My Sister

Per Jack_Frost18

223K 3.7K 250

Paano kong mahalin mo ang isang taong alam mong hindi maari? Sinabi na sayong bawal, ipagpapatuloy mo pa b... Més

My Sister
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 27

3.7K 79 2
Per Jack_Frost18

Enjoy Reading...


========================================

 

 

Naandito na kami sa labas ng bahay. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng babaeng mahal ko na naging dahilan ng pagtingin nya sa akin. Alam ko kinakabahan na din sya.

 

"Ready?" tanong ko.

"Yes." sagot nya at tumango.


Binuksan ko ang pinto ng bahay at naunang pumasok. Nakita ko si Mommy at daddy sa sala. Si mommy na nakaupo sa couch at si daddy na nakatayo sa may piano, nakatingin sa labas. Nakahawak sa baso ng alak na kanyang iniinom. Napatingin din ako sa may kusina at nakita kong nakasilip si Janelle kasama si manang.

"Da..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang nagsalita si daddy ng nakatalikod.


"Saan kayo nanggaling na dalawa?" Alam kong galit ang tono ng boses niya kahit na mahina.


"Na... namasyal lang po kami." Sagot ni Sam at biglang bitaw sa kamay ko.


Napatingin ako sa kanya ngunit di din nagtagal dahil sa isang malakas na pagkabasag ng isang baso ang tumama sa pader at naging dahilan ng mabilisang pagtayo ni mommy mula sa sofa.


"Namasyal? Namasyal kayong dalawa?" Kitang kita ko ang galit sa mukha ni daddy ng mga oras na yun. Ang mabilis na paghinga. "Kung namasyal lang kayong dalawa. Ano itong mga larawang ito? Huh?" sigaw nya at sabay hagis ng isang dyaryo sa harap naming dalawa.


Alam kong mangyayari ito, dahil nakakita ako ng isang press nung mga oras na naglilibot kami ni Sam sa Malabo Catanduanes. Ayan nga at may mga larawan na nagyayakapan at naghahalikan kami. Kung saan sobrang saya naming dalawa.

 

Hinawakan ko ang kamay ni Sam. Hindi naman na nya ito hinila at hinawakan din ng sobrang higpit ang kamay ko.

 

"Mahal ko si Samantha." sabi ko ng nakatingin sa ama ko.


"Mahal? Mahal ba ang tawag mo dyan sa ginagawa mo? Ipinapahiya mo na sya sa buong mundo. Lahat ng tao nakakakilala sa inyo." sabi nya ng dinuduro duro kami.


"Wala akong pakialam sa ibang tao. Ang mahalaga sa akin ay ang babaeng mahal ko. Gaya ng sabi mo noon. If you love someone, fight for her."


"Kakalabanin mo ang sarili mong ama para sa babae? Huh! Michael?"

 

"Arthur. Tama na. Makakasama sa iyo ang masyadong magalit." sabi ni mommy at hinawakan ito sa braso. "Michael enough." sabi nya sa akin.


"Anim na taon ang pinalagpas ko ng wala sya sa buhay ko. Anim na taon akong nagdusa dahil wala sa buhay ko ang babaeng pinakmamahal ko. Kung ginusto mong makasama ang babaeng mahal mo dad, gusto ko din makasama ang babaeng mahal ko. Ginawa mo ang lahat para lang sa babaeng mahal mo, gagawin ko din ang lahat para lang sa babaeng mahal ko. Maaaring totoo nga ang kasabihang.. Kung anong PUNO sya ring BUNGA."

 

Nakita kong nagulat ang mukha ng ama ko sa sinabi ko ngunit kasabay din noon ang pagkakagulat ko dahil sa sampal na natanggap ko mula sa ina ni Samantha. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sya sa akin.

 

"Ma.." Napahawak si Samantha sa braso ko ngunit hinila sya ni tita Maria at ibinigay sa mga tauhan ni Daddy.

 

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Michael." sabi ni tita Maria.


"Alam ko po Tita Maria. Mahal na mahal ko ang anak nyo. "

 

Tinalikuran na nya ako bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. Lalapit na sana ako kay Samantha ngunit may biglang humawak sa magkabila kong braso.

 

"Iakyat nyo na si Samantha sa kwarto nya." sabi ni tita Maria ng nasa malapit ng nakaupo na sa sofa.

 

Damn it.. NO.... Pumiglas ako ng naging dahilan ng pagkagulat ng dalawang taong nakahawak sa akin kaya nabitawan nila ako. Mabilis kong naitaas ang kanang kamay ko para suntukin ang nasa kaliwang lalaki at ng hahawakan na ako ng lalaki sa kanan ko ay idinikit ko ang buong katawan ko sa kanya at hinawakan ang ulo nya mula sa kanang balikat ko at hilain. Namilipit ang lalaking yun ng bumagsak sa sahig.

 

Tatakbo na sana ako ulit papunta kay Samantha na ngayon ay umiiyak na ng........ SHIT... may humawak ulit sa braso ko kaya naman napabilis ang ikot ko at sinutok at tinadyakan ko na ito.

 

 

"Michael.... " boses na narinig ko na naging dahilan ng paglingon ko at kasabay noon ay ang malakas na kamaong tumama sa panga ko. Damn.


Nalasahan ko ang dugo sa labi ko ngunit hindi ako nagpatinag at sinuntok din ang taong gumawa noon. May lima pang kalalakihan ang lumapit at pinagtulungan ako. Nagaral din ako ng martial arts noong nasa ibang bansa ako kaya hindi nila ako ganoon kadaling mapapatumba.

 

"Mama... Uncle Arthur please... Tama na... Wag nyo ng saktan si Michael...."

 

Pito laban sa Isa? Nasuntok akong muli sa panga ko at sa tyan ko at kung saan saang parte pa. Hindi ako papayag na matalo na lang ng ganoon kabilis kaya tumatayo pa din ako at lalaban. Isang bagay lang ang naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ko. Iyon ay ang biglang paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko at ang isa ay palapit sa akin at nakita ko pang kuminang ng dahil sa ilaw ang nilagay nya sa kanyang kamao... Four finger...


Tumama yun sa tyan ko na naging dahilan ng pagsuka ko ng dugo. Damn it.. Luging lugi ako eh. Tsk.. Bwesit bwesit..


"Michael... Michael.. Mom.... please.. " Tiningnan ko si Samantha at hinihila na sya paakyat..

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko hindi dahil sa physical na sakit na nararamdaman ko kundi sa emotional na sakit. Hindi na sya pwedeng malayo sa akin. Hindi pwede.. Nang mawala sya sa paningin ko sinubukan kong tumayo. Walang tumulong. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko sina manang Lusing at ang anak nyang nasa may kusina at may mga tao ding nakahawak sa kanila.


Damn it. Wala silang kinalaman dito. Tiningnan ko ang ama ko. Nakatingin pa din sya sa labas ng bahay. Si tita Maria na nakatayo na mula sa sofa at kitang kita ko sa mukha nya na nasasaktan at naawa kahit na nakatagilid ito at hindi ako matingnan.


"Ilayo nyo yan dito. Ayokong makita ang pagmumukha ng isang yan." sabi ng ama ko.


"Arthur. Hindi maaari. Kapag pinalabas mo sya ng bahay ng ganyan ang itsura maraming makakakita. Mas masisira ang pangalan mo. Pwede mo syang ikulong na lang dito sa bahay. Hindi paglalapitin ang dalawang bata. May oras kung lalabas ng kwarto o may kung sino ang magdadala ng pagkain sa kwarto." sabi ni Tita Maria.

Tsk! Pangalan nyo lang ang iniisip nyo.

"Dalhin sa kwarto nya yan at wag nyong hayaang makalabas."

 

 

Pinasok sya kwarto at itinulak sa kama. Damn it. Sobrang sakit ng katawan ko. Sinubukan kong tumayo at pagsusuntukin ang pintuang kanilang isinarado. Nang mapagod naupo sa gilid ng kama. Duguang kamay, duguang mata, duguang bibig. Ang pinakamakit duguang puso. Damn it.


Hindi mo ako maikukulong ng matagal dito ARTHUR HONTEVEROS...

 

 

 


Samantha's POV

 

Kitang kita ko ang galit sa mukha ng ama ni Michael sa amin. Nakita ko din ang masamang tingin ng sarili kong ina sa akin. Alam kong galit sya. Sinabi nyang pagkakatiwalaan nya ako ngunit sinuway ko.

 

Alam kong hindi magiging madali ang mga susunod na mangyayari at wala akong kaide-idea kung ano pa nga ang mangyayari. Isa lang ang alam ko. Si Michael ang gusto kong makasama habang buhay. Si Michael lang.


"Anim na taon ang pinalagpas ko ng wala sya sa buhay ko. Anim na taon akong nagdusa dahil wala sa buhay ko ang babaeng pinakmamahal ko. Kung ginusto mong makasama ang babaeng mahal mo dad, gusto ko din makasama ang babaeng mahal ko. Ginawa mo ang lahat para lang sa babaeng mahal mo, gagawin ko din ang lahat para lang sa babaeng mahal ko. Maaaring totoo nga ang kasabihang.. Kung anong PUNO sya ring BUNGA." sabi ni Michael ng hindi inaalis ang tingin sa ama nya.

"Ma...." sabi ko ng biglang sampalin ni Mama si Michael at paghila sa akin papunta sa mga tauhan ni Uncle Arthur.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Michael." sabi ng mama ko.

 

"Alam ko po tita Maria.. Mahal na mahal ko ang anak nyo."

 

"Iakyat nyo si Samantha sa kwarto nya."

 

Nagpumiglas ako dahil nakita ko ng nakikipagaway na si Michael sa mga tauhan nila. Sobrang higpit ng mga hawak nila kaya ano ang magagawa ko... Kundi ang sumigaw at tawagin ang pangalan nya.

 

"Michael...." Nakita kong nasuntok na sya ng isa sa mga tauhan nila.

 

"Mama.... Uncle Please.... Wag nyo ng saktan si Michael Please......." Hindi nila ako tiningnan nakita ko si mama na napatayo mula sa pagkakaupo nya sa sofa. Nakita kong nasasaktan sya. Nakita kong naawa na din sya. Tiningnan nya ako ng may unting luha sa mata at agad umiwas.


"Ma..... "


"Michael.... Michael......... Ma please.............." damit anong laban ni Michael kung nagiisa lang sya at ang dami nyang kalaban?


Gusto ko syang lapitan ngunit unti unti na akong nahila paakyat. Nakita kong nakahiga na sa sahig ang lalaking pinakamamahal ko. Duguan. Ang maganda nyang mata ay halos mamaga na rin dahil sa suntok na natanggap nya.


Nakita ko pang may kuminang sa kanyang mga mata. He is crying. What should I do? Anong magagawa ko? "Michael.. " mahinang tawag ko.


Bakit nila ginagawa ito sa amin? Ano bang mali sa pagmamahalang meron kami?

 

Napatingin ako sa may kusina at nakita kong nakatingin si Manang at si Janelle sa amin na umiiyak at may mga tauhan ding nakabantay sa kanila.


Bakit nila ginagawa ito? Wag naman sana nilang saktan pati ang mga taong nakapalibot sa amin.

 

 

 

 

Itinulak nila ako sa kama at umalis na. Narinig ko pang nilock mula sa labas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko mapigilang mapahagulhol dahil sa sakit na nararamdaman ko. Maayos lang kaya ang lagay nya? Magkikita pa kaya kaming dalawa? Ano na ang mangyayari sa susunod na mga araw?

 

Michael ko..

 

"Hanggang sa huli Samantha..."

"Hanggang sa huli Michael. Hindi na ako magiging duwag ngayon. Panghahawakan ko ang sinabi mo." bolong ko sa sarili ko.


Kilangan kong gumawa ng paraan. Kilangan ko syang tulungan. Nalala kong nasa bulsa ko ang cellphone ko. Alam kong kukunin nila ito mamaya kung ayaw nilang magkausap pa kami ni Michael. Agad ko itong kinuha at inilagay sa ilalim ng foam ng kama ko at nisilent.

"Lalaban tayo Michael ko."

Michael's POV

 

Nakayuko lang ako dito sa gilid ng kama at iniinda ang sakit na nararamdaman ko ng may biglang nagbukas ng pintuan. Nagangat ako ng tingin at ang mama ni Sam ang nakita ko kasunod si Manang Lusing na may dalang palangana.

Tumayo ako ng dahan dahan at naupong muli sa kama ko. Lumabas si Manang Lusing at isinarado ang pintuan.

"Michael.. Hayaan mong gamutin ko ang mga sugat mo."


"I am fine. Hindi mo na kailangang magpakapagod pa."

 

"Michael... Ina mo na rin ako.. Nagaalala ako sa mga sugat mo."


"Hindi kita ina.. Ina ka ng babaeng mahal ko."

Napasinghap sya. Hindi ko sya tinitingnan. Nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto ko kung saan nakikita ko ang magandang tanawin sa labas.


"Sa tingin mo ba kung paparusahan mo ang sarili mo may magagawa ka para dyan sa pagmamahal mo?" sabi nya at biglang idiniin ang bimpo sa sugat ko sa kamay na naging dahilan ng pagngiwi ko.


Hinayaan ko na lang sya at hindi na sumagot. Pinatanggal nya ang polong puting suot ko na ngayon ay punong puno na ng dugo. Pinunasan nya ang mukha ko ng bimpo na inilublob sa maligamgam na tubig.

Ayoko mang aminin pero nararamdaman ko ang isang ina sa ginagawa nya. Matapos punasan ay nilagyan na nya ito ng gamot at bandaid.

"Alam mo bang nagmahal ako noon?" sabi nya habang ginagamot ako. "Nagmahal ako ngunit bawal. Ayaw ng pamilya. Gusto kong lumaban dahil nga mahal ko sya. Kaya lang sabi nya hindi maari dahil ayaw nga ng pamilya nya. Hindi nya kayang kalabanin ang pamilya nya." napatingin ako dahil sa sinabi nya.

Binigyan nya ako ng isang napakagandang ngiti. Kuhang kuha pala ni Sam ang ngiti nya.

"Hindi ka nya ipinaglaban?" tanong ko.

"Hindi eh. Masakit. Ang taong nagiisang minahal mo ay hindi ka magawang ipaglaban.  Kaya nagpakalayo layo ako. Nakapangasawa at nagkaroon ng magandang anak. Kaya lang ang tadhana.. Ipinaglayo din kami ng anak ko." sabi nya habang nakangiti at may pumatak na munting luha mula sa malulungkot nyang mata.


Nakangiti sya ngunit kitang kita ko ang mga mata nyang malungkot. Malungkot at madilim. Punasan nya man ang munting luhang yun ay naandon pa din ang lungkot na nakikita ko.


"Ang duwag ng lalaking minahal mo." sabi ko na naging dahilan ng pagangat muli ng tingin nya sa akin. Kasabay na mahinang tawa nya.

"Maari.. Maaring Oo at maaring hindi. Kaya ako hanga sa ginawa mong paglaban kanina. Dahil yan ang bagay na hindi nagawa ng taong mahal ko para sa akin." sabi nya ng hindi pa din nawawala ang ngiti sa mukha.

"Mahal mo pa ba sya?" tanong ko.

"Kung gusto mong lumaban. Magpagaling ka. Magisip kang mabuti. Isa kang matalinong bata. Alam kong makakaisip ka ng paraan. Papaakyatin ko si Manang lusing para bigyan ka ng makakain." sagot nya matapos matigilan.

"Si Sam. Sabihin mo sa aking hindi nyo sasaktan si Sam.. Wag nyong sasaktan si Sam please..."

"Hindi ko kayang saktan ang pinakamamahal kong anak Michael." sabi nya at sabay punas sa luhang pumatak sa mata ko. 

Lumabas sya ng kwarto ko at naiwan akong magisa. Gusto nya ba akong lumaban? Gusto nyang ipaglaban ko ang anak nya. Gusto nyang gawin ko ang bagay na hindi ginawa ng taong mahal nya noon.


"Lalaban ako Samantha ko.. Lalaban tayo Princessa ko." bolong ko sa sarili.

=========================================================

A/N

Hello... Tagal ko ba magupdate? Kasi naman yung utak ko eh pabago bago this past few days hehehehe :)


Pero ayan na po. Nakapagupdate na. Salamat po sa pagbabasa.. :) Hindi ko alam kung kilan ulit ako makakapagupdate huh. Salamat ulit sa uulitin.. :)

*** Jack_Frost18

Continua llegint

You'll Also Like

1.6M 40.9K 46
" You're mine, little girl. Mine and mine alone."- Xzekiel Blood Konstantine Posted: December 19, 2019 Finished: April 14, 2020
Game Over Per beeyotch

Literatura romàntica

680K 24.2K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
510K 1.3K 3
‼️SAMPLE CHAPTERS ONLY!! FULL VERSION ON DREAME APP‼️ FORBIDDEN LOVE SERIES #1: My Ninong, My Lover. - Age doesn't matter when it comes to LOVE even...
8 Years Gap Per rylidescent

Novel·la juvenil

83.7K 941 60
How long can you wait for the love you thought impossible? How much effort do they need to be together? --- There are two languages in the story. POV...