Secret Admire [Published unde...

By beyoutifulsweet

11.4M 109K 26.8K

Date finished: May 6 2014 • Everything's cool until he came • • COMPLETED/PUBLISHED • •Already published und... More

Prologue
Chapter one
chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 :D
Chapter 21
Chapter 22
chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28 (The day before Zen's birthday)
Chapter 29 (Zenia's Birthday!)
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 WHO'S BACK?
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
IT WILL RAIN (Chapter 54)
I WON'T GIVE UP (Chapter 55)
ONE SWEET DAY(Chapter 56)
Chapter 57
Chapter 58 (mess we've made)
Chapter 59 (WIN HER BACK!)
Chapter 60
Chapter 61
The Wedding
Epilogue
Author's Note
Gold Rising Update

Chapter 34

147K 1.2K 406
By beyoutifulsweet

Zenia's POV

Ang tagal naman nila Kriston at Ross! Kanina pa ko naghihintay dito sa may labas ng bahay namin. Baka makita ako ni Justin na nandito ng ganito kaaga niyan eh.

Nakashorts pa naman ako tapos nilagyan ako ng konting make-up ni Ross kaya nakakapanibago.

*Beep!*Beep!*beep!

Yan na pala si Kriston and Ross. Nagpa-GAS pa kasi sila eh? Hindi naman kalayuan yung coffee shop pero baka daw kasi tumirik sa daan eh.

"Sakay na dali!" sigaw ni Kriston sa may bintana ng sasakyan niya.

Sumakay nalang ako sa likod. Tahimik lang si Ross, halatang galit si Ross ngayon kay Justin. Hays! Bakit hindi ko magawang magalit kay Justin? Bakit nangunguna padin yung love? Nangunguna yung sakit. Ang sakit palang masaktan. XD

Nakadating na kami nila Ross sa harap ng coffeeshop. Mukhang napaaga yung dating namin dahil wala pang katao-tao. 5:30 palang kasi eh.

"Uy iwan ko na kayo dito ah? Ayoko kasing isipin ni Justin na mas kinakampihan ko kayo. Tropa padin kami nun eh? Text niyo nalang ako kapag susunduin ko na kayo." sabi ni Kriston sa amin.

"Sige babe. Loveyou!" sigaw ni Ross kay Kriston habang bumababa ng sasakyan.

"Loveyoutoo!" sagot ni Kriston.

Bumaba na kami ni Ross ng sasakyan. Umandar na papalayo yung cotse ni Kriston.

"Kaya natin to!" Hinila na ako papasok ni Ross sa coffeeshop.

Umupo kami sa may dulo para hindi gaanong pansinin at hindi kita.

"Goodmorning ma'am! what's your order?" tanong samin nung waitress.

"Two coffee with cream." 

"Sige po ma'am, your orders will be served nalang po." 

Maya-maya lang, may isang grupo ng mga babae na yung pumasok.

"Here's your orders ma'am." sabi nung waitress habang nilalagay yung coffees na order namin.

Nakatalikod ako sa main entrance nung coffee shop tapos kaharap ko si Ross.

"Ayan na si Ella.Nakaupo siya sa table sa likod mo." bulong ni Ross tapos tinaas niya yung menu para hindi gano mapansin yung mukha niya. 

"Goodmorning ma'am. May I take your order?" narinig kong tanong nung babae. Malamang kay Ella yun!

"Amm, 2 black coffee. Thank you!" sagot ni Ella. 2? Dalawa? means? May kasama siya?

"Bestfriend. May papasok! Si Justin!" pabulong na sigaw ni Ross. tapos tinaas uli yung Menu para di makita yung mukha niya.

"Bakit mo nanaman ba gusto makipagkita?" Narinig kong tanong ni Justin kay Ella.

"Wala lang. Miss kita agad eh? Mamaya ulit?" Huh? Anong mamaya ulit? Anong pinagsasabi nito ni Ella?!

"Ella pwede ba?! Sinamantala mo yung kalasingan ko kagabi! May girlfriend ako." sagot ni Justin kay Ella. WTF?! Anong nakakasawa?! May nanyare sakanila?!

"May girlfriend ka nga. Pero nabibigay ba yung needs mo as a guys? Hello Justin! ang laki talaga ng pinagbago mo! Dati-dati, yung mga girls pa yung naghahabol sayo tapos ngayon?! Nagtiyatyaga ka sa babaeng ngi isang kiss, pahirapan makuha?!" Ako ba yung sinasabihan niya?! Grabe naman! So may nanyari sa kanila?! Habang kami?! Damn.

"Ayoko! Seryoso ko kay Zenia." Awwww. Kung seryoso ka sakin Justin! Bakit mo ginagawa to!

"Check please!" sigaw ni Ross tapos tumayo si Ross. Awww! Baka makita siya.

Tumayo nalang din ako pero nakatalikod lang.

"Wait. si Zenia ba yun?" narinig kong tanong ni Ella.

"Hindi. Hindi naman nagshoshorts si Zenia saka nasa school na yun ngayon." sagot ni Justin kay Ella. Kaya pala pinagshorts ako ni Ross? wow.

"Thank you come again." sabi samin nung waitress.

Naglakad na kami papalabas ng huminto si Ross sa may table nila Justin.

"The next time you drink coffee, not here. Okay? Mag date kayo sa malayo." sabi ni Ross kila Ella at  Justin. Tinignan ko si Justin, mukhang nagulat sa amin. Awww! Justin! Bakit kailangan pa manyari to?!

"Wala na Zen! It's over!" sigaw ni Ross sakin pagkalabas na pagkalabas palang namin ng shop.

Hindi ako nakasagot dahil naiyak na ako.

"Sandali nga, tetext ko na si Kriston na sunduin tayo. Please! Wag ka umiyak! Dumadami na yung tao. hmp! Buti nalang waterproof yung mascara na nilagay ko sa mata mo!" sigaw sakin ni Ross. Sobrang sakit ng mga words na narinig ko! Parang gumuho yung mundo ko.

Bakit ganito?! Bakit pa kailangan maging ganito?! May nagawa ba akong mali?

Ayoko! Mahal ko padin si Justin! I will not let him go! NOOOOOO!

Dumating agad yung sasakyan ni Kriston. Sumakay agad ako, pagkadating na pagkadating palang.

"Anong nangyare?" tanong ni Kriston.

"Confirmed!" sigaw naman ni Ross. Wala akong magawa! Nanghihina ako.

"So ano nang plano mo?" tanong sakin ni Kriston pero nakafocus padin sa pagdra-drive.

"Ano pa ba? Edi break!" sigaw ni Ross.

"AYOKO! Mahal ko si Justiiiiiiiin! I will not let him go! NO!" 

"Ano ba Zen? Mukha ka na kayang tanga!" Ross! Wala akong pakielam! Basta ang alam ko mahal ko si JUSTIN!

"Ayoko! Ayoko! ayoko! Please!"

"Ross hayaan mo muna siya maglabas ng sama ng loob." Pigil ni Kriston.

"Anong hayaan?! May sakit sa puso si Zenia tapos hahayaan ko?!" What?! Anong sakit sa puso?!

"Huh? Anong sa.. sakit sa puso?" tanong ko kay Ross. Anong sakit?! Bakit parang may mali! Ano ba to!?

"Ahhhh.. ehh... JOKE LANG!" sigaw ni Ross. Bakit parang ang weird niya? Anong sakit sa puso?

"Wala nga! To naman!" sigaw sakin ni Ross. Pero bakit parang may mali?!

"Ah gusto ko sanang pumunta muna sa QC, kila mommy." paalam ko sakanila.

"andito uli sila tita?" tanong ni Ross sa akin. Hindi ko pala nasabi sakanya.

"Oo kahapon lang. Sige na please?" 

"Sigesige." 

Tinuro ni Ross yung way kay Kriston papunta sa bahay namin sa QC. Sana naman nandoon sila mommy :(

Ang sakit ng nararamdaman ko. Parang sasabog yung puso ko. Justin? Why are you doing this to me? :( What did I do? Bakit hindi ko magawang magalit sayo? Bakit mahal na mahal padin kita after all?

Ilang beses nang tumatawag si Justin pero sabi ni Ross wag kong sagutin. Bakit nanghihina ko sa twing naiisip ko yung ginagawa ni Justin ngayon? Bakit masakit?

Nakadating na kami sa bahay namin sa QC. Hay! Buti nalang at andito pa sila mommy!

"Oh Ross! Yan ba si Kriston? ow! How handsome!" salubong ni mommy kila Ross.

"Goodmorning po." bati ni Kriston.

"Oh bakit namamaga yung mata ni Zenia?" tanong ni mommy. Ayokong malaman ni mommy na si Justin yung dahilan. Ayokong sumama yung image ni Justin sakanila. Mahal na mahal ko si Justin!

"Ah tita.. kasi po.."

"Ah mommy! Miss na miss ko na po kayo!" hindi ko hinayaang sabihin nila Ross na si Justin yung reason kung bakit maga mata ko. Ayokong sumama yung tingin nila kay Justin.

Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay.

Kausap ni daddy si Kriston saka Ross, kausap ko naman si mommy.

"Anak? Umamin ka? Bakit maga yang mga mata mo?" tanong sakin ni mommy. Sasabihin ko ba? 

"Mommy, si Justin kasi eh." tumulo uli yung luha ko. Para akong batang nagsusumbong sa magulang.

Lalo akong naiyak nung niyakap ako ni mommy. Totoo pala yung sabisabing lalo ka maiiyak kapag may nagcocomfort sayo.

"Okay lang yan baby, tahan na. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo? Dapat kapag pinasok mo yung mundo ng love, dapat handa ka masaktan." 

"Maaaaa, ang sakit sakit eh. Bakit kailangan ko pa masaktan ng ganito? Ang sakit eh." 

"Okay lang yan baby. Time will heal. I'm here for you."

Bumitaw ako sa pagkayakap kay mommy. May dapat pa akong itanong sakanya.

"Mommy? Ano yung sinasabi nilang may sakit ako sa puso?"

"HA?! Sino may sabi?" Bakit parang gulat na gulat si mommy? Anong meron?

"Bakit mommy? Totoo ba?"

"Siguro nga ito na yung right time para malaman mo." Na may sakit ako sa puso!? Ang sakit sakit na nga ng nararamdaman ko tapos may sakit pa ko sa puso? 

"Ha? bakit mommy? May sakit ako sa puso?"

"Alam mo ba yung pinapainom ko sayong tablets and capsule na walang tatak?"

"Bakit po mommy?"

"Hindi vitamins yun anak eh. Gamot yun para gumaling ka. Anak sorry kung tinago ko sayo." 

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang marinig ko yun. My heart is fragile yet it was betrayed by somebody else.

Parang sabay-sabay yung naging problema ko. Bakit kailangan ko masaktan ng ganito? Ano bang naging kasalanan ko? Naging mabait naman ako ah.

"Anak please. Gusto kong mabuhay ka ng normal kaya tinago namin sayo yun. Gusto ko mabuhay ka na walang inaalala sa sarili." I'm trying to understand! But why is this so hard?! Bakit ganito kasakit!?

Siguro dapat hindi ako magalit? Siguro dapat ako mag thank you? Kasi napagsasabay nila yung trabaho nila saka yung pagaalaga sakin? They are still my parents right?

"Okay lang po yun mommy. Kayo lang po talaga yung masasandalan ko ngayon mommy. Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. :(("

"Naiintindihan kita baby. Mabait kang bata, alam kong malalampasan mo lahat ng to." pagcocomfort sakin ni  mommy.

"Mommy? Kailangan ko si Justin mommy. Mahal na mahal ko siya mommy." 

"Anak, dapat tanggapin mo lahat ng nanyayari sayo. Masakit man o hindi."

"Mommy, ayokong mawala siya."

"Baby please? Kaya mo yan! I love you my daughter!"

Nagpunta na kami ni mommy sa may table kung saan nagkukwentuhan si daddy, Kriston saka Ross.

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Ross.

"Hindi eh? samahan mo ko sa may kusina?" aya ko kay Ross tapos nagpunta na kami ng kusina.

"Bakit? Bakit kailangan pa dito?"

"Matagal mo na palang alam na may sakit ako pero you're the one who took care of me whenever I'm sick. Thank you bestfriend!" I should thank Ross for always being there.

"Wala yun ano ka ba! Oh ano na plano mo kay Justin?"

"hmmm. I decided no to let him go. I love him and I need him." 

"Zeniaaa? Nababaliw ka na ba? Niloloko ka na nga tapos magpapakatanga ka pa? Magpapakamartir ka pa?"

"Anong gagawin ko Ross?! I love you too much."

"Oo nga pero let yourself be happy naman Zenia!"

"I'm happy with him."

"Happy ka nga pero niloloko ka naman niya."

"Ok lang sakin basta nasa tabi ko lang siya."

"ZENIA! GUMISING KA NGA!" naiyak uli ako sa pagsigaw ni Ross.

Nakita kong tumakbo si Kriston papalapit samin.

"Ano ba Zenia? Magusap kayo ni Justin. Hindi yung ganito!" sigaw sakin ni Kriston.

"Oh sige. Maguusap kami ni Justin about sa mga nanyayari. Kung ayaw niya na talaga, sige I will not force him."

Ganun nalang siguro gagawin ko? Ilelet go ko nalang si Justin kung ayaw niya na talaga sakin. 

Hindi ko nalang siguro ipagpipilitan sarili ko sakanya. Kung mahal ko siya, diba dapat dun ako sa ikaliligaya niya? Kung masaya siya kay Ella, edi sige, ilelet go ko na talaga siya kahit masakit sa loob ko. Masakit na masakit.

A/N: Sorry for typographical errors. Vote and comment! Thank you for reading SA. Lervyew! God bless.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...