I Kissed The Playboy..

By my_love_letter

706K 21.8K 1.2K

Mapa-ibig kaya ng isang Playboy ang isang Cold-hearted girl? Let's see. -- My_love_letter (MLL) More

I kissed the playboy...
IKTP - 1
IKTP - 2
IKTP - 3
IKTP - 4
IKTP - 5
IKTP - 6
IKTP - 7
IKTP - 8
IKTP - 9
IKTP - 10
IKTP - 11
IKTP - 12
IKTP - 13
IKTP - 14
IKTP - 15
IKTP - 16
IKTP - 17
IKTP - 18
IKTP - 19
IKTP - 20
IKTP - 21
IKTP - 22
IKTP - 23
IKTP - 24
IKTP - 25
IKTP - 26
IKTP - 27
IKTP - 28
IKTP - 29
IKTP - 3O
IKTP - 31
IKTP - 32
IKTP - 33
IKTP - 34
IKTP - 35
IKTP - 37
IKTP - 38
IKTP - 39
IKTP - 40
IKTP - 41
EPILOGUE

IKTP - 36

11.8K 431 28
By my_love_letter

Katatapos ko lang mag shower. Kalalabas ko lang ng bathroom ko sakto naman na nag ring ang cellphone ko mula sa side table ko.

Lumapit ako do'n at kinuha ito. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at ang nakita ko ay si Scott. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya. Sabi niya kasi tatawag daw siya agad pagkauwi niya pero ngayong gabi lang siya tumawag.

"Hello?"

"Sweetie," Parang ang lungkot ang boses niya.

"Are you okay?"

"No. Can i see you?"

"Ngayon na?"

"Yah."

Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 9pm na.

"Where?"

"Susunduin kita."

"Okay, i'll wait." He ended the call.

Ayos lang kaya siya? Bakit parang may problema siya? Siguro kaya siya makikipagkita para sabihin 'yon.

Well since aalis ako kailangan kong mag paalam sa mga magulang ko.

Nag bihis na muna ako at nag punas ng buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto at kumatok sa kwarto nila Mama na nandito lang din sa second floor.

Ilang sandali lang pinag buksan ako ni Mama.

"Ma, lalabas po ako. Susunduin ako ni Scott pero babalik din kami agad."

"Saan kayo pupunta?"

"Hindi niya sinabi e. Mukhang kailangan niya lang ng kausap ngayon."

"Gano'n ba, sige."

Bumalik na agad ako sa kwarto ko after akong payagan ni Mama. Habang wala pa si Scott, i decided na i-blower na lang muna ang buhok ko.

After kong mapatuyo ang buhok ko, kinuha ko ulit ang cellphone ko para tawagan si Scott kung nasaan na siya. Dalawang ring lang sinagot na din naman agad niya.

"Sweetie, nasaan ka na?" Tanong ko.

"Malapit na 'ko, sweetie."

"Okay! Hihintayin na lang kita sa labas nh bahay. Nakapagpaalam na din naman ako kela Mama e."

"Okay." Matipid niyang sagot. Pinatay ko na 'yong tawag tsaka ako kumuha ng jacket sa closet ko. Lumabas ako ng kwarto na ang bitbit ko lang ay ang cellphone ko.

Pag labas ko naman ng bahay, kinse minutos din ata ang hinintay ko bago dumating si Scott. Hindi ko na hinintay na bumaba siya sa kotse. Sumakay na agad ako sa passenger seat tsaka ako tumingin sa kanya.

"Ayos ka lang?" I asked.

"Ayos na ngayon dahil nakita kita." Niyakap niya ako. "Gusto mong mamasyal kahit late na?" Tanong niya habang nakayakap sa'kin.

"Yeah, sure. Nakapag paalam naman na ako e." Pagpayag ko.

Bumitaw na ulit siya sa pagkakayakap niya sa'kin at pilit na ngumiti. "Okay!"

Sinimulan niya ang mag maneho. I wonder kung saan kami ma-mamasyal ng ganitong oras. At bakit niya biglang na isip na magyaya ng ganitong oras?

Wait! 'Di kaya may pina-plano 'tong boyfriend ko? Like, ibibigay na niya ang first kiss namin as couple. Hmm.

Ayoko ding masyadong mag assume.

Nakarating kami ni Scott sa Club kung saan unang nag tama ang mga labi namin. Kung saan ko siya unang hinalikan.

"Magiinum ba tayo?" Pagtataka ko. Aware naman siguro siyang hindi ako umiinum.

"Ako lang, Sweetie."

"Bakit ka iinum?"

"Mag ce-celebrate lang tayo dahil pumayag ka ng maging tayo."

"I see."

Sabay na lang kaming bumaba sa kotse niya. Hinintay ko siyang makalapit sa'kin bago kami tuluyang nag lakad papasok ng Club. Naka akbay lang siya sa'kin habang nag lalakad kami papasok.

Dumiretso kami ni Scott sa bar station tsaka kami magkatabing umupo.

"Beer nga pre!" Order niya sa Bartender.

"Talaga bang gusto mong mag celebrate tayo o mag inum?"

"Honestly gusto lang kitang kasama habang umiinum ako."

"May problema ba? Kaya gusto mong umimum?"

"I'll tell you later, sweetie."

"Bakit mamaya pa?"

Binigay na ng Barteder ang order ni Scott sa kanya. Hindi rin naman siya nag aksaya ng oras na inumin ito. Halos makalahati niya 'yong beer sa isang inum lang.

"Kuya beer din!" Order ko sa Bartender.

Biglang na ibaling ni Scott ang tingin sa'kin. "Iinum ka?" Gulat niyang tanong.

"Oo! Ayaw ko namang panuorin ka lang na uminum. Kapag na lasing ako, ikaw na bahalang magpaliwanag sa magulang ko."

Ang totoo wala akong planong mag pakalasing. Isang beer lang ang plano ko. Mag ba-baka sakali lang ako baka mapigilan ko siyang uminum ng sobra kapag sinabi ko 'yon.

Inabot ng Bartender ang order ko kaya ininum ko agad ito pero kunti lang. Gano'n din naman ang ginawa ni Scott sa beer niya hanggang da maubos niya 'to tsaka siya muling umorder ng dalawang beer.

Ininum niya 'to ng ininum hanggang maubos niya pareho. Mukhang plano talaga niyang magpakalasing. Samantalang ako, halos hindi ko na maubos 'tong beer na iniinum ko. 'Di ko kasi gusto ang lasa.

Nag patuloy lang siya sa paginum habang ako naman ay pinapanuod lang siya. Nagtataka na talaga ako kung bakit siya nag papakalasing. Wala naman siyang sinasabi basta puro lang siya inum hanggang sa malasing siya.

"Scott, hindi ka pa rin ba tapos uminum?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot basta uminum lang siya ulit.

Inahaw ko sa kanya 'yong beer niyang hawak. "Tama na 'yan, umuwi na tayo!"

Kinuha ko 'yong wallet niya sa bulsa niya para bayaran ang ininum namin. Wala naman kasi akong dalang pera kaya kinuha ko na wallet niya. Pag buklat ko ng wallet picture naming mag ka-lapat ang labi ang bumungad sa'kin. Ito 'yong kinuhanan niya noong birthday ko do'n sa terrace sa Mansion nila.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya at 'di maiwasang mapangiti. Lokong 'to, kailan niya pa kaya 'to pinadevelop?

After kong mabayaran ang ininum namin. Inalalayan ko naman si Scott sa paglalakad niya, medyo mahirap nga lang dahil hindi siya diretso makalakad ng maayos.

"Sweetie," He murmured.

"Just walk Sweetie." I told him.

Diniretso ko siya sa kotse niya at isinakay sa passenger seat. Ako ang mag da-drive dahil obviously hindi niya kayang mag maneho sa lagay niyang 'to.

"Sweetie," He murmured again.

Sinarado ko na 'yong pinto sa passenger seat tsaka ako sumakay sa driver's seat.

"Sweetie,"

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Ayokong iwan ka."

"Ano?" Kunot noo kong tanong. Ano ba'ng sinasabi nito?

"Ayaw kong umalis."

"Umalis? Bakit saan ka pupunta?"

"Sweetie," Haay! Useless 'to hindi ko siya makakausap ng ganitong lasing siya.

Ano ba kasi ang tungkol sa pagalis? Aalis siya? Saan ba siya pupunta? 'Yan ba ang dahilan kung bakit siya umiinum?

Haay! Pagiisipin pa niya ako. Bakit ba kasi ngayon niya lang binanggit ngayong lasing na siya.

Ini-start ko na lang ang makina ng kotse at sinimulan ko ang mag maneho papunta sa Mansion niya.

Habang na sa kalagitnaan ng byahe, hindi mawala sa isip ko 'yong mga sinabi ni Scott. Hindi ko rin maiwasang kumabog sa kaba at negativity na na iisip ko. What if 'yong tinutukoy niyang pag alis ay pagpunta ng ibang bansa? Shit! Ayaw kong makaramdam ng gano'ng pagiwan ulit.

I shake my head. No! Sana mali ako ng iniisip. Sana nga!

Nakarating kami sa Mansion nila. Bumusina lang ako at may nag bukas naman ng gate para sa'min.

Pag park ko ng kotse at pagpatay ng makina, bumaba naman agad ako tsaka naman ako may nakita na babae sa pinto papasok ng Mansion at tingin ko 'yon ang Mama ni Scott.

Nag bow ako sa kanya.

"Magandang gabi po. Hinatid ko lang po si Scott dahil lasing."

"Ikaw ba si Koko?" Tanong niya habang nag lalakad papalapit sa'kin.

"Yes Ma'am, ako nga po 'yon." I formally said.

She smiles, nicely. "Don't call me Ma'am. Call me Tita."

"Okay po, Tita."

Tumingin siya sa direksyon ng kotse. "Sobrang lasing ba si Scott?"

"Opo." Inabot ko sa kanya 'yong susi ng kotse. "Heto po 'yong susi ng kotse, hinatid ko lang po si Scott. Uuwi na din po ako."

"Ang mabuti pa hija, dito ka na mag stay. Gabi na at siguradong magagalit si Scott kapag hinayaan kitang umuwi ng ganitong oras. Tawagan mo na lang ang parents mo para mag paalam."

"Uhm... Uh... S-sige po." I hestantly agreed.

--

Keep voting.

Continue Reading

You'll Also Like

92.3K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...