Bad Boy meets Good Girl || Vi...

By dawnzpost

130K 2.1K 277

May mga taong darating nalang sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang taong magpaparamdam sayo ng... More

Introduction
Badtrip >_<
Blame ME
The Reason
Vice the Bad Boy
Spider
Slam Book
The Mortal Enemy
Do I like Him? Part 1
Mutual Feelings
Pustahan
Boys & Girls
The Enemy
The First Revenge
The Parents
Welcome to My Family
My Dream
The Stalker
Searching...
Tortured
The decision
The Marriage
The Truth
Ang Pagbabalik
The beginning
Find Them
The Revenge
Face off
It's my turn
The Party
JunJun
ViceRylle
The Plan
The Finale
Bad Boy meets Good Girl (Book 2)
Officially Engaged (Special Chapter)

Do I like Him? Part 2

3.6K 68 14
By dawnzpost


Vice: May gagawin kaba?

K: Ha???? Ano.... Wala naman na. Bakit? (Tumayo sya at nagsalita.)

Vice: Gusto mo ba akong samahan?

K: Saan?

Vice: Sumunod ka nalang kung gusto mo. (Sabay alis nito)

Naninibago ako, hindi nya ako hinihila ngayon para sumama sa kanya kundi kusa akong sumama at heto ngayon sumusunod. Walang imikan, walang pansinan, basta nakasunod lang ako sa kanya. Siguro kung may makakakita sakin ngayon, iisipin nila na yaya nya ako, o kaya naman anino na nakasunod sa kanya. Hindi ko alam, basta ang alam ko lang gusto ko syang makasama, kahit di na nya ako kausapin, makita lang sya na okay.

Okay nga ba sya? Pero bakit di ko makita? Ito naba ang sinasabi nilang totoong sya? Ang Vice na tahimik? Pero bakit pinapakita mo na ngayon? Anong dahilan, anong plano mo?

Vice: Sakay na! (Sabi nito sakin habang nakabukas ang pinto ng kotse nya, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa parking lot. Hindi na ako nagsalita at sumakay nalang ako sa harap ng kotse nya. After ko makapasok sinara nya ito at tsaka naman sya pumunta sa driver seat.)

Saan ba kami pupunta? Gusto ko syang tanungin pero bakit walang boses na gustong lumabas sa bibig ko. Parang may nakaharang sa lalamunan ko.

Namutawi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. focus sya sa way nya samantalang ako nakadungaw sa bintana at sumusulyap sa kanya paminsan-minsan.

Wala ba talaga syang balak na kausapin ako? Bakit ganun? Tama si coleen namimiss ko nga yung pang-aasar mo noon sakin.

K: Amp! Saan pala tayo pupunta? (Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse nya)

Vice: May kailangan lang akong idaan. Kung ayaw mong sumama pwede naman na bumaba ka nalang. (Mahinahon syang magsalita, bakit nawala yung pagiging rude nya sakin?)

K: Hindi naman, tinatanong ko lang.

Vice: Magagalit ba boyfriend mo kung makitang magkasama tayo?

K: Boyfriend?

Vice: Oo, diba boyfriend mo yung lalaking dumalaw sayo sa school. (Akala nya talaga boyfriend ko si Jhong?)

K: You mean, jhong? Hindi ko sya boyfriend noh!

Vice: Okay! (Yun lang sagot nya? Ang tipid naman nya)

K: Vice. . . Amp. . . Ano! . , Ah, galit kaba sakin? ( di nya ako pinansin, bigla nalang syang tumigil at binuksan ang door ng kotse nya.)

Vice: We're here! (sabay baba sa kotse at dumeritso sa likod ng sasakyan, bumaba naman ako at sumunod sa kanya)

K: Ano yang mga yan? (Tanong ko sa kanya habang binababa yung mga plastic bags sa may likod ng kotse nya)

Vice: Okay lang ba pakidala ng ibang plastic bag?

K: Sure.

Vice: Ito nalang dalahin mo, hindi masyadong mabigat.

K: Okay! (Nauna na syang umalis at sumunod nalang ako dala ang dalawang plastic bag. Nakita ko namang sinalubong sya ng dalawang lalaki at inutusang kunin pa ang ibang plastic bags.)

Boy: Ma'am ako na po dyan. (sabi nito sakin.)

K: Naku kuya wag na po, ako nalang po di naman masyadong mabigat eh.

Boy: Okay lang po, akin na po at baka magalit pa si Vice. (Si vice magagalit? At bakit naman? Eh sya nga nag-utos sakin kung pwedeng dalhin ko to eh. Hindi ko naman na namalayan at nakuha na pala nya yung plastic bags na dala ko.)

Asan na ba yun? Bakit bigla nalang nawala. Iiwan ba nya talaga ako dito?

Vice: Anong ginagawa mo dyan? (Sabay lingon sa may kaliwa ko)

K: Ha?

Vice: Halika nga dito. (Sabay hawak ng kamay ko at nagsimulang maglakad. Ano na naman tong nararamadaman ko?)


---

Vice: Amp! sister nasaan po yung mga bata?

Sister: Naku Vice, nasa likod na naman naglalaro, alam mo naman mga bata.

Vice: Pasensya na po talaga kayo sister kung ngayon lang po ulit ako nakadalaw.

Sister: Okay lang yun, anak. Alam naman naming busy ka rin. Yun nga lang matagal ka nang hinihintay ni Sam.

Vice: Oo nga po pala may pinangako ako sa kanya. (Pangako? Ano kaya yun?)

Sister: Hindi mo ba ipapakilala yang kasama mong dalaga, anak. (Sabay tingin sakin ni Vice. Binawi ko naman ang tingin ko at yumuko nalang. Bakit parang nahiya ako bigla?)

Vice: Ay oo nga po pla, sya po si Karylle kaibigan ko po.

Sister: Hello, Karylle. Kasintahan kaba ni Vice? (Lumaki ang mata ko sa narinig ko, feeling ko nakakain ako ng maraming sili at biglang uminit ang mukha ko)

Vice: Naku, si sister talaga, kakasabi ko lang po kaibigan ko lang po sya

Sister: Naku ikaw Vice, hindi ka naman nagdadala ng babae dito, sya palang. (Nakangiting sabi naman nito kay Vice, napakamot nalang sya ng ulo at tumingin sakin habang nakangiti. Nakakamiss din pala ang mga ngiti na yan.)

Vice: K, sabihin mo nga kay sister.

K: Amp! Sister kaibigan ko lang po sya, nagpasama lang po kasi sya. (Bakit ganun? Bakit parang napilitan lang akong sabihin yun, sana sinakyan mo nalang Vice yung sinabi ni Sister gaya nung sinabi mong girlfriend mo ako sa harapan ng mga estudyante. Bakit parang nanghihinayang ako? Ano ba tong pinagsasabi ko)

Sister: Oh sya sige, sinabi mo eh. Ah Vice ikaw na muna ang bahala dito ha? Babalik lang ako sa aking opisina. Puntahan mo narin yung mga bata sa likod.

Vice: Sige po sister. Salamat po. (Tsaka umalis si Sister. Hinatid naman namin sa tingin hanggang sa makapasok sya sa office nya)

Vice: Tara! (Yaya nito sakin papunta sa mga bata)

K: Okay! (Tsaka kami naglakad papunta sa kanila.)

Hindi pa kami nakakalapit sa kanila, sinalubong na sya ng napakaraming mga bata. Yung iba nakipag-apir sa kanila, yung mga batang babae naman ay yumakap sa kanya. Nakakatuwa silang panoorin, nakapasaya nila, hindi mo makikita sa mga mata nila na ulila na.

Kid: Kuya pogi, sino sya? (Sabay turo sakin ng isang batang babae. Tumingin naman si Vice kasabay ng mga bata. Tumayo si Vice mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Kinuha nya ang kamay ko at pinakilala sa kanila.)

Vice: Kids, sya si ate nyo Karylle.

Kid2: Girlpren nyo po?

All: Ooooooooooooy! (Sabay-sabay nilang tukso sa amin)

Vice: Naku, kayong mga bata, kaibigan ko lang sya. (Sabay tingin sakin)

K: Oo nga, magkaibigan lang kami.

Sam: Hindi ako naniniwala kuya pogi. (Kuya pogi? Bakit yun ang tawag nila sa kanya? Sabagay pogi naman kasi talaga sya)

Vice: Ikaw Sam tumigil ka ha, gusto mo bang hindi ko ibigay yung regalo ko sayong bola?

Sam: Kuya pogi naman, nagbibiro lang po ako. (Sabay tawa nilang lahat.)

Kid: Ate Karylle, tara laro po tayo dun. (Tumingin ako kay Vice at sinabing Go! Sumunod naman ako sa mga batang babae para makipaglaro.)

Sam: Tara kuya pogi laro tayo ng basketball.

Vice: Magaling kanaba? (Sabay pat ng ulo nito.)

Habang nakikipaglaro ako sa mga bata at pinapanood silang naglalaro ng chinise garter, slide at nagsi-swing, busy naman si Vice nakikipag laro ng basketball sa mga batang lalaki. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa kinaroroonan nila habang naglalaro. Magaling nga talaga sya magbasketball, pati narin mag 3 point.

Vice: Break! Kayo muna ang maglaro ha?

Sam: Kuya pogi (sabay nguso kay K. Tumingin naman si Vice sa kinaroroonan ni K at tsaka sya nagpaalam na pupunta sa kanya)

Sam: Lapitan mo na Kuya pogi.

Vice: Ito na nga oh lalapit na, ikaw mas excited ka pa sakin. (Sabay gulo ng buhok nito.)

Sam: Kuya pogi, yung buhok ko!

Vice: Aba! Bakit ayaw mong magulo yang buhok mong nakagel?

Sam: Dali na kuya pogi puntahan mo na sya, kanina pa sya tingin ng tingin dito eh.

Vice: Totoo?

Sam: Opo!

Vice: Sige na nga.


---

Vice: Pwede bang tumabi?

K: Oo naman, bakit umalis ka dun? Ayaw mo na ba makipaglaro sa kanila?

Vice: Ayaw mo ba akong makasama?

K: Hindi naman sa ganun.

Kid: Ate K, kuya pogi laro po tayo ng patintero.

Vice: Oh hayan tuloy nagyaya na sila. (Napangiti ako sa sinabi nya.)

K: Tara! (sabay hila ko ng kamay ni Vice.)

All: Ooooooooooooooooy!

Sam: Sama kami. (Saktong dating naman nila Sam galing sa paglalaro ng basketball)

Nang makabuo na sila ng 6 members per group tsaka na nila sinimulan ang laro. Girls versus Boys. At dahil babae ang kalaban nagpresenta na lang si Vice na sila na ang taya. Nang magkapunta na sila sa bawat pwesto nila nagsimula na ang laro.

First step palang ni K ay agad na syang hinarangan ng isang bata, habang nililito naman ng kakampi ni K yung nagbabantay pasimply naman syang tumabok papunta sa may kabilang side. Last step nalang ay makakapunta na sya sa end. At bago siya makapunta doon ay kailangan nya munang malagpasan ang last line na kung saan nakabantay si Vice.

Vice: Ano K, kaya mo bang makalagpas dito? (sabi nito habang naka-stretch ang dalawang kamay nito)

K: Madaya ka Vice, ang haba ng kamay mo. Sakop mo na ata buong line.

Vice: Anong madaya. Come on K, let's do it!

K: Aaaaaaaah (sigaw ko habang palapit ako sa may space. Ang bilis nyang tumakbo.)

Vice: Mag-game tayo, kapag hindi ka nakalusot dito tayo na!

All: Oooooooooooooooy!

K: Tumigil ka nga Vice andaming mga bata.

Vice: Bakit? Diba sabi mo hindi naman kayo nung Mr. Yabang na yun?

K: Alam mo, mas bagay sayo yung Mr. Yabang.

Vice: Mas mayabang kaya sya. Mas pogi lang ako sa kanya.

K: Hahaha mayabang ka nga.

Vice: Anong mayabang. Mga bata diba Pogi ako?

All: Opo. Pogi, pogi, pogi (sigaw ng mga ito sa kanya)

Vice: See? (He shrugged) Pogi talaga ako. Ikaw ba di ka napopogian kahit na minsan?

K: Amp! Hindi!

Vice: Ha?

K: Dati, nung bad ka pa sakin.

Vice: Anong bad? Hindi ako bad sayo noh! Kung naging bad man ako, ibig sabihin mabait na ako ngayon para sayo?

K: Not really, pero okay na rin (sabay ngiti sakanya)

Vice: Yung game natin, ano na? Pag di ka nakalusot sakin tayo na.

K: Eh pano pag nakalusot ako?

Vice: Sasagutin na kita.

K: Ano? Sandali nga, nililigawan ba kita?

Vice: Oo.

K: Hahaha ang kapal mo talaga Mr. Yabang?

Vice: Eh type mo naman ako Miss Sungit?

K: At sinong nagsabi sayo?

Vice: Kailangan ko pa bang patunayan yan? (Nakangiting sabi nito) ituloy na natin ang game.

K: Ayoko ng agreement. (Sabay irap ko kunwari sakanya)

Sam: Sagutin mo na kasi si Kuya Pogi ate K. Ano pa po bang hahanapin nyo. Una Pogi.

All: Tama!

Sam: Mabait

All: Tama!

Sam: Magaling magbasketball

All: Tama?

Sam: At higit sa lahat habulin ng mga babae at mayaman pa.

All: Big check! (sabay hiyawan nilang lahat)

Vice: Ang mga bata di marunong magsinungaling.

K: Baka naman kasi tinuruan mo sila.

Vice: Hindi noh! Mga bata tinuruan ko ba kayo?

All: Hindi po. (Ang dami nyang kakampi, wala akong laban dito)

Vice: Ano na?

K: Ayoko parin.

Vice: Bahala ka! Ikaw din!

K: Aaaaaaaaaaaah (sabay bagsak nito kay Vice after syang itulak ng isang kakampi ni K. Buti nalang at nasalo agad ni Vice kung hindi sa lupa sya pupulutin)

Vice: Miss sungit, mukhang naparami ata ang nakain mo ha?

K: Ano?

Vice: Mabigat ka eh (sabay wink nito)

K: Ibaba mo nga ako.

All: Ooooooooooy! Kiss na yan. Kiss na yan. Kiss na yan. (Ano daw? OMG! bakit may alam na sila ng ganyan, ang babata pa ng mga to.)

K: Ibaba mo nga ako Mr. Yabang. (Sabay baba naman nito.) Ikaw tinutirian mo ba yang mga bata na yan at bakit alam na nila yung salita na yun? (sabay hampas ng slight sa shoulder nya)

Vice: Hoy! Ano kaba, hindi noh! Malalaki na yang mga yan para hindi alam ang salita na yun. Tsaka ano bang masama dun eh kiss lang naman. Dalaga ka, binata ako.

K: Tseeeee bahala ka nga dyan. (Sabay alis nito.)

Vice: Hahahahaha

Sam: Mukhang mahina ka maka-score sa kanya ha Kuya Pogi? Humihina na ba ang idol ko?

Vice: Ikaw na bata ka ah kung ano-ano ang nalalaman mo. Halika nga dito.(sabay pat ng ulo nya)

Sam: Gusto mo ba sya kuya Pogi? (Sabay tingin sa kinaroroonan nila K habang nakikipag-usap ito sa mga batang babae)

Vice: Wala naman kasing dahilan para hindi sya magustuhan, mabait.

Sam: At maganda.

Vice: (tingin kay Sam at tsaka ngumiti) Oo maganda sya. (Sabi naman nito habang nakatingin kay K)

Sam: Bakit di mo po ligawan.

Vice: Magkaibigan lang kasi kami eh. Tsaka hindi ko alam kung gusto rin nya ako.

Sam: Eh paano nyo po malalaman kung hindi nyo po susubukan?

Vice: Paano kung hindi pala nya ako gusto. Eh di basted agad. Masasaktan lang ako.

Sam: Hindi kanaba nasasaktan sa ginagawa mo ngayon?

Vice: Ha?

Sama: Gusto mo sya pero di mo magawang ligawan. Dalian mo na kuya pogi, baka maunahan ka pa ng iba. Ikaw rin.

Vice: Binata ka na talaga noh? pero bata ka parin kasi 13 ka palang . Kakatuli mo nga lang last year tapos kung makapag salita ka akala mo naman marami kang alam.

Sam: Kuya pogi naman, matagal na akong tuli noh. Di pa tayo magkakilala.
Tsaka tama ako sa mga sinasabi ko.

Vice: Tama ka nga. Pero hahanap muna ako ng tyempo. Darating din tayo dyan.

Sam: So, gusto mo nga sya.

Vice: Hindi ko sya isasama dito kung di sya importante sakin (gusto kong ikaw ang unang makakilala ng totoong ako K. Hindi ko alam kung bakit isang umaga nalang nagising ako na ikaw na ang laman nitong puso ko. Sana parehas tayo ng nararamdaman, pero paano kung ako lang pala? Paano kung hanggang kaibigan nalang ang turing mo sakin? Pero mukhang tama si Sam, hindi ko malalaman kung di ko susubukan)


---

After nila bumisita sa kids foundation niyaya naman ni Vice si K na mamasyal nalang muna. Dinala nya ito sa isang lugar na hindi napupuntahan ng tao. Malayo sa city, kung papansinin at titignan mo parang walang ganitong kagandang tanawin sa lugar na ito.

K: Wooooow! (sabi nito habang nakatingin sa paligid.)

Vice: Nagustuhan mo ba?

K: Oo. Meron palang secret place dito eh. Paano mo nalaman ang lugar na ito?

Vice: Mahilig kasi akong mapag-isa. Magdrive kung saan-saan. Actually napadaan lang ako dito, nakita ko kasing medyo malawak yung space mula sa highway kaya nung nagpark ako, naglakad ako at dito ko nga nakita ito.

K: Grabe ang ganda dito. Green scenery. Wala kang makikita kundi mga puno, halaman, mga damo na kay lalago.

Vice: Tsaka tahimik dito. Pag nakapikit ka at pinakinggan mo ang buong paligid, tanging ang mga dahon ng halaman at puno lang ang maririnig mo mula sa hangin na humahampas sa kanila. Mga huni ng ibon na nagliliparan sa kalangitan.

K: Anong ginagawa mo? Mahilig ka talagang humiga at matulog noh?

Vice: Hindi ako natutulog, nakapikit lang ako.

K: Pag nakapikit ka, anong iniisip mo?

Vice: Kung ano-ano. Gusto mo bang matry? (Sabay tingin kay K na nakaupo sa tabi nya.)

K: Okay lang ba?

Vice: Oo naman. Tara dito sa tabi ko, tuturuan kita.

K: Nang alin?

Vice: Kung paano pagaanin ang loob kung mabigat ito.

K: Pag masama ang loob mo at ginagawa mo ito gumagaan ba ang pakiramdam mo?

Vice: Oo,dali pumikit ka. (Hindi ko alam pero bigla nalang akong sumunod sa kanya ng sabihin nyang pumikit ako)

Vice: Isipin mo lahat ng nagpapabigat ng dibdib mo. Mga bagay na nakakasakit sayo. Lahat nang sakit na naipon mula noon hanggang ngayon.

K: Tapos?

Vice: Tapos, tsaka mo isipin yung mga bagay na nakakapagpasaya sayo, mga taong nagpapasaya sayo. Tsaka mo isipin yung lahat ng blessings na dumating sayo. And then ask your self, anong dahilan bakit ako ginising ng Diyos? Ginising nya ba ako para ipagpatuloy ang mapapait na nangyari sakin o ginising nya ako para bumangon ulit at simulan ang panibagong chapter ng buhay ko?

K:(Nung sinabi nyang isipin ko lahat ng nagpapabigat ng kalooban ko, lahat ng yun bigla nalang bumalik sakin. Pero nung sinabi nyang isipin ko yung mga bagay at taong nagpapasaya sakin, lahat ng lungkot sakin na raramdaman ko ngayong oras na ito ay bigla nalang nawala.)

Vice: Anong pakiramdam mo ngayon? (Nagulat ako ng pagbukas ko ng mga mata ko, nakatitig pala sya sakin, kanina pa kaya ito? Ang lapit nya, hindi maalis ang mga mata nya sa mga mata ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Sa sobrang lapit nya, baka marinig nya kung gaano kalakas ang pagtibok nito. Imbes na lumayo sya sakin mas lalo syang lumapit. )

Anong binabalak mo Vice, bakit di ka na umalis sa pwesto mo? Bakit lumalapit ka pa? Isang lapit nalang magtatama na ang mga labi natin. Pero bakit di ako makagalaw? Bakit parang hinihintay ko ang susunod na gagawin nya?

Hindi nagtagal nilapit pa nya ito ng kaunti dahilan para mapapikit ako, hindi ko alam pero hinihintay ko nalang na idampi nya ang mga labi nya sa mga labi ko. Nararamdaman ko ang kanyang hininga. Hanggang sa tuluyan na nga nya akong hinalikan. Para akong frozen na hindi makagalaw? Ano bang tong nararamdaman ko? Ano ba to?

Vice: I'm sorry! (sabi nito at tumayo mula sa pagkakadapa. Wala akong masabi. Hindi ako makapagsalita.)

Vice: Let's go! Dumidilim na kasi eh.

Tumayo si K mula sa pagkakahiga nya at sumunod kay Vice papunta sa kotse. Hindi naman mapaliwanag ni Vice ang kanyang nararamdaman, may halong kaba, saya at kunting galit sa sarili nya dahil hindi nito nacontrol ang sarili.

Vice: (Ano bang pumasok sa isipan mo Vice at hinalikan mo sya? Ano na nga lang ang iisipin nya? Sh*t! bahala na)

K: (bakit di ako nagalit? Dapat sinuntok ko na sya dahil sa halik na ginawa nya, pero bakit di ko ginawa. Ano na nga ba ito, K? Ano bang nagyayari sayo, gusto mo na ba sya? O mahal mo na sya? Aaaaah hindi ko alam, naguguluhan parin ako. Pero isa lang ang sigurado ko. Masaya ako sa ginawa nya. Baka nga. Baka nga mahal na kita Mr.Yabang)

Continue Reading

You'll Also Like

213K 4.4K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
41.8K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
211K 11.9K 67
You love to play lives? Then let me play yours. Book cover by @KrungRi_Gizibe
8.7M 310K 58
"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*