Kuya

By JustPlainlyMe

4.8M 40.5K 8.8K

Puro ka kuya. Lagi ka na lang kuya. More

Kuya
take one (andrew)
take two (andrew)
take three (andrew)
take four (andrew)
take five (andrew)
take six (juniper)
take seven
take nine
take ten
take eleven
take twelve (juniper)
take thirteen
take fourteen
take fifteen
take sixteen
take seventeen
take eighteen
take nineteen
take twenty
Take Twenty One
take twenty two
take twenty three
take twenty four
take twenty five
take twenty six
take twenty seven
take twenty eight
take twenty nine
take thirty (last chapter)
extra
A writer's thank you note.
Announcement!
Facebook Group
ANNOUNCEMENT
tekla and tallnut's comeback

take eight

117K 917 77
By JustPlainlyMe

Habang naguusap-usap kami ng barkada, isa lang ang hypothesis na pumasok ka utak ko. Mangkukulam ka. Aba, mangkukulam ka talaga siguro, nagpapanggap ka lang na mataba at kulot na tao.

Ano ba 'tong mga iniisip ko? Muli kong isinubsob ang mukha sa libro ng Law on Obligations and Contracts, nagbabaka-sakaling pumasok sa utak ko ang laman ng libro kahit hindi ko pa binabasa. Magic ba! May qui pa kami sa terror kong professor mamaya eh.

"Wala akong nakuhang facts, Ser!" sigaw ni Jan at sumaludo na parang isang sundalo. Tumingin lang ako sa librong hawak ko at nagsimulang i-analisa ang pinapabasa ng law professor namin.

"Transferee. Legal Management major. Mayaman," sabad ni Paolo. Lumingon naman ako sa kanila.

"Sa'n galing na school?" kunwaring hindi interesado na tanong ko.

"University of the Philippines daw, yeahboy! Ang talino ano?" sagot naman ni Tall Nut.

"Seryoso kayo?"

"Aba, syempre. Si Tekla my labs so sweet ang nag-research eh. Ilang araw rin siyang nakipagchismisan sa mga musang sa kanto, malaman lang 'yan," tumawa-tawa pa itong si Tall Nut na parang kinikilig. Mukhang aso.

"Eh bakit pa siya nag-transfer kung nasa UP na pala siya?"

"Syempre, obvious naman 'tol. Inalb siya kay Juni. At ibig sabihin lang nu'n, may ka-agaw ka na talaga sa puso ni Julienne Nicole Peralta."

"Kung ten ang perfect score, eight over ten ka lang. Siya, perfect ten.Talo ka Andrew. Kawawa naman ang kaibigan natin," tinapik-tapik ni Paolo ang balikat ko.

"Sa'n ba ko natalo? Sinong nagsabing matatalo ako ng lalakeng clown na 'yun?" tumikhim pa ako at nagtawanan ang grupo.

"Pero seryoso tol, grabe ang puntos nung lalakeng 'yun. Magkababata pa sila. Ibig sabihin, mas may pinagsamahan sila kesa sa'yo," banat naman ni Jan.

"Sa palagay mo, ikaw pipiliin ni Juni kung sa lalakeng 'yun e solb at tiba-tiba na siya? Aba. Hindi tayo nakasisiguradong garantisado 'yang appeal mo, Andrew!" nakangising tanong ni Tall Nut.

"Aba, syempre! Ako pipiliin nu'n. Takot lang n'ya. Anong gusto niyo, ipa-salvage na natin yung lalake?" ngumiti lang ako pero sa totoo lang, hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ko.

"Yan ang spirit! Ayos lang 'yan tol. Idaan mo na lang sa ligo 'yan. Malay natin, mas gusto ni Juniper 'yung lalakeng lamang ng sampung ligo?" minsahe pa ni Jan ang balikat ko na para bang isang miyembro ng gang.

"May tiwala kami sa'yo tol, bring home the corn beef, este the bacon!"

Tumango lang ako kay Paolo at nagbasa ng Law. Hindi ko alam, buti pa sila, may tiwala pa sa'kin. Eh ako, simula ng nahulog ako sa'yo, hindi ko na alam kung may tiwala pa 'ko sa sarili ko.

"Babe, bili tayo nu'n! I wanna taste that!" lumulukso-lukso pa itong si Baby habang hila-hila ang kamay ko. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang magpa-tianod at sumunod sa kanya.

"Nakakasawa 'yan, iba na lang," sagot ko. Kumunot lang ang noo ni Baby at hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng malambot niyang kamay, parang dati lang. Napa-titig ako sa kanya. Ngumiti naman ito ng mataman tulad ng ngiting ipinupukol niya sa'kin nung high school pa kami.

"O sige, ano bang gusto mo Babe? Sige na, sabihin mo, ililibre kita!" pumalakpak pa siya na parang bata.

Tiningnan ko lang siya. Sa ilang taong hindi ko siya nakita at nakasama, maraming nagbago sa kanya. Hindi na siya tulad ng dati na hindi makalabas ng bahay kapag maikli ang suot na short. Ngayon, kahit umabot pa siguro sa pribadong parte ng katawan niya ang damit niya eh kayang-kaya niya nang pumarty-party sa kalsada. Ang dating napakahaba niyang buhok eh maikli na. Hindi na siya mahiyain. Hindi na siya 'yung Manang na madalas pagtripan ng barkada dahil sa mga paguugali niyang masyadong Maria Clara. Ibang-iba na siya. Isa lang naman ang hindi nagbago sa kanya, ang napaka-amo at napaka-ganda niyang mukha.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan, Babe?" itinaas niya pa ang kilay niya tulad ng mga artistang kontrabida sa pelikula. Pero iba 'yung sa kanya, mas bagay kasing tingnan. Hindi maldita, maganda.

"Wala, napansin ko lang na ang dami palang nagbago sa'yo," sambit ko. Ngumisi naman si Baby at kinurot ang pisngi ko.

"Wala namang nagbago ah? Ako pa rin naman si Bebang di'ba? Kahit 'yan ang bansag mo sa'kin nu'n, di ko 'yan kinalimutan!"

"Naalala mo pa pala 'yun?" tumawa na rin ako. Bebang. Napakakasuklam-suklam na pangalan. Napaka-bahong pakinggan. Tanda ko pa nga, nung tinawag ko siyang ganyan, isang linggo niya kong hindi pinansin. Pero hindi niya lang kasi alam na ugali kong tawagin ng mga mabantot na pangalan ang mga taong nakakaangat sa pisikal na katangian. Nababaliw na siguro ako, halos ipalapa na nga ako ng Nanay niya sa alaga nilang bulldog at Chihuaha dahil sa tinawag ko siyang Bebang.

"Nga pala Bebang, kamusta na pala 'yung si Tukmol? 'Yung asong kalye na pina-alagaan ko sa'yo?"

"Si Tukmol? Napag-alaman kong babae pala siya. Nanganak na siya, pinangalan kong Tokie, Lila at Molly. Kaso namatay na si Tukmol sa katandaan," malungkot na turan niya.

"Ang pangit naman ng pinangalan mo sa mga aso mo. Dapat eh Concordia, Procorpia at Teborsya ang pinangalan mo sa kanila," biro ko. Humalakhak naman si Baby. At hindi ko maiwasang maalala 'yung dating kami. Dati kasi, sa tuwing ngingiti siya ng ganyan, ikukulong ko siya sa yakap ko. At wala siyang ibang gagawin kundi yumakap rin pabalik ng sobrang higpit.

"Eto naman oh, ang pangit na nga ng Tukmol, pati ba anak niya, pangit rin ang pangalan? Kawawa naman!"

"Syempre naman. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Kaya kung pangit ang pangalan ni Tukmol, dapat pati anak, damay! Ibigay ang hustisya kay Tukmol!"

"Adik ka pa rin pala, Andrew," sambit niya at hinawakan ang isang kamay ko.

"Hala, sinong adik?" tanong ko pa. Pero nanlaki na lang ang mata ko nung bigla niya akong halikan sa pisngi. Liberated na nga talaga siya. Dati, hirap na hirap pa 'ko kapag humihingi ako ng kiss sa kanya, ngayon, kahit hindi ko hingin, binibigay niya na.

"I missed you." Tumingin lang siya sa'kin. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong tumingin sa kabilang banda. Hindi ko kayang tumingin rin sa kanya.

"Bakit Andrew? Mayroon na bang iba?" hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pilit na hinaharap ako para makita ang mga mata ko.

"Ba't naman napunta dito ang usapan, Bebang? Kakain pa tayo ng meryenda di'ba?"

"I heard that you're head over heels inlove with this girl named Juniper," muling pagbabalik niya sa usapan. Napakamot na lang ako sa ulo, may lahing musang rin pala si Bebang.

"Wala ka nang pakialam du'n. Issue ko 'yun, hindi sa'yo," sagot ko. Pansin ko rin ang mabilis na paglalakad ko, halos makaladkad ko na si Baby dahil sa sobrang tulin ng paglalakad ko.

"Are you still bitter because I left you hanging? Andrew naman. Andito na ako oh, we can bring back the old us. You know what, I still love you," umakto pa itong inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Agad ko namang inilayo ang mukha ko. Loyal ata 'to.

"Ano bang pinagsasasabi mo, Bebang? Past is past. Ayos na 'ko. Wala nang rason para ibalik pa 'yung kung anong meron tayo dati," naglakad na ako at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala akong panahon para mag-throwback. Lunes pa lang ngayon, sa huwebes pa pwede.

"Alam mo ba? Nasasaktan ako pag nakikita kong tinitingnan mo siya. Kasi alam ko, dapat sa'kin ka nakatingin eh. Ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako ang nauna di'ba? If I haven't fucked things up, I could still be your girl. Andrew, pwede naman nating ibalik ang dati di'ba? Mahal mo pa naman ako, di'ba?" hinila niya ang kamay ko. Dinig na dinig ko ang panginginig ng boses niya, senyales na umiiyak na siya.

Bakit dati, hindi naman siya umiyak nang umalis siya? Bakit hahabol-habol pa ba siya? Kung kelan okay na ang lahat, saka naman siya eekstra? Okay na 'ko eh. Ilang taon rin akong naging parang tanga sa paghihintay sa pagbabalik niya, at ngayong nagising na ako, bakit bumalik pa siya? Andito na si Juniper, hindi ko na kailangan ang tulad niya.

"Tumigil ka na Bebang. Bumalik ka na lang sa States, mas magiging masaya ka du'n!"

"How sure are you that Juniper loves you too? Bakit? Naging kayo na ba? Di'ba, hahabol-habol ka lang naman sa kanya. Pareho lang naman tayo eh. Sakin ka na lang ulit."

"Ewan ko sa'yo," sagot ko. Totoo naman ang sinabi niya. Para akong asong habol ng habol kay Juniper. Pero ginusto ko 'to eh.

"Ako na lang, please. Andrew, ako na lang ang tingnan mo. Ako na lang ulit ang mahalin mo," lumuhod siya. Agad ko naman siyang hinila.

"Ano bang problema? Bakit hindi mo maintindihan ang salitang awat na?"

"Isa lang naman ang hindi ko maintindihan, Andrew eh. Bakit hinahabol-habol mo pa 'yung kulot na Juniper na 'yun. Lagi kang nage-effort sa kanya. Samantalang andito naman ako. Handa akong ibigay kung ano ang kaya niyang ibigay. Mabalik lang tayo sa dati."

"Alam mo ba 'yung elephant style na pantalon na sumikat noon?"

"Bakit naman napunta d'yan ang usapan natin?"

"Lipas na 'yun. Laos na. Skinny jeans na ang uso ngayon. Para lang 'yan 'yung tayo dati. Lipas na. Hindi na uso. Kapag pinilit mo pang isuot ang elephant style na pantalon sa panahon ngayon, pagtatawanan ka lang. Linipasan na ng panahon 'yung tungkol sa'tin, Bebang. Wala na, wala nang pag-asa. Magmumukha na lang tayong nakakatawa."

Lalong lumakas ang palahaw ni Bebang. Nagtitinginan na rin ang mga usiserong tao sa paligid.

"Tumayo ka d'yan. Ikaw ang nang-iwan kaya wag kang iiyak-iyak d'yan!"

Agad naman siyang sumunod. Tumayo siya at pinunasan ang mga kumawalang luha sa pisngi niya.

"I just want to bring everything back, Andrew. I want 'us' to be back," lumuluhang sagot niya.

"Wala nang ibabalik, Bebang. Simula nang pinili mong iwan ako, awtomatikong nawala na rin kung ano ang meron tayo."

"We can st--"

"Tama na. Iuuwi na kita," hinawakan ko ang braso niya. Ngumiti lang siya ng mapait at inalis ang pagkakahigit ko sa kanya.

"No, Andrew. You will come back to me. You will," humalik siya sa pisngi ko at dali-daling sumakay sa taxi na napadaan.

Napabuntong-hininga na lang ako. Nagbago na talaga siya, pati katigasan ng ulo niya, nagbago na. Kung itong isa, halos ipagsiksikan na sa'kin ang sarili niya, eh ikaw kaya Juniper? Ikaw ba? Kaya mo kayang ipagsiksikan rin sakin ang sarili mo? Kaya mo rin bang mahalin ako tulad ni Bebang.

Napapagod na akong magisip. Hindi ko na alam. Para na akong shunga kakaisip sa mga maaaring pwedeng mangyari at pwedeng matapos.

Isa lang ang sigurado ako, mahal kita. At dahil sa pagmamahal na 'yan, handa akong magpaka-hirap at magpaka-tanga.

Pero... ang tanong ko, hanggang kailan ba?

---

Author's Note: Every thursday talaga ang update ko. Pasensya sa mga di ko narereplyan. Dumadaan lang talaga ako pag magu-update. Sorry

Sa mga nagpopost po ng link nila sa comment box ko, wag niyo na sanang ulitin. Respeto naman po. I-message niyo na lang ako. Wag yung ipopost nyo sa comment box ko pa.

Sorry kung maarte ako </3

Lovelovelove,

Sharmaine

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 138K 50
Si Avery Lefevre ay isang simpleng babae na may simpleng buhay. Siya ay natutulog, kumakain, pumapasok sa eskwelahan kahit sa labag sa kalooban, guma...
6.9M 99.3K 92
Former The Gangster's Slave (Highest rank: #2 in Humor. ) Currently Revising Fake relationship in exchange of paying all of your debts and the hospit...
862K 29.2K 63
Meet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya, kontento na siya sa atensyon at pagmamah...
52.6K 449 54
All of the story that I had included here are the stories that I have read and are best for me. Note that its all just based on my opinion...