I'm His Private Dancer

By Shettered

3.7M 52.3K 3.6K

[Completed] Who am I? I'm not perfect but i'll do my best for you. PS: Don't judge a book by its title. More

I'm His Private Dancer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Question.
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Epilogue

Chapter Thirteen

110K 1.4K 110
By Shettered

georgia_marie18: Sobra naman yata ang pagiging inosente ni trixie. LoL xDD

 -- Kasama po siya sa flow ng story. :)

lelly27: Hello ask ko lang if hanggang chapter 13 lang ang i'm his private dancer?

 -- Hello din. Hindi po. Marami pa akong naiisip para sa story nila, ang kaso hirap akong mag-type lalo na kung kaharap ko na ang laptop :D

Kung may mga tanong kayo at maisasagot ko naman para sa karamihan lagay niyo na lang po sa message board ko o di kaya sa comment box. Pwede rin naman mag-message kayo personally. Ang ibang mga details na minessage niyo sa akin ay i-eedit ko lang, para ayos. Thank you :)

---------------------------------------------------------

“That’s my consequence everytime you ignored my order.”

Mapupungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi pa din ako nakaka-get over sa nangyari ngayon-ngayon lang. Sa isang sandali ay pinagsasabihan niya ako at sa sandal din na iyon ay ninankaw niya ang unang halik ko.

Naramdaman ko na lang na marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Napaatras ako sa ginawa niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na may kung anong init pa akong nadadama sa aking labi.

“S-sir! Bakit mo ginawa ‘yun?”

“Anong ginawa?” Taas kilay nitong sabi at ngiting nakakaloko.

Napa-iwas ako ng tingin, hindi ko kayang sabihin sa kanya. Napakagat labi ng lang ako at tumalikod sa kanya. Nanginginig pa din ang mga tuhod ko.

“Sandali.” Nilingon ko naman si Sir, para naman akong na-kuryente sa pagkakahawak niya sa braso ko.

“B-bakit po?”

“Your first kiss?” Hindi ko alam kung namangha siya sa kanyang nalaman o nang-iinsulto base na din sa kanyang itsura.

Umiwas lang ako ng tingin at bahagyang yumuko.

“There’s no need to be shy, Trixie, natural lang ‘yun.”

Inangat ko ang aking ulo at sinamaan lang siya ng tingin. Anong natural lang ‘yun! Sa magiging asawa ko ibibigay ang una kong halik at hindi kung kanino lang. Sinira niya ang pamahiin.

“Anyway, don’t forget about the contract. Rule number four, I don't want to see other man behind you, except to me. So, it’s mean you need to avoid to that man.” He frowned.

“Sino po?”

 

“Ivan.”

“Hindi pwede, Sir.”

“Gusto mong mahalikan?” At muli niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Naamoy ko na naman ang mabango niyang hininga.

Napaiwas ako ng tingin. “Sabi ko nga po hindi na.”

“Where’s your phone? Kanina pa kita tinatawagan, cannot be reach.”

Piling ko ano mang oras lulubog ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Magagalit na naman siya sa akin. Dumiin ang pagkakahawak nito sa braso ko. Napangiwi ako.

“Answer me, Trixie, where is your damn phone?”

“S-sorry po.” Mahinan kong banggit rito. Mas lalong kumot ang kanyang noo at matalim akong tinitigan.

“Anong pinagsasabi mo?”

“Nawala ko po ang binii niyo. K-kinuha po ng aking kapatid.” Hinakan koi to sa braso at sinabayan sa pagtitig. “S-sorry Sir, hindi ko po sinasadya.”

Wala sa katinuan na ginawa ko iyon sa kanya, nadala lang talaga ako sa tingin niyang nakakatakot. Bahagya naman itong tinignan ang kamay kong nakapatong sa kanyang braso. Inalis ko kaaagad iyon. Inalis na rin niya ang pagkakahawak sa braso ko.

“Ayos lang.”

Namilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko? Hindi siya nagalit? Sa pagkakataong ito ay dapat nanggigilaiti na siya, hindi ko na naman kasi sinunod ang utos niya sa aking ingatan iyon.

“Po?”

“Ayos lang. Bibili na lang muli tayo.”

“Pero Sir..”

“Ayokong makipagtalo ngayon, Trixie, kaya sundin mo na lang ang inutos ko.” Tumalikod na ito, pero nakakailang hakbang pa lang ay bumalik itong muli at hinawakan ang baba ko. “And one more thing, tuwing tayong dalawa lang ang magkasama huwag mo na akong tatawaging Sir. Liam lang.”

“Bakit po Sir?” Sinamaan naman ako ng tingin nito. “Sabi ko nga po Liam na lang.”

“Matulog ka na.” Nakangiting hinalikan niya ang aking noo at tuluyan ng umalis.

Para bang tinupad ang aking kahilingan na sana ay lamunin ako ng lupa, pero iba ito pa bang minartilyo ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Kung titignan ay para akong tuod na nakatingin lang sa dinaan niya.

Sa isang iglap ay nawala na ito ng tuluyan. Ngayon lang din ako nakahinga ng maluwag sa lahat ng nangyari sa buong raw na ‘to. Akala ko ay mas matindi pa ang kina Inay, mas matindi pa rin pala si Sir Liam. Walang duda nakakatakot.

At sa hindi ko malamang dahilan bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tinagal ko sa mundong ‘to, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong damdamin. Damdamin na nawawaglit ang masasamang nangyari sa akin buong araw.

“Ano ba ang nangyayari sayo, Trixie.” Nag-aalalang tanong sa akin ni Nina, isa sa mga ka-room mate ko at ka-trabaho.

Tinignan ko lang ito panandalian at tumingin muli sa aking ginagawa. Tuwing umaga na kasi ang schedule ko ngayong buong linggo at ka-tandem ko ngayon si Nina sa buong floor ng Hotel.

“Wala naman.” Sagot ko rito.

“Anong wala ang sinasabi mo d’yan? Tignan mo nga ‘yang mukha mo, namumula na naman.”

Napapakagat-labi ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang nangyari kagabi.  Bangungot, kumbaga.

“Mainit lang talaga.” Umiwas ako ng tingin rito para na din hindi niya makita ang mukha ko. Nakaka-ilang ang titig na binibigay niya sa akin.

“Centralize ang Hotel, Trixie, huwag mo ‘kong binibiro ng ganyan.” Natatawa nitong sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako. Bigla akong nakadama ng pagkasakit ng ulo. Hindi naman kasi ako ka-agad nakatulog kagabi.

“Huwag mo na muna akong pansinin, Nina, mag-linis na tayo, para naman maka-pagpahinga na din.” Saad ko rito.

Maaga nga kaming natapos sa gawain namin ni Nina. Madali pa pala ito sa ina-akala ko. Konting linisan lang ang kinakailangan kaya napabilis, idagdag pa na dalawa kami ngayon. Mahirap ang pang-hapon, mas maraming mga gamit na lilinisin.

Matapos ang tanghalian ay naglakad-lakad na muna ako sa buong Resort. Nakapa-palit na rin ako ng uniporme. Tanghaling tapat nga pero ang ihip ng hangin ay masarap sa balat. Wala akong kasama ngayon dahil si Nina ay nasa headquarters at magpapahinga, wala rin naman si Emma dahil panghapon ang schedule niya.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Liam!” Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Liam? Isa lang ang kilala kong Liam

Nasa harap ako ngayon ng Hotel, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko nga doon si Sir Liam na patungo sa kinaroroonan ko.

“Bumalik ka dito! Liam!” Sigaw muli ng isang lalaki.

Hindi ko masyadong maaninag dahil nasa kalayuan ito. At nakatuon lang ako sa lalaking papalapit sa akin. Nagkasalubong ang mga kilay nito at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nadadala na naman ako sa tingin niyang ‘yan. At kung ano na naman akong nararamdaman sa tyan ko na hindi ko nagugustuhan.

“S-sir.” Gulat kong tawag rito ng hilahin niya ako. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Diretso lang itong nakatingin sa dinadaanan namin. May pagkahigpit din ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Pero bakit ganoon, nakakalambot ng puso ang pagkakahawak niya.

Para bang nakalutang ako habang hinihila niya kung saan. Nakatingin lang ako sa mukha niya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon nito mula kanina. Nakarating kami sa parking space ng Resort. Hindi ko alam kung saan kami patungo, pero may tiwala naman ako kay Sir Liam.

“Ano po’ng gagawin natin dito, Sir?” Tanong ko rito nang nakababa na kami sa kotse.

Nasa mall na naman kami ngayon. Pero ibang mall ‘to. Marami akong nakikitang ka-average kong mamimili. Mga simple kung manumit.

Tinignan ko naman si Sir sa tabi ko. Nakatingin pa din ito sa daan, pero hindi na tulad nang kanina maaliwalas na ang mukha nito.

Kinalabit ko ito sa tagiliran. Pasimple naman itong lumingon sa akin. Akala ko hindi niya na ako papansinin buong paglalakad namin dito sa mall.

“Ano po’ng ginagawa natin dito?” Tanong kong muli.

“Kumain ka na?”

“Po? Opo, Sir.”

Kumunot naman ang noo nito. Ano na naman ang problema niya? Hayan na naman ang kanyang ekspresyon. Napanguso na lang ako. Wala naman akong ginagawang masama, kung makatingin naman ‘to akala mong kakainin ako.

“Anong sinabi ko sayo kagabi?” Panimula niya. “Pag tayong dalawa lang ay wala akong maririnig na Sir mula sayo. Naiintindian mo ba?”

“Yes, Sir—Liam pala.” Hindi maalis ang sama ng tinign niya sa akin. “Oo na, Liam.” Singhal ko rito.

“Good.” Sabay nitong akbay sa akin. “Samahan mo ako, hindi pa ako nakain.”

Nakarating kami sa isang restaurant. Hindi gaanong kamahalan, base na din sa menu na hawak ko ngayon. Walang-wala sa kinainan namin noon.

“Sir—ano, Liam busog pa po ako.” Tawag ko rito. Hindi pa rin ako sanay na tawagan siya sa pangalan niya. Nakaka-ilang. Nakatuon lang rin kasi ito sa hawak niyang menu.

“Hindi ko hinahayaan na magutom ang kasama ko.” Aniya. Binaba naman nito ang menu na hawak niya at pasimpleng tinaas ang kamay para makuha ang atensyon ng waiter.

“Busog pa nga po ako.”

“Hahayaan mo akong mag-isang kumain habang ikaw nakatingin sa akin?”

“Pero busog pa talaga ako.”

Tumaas naman ang isang kilay nito. “Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kung tumanggi ka, Trixie.”

Napanguso na lang ako at bahagyang namula, dahil na rin sa naalala ko ang nangyari kagabi. Ang parusa niya. Bakit ko nga pala ipipilit ang gusto ko kung lagi naman nasusunod ang gusto niya. Bilang busog, um-order na lang ako ng sweet course. Akala ko susungitan na naman ako ni Sir, pero ako pa ang na-bwusit sa waitress na nag-a-assist sa amin.

“Sir—este Liam pala, ganun ba talaga pag waiter, kailangan panay ang hawi ng buhok?” Saad ko rito pagkaraang matapos umalis ang waitress.

“Ang alin?”

“’Yung ginawa po kanina ng waitress sa inyo. Panay dikit sa iyo at hawi ng buhok.” Sabi ko rito. “Hindi niyo po ba napansin?”

“Hindi.” Sagot nito. “Huwag mong gagawin ang ginawa niya kanina, lalo na sa ibang lalaki. Kung gagawin mo man ang ginawa niya, siguraduhin mong sa akin lang.” Direkta sa mata’ng sabi niya.

“Ok po.”

Lumipas ang ilang minuto ay tahimik lang ang namagitan sa amin. Nakatingin lang ito sa hawak n’yang baso, habang ako naman ay pasimpleng tinitignan ang ginagawa niya. Masasabi ko na masungit talaga siya. Para bang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

“Err. Liam.” Tawag ko rito. Awtomatiko naman itong tumingin  sa akin. “Ano pala po’ng ginagawa natin dito?”

“Kakain.”

“Hindi naman ‘yun ang tinatanong ko, e.  As in, dito, dito po sa mall anong gagawin natin?”

“Grocery, ibibili na din kita ng panibago mong phone.”

“Hindi ka galit sa akin na nasa kapatid ko po ‘yun at hindi man lang iningatan?”

“Nope.” Simpleng sagot nito at sumandal sa kanyang inuupuan.

Mataman naman akong tinitigan ni Sir. May dumi ba ako sa mukha? Sa buong paglalakad ko ba papunta dito ay hindi na kaaya-aya ang tingin nila sa akin? Pasimple ko namang tinakpan ang mukha ko at kinapa.

Huminga ako ng malalim mapagtanto kong wala naman.

“Err. Ayos lang po ba na magtanong ako?” Panimula ko.

Hayan na naman ang taas kilay niyang sagot. “Go ahead.”

“Sino po ‘yung tumatawag sa inyo kanina sa Hotel?”

“My Dad.”

Humilig ako sa mesa at tinignan itong mabuti. “Hindi nga?” Hindi ko makapaniwalang tanong.  “Ang daya hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakikita.” Na ikina-lungkot ko.

Ewan ko ba, gusto ko lang talaga makita ang mukha ng Ama ni Sir Liam, kung gwapo ba ito tulad niya. Tumaas naman ang kilay nito sa inasta ko.

“Ano—Liam, narinig ko kasi na tinatawag ka ng Daddy mo, bakit hindi ka bumalik?”

Mas lalo tuloy nitong tinaas ang kilay niya. “Sabi ko nga, tatahamik na po.” Naka-nguso kong sabi rito.

Konting tanong lang nagagalit na o di kaya laging kunot ang noo.  Nabibilang ko lang sa isa kong kamay kung ilan beses ko itong nakitang ngumiti.

Tahimik lang kaming kumain. Paminsan-minsan ay hindi ko maiwasang hindi magtanong rito ng mga bagay-bagay. Marami pa itong sinungit sa akin kesa sagutin ako ng matino Hindi ko naman ito masisisi, marami lang talaga akong tanong sa  buhay na hanggang ngayon hindi ko pa din malaman ang kasagutan. Nangunguna na d’yan ay kung sino ba talaga ako.

“Liam, pwede ba na ‘yung mumurahin na lang ang ibili mo? Ang mamahal kasi. Hindi ko na nga naingatan ang ibinili mo sa akin ibibii mo pa ulit ako."

Kukuhanin na dapat ng sales lady ang phone na naka-display sa store nila ng pigilan ko si Liam, na nakaturo doon. Kunot noo naman itong tumingin sa akin.

“Sinasabi mo bang wala akong pera?”

Umiling-iling ako. “Hindi naman, alam ko naman na mayaman ka, ang sa akin lang, ang mahal na ‘nung binili mo sa akin noon tapos mahal na naman ang ibibili mo ngayon, sayang lang.” Ani ko. “ Mas maganda sana kung mumurahin lang at simple, ‘yung madali kong matututunan at  lalo na ‘yung konti lang ang mga icons.”

“No. Ako ang bibili kaya ako ang mag-de-desisyon. And that’s my final answer, no more argument.”

Wala na akong nagawa. Kailan ko ba itatatak sa utak ko na lagi niyang kinokontra ang mga sinasabi ko. At dapat sa pagkakataon na ito ay tinatandaan ko na. Kahit na iilang araw pa lang ang pagsasama namin ni Sir ay masasabi ko nang mahirap siyang pakisamahan lalo na sa kanyang ugali.

Hindi naglaon ay nag-grocery na din kami. Hindi naman ganoon karami ang binili niya. Tama lang para sa ilang araw. Pinapili niya rin ako ng mga gusto kong bilhin. Hindi nakaligtas sa akin ang matatamis na nasa isang section. Nakakatakam nang napadaan kami ni Sir doon kaya naman ‘yun  ang natipuhan ko.

Hindi ko pagkakaila na sikat nga itong kasama ko. Hindi nakalagpas sa akin ang mga tingin nila sa amin o mas tamang sabihin sa kanya. Akala ko ay uuwi na kami pagtapos namin na bumili, inilapag na kasi namin sa kotse niya ang mga pinagbilhan namin, bagkus ay bumalik kami sa loob ng mall at naglibot.

“Hindi ka pa ba napapagod, Sir?” Maya-maya’y sabi ko rito.

“What?”

“Ang sakit na nang paa ko, Sir—Liam pala.” Sinamaan niya kasi ako ng tingin.

“Dito na tayo kumain ng hapunan, ayoko sa Resort, kaya kung maaari sabihin mo d’yan sa paa mo huwag magreklamo.” Saad nito. Nauuna itong maglakad sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Nagmumukha akong katulong sa lagay na ito. Simple lang ang suot ko ngayon at walang ka-ayos-ayos. Sa bagay katulong nga pala ako, bakit ko pinoproblema ngayon kung iwan niya man ako.

Nawala ang pagmamaktol ko sa kanya nang mataman kong nakita ang isang arcade. Napangiti ako ng wala sa oras. Ang daming nagkakagulo sa loob at rinig ang ingay dito sa labas.

“Bakit ka tumigil?” 

Awtomatiko akong napatingin sa nag-salita, si Sir. Nakasimangot na naman ‘to ngayon.

“Gusto ko doon, Liam!” Sabay turo sa bandang kaliwang bahagi namin.

“No. May pupuntahan pa tayo.” Nagpumiglas naman ako rito ng hilahin niya ako sa kinatatayuan ko.

“Gusto ko talaga doon.”

“Trixie!”

“Minsan lang naman po. Ni hindi ko nga po alam kung saan tayo pupunta ngayon.“ Pagmamaktol ko rito. “Lagi niyo na lang po akong pinapagalitan. Bahala na nga po kayo d’yan.”

Alam kong walang galang ang ginawa kong pag-walk-out sa kanya. Hindi ko lang talaga mapigilan ang bugso ng aking damdamin na hindi niya ako pinayagang mag-arcade. Na-mi-miss ko ang college life ko, ang mga kaibigan kong nag-yaya mag-mall para lang maaliw sa pinagdaanan naming hirap sa mga professor.

“Trixie, saglit.”

Naramdaman ko na lang na may mainit na humawak sa braso ko, kay Sir Liam. Bahagya ko namang tinignan ang pagkakahawak niya sa akin bago ko muling binalik sa mukha niya.

“Tara na.” Walang ka-emosyon niyang sabi, bago niya ako hinila pabalik sa pinanggalingan naming.

“Saglit.” Pigil ko rito. “Saan tayo pupunta?”

“Sa tinuro mo.”

Nagpatiudtod na lang ako rito. Patago akong ngumiti. Hindi rin niya naman pala ako kayang tiisin. Akala ko hahayaan niya na akong umalis nang hindi man lang sinusundan.

"Talaga ba na gusto mo sa lugar na 'to? Ang ingay!" Halos pasigaw na sabi nito.

"Ganoon po talaga. Mag-eenjoy ka naman" Pasigaw ko rin na sagot rito.

"Anong nakaka-enjoy sa lugar na 'to? Ang daming tao at ang ingay! Umalis na tayo."

"Narito na naman tayo, bakit hindi na lang tayo magpakasaya!"

Hindi ko na pinansin ang nga sinabi pa niya sa akin. Dinala ko ito sa bilihan nang mga token. Dahil wala akong dalang pera ay siya na ang nagbayad. 

"Liam doon tayo!" Turo ko sa may basketball machine.

"Kung gusto mo lang din na maglaro ng basketball, sana doon na lang tayo sa bahay ko  dito sa Corazon." Singhal nito.

"Wala nang thrill pag-ganoon. Tara na, bago pa tayo maunahan sa pwesto." Hinila ko na ito palapit.


Nakakalula pala sa dami ang basketball machine. Hindi ko inaasahan na mayroon kadami nito dito. Sa San Martines kasi ay wala pang lima kaya hintayan sa pwesto. Ngahulog na din kami ng token at nagsimula ng maglaro. Hindi kalaunan ay mukhang nag-e-enjoy na si Sir sa ginagawa niya. Panay asar rin sa akin.

Iilang tokens na lang ang natira at pagod na rin kami. Si Sir pa ata ang mukhang nag-enjoy kesa sa akin base na din sa itsura niya ngayon, naging maaliwas at mukhang masaya na. Okay, iilan na lang at makukumpleto ko na ang ngiti niya sa isa kong kamay.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin.

"Kayo na po ang bahala." Sagot ko naman rito. "Liam, sayang 'yung mga tokens."

"Ipamigay mo na lang."

"Pero gusto ko 'yung teddy bear na nasa claw crane."


Tinignan naman niya ang sinasabi ko. Umiling-iling ito at kinuha ang kamay ko. Hindi ko maiwasan na mamula sa ginawa niya.

"Ibibili na lang kita."

"Pero gusto ko 'yung nandoon." Sabay turo muli doon. "Tignan mo nga iyon, oh. Ang galing nakakuha 'yung lalaki. Nakakahanga."

Hindi ko pa kasi nararanasan na makakuha ng gahit na anong gamit sa loob ng machine na iyon. Hindi ko naman kayang waldasin na lang nang ganoon ang pera ko para lang makuha ang ganoong bear. Kaya pagkakataon ko na 'to, lalo na't may mga tokens pang natira.

"Anong nakakahanga sa ginawa nang lalaki na 'yun!" Sigaw nito sa akin. "Makikita mo."

Idinala niya ako sa machine na mas malaki ang mga bears sa loob. Hindi naman ako ganoon katangkaran o kaliitan pero halos kasing beywang ko na ito sa laki.

"Sir ilang tokens din 'to." Kokonti na nga lang ang mga token na natira tapos baka masayang niya lang. Walong token kada isang catch.

"Sinasabi mo bang mahina ako? At hindi ko makakayanang makakuha sa isang kuhanan ang bear na nasa loob?" Taas kilay nitong tanong. "Sinasabi mo bang mas magaling ang lalaking patpatin na 'yun kesa sa akin?"

"Ikaw lang ang nagsabi sa sarili mo 'yan. Wala po akong kinalaman."

Sinamaan lang ako nito ng tingin bago bumuntong hininga at naghulog na nang ilang token. "Makikita mo, Trixie."


Pigil hininga ang ginawa ko sa ginagawa niya. May ilan na ding pumunta sa kinaroroonan namin at nakinuod. Halos magdasal ako na hindi bumagsak ang kulang brown na bear na nasa catcher ngayon.

Hindi ko mapigilan na hindi mapatalon nang makuha niya ang bear na 'yun. Ang karamihan ay pumalakpak na rin sa nangyari.

"Sabi ko sayo. Mas magaling ako sa lalaki na tinuro mo." Inabot niya naman sa akin ang bear.

Para akong tanga na nakangiti sa kanya. Kinuha ko naman iyon at mahigpit na niyakap. Kahit walang amoy ay inamoy ko pa din ito. Ang lambot. Inaamin ko, mas nakakamangha nga si Sir kesa doon sa lalaki, mas gwapo pa.

Maraming tumingin sa amin ngayon. Ang isang staff ay kinuhanan pa kami. 

Souveneir.

 Minsan lang daw kasi mag-try ang ibang mga customer sa machine na 'yun. kung hindi ko pa pipilitin si Sir na magpakuha kami ay iiwanan ako nito. Ang mukha na naman niya ay naka-busangot.

"Trixie!"

Hinanap naman ng mga mata ko ang tumawag sa akin. Palabas na kasi kami ng arcade ngayon ni Sir. Imposible naman na siya ang tumawag sa akin, kasama ko naman ito at hawak ang kamay ko at hawan ang bear na nakuha niya sa akin.

"Trixie, huy!"

"Ikaw pala Jin." Isa sa mga naging classmate ko noong college. Girlfriend niya ang isa sa mga kaibigan ko.

"Akala ko namamalikmata lang ako, ikaw nga 'yan. Anong ginagawa mo rito? Sino 'yang kasama mo? Boyfiend mo?"

"Hindi. Ito naman. Si Liam nga pala" Pakilala ko kay Sir na ngayon ay hindi na mapinta ang mukha. Ewan ko ba, masama bang ipakilala ko siya? Tinatanong lang naman ako kung sino ang kasama ako, ang sama ko naman siguro kung sasabihin kong wala akong kasama.

 "Kung hindi bakit naka-holding hands ka pa." Natatawang sambit ni Jin sa akin.

Kinalas ko naman agad ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin. Nakakahiya.

"Hindi talaga. Boss ko siya." Mukha naman siyang nagulahan sa sinabi ko.

"Yes, I'm her boyfriend. Back off." Singit naman nito ni Sir. Nagulat pa ako na inakbayan niya ako.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Ano ba itong sinasabi niya.

"Boss ko lang talaga siya, Jin." Mas nagiging mahigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin, pilit ko kasi itong tinatanggal,

"Yeah. Boss sa pagmamahal, so if you'll excuse us."

Hindi ko na narinig kung may sinabi pa ito. Tumalikod na kami at naglakad palayo sa maingay na lugar na 'yun. Lumulutang na naman ang isip ko sa sinabi ni Sir. Ano ba 'yun? Boyfriend? Sa tana nang buhay ko wala pa ako 'nun? Bakit meron na agad?

"Trixie, listen." Panimula niya nang huminto kami sa hindi kalayuan. Hawak pa rin nito ang bear sa kanyang kaliwang braso. "Trixie." Untag niyang muli.

"P-po?" 

"Everytime na nasa labas tayo, I'm your boyriend. Hindi ba sinabi ko na sayo na ayaw kong may lumalapit sayong ibang mga lalaki. Ni ayaw ko  na matuon ang atensyon mo sa kanila."

"Si Jin po ang unang lumapit sa akin, hindi ko naman po siya nilapitan. At saka classmate ko po siya."


Hawak niya ako palabas kaya naman imposibleng ako ang lumapit kay Jin. Tama nga, wala nga itong pakialam sa paligid niya.

"I don't care who was the first. But Trixie, always remember that, you are my private dancer that's mean you are mine." Aniya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 113 1
The Mauricio "Mawi" Mackelroy Story
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2.2M 10.3K 12
An indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.