Chapter ten

193K 1.9K 304
                                    

Chapter ten

-Read and Vote-
-Unedited -

Zenia's POV

Maaga akong gumising para magsimba. Sa sobrang dami ng biyayang natatanggap ko. Sa successful business ng parents namin ni Ross. Dapat lang na magspend ako ng time for thanking God.

Paglabas ko ng bahay, nakita ko na si Ross sa may gate nila.

Dumiretso na kami sa simbahan paglabas ng town house.

Tanghali na ng matapos ang misa at dumiretso kami ni Ross sa mall para mamili ng kung anu-ano. Pinipilit niya akong bumili ng high-heels pero ayoko. Bumili ako ng bagong vans na navy blue at mga pwedeng ipasalubong kay Tobie.

Si Tobie. Sino nga ba si Tobie sa buhay ko?

Si Tobie yung inampon na baby ng friend ng parents ko 2 years ago.

He's really cute! Baby palang siya noon pero 2 years old na siya. Magte-three na this year. Ka-birthday ko nga siya eh! September 29. Baka nga sabay kami mag birthday eh.

Simula kasi nung dumalaw kami sa candy shop na pagmamayari nung friend ng parents ko nakita ko na si Tobie tapos gustong-gusto ko siya palagi alagaan dahil wala akong kapatid. binibiro pa nga ako ng mommy ko eh. Para daw akong nanay ni Tobie! hahaha.

"Uy Zen ano okay lang ba to?" Tanong sakin ni Ross.

Nasa mall padin kami namimili.

"Ha?" tanong ko sakanya.

"Nubayan! Tulala nanaman Zen?! Sabi ko okay lang batong damit nato para kay Tobie? sabi mo mamimili ka!" Sigaw niya habang hinahampas ng mahina yung damit na pinapakita niya sakin.

"Oo! ayus nga! ang ganda! Pang swag! Bilhan din natin siya ng maliit na cap ah!" Pagaaya ko sakanya. Tatlong pares ng damit lang ang binili namin kay Tobie. 

Ako naman ang namili ng damit na gusto ko..

"Uy Ross! Bagay ba sakin to?" tanong ko kay Ross habang pinapakita ang isang polo na hanggang siko na checkered. 

"Ang dami mo nang ganyan! Nakakainis ka! Why not dress? Puro ka Jeans and tshirt eh." Sermon sakin ni Ross. Minsan na ngalang mamili eh!

"Basta! Ibibili kita ng dress at heels. Isang heels lang ah! tapos mga..dalawang dress! okay?! ako na magbabayad kung ayaw mo talaga! Basta." Tignan mo tong si Ross! Nagmamatigas.

"Alam mo bang ang dami ko ng binili sayong dress? nakalagay padin sa paperbag." banggit ni Ross habang namimili ng dress para sakin.

"Oh? bat di mo binibigay?" tanong ko sakanya.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon