Bad Boy meets Good Girl || Vi...

By dawnzpost

130K 2.1K 277

May mga taong darating nalang sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang taong magpaparamdam sayo ng... More

Introduction
Badtrip >_<
Blame ME
The Reason
Vice the Bad Boy
Spider
The Mortal Enemy
Do I like Him? Part 1
Do I like Him? Part 2
Mutual Feelings
Pustahan
Boys & Girls
The Enemy
The First Revenge
The Parents
Welcome to My Family
My Dream
The Stalker
Searching...
Tortured
The decision
The Marriage
The Truth
Ang Pagbabalik
The beginning
Find Them
The Revenge
Face off
It's my turn
The Party
JunJun
ViceRylle
The Plan
The Finale
Bad Boy meets Good Girl (Book 2)
Officially Engaged (Special Chapter)

Slam Book

3.8K 58 2
By dawnzpost

This Chapter is dedicated to Rose Anne Villareal

Vhong: Hi! (Sabay upo sa table kung saan nakaupo sila K)

Anne: Hello boys! (Tsaka naman sila nag-smile dito)

Billy: Pa-join ah!

Coleen: Sure!

Angel: Where's Vice?

Ryan: Nasa dyem!

Angel: dyem?

Billy: Ibig nyang sabihin Gym. Korean kasi tong Ryan na to, kadalasan hirap intindihin ang sinasabi.

Anne: Hahaha nakakatuwa ka naman Ryan. Ano pala ginagawa ni Vice dun?

Vhong: May inaasikaso lang sya, tsaka mini-meeting ibang members sa team.

Billy: Oo nga pala K, pasensya kana sa ginawa ni Vice nung isang araw sayo ha? Kami na humihingi ng paumanhin.

K: Bakit kayo ang nag-sosorry? Hindi naman kayo ang gumawa eh. Yung DK na yun. Ang sama nya talaga, para talaga syang demonyo, walang magawa kundi manira ng buhay.

Billy: Hindi sya masama K.

K: Hindi ba masama ang tawag nyo dun? Walang pakialam. Sana mabura na sya dito sa mundo.

Anne: Stop it couz, alam namin galit ka sa kanya pero wag kang magsasalita naman ng ganyan.

Vhong: K, alam namin pangit ang unang pagkikita nyo, pero lahat ng akala mo kay Vice, mali ka. Hindi sya masama, lalong hindi totoo na wala syang pakialam. Kung makikilala mo ang totoong Vice maiintindihan mo kung bakit sya ganyan.

Angel: Bakit? Ano ba ang totoong Vice? (Ano nga ba ang totoong sya? Bakit kung makapagtanggol sila sa kanya wagas, hello, ako ang biktima dito at hindi sya)

Billy: Totoo! Sasabihin namin sa inyo pero make sure, keep this as a secret! Walang ibang kaibigan ang Team Vice, kayo lang, kaya sana itago nyo to.

Coleen: We keep secrets!

Billy: Okay!

Vhong: Ang totoo hindi talaga ganyan si Vice, yung nakikita nyo, dahil tahimik ang isang Vice.

Ako, Angel, Anne and Coleen: TAHIMIK???? (Hindi ako naniniwalang isang tahimik na tao si... Aaaaah bakit ba hindi ko mabanggit ang name nya?)

Billy: Oo. Umpisahan natin kung paano nabuo ang Team Vice. Sa aming anim Ako si Vhong at Echo lang ang talagang magkakaibigan. Mahilig kami dati makipagpustahan ng basketball, dumayo sa iba't ibang school. Hanggang sa isang araw, inabangan kami ng mga taong nakalaban namin sa court, hindi nila matanggap na natalo sila, kaya naman ang ginawa nila pinagtulungan kaming bugbugin. Wala kaming laban dahil marami sila masyado, hanggang sa dumating si Vice , tinulungan niya kami, hindi namin akalain na kakayanin niya ang mga yun lalo na't mag-isa sya.

Vhong: Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Tapos nalaman namin na sya pala ang anak ng may-ari ng Viceral University, ang nag-iisang anak at taga pagmana ng lahat ng kayaman ng Viceral. Mayaman sya pero never nyang pinaramdam sa amin na mas mataas sya sa amin.

Anne: Paano nakasama si Eruption at Ryan?

Billy: Si Ryan, transferee rin sya tulad nyo, galing sya sa korean school. Nakita namin sya na binubully ng mga estudyante dito, kaya naman tinulungan sya ni Vice at sinama sa grupo namin para di na sya galawin ng mga estudyante.

Ryan: Mabait si Vice, kahit lagi nya ako asar.

Eruption: Ako naman, body guard nya, pero di ko naramdaman na body guard nya ako. Sya pa nga ang nagconvince sa mommy nya na dito nalang ako mag-aral para mabantayan ko sya. Hindi nya ako tinuring na body guard, kasi ang turing nya sakin, kaibigan at parang kapatid.

K: (bakit ganun? Iba nga ba talaga ang pagkakakilala ko sakanya? Bakit lahat sila puro positive ang sinasabi tungkol sa kanya?)

Billy: Kaya naman nung mabuo ang Team Vice, kami ang naging kilabot sa campus! Hindi naman kami masama tulad ng tingin ng ibang tao, nagiging masama lang ang tingin sa amin pag napapa-away kami.

Vhong: Pero hindi kami ang nagsisimula ng gulo ah!

Billy: Kaya naman naging sikat ang grupo namin, naging takot ang lahat ng estudyante pero kasabay nun ang pagiging habulin namin sa lahat.

Vhong: Ang totoo nyan, ngayon lang namin nakita si Vice ng ganyan.

Anne: Paanong ganyan? Nang-aasar?

Vhong: Oo kasi si Ryan lang naman ang mahilig nyang asarin eh.Pero ngayon lang namin nakita si Vice na masaya. Yung sobrang daldal, nakangiti na lagi, tumatawa. Matagal na naming syang kasama pero never pa namin nakita na ganyan sya kasaya.

Billy: Palagi kasi syang malungkot.

Anne: Malungkot?

Billy: Hindi sila magkasundo ng daddy nya, kahit noong nasa amerika pa sila. Lalong nalayo ang loob nila sa isa't isa ng mamatay ang kapatid nya.

Coleen: Namatay? Bakit?

Vhong: Guys! Basta walang magsasabi nito ah? Hindi pwedeng malaman ng kahit na sino ang pinag-usapan natin.

Angel: Oo. Trust us. Hindi namin ibi-break yung trust na binigay nyo sa amin.

Vhong: Okay! Namatay yung kuya nya dahil sa kanya.

Angel, Anne and Coleen: Ha? 0_0 (anong kinalaman nya? Sabi ko na nga ba eh masama talaga sya)

Anne: Anong nangyari?

Vhong: Car accident ( habang kinukwento ni Vhong at Billy ang dahilan kung bakit namatay ang kuya nya, hindi ko maiwasang maawa sa kanya, hindi ko akalain na may nagtatagong kalungkutan at hinanakit sa puso nya. Baka nga tama sila, mali ako sa pagkakakilala ko sa kanya. )

Anne: Until now, hindi parin sila okay ng Dad nya?

Billy: Hindi parin. Tulad parin ng dati.

Anne: Sundin nalang nya sana ang gusto ng daddy nya.

Vhong: Matigas ang ulo ni Vice. Sa kuya nya lang sya nakikinig, at dahil wala na ang kuya nya, ang taong nagtatanggol sa kanya, wala na syang dapat sundin. Kuya nya lang naman kasi ang naniniwala sa kakayahan ni Vice eh.

Angel: Kawawa naman pala si Vice.

Echo: Yan ang wag na wag nyong gagawin, ang kaawaan sya.

Vhong: Tama! Magalit na kayo sa kanya, sabihing masama syang tao o kahit na anong masasakit na salita tatanggapin nya, pero ang kawaan sya, hinding-hindi nya matatanggap yun.

Billy: Ayaw na ayaw nyang kinakaawan sya. Ayaw nyang ipakita sa iba ang ang totoong sya, maski na sa family nya hindi nila kilala kung sino talaga ang totoong sya, pinanindigan nya ang tingin sa kanya ng daddy nya. Ang Vice na matigas ang ulo, walang pakialam sa ibang tao, walang mararating.

Anne: Pero bakit nya kailangang itago sa family nya ang totoong sya?

Billy: Wala naman pakialam ang daddy nya eh, lahat ng ginagawa ni Vice para sa kanya mali lahat. Kaya di namin masisisi si Vice kung bakit isang araw nagsawa narin sya.

Eruption: Pero meron pa kayong hindi alam mga brad. (Napatingin naman kaming lahat kay eruption sa sinabi nya. Pati sila Vhong nagulat din)

Billy: Ano?

Vice: May mga foundation na tinutulungan si Vice. (Foundation? Talaga? Nagugulat ako sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya.)

Anne: Foundation? Ng ano?

Eruption: Nang mga batang ulila, mga batang nasa kalye. Mga batang salat sa pagmamahal ng mga magulang. Mga batang hindi makapag-aral. Akala ng daddy nya, puro sa alak lang nya ginagasta ang mga perang binibigay sa kanya, pero hindi nila alam na sa mga bata at sa home for the aged napupunta ang mga ito.

Anne: Oh My God! Grabe! Hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko.

Billy: Bakit di namin alam yun?

Eruption: Hindi na nya sinabi sa inyo.

Vhong: Akala namin yung mga batang nangangarap maging basketball player lang ang tinutulungan nya, pati pala yung mga taong nasa foundation.

Billy: Bilib na talaga ako sa kanya.

Ryan: Bait naman kasi talaga si Vice.

Vhong: Nandyan nga sya lagi pag napapatrouble tayo eh. Sa kahit anong bagay nandyan sya lagi.

Echo: Si Vice yung tipo ng taong pag kaibigan hindi iniiwanan sa ere. Lahat gagawin nya para sa kaibigan nya.

Vhong: Basta, thanks sa inyo ha? Lalo na sayo K. (Bakit ako? Kasi ako ang dahilan ng pagtawa nya? Masaya kasi sya pag inaasar nya ako. Hays! Sige na nga, pagbibigyan ko na sya, hahayaan ko syang asarin nya ako. Siguro naman titigil din sya pag napagod)

Anne: Thanks din. At least ngayon alam na namin.

Vhong: Basta walang makakaalam nito kahit sino kundi lagot tayong lahat. Lalo na kaming lima.

Angel: Don't worry. Tayo-tayo lang makakaalam.

---

Vice: Miss Sungit! (Sigaw niya mula sa kinaroroonan namin. Hayan na naman sya. Ano na naman ba ang gagawin nya?)

Vice: Hi! Guys!

Anne: Hello Vicey.

Billy: Brad, tapos na?

Vice: Oo, bukas ah! Kita-kits nalang sa gym.

Vhong: Okay!

Vice: Pahiram muna ako sakanya (sabay hila ng kamay ko.)

K: Bitawan mo nga ako. Bakit na naman ba?

Vice: Magbabayad ka ng utang mo sakin ngayon. (Utang? Sya nga itong andaming utang sakin tapos ako tong magbabayad?)

Anne: Vicey, tama na!

Vice: No! Tara na! (Sabay hila nya na sakin paalis.)

Billy: Brad!

Vice: Don't worry ako bahala sa kanya. Pagbabayarin ko lang sya sa utang nya. (Sabi nito habang tuloy parin kami sa paglalakad palayo sa kanila)

Anne: Ano bang utang ang sinasabi nya?

Billy: Hindi ko rin alam. At mukhang walang nakakaalam sa mga pinagsasabi nya.

---

Ano na naman bang ginagawa namin dito? Bakit ba dinala na namn nya ako dito?

K: Ano ba ang ginagawa natin dito? (Tanong ko sa kanya nang bitawan nya ang kamay ko)

Vice: Oh (Sabay hagis sakin ng notebook. Ano naman ang gagawin ko dito? Gagawin assignment nya? Ang kapal talaga ng mukha nya.)

K: Ano to?

Vice: Hindi mo ba alam yang bagay na yan?

K: Syempre alam ko noh! Anong gagawin ko dito?

Vice: Itapon mo. (Seryoso sya? Dinala nya ako dito para ibigay tong notebook na to at uutusan nya akong itapon lang? Nababaliw na ata talaga sya)

K: Seryoso ka?

Vice: Syempre hindi. Gawin mo yan.

K: Bakit ako? Sayo to kaya ikaw ang gumawa.

Vice: May utang ka sakin diba? And as a payment, gagawin mo lahat ng sasabihin ko.

K: At sinong nagsabing susundin Kita? You're not even my boss! My body guard ka diba? Eh di sya ang utusan mo.

Vice: Hindi ko body guard si Eruption. Kaibigan ko sya. (Mukhang tama nga si Eruption, hindi sya tinuturing na body guard)

K: Wait nga lang. Paano pala ako nagka-utang sayo? Sa naaalala ko ikaw ang maraming utang sakin, sa pang-aasar at pangbubwisit mo.

Vice: Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo nung isang araw? (Isang araw? Ano ba ginawa ko? Sya nga tong may ginawang masama sakin eh. Hindi ko parin nakakalimutan yun. Aaaaaah nakakainis talaga sya)

K: Anong ginawa ko?

Vice: Hindi mo lang naman ako ginising. (Oo nga pala. Eh ano naman ngayon? Parang yun lang) At dahil dun kasalanan mo kung bakit di ako nakapag-quiz sa Stat namin. Pasalamat ka binigyan ako ng special quiz.

K: Yun naman pala eh.

Vice: Anong yun naman pala? Diba sabi ko sayo gisingin mo ako? Iniwan mo ako dito mag-isa. Alam mo ba kung anong oras akong nagising? (Wala akong pakialam kung anong oras ka nagising) past 8pm na! (Ano? Ganun sya katagal nakatulog?)

K: Ang OA mo naman.

Vice: OA? Eh kung ikaw kaya ang patulugin ko dito mag-isa ng magdamag. (No way! Takot ako sa dilim noh!)

K: Oo na. Kasalanan ko bang tulog mantika ka.

Vice: Kung ginising mo sana ako eh di sana di ako inabot ng gabi dito. Kaya para mapagbayaran mo yung kasalanan mo na yun gawin mo yan.

K: Ano ba kasi to?

Vice: Bakit di mo subukang buksan kung ano yan? Kasi maski na ako di ko maintindihan yan. (Hay naku! Nakakainis talaga sya. )

K: Wahahahahahahaha

Vice: Anong tinatawa-tawa mo dyan?

K: Wahahahahahahahaha

Vice: Hoy! Pwede ba tumigil ka dyan. Ano bang nakakatawa?

K: Wala lang! (Grabe di ko talaga mapigilang tumawa pagkabukas ko nung notebook)

Vice: Sabihin mo kung nababaliw ka na ha? Dadalhin na kita sa mental hospital. Ayokong makasama ang isang baliw.

K: Bakit ba? Parang tumatawa lang eh!

Vice: Okay lang tumawa pag may dahilan, pero yang tatawa ka ng bigla-bigla, malala na yan.

K: Tseeeeee! Bakit ba kasi meron ka nito? Hindi talaga ako makapaniwala, ang isang tulad mo meron nito?

Vice: Ano ba yan?

K: Sayo galing to hindi mo alam?

Vice: Tatanungin ko ba kung alam ko na? Mag-isip ka nga! (Ang sungit!)

K: Sige, saan galing to?

Vice: Sa mga estudyante. Ano ba yan?

K: Slam book!

Vice: Slam book? Ano yan.

K: Gamit ito ng mga kabataan, halos lahat ng babaeng teenager meron nito, pati mga bakla.

Vice: Kasama ba yan sa subject sa school.

K: Hindi noh.

Vice: Eh bakit meron sila nyan.

K: Uso kasi to, tsaka dito nila nalalaman ang tungkol sa mga crushes nila. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon.

Vice: Dyan sa notebok na yan? Ano ba meron dyan at malalaman nila ang tungkol sa crush nila?

K: Information!

Vice: Information? (Bakit ba ang hilig nya mang-ulit ng sasabihin?) Like what?

K: Like your name.

Vice: Akala ko ba crush nila bakit di nila alam ang name?

K: I mean complete name. Complete information.

Vice: Bakit mo alam yan? Siguro meron ka rin nyan noh?

K: Wala noh! (Pagsisinungaling ko. Ang totoo meron ako, nakatago nga eh. Walang nakakaalam na meron ako nun kahit sila Anne)

Vice: Talaga lang ah! Eh bakit nga alam mo yan? (Nag-aasar na naman sya)

K: Pwede ba! Tapusin na nga natin to.

Vice: Ikaw na bahala dyan, tutal ikaw naman ang may alam nyan eh. Bilisan mo at kukunin nila yan mamaya.

K: Bakit ako?

Vice: Bakit hindi ikaw. Dalian mo na nga.

K: Sayo binigay ito kaya ikaw ang sumagot!

Vice: Hindi ko nga alam nakikinig kaba?

K: Sige ako ang magsusulat pero ikaw ang sumagot.

Vice: Sige-sige, bilisan mo.

K: Okay ito first question. WHAT IS YOUR NAME!

Vice: Anong klaseng tanong yan? Alam na nila name ko diba bakit pa nila tatanungin?

K: Sagutin mo na kasi.

Vice: Vice.

K: Nick-name mo yan eh. Yung real name mo ang ilalagay dito.

Vice: Jose Marie Viceral.

K: Hahaha bakit Marie? Girl lang ang peg?

Vice: May kwento ang name ko kaya wag mo na tanungin.

K: Anong kwento? Dali sabihin mo sakin. (Hindi nya ako sinagot, tinignan nya lang ako ng masakit)

Vice: Next question.

K: WHAT IS YOUR NICK-NAME?

Vice: Akin na nga yan. (Sabay hila ng notebook sakin) Walang kakwenta-kwenta ang mga tanong? Di ko alam kung bakit kayo nawiwili dito.

K: Hindi pa tayo tapos. Akin na nga. (Sabay hila ko mula sa kamay nya) Bakit kasi di mo nalang sagutin.

Vice: Next!

K: Gender (ang sakit ng tingin nya sakin)

Vice: Pwede ba kung obvious naman yang tanong wag mo na akong tanungin? Mukha ba akong babae? (One word lang sinabi ko ang haba ng sagot)

K: Oo na. Birthday.

Vice: Next.

K: Bakit ayaw mong sagutin?

Vice: Tanungin nila sa NSO kung gusto nilang malaman ang birthday ko.

K: Bakit ba ang sungit mo?

Vice: Hindi ako masungit, sadya lang talagang nakakainis yang mga tanong na yan. Tanong ng mga hindi nag-iisip. (Sabihin mo ayaw mo lang talaga malaman ng iba. Ano ba ang meron sa bday mo at di mo masabi)

K: Anong isusulat ko dito?

Vice: Mag-imbento ka. (Gagawin pa akong sinungaling.)

K: Age.

Vice: Bakit ba nila tatanungin kung ilang taon na ako. Ang mahalaga mas matanda ako sa kanila. Next question. Bilisan mo nga.

K: Sa mga favorites tayo. What is your favorite colors?

Vice: Aaaaaaah! Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong na yan. Ano ba? Pang elementary ang mga tanong. Non-sense. Wala.

K: Wala ka naman palang favorite andami mong sinasabi.

Vice: Bilisan mo ah. Malapit naba matapos yan?

K: Wala pa tayo sa kalahati noh. Favorite foods

Vice: Wala. Kinakain ko lahat. Ayoko ko mamili. Maraming mga batang nagugutom. (Ang layo ng explanation nya sa sagot nya)

K: Who is your crush?

Vice: Wala

K: Wala? Pwede ba yun? Lahat ng tao nagkakacrush noh! Kung wala kang crush hindi ka normal.

Vice: Eh sa wala nga eh. Ako ba ikaw? Next!

K: First crush!

Vice: Nakikinig kaba? Wala nga akong crush, first crush pa kaya? Mag-isip ka nga.

K: Hoy! Binabasa ko lang naman ang mga nakalagay dito ah.

Vice: Basahin mo yung matitino hindi yang mga yan.

K: Who is your love?

Vice: Sarili ko! (Mukha nga, mukhang di mo alam magmahal. Wala akong mapapala sa kakatanong sa kanya. Walang sinagot na tama.)

Binilisan ko nalang pagtatanong sa kanya kasi iisa lang naman ang sagot nya. WALA! Hay naku, walang kwenta ang pagbibigay nila ng slam book na to sa kanya.

K: Last part na tayo. Describe yourself.

Vice: Hayan! May matino rin palang tanong eh. Describe myself? Kailangan pa bang sabihin yun? Pero sige pagbibigyan ko sila. (Hays! Ewan ko. Bakit ba kasi ako nandito para samahan ang isang taong walang kwenta)

Vice: Matangkad, gwapo (ang kapal talaga ng mukha nya) Makisig, ma-appeal (Talaga naman, ang taas ng confidence sa sarili) Habulin ng mga babae (kasama ba yun sa description sa sarili nya? Kung makapagdescribe sa sarili nya wagas. Ako ang nagsusulat ng mga sinasabi nya kung tutuusin pwede kong isulat lahat ng description ko sakanya, mga negative attitudes. Lahat basta masasama. Pero bakit di ko magawa. Bakit sumusunod nalang ako sa mga sinasabi nya? )

Vice: Idagdag mo pa pala. HOT! (Hot? Eeeeew! Hot ba sya.)

K: Tama na!

Vice: Anong tama na, madami pa akong sasabihin.

K: Wala ng space. Full na. (Sinabi ko nalang na wala ng space, ayoko na marinig ang kayabangan nya)

Vice: Okay! Tara na! (Sabay hila nya sakin. Bakit ba ang hilig nyang manghila?)

K: Pwede ba wag mo nga akong hilain, kaya kung maglakad mag-isa.

Vice: Wag na baka tumakas ka pa.

K: Makakatakas ba ako sayo?

Vice: Hindi.

----

Student: Hi Vice! (Sila pala ang may-ari ng slam book na to)

Vice: Bakit Vice lang ang tawag mo sakin? Magkasing-edad ba tayo?

Student: Hindi.

Vice: Kuya Vice nalang ang itawag nyo sakin okay?

Student 2: Pero Vice. Hindi pwede. (Hahaha nakakatawa ang mga batang ito)

Vice: Oh! (Sabay bigay ng slam book sa babae)

Student: Wow! Thanks Vice.

Vice: Kuya Vice. (Alam mo yung di nila kayang tawagin syang kuya. Umaasa ba talaga silang isa sa kanila maging girlfriend nya?)

Student 3: Who is she? (Sabay tingin nila sakin lahat. Yung iba hindi mo madrawing ang mukha sa sobrang inis ng makita ako kasama si DK)

Student 2: Is she your girlfriend? (Ano? Of course not! Ito boyfriend ko? No way!)

Vice: Ah oo. (Sabay akbay sakin. Nababaliw na ba sya? ) sige una na kami ha? Marami pa kasi kaming gagawin eh.

Student: But Vice. (Di na nya tinuloy dahil tumalikod na kami paalis sa kanila, at ito sya naakbay parin sakin. Kung alam nyo lang mga itsura ng mga estudyante kanina, kulang nalang talaga lamunin nila ako sa sobrang sakit ng tingin nila sakin. Bakit ba sila nagagalit sakin dapat dito sa DK na to.)

---

K: Bitawan mo nga ako! Ano ba pinagsasabi mo sa kanila? Ako girlfriend mo?

Vice: Bakit ayaw mo?

K: Ayoko!

Vice: Ang arte mo.

K: Pwede mo naman kasi sabihin sa kanila na hindi mo sila type, bakit kailangang sabihin mo pa na girlfriend mo ako.

Vice: Para tumigil na sila.

K: Eh kung syotahin mo na silang lahat para tumigil sila.

Vice: Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Ang babata ng mga yun, sa tingin mo? Panu kong kasuhan ako ng child abuse at makulong ako?

K: Eh di maganda.

Vice: Pag nakulong ako, sisiguraduhin kong kasama ka.

K: Bakit pati ako kasama.

Vice: Bakit hindi, eh ikaw nagsasabi sakin na patulan ang mga yun eh. Sasabihin ko ikaw ang lider. May pakana ng lahat ng to.

K: Hindi sila maniniwala.

Vice: Yan ang akala mo, sa tingin mo sino ang kakampihan ng mga batang yun sa ating dalawa. (Sabagay tama sya, walang akong laban pagdating sa kanya. Nakakainis talaga sya)

K: Ah basta! Hindi mo ako girlfriend pwede ba!

Vice: Wala kana magagawa, kaya sa ayaw at sa gusto mo girlfriend kita pag nasa labas tayo. Naiintindihan mo ako? Sige una na ako sayo ha? BABE? (Sabay pat ng ulo ko. Ano daw sabi nya? Babe? Babe-in mo mukha mo! Grrrrrrr)

Bwisit talaga sya, pagkatapos nya akong kaladkarin sa labas ng campus tapos iiwanan nalang nya ako dito basta-basta. Grrrrrrrr. Makapunta na nga kanila Anne.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 32.5K 58
"W-what did I do to you? W-why are you torturing me L-like this?" -Marzena Perez. She just want to Have a peaceful life, But it Seems that Destiny is...
67.2K 1.2K 67
This Story is Only A FanFic .. Dahil sa Pagkaadik ko sa VICERYLLE nagawa ako ng isang STORY na di ko inakala na magagawa ko.. Enjoy Readinggg!!!! :))
2.4K 123 5
walang nananatili , walang nagtatiyaga lahat umaalis.
18.5K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...