Chapter eight

199K 2K 250
                                    

Chapter 8

Zenia's POV


One week nadin simula ng lumipat samin yung "Happy Three Friends" Hahahaha. Sila Justin, Kriston saka Flip.

Si Kriston? Ayun, palaging kasama si Ross. Feel ko nga inagawan ako ng bestfriend nun eh! pero mabait naman kasi si Kris. Feel ko, protektadong protektado si Ross pag kasama niya si Kris.

Si Flip? Hmm. Mejo nagiging close naman kami. At dahil sa kanya, bumabalik na ang dating mabait na Mel. Pero may pagka-conyo padin. Sabay-sabay kasi kami nagrerecess. Parang, isang buong barkada. Ang saya!

Si Justin naman, Moody! Moody talaga! Kung hindi niya ko aasarin, tatahimik nalang. Parang sasabog na bulkan pag kinausap mo. Ang hirap niya ispellengin! J-U-S-U-N-G-E-T

At eto! Friday na. May practice kami ng 2:30 Hayyyyy. 


"Huy gising! Anjan na si Sir Banies." Bulong sakin ni Ross habang ginigising ako. Strict kasi masyado si Sir Banies na History teacher namin.


"Ay, nakatulog pala ko." nasabi ko nalang habang nagkakamot ng mata.


"Okay. We have no class for today. just answer page 98 and 99. Keep silence." Sabi sa amin ni sir Banies. Himala? hindi nagturo si Sir!


Nanahimik kaming lahat at nagsagot. After 25 minutes, natapos ko nadin ang pinapasagot sa amin. Ang haba eh? 45 items. Napalingon ako kay Justin. >.< Naka-nap ito sa desk niya at may naka-salpak na headset sa tenga habang natutulog.

Anong problema niya?! Ba't siya natutulog?! Nagsagot na ba siya?!

Kinuha ko yung libro niya sa bag. Dalawang libro lang ang dala niya?! History book at English Novels. Kinuha ko ang history niya at sinagutan. Mahirap kasing magalit si Sir Banies eh. Damay lahat pag nagalit yun kaya kinopya ko nalang yung sagot ko sa libro niya.

"Mr. Hermoso." Kalmadong tinawag ni Sir Banies si Justin habang naglalakad papunta sa amin.

Bumangon si Justin mula sa pagkaka-nap niya sa desk niya at tinanggal ang headset sa tenga niya.

"Who told you to sleep?" Himala to ah! Hindi pasigaw na nagagalit si Sir ngayon. Di na nga siya nagturo, di pa siya sumisigaw. HIMALA.

Nakatingin lang siya sa ipod niya at tinago ito sa bulsa.


"Patingin nga ng libro mo?" Tinaas ni sir Banies ang kamay niya na akmang hinihingi ang libro ni Justin.


"Ah sir. Nalaglag po ito habang natutulog siya." Sabat ko naman habang inaabot ang libro ni Justin kay Sir Banies. Bakit ba parang mas ako pa ang kinakabahan para sakanya!?

Nakatingin lang sakin si Justin at mukang nagtataka.

binuklat ni Sir Banies sa page na pinapasagutan ang libro at binasa.

"You're doing good Mr. Hermoso" banggit ni Sir Banies habang binabalik kay Justin yung lobo.

Bumalik na si Sir Banies sa teacher's desk sa harapan.

Tinignan ni Justin ang libro niya.

"Magic ah." Bulong ni Justin sakin.

"Ang tamad-tamad mo kasi!" Pasigaw kong binulong sakanya.

"Kaantok e." Sagot uli nito sakin. Kelan ba siya hindi inantok? antukin na nga tamad pa.

"Bago ka nga matulog, gawin mo muna yung dapat gawin?!" Pasigaw ko uling binulong sakanya.


"Ang ingay mo, aparador ka." Bulong nito at bumalik sa pagkaka-nap.

ANO DAW? O_O aparador? May curves kaya ako! Letse! >.< Badtrip to ah!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon