Coiling Dragon Book 2 (Growin...

By xiantana

42.4K 2.6K 97

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... More

Glossary
B2C1
B2C2
B2C3
B2C4
B2C5
B2C6
B2C7
B2C8
B2C9
B2C10
B2C11
B2C12
B2C13
B2C14
B2C15
B2C17
B2C18
B2C19
B2C20
B2C21
B2C22
B2C23
B2C24
B2C25

B2C16

1.2K 112 1
By xiantana

Sa akademikong kalendaryo ng Ernst Institute, kada buwan ay may klase sa dalawampu't walong araw. Sa huling dalawang araw lang libre ang mga estudyante.

Ang mga klase sa Earth Magic ay itinuturo mula 8:00 am hangggang 10:00 am sa umaga, Fire Magic mula 10:30 am hanggang 12:30 pm sa hapon, Water Magic mula 2:00 pm hangganag 4:00 pm sa hapon, Wind Magic mula 4:30 pm hanggang 6:30 pm sa gabi, Lightning Magic mula 7:00 pm hanggang 9:00 pm sa gabi at Light Magic mula 9:30 pm hanggang 11:30 pm ng halos hatinggabi.

Pero dahil karamihan sa mga estudyante ay mayroon lamang isang elemento kaya sa isang araw ay dalawang oras lang ang klase nila. Si Linley ay dual-element kaya apat na oras ang klaseng papasukan niya. Pero ang lahat ng klase ay kasong boluntaryo. Kung ayaw mong pumasok, walang pipigil sa iyo.

Ang sangay ng earth magic ay nahahati sa anim na klase, at bawat klase ay may sari-sariling gusali. Ang klaseng pinapasukan ng mga bagong salta at ng mga magi ng first rank ay ang klase ng unang baitang, ang mga magi ng second rank ay sa ikalawang baitang, magi ng third rank ay sa ikatlong baitang,... at, hanggang sa mga magi ng sixth rank na pumapasok sa klase ng ikaanim na baitang.

Pwede ng grumaduate ang mga magi ng sixth rank anumang oras nila gustuhin. Pero siyempre, kung gusto nila ay ayos lang din naman na magpatuloy sa pag-aaral.

Ika-10 ng Pebrero. Sa loob ng silid-aralan ng unang baitang.

Ang silid-aralan para sa klase ng unang baitang ng earth magic ay napakalaki, at kayang magpasok ng daang-daang estudyante. Mayroon ng dalawampung estudyante doon, at ang piniling pwesto ni Linley ay ang upuan na medyo malapit sa unahan. Umupo siya doon. Nang sumapit ang 8:00 am ay mayroon ng singkwenta estudyanteng naroroon.

"Sa tingin ko ay kakaunti lang sa mga estudyante dito ang baguhan. Gaano na kaya katagal dito ang ilan sa kanila?" sa isip-isip niya.

Para kasi makarating sa ikalawang ranngo ay madalas na kinakailangan ng ilang taon ng pagsasanay.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Tumayo sa harapan ng klase ang isang mukhang mabait na may-edad na lalaking may kulay-tsokolateng buhok. "Ang pangalan ko ay Wendi, at ako ang magiging guro niyo sa earth magic. Sa ngayon ay may higit dalawampung bagong estudyante tayo. Gaya ng dati, hayaan muna natin silang magpakilala sa ating lahat para magkakilalahan tayo."

Agad namang nagsimula ang pagpapakilala ng bawat isang bagong estudyante.

"Ako si Gerhans. Galing ako sa Great Grassland ng malayong silangan."

Pagkarinig niya sa sinabi nito ay lubha siyang nagulat. "Kung saan-saang parte pala talaga ng Yulan Continent galing ang mga estudyante dito. Talagang may nanggaling pa sa Great Grasslands na nasa malayong silangang bahagi ng kontinente."

Sa malaking mapa ng Yulan continent...

Ang Holy Union at ang Dark Alliance ay matatagpuan sa kanluran ng Mountain Range of Magical Beasts. Ang nasa silangan naman ng bulubunduking iyon ay ang Apat na Dambuhalang Imperyo, pero ang nasa pinakasilangan ng mga imperyo ay ang napakalawak na damuhan kung saan mayroong tatlong kaharian. Napakalaki ng distansiya sa pagitan ng Ernst Institute at ng Great Grasslands. Ang isang biyahe papunta ay gugugol na ng tatlong taon!

"Ang pangalan ko ay Linley. Mula ako sa Holy Union." Maging si Linley ay nagpunta sa unahan para magpakilala.

Matapos iyon ay nagsimula ng magmayabang ang earth-style magus na si Wendi tungkol sa kapangyarihan ng earth-style magic. Sa pangalawang oras lang ito nagsimulang magturo ng totoo tungkol sa earth-style magic.

Si Linley at ang grupo ng estudyante ay tahimik lamang na nakikinig. Sa tabi niya ay biglang sumulpot si Doehring Cowart.

"Ang isang ito ay may napakainam na pundasyon. Hindi siya talagang napakalakas, pero pagdating sa pagtuturo ng mga magi ng first rank, hindi naman porket magi ng eighth o ninth rank ay mas magaling sa kaniya." Tumango ang matandang espiritu bago napabuntong-hininga sa pagpuri.

Marami na rin namang alam si Linley tungkol sa earth-style magic kaya naman madali lang sa kaniyang sundan ang sinasabi ng nasa harap.

"Pero Lolo Doehring, kahit pa totoong maganda ang pundasyon niya, hindi naman siya kasinggaling mo sa pagtuturo ng mga malalalim na konsepto gamit ang mga simpleng salita," saad niya.

Taas noong tumawa si Doehring. Habang minamasahe ang sariling balbas ay sinabi nito, "Natural! Ang kaalaman ng isang Saint-level Magus ay higit na mas malalim kaysa sa mga magus ng eighth o ninth rank. Ibang mundo ang sakop ng Saint-level. Siyempre, mas malalim ang turo ko at mas direktahan sa totoong prinsipyo ng mahika."

Pagkapakinig sa klase ay nakabuo na ng desisyon si Linley.

"Magmula ngayon, papasukan ko lang ang earth magic class ng isang beses kada buwan." Hindi na gusto pang mag-aksaya ng oras ni Linley.

Planado nang lahat ni Linley. Araw-araw, lagi siyang naglalaan ng oras para sa pagsasanay ng mahika. Tungkol naman sa kung saan siya nagsasanay... pinili niya ang lokasyon, ang bundok na nasa likuran ng Ernst Institute. Dahil ang lugar ay nasa isang bulubundukin kaya maraming mga bundok ang malapit sa Institute.

Ikaapat ng hapon.

Matamang nakikinig si Linley sa pagtuturo sa klase ng wind-style magic.

"Hello sa inyo." nakangiting sabi ng isang gwapong binata na may dilaw na buhok. "Isa akong estudyante sa sixth grade, Trey. Mula ngayon, ako ang responsable sa pagtuturo sa inyo ng wind-style magic. Nakatira ako sa dorm 0298, kaya kung may mga tanong kayo pagkatapos ng klase ay pwede niyo akong puntahan doon."

Ang mga sixth grade students, dahil sila'y mga magi naman ng sixth grade na pwedeng mag-apply ng graduation anumang oras nila gustuhin, ay may kwalipikasyon na magturo ng mga magi ng first at second ranks.

"Bago ang lahat, tayo muna'y magkakilalanan." Ngumiti si Trey.

Isa itong pangunahing bagay bago magsimula ang klase. Lahat ng estudyante ay nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang sarili.

"Hoy, Linley, napansin mo ba? Ang daming naggagandahang estudyante sa klaseng ito. Tingnan mo. Nginitian ka ng cute na blonde girl na iyon." habang sinasabi iyon ay nagtuturo ng tao si Doehring. "Sa pagkakatanda ko kanina, ang pangalan niya ay Delia. Delia. Kagandang pangalan. Base sa aking 1300 taong karanasan, paglaki ng batang iyan ay tiyak na magiging magandang dilag siya. Linley, ngiti ka sa kaniya at magpakitang gilas. Para paglaki mo, magkakaroon kayo ng relasyon."

Ngayon ay talagang hindi niya pinapansin si Doehring.

Nakatuon ang pansin ni Linley sa wind-style instructor na si Trey at sa mga itinuturo nito.

"Ang mga wind-style magi ang pinakamabibillis at pinakamaliksi sa mundo. Isa pa, tayo lang ang mga magi na pwedeng makalipad kahit hindi pa Saint-level!" Kita sa mga salita at kilos ni Trey ang pagmamahal nito sa wind magic "Gusto niyong sa pamamagitan ng inyong lakas ay makalipad kayo sa kalangitan? Makalipad sa himpapawid at masdan sa ibaba ang hindi mabilang na mga bundok? Napakasaya niyon sa pakiramdam! Gaano kaya karaming tao ang nangangarap niyon?"

Ang mga mata ng mga kabataang nakaupo sa ibaba ay nagsimulang magniningning.

Ang makalipad?

Sinong hindi gugustuhin iyon?

"Ang isang Saint-level magus ay nakakalipad, totoo, pero siguro kaya lang mag-produce ng Ernst Institute ng isa sa bawat dantaon. Pero tayong mga magi ng wind-style ay magagawang lumipad dahil pagtuntong natin ng fifth rank ay magagamit na natin ang 'Floating Technique'." kumpiyansang sabi ni Trey. "Napakabibilis din ng mga magi ng wind-style. Kapag ginamit na natin ang 'Supersonic' technique ay mas bibilis tayo."

"Pero siyempre, mga karaniwang mahika lang iyon. Ang maalamat na forbidden technique na 'Annihilating Tempest' ang pinakamapanirang technique sa lahat. Nandiyan din ang forbidden technique na 'Dimensional Edge' na siyang pinakamalakas na 'one-on-one' attacking spell." Punong-puno ng paghanga ang boses ng tagapagturo.

Marami ngayon sa mga bata ang nanlalaki ang mga mata.

"Hmph, paanong masasabing pinakamapanirang spell ang Annihilating Tempest? Anong panama nun sa aking earth-style 'Heaven Collapses, Earth Shatters' at 'Heavenly Meteor's Descent?" Galit na saad ni Doehring pagkarinig sa sinabi ng nasa harapan.

"Lolo, ano ba yung 'Dimensional Edge' spell na iyon?" tanong ni Linley.

Dahil hindi nabanggit dati ni Doehring ang Dimensional Edge spell, naniwala si Linley na siguro ay ito nga ang pinakamalakas na one-on-one spell.

"Ang spell na iyon? Kaya niyong gayatin ang dimensional walls na naghahati sa bagay mismo. Siyempre malakas ito. Pero bagamat totoong kakaiba ang lakas nito sa one-on-one, pang-one-on-one lang ito. Anong panama nito sa earth-style 'World Protector' spell na kayang makipaglaban ng walang sawa sa kalaban?" Umiiwas si Doehring sa pinag-uusapan.

Pero kita ni Linley.

Malinaw na nagtataglay ng nakakatakot na lakas ang spell na Dimensional Edge. Hindi rin nalalayo na baka hindi lang basta-basta kagaya ng sa sinabi ng lolo niya. Isang one-on-one technique. Kahit ang isang one-on-one technique ay sapat na, kung hindi naman makakaiwas ang kalaban.

"Kung magiging isa akong Dragonblood Warrior tapos kaya ring gumamit ng wind-style magic, kung gayon..." Nayanig ang puso ni Linley.

Pagkatapos niyon ay ipinagpatuloy niya ang pakikinig sa klase. Patuloy siyang naiintriga sa wind-style-magic. Sa apat na elemento ng lupa, tubig, apoy at hangin, ang bawat isa ay naglalaman ng mga misteryong kasing lalim ng dagat. Walang hanggan ang karagatan ng kaalaman. At ngayon, ay nagsisimula na si Linley na languyin ang kalaliman niyon.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...