposal to be her girlfriend pero hindi naman ako umaasa and I'll surely respect her answer.

"It's my pleasure to keep this." Sabi niya. Kinuha niya ang singsing at isinuot sa kanyang daliri. Umusbong ang ngiti sa aking labi. Ang saya ko.

"Oo ba ang ibigsabihin mo?" Tanong ko.

"Yes." Ngumiti siya kasama ang kanyang mga mata. Abot langit ang aking ngiti. Ang saya-saya ko! Parang gusto kong sumigaw ng YEEEEESSS!!!

At bakit ko pa ba sasayangin ang oras na ito? Bumangon ako at niyakap siya ng mahigpit, akala niya siguro ay hahalikan ko rin siya pero I better not. I respect girls.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyare... siya mismo ang humalik sa akin kaya naman ito ngayon ang aking mukha at pulang-pula.

"Magaling." Sabi ng kung sino man mula sa may pintuan dahilan para maputol agad ang halik ni Zhraine.

"Pasensya na kung naabala ko kayo." Muli niyang sabi.

Hindi ko kilala ang taong ito at parang hindi rin naman siya kilala ni Zhraine. Parehas kaming nakatitig lamang sa kanya at nagtataka.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Pardon me. I'm Silverein Alfonzo P. Grin. That's my full name pero alam kong kilala niyo ako sa tawag na... principal Silver Grin." Nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Sa pangalan pa lang niya halata na ang kanyang pagkaprincipal.

"Sorry sir!" Nauutal kong sabi.

"No need to be formal. Gusto ko lang malaman ang mga pangalan niyo."

"I'm Zac Smith."

"I'm Zhraine Herrera."

"Sumunod kayo sa akin." Sabi niya.

Tinulungan akong tumayo ni Zhraine at nagsimula na kaming sundan si principal Grin kung saan man siya pupunta. Medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Dinala niya kami sa library at pumunta sa pinakadulong book shelf. Alam ko kung saan niya kami dadalhin... sa Secret's Room.

Hinigit niya ang isang libro at nagbukas ang kinalalagyan nito na parang isang malaking pintuan. Kahit na nakita ko na ito ay namangha parin ako sa aking nakita. Nagkatinginan kami ni Zhraine at parehong nagtataka. Pumingin rin sa amin si principal Grin at nginitian kami.

"Wag kayong matakot." Sabi niya.

Pumasok kami ng Secret's Room at hindi lang kami ang naroon. Dalabing dalawa kaming mga estudyanteng nandiriro at bawat isa sa kanila ay nakaupo sa isang upuan na nakapalibot sa isa pang upuan at maya-maya ay duon umupo si Principal Grin. Merong dalawang bakenteng upuan at duon kami umupo ni Zhraine. Wala ang mga libro at kapansin-pansin ang mga kandilang nakapalibot sa kwarto. Seryoso ang mukha nilang lahat kaya hindi ko magawang magtanong at tanging pinakikiramdaman lang ang paligid.

"Kayo ang mga napiling makalabas ng Secret High." Muli niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa tuwa at muli kaming nagkatinginan ni Zhraine. Nakangiti siya sa akin kaya ngumitu rin ako sa kanya.

"Makakabas ng Secret High?" Tanong ng babae sa aking tabi.

"Tama ang inyong mga narinig, makakalabas na kayo ng Secret High. Kayo na mayroong mga naiiba at espesyal na talento lamang ang may karapatang makalabas ng Secret High ngunit bago ang lahat, ibubunyag ko muna sa inyo ang pinakatatagong sirkreto ng school na ito... gusto niyo bang malaman?" Tanong niya.

Napalunok na lamang ako ng marinig kong muli ang salitang sikreto ngunit gusto ko itong malaman... gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sikreto ng school na'to na ayon sa mga sabi-sabi ay sa oras na marinig ko ay nakasunod na sa'yo si kamatayan. Totoo nga ba?

Walang nakasagot sa tanong na iyon ni Principal Grin at tanging nakatitig lamang ang lahat sa kanya. Pumalakpak siya at namatay ang mga ilaw at tanging ang mga sindi na lamang ng kandila ang nagpapaliwanag sa buong kwarto.

"Silence means Yes. 2 years ago, sumikat ang balita tungkol sa labindalawang nawawalang estudyante ng Secret High, hindi pa ako ang principal noon at isa pa lamang na guro ngunit kahit ako ay walang kaalam-alam sa kung anong nangyare sa kanila. Ilang buwan rin ang nakalipas at hindi parin sila nahahanap ngunit isang gabi, sa hindi ko alam na kadahilan ay nagpunta ako dito sa library at hindi sinasadyang makita ang sikretong kwartong ito. Pumasok ako at halos mahimatay ako sa aking nakita dahil ang labindalwang estudyante na matagal ng nawawala ay ang mga nakakadena at pilit na nagpupumiglas, nakakadena sila dyan mismo sa mga kinauupuan niyo. Umiiyak sila at humihingi ng tulong sa akin ngunit bago pa ako makakibo ay napansin kong nasa likod ko ang principal at hawak ang aking mga balikat at sinabing Sikreto lang natin ang mga nakita mo. Sigurado ako noon na ginagawa ng principal na laruan ang mga estudyanteng iyon, naawa ako pero at the same time... natuwa ako dahil matagal ko nang gustong patayin ang mga estudyanteng 'yon dahil sa mga ugali nila." Kwento niya.

"Iyan na ang sikreto ng Secret High? Hindi ba't mas karumaldumal ang mga nangyayare ngayon sa school kaysa sa mga nangyare sa 12 na estudyante noon? At, labingdalawa lang sila, kakaunti kumpara sa daan-daang estudyante na namatay dito sa Secret High." Sambit ng isang lalake.

"Hindi niyo naiintindihan. Ang labindalawang estudyanteng iyon ay anak ng mga negosyante, at mga taong may impluwensya sa ating bansa at ang isa pa ay anak mismo ng presedente. Tandaan ninyo, alam ng buong mundo na mayroong Secret High ngunit hindu nila alam kung anong mga nangyayare dito katulad mga patayin at ano sa tingin niyo ang mangyayare kapag nalaman nila na ang dating principal ng Secret High ang pumatay sa mga anak nila? Siguradong makakalaban natin ang buong bansa at sigurado akong wawasakin nila ang Secret High kasama ang mga taong nabibilang dito."

Hindi ako makapagsalita matapos ko siyang marinig. Nakagigimbal ngang talaga ang sikretong iyon ngunit hindi na naman namin kailangan iyong alalahanin dahil lalabas na kami ng school na'to.

"Ngayong alam niyo na ang sikreto ng Secret High... alam niyo naman siguro ang parusa kapag may ikinalat niyo ang sikretong ito, diba? KAMATAYAN. Anyway, tumayo na kayo at sasamahan ko na kayo." Muling sabi ni Principal Grin.

Lahat ay nagsitayo at sumunod sa kanya pabalik sa aming mga dorm dahil ayaw niyang may maiiwan kaming gamit sa aming mga kwarto. Kinuha ko ang lahat ng aking mga gamit at pilit itong pinagkasya sa isang malaking bag kasama rin ang aking mga damit. Gusto ko nang makalabas as soon as possible.

Naglakad na kami patungong main entrance at sumalubong sa amin ang mga estudyante na nagpapalakpakan at mga nakangiti ngunit alam ko ang mga ngiti na iyon. Alam kong naiinggit sila dahil makakalabas na kami.

Nasa may dulo si Madam Slaughtery at nakangiti habang nag-iintay.

"Congratulations, my students and before you go home... I want you to keep in your mind that the killings in Secret High is a SECRET. No one should know even the closest person to you." Sabi ni Madam Slaughtery ng nakangiti at ang ngiting iyon ay pamilyar talaga ngunit hindi ko alam kung saan ko iyon nakita... nevermind ang mahalaga ay makakalabas na kami.

Sa labas ng school ay merong isang bus na naghihintay sa amin. Sumakay ako kasabay si Zhraine at magkatabi kami ng inupuan habang si Principal Grin naman ang driver ng bus. Nakatitig ako kay Zhraine at hanggang ngayon ay hindi parin talaga matanggal ang ngiti sa kanyang labi, kahit naman ako ay tuwang-tuwa rin. Makakauwi na kami.

Sumilip ako sa bintana ng bus at pinagmasdan ang Secret High habang umaandar kami palayo. Matagal ko nang inaasam ito, ang makalabas ng impyernong school na'yon at ngayong nakalabas na kami... parang hindi kapani-paniwala.













"FAREWELL SECRET HIGH."


















THE END

______________________________________









" They said that farewells means that it's the happy ending, but the truth is... it's a sign that the real terror was just about to begun."


_SILENTPRINCE_

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

8.5K 445 23
Completed | Under Edit "Your blood will be your payment" -Iva Escondido
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
24.3K 1.3K 43
(Completed) Iris Atienza 17 year old. Dahil sa pagkamatay ng daddy niya, madali na siyang mainis. Kinamumuhian rin niya ang mommy niya, dahil may ba...
11.1K 560 50
Alexandra is a vampire, and she will end what she started.