His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[17] Kundi

4.5K 228 5
By Yaoistorywriter

K E N

"Ken, I'm telling you na kahit gaano pa karaming tao ang manghusga at mang-down sa'yo, you have to remember that you have your own world. Your own dimension. At ang nasa loob ng mundo mong iyon ay ang mga taong mahahalaga sa'yo. No toxic people, no negativity. Pure truth." Sabi ni Paul.

Katabi ko siya ngayon dito sa mga benches. Nandito kami ngayon sa kabilang part. 'Yung kakaunti ang tao. Lumayo kami sa cafeteria.

Nai-kwento ko na kay Paul ang nangyari. Sabi nya, sayang daw at hindi nya nakita yung eskandalo. Hindi ko alam kung nagpapatawa sya o ano. Pero ok na sigurong hindi nya nakita. Baka maturn-off sya sa akin.

I looked at him. Ang konti pa lang ng time na nagsasama kami, nagkaka-interes na kaagad ako sa kanya. I don't know. Baka kababawan lang 'to. Sana oo.

Ewan ko ba. Simula noong pumunta kami sa baybay, parang gusto ko na lagi siyang kasama. Kada mapapadaan ako sa benches, hinahanap ko palagi siya. Sobrang naku-curious ako sa kanya. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos.

Paul may not be the most handsome, appealing, the hottest, nor the coolest person I have encountered, but he's the warmest. Tamang timpla lang. Tamang timpla lang ng mga lahok na gusto ko. Ewan ko ba, nalilito na rin ako.

I don't know.

Pero may na-realize ako. Na-realize ko na, yes, somehow may puwang pa rin ang puso ko para sa bagay na hindi ko napagtuunan ng pansin dati -- ang mahulog at muling magmahal. Kung dati, pinangunahan ako ng takot, ng anxiety, ngayon parang ayoko nang maulit pa 'yon.

Ang dami na kasing nangyari. Ang dami kong naranasan. At isa sa mga pinakamahalagang aral na natutunan ko ay ang lumaban. Natutuhan kong depensahan ang sarili ko mula sa mga nakakalasong tao sa paligid. At ang huli, ang may mapanindigan.

Hindi ko na kokontrolin ang puso ko. Hindi ko piligilan ang nararamdaman ko. Hahayaan ko itong magkusang mahulog at ma-attach sa mga tao hanggang sa ito na rin mismo ang sumuko at magtapat ng tunay nitong nararamdaman.

"Ken, may tanong ako." Paul said.

Nilingon ko sya.

"Anything." Sabi ko.

Nilunok nya muna kinakain nya at saka sya muling nagsalita.

"Sinong *ehem* crush mo?" Tanong nya.

Napatingin ako sa kanya. Really? Coming from him? Sobrang unexpected! Haha. Akala ko academic inclined ang itatanong nya. Walanjo mo, tungkol sa crush! Binata na si Paul.

At isa pa, na-awkwardan ako bigla kasi siya 'yung crush ko! Enebe.

"W-wala. Wala akong crush sa kahit na sino." Sabi ko sa kanya.

Tiningnan nya ako ng nakakaloko. Hindi siya convinced sa sagot ko.

"Talaga ba, Ken? Hindi ako naniniwala." Sabi nya.

"Alam mo Paul, kung meron man, sasabihin ko sa'yo. Promise." Sabi ko na lang sa kanya. Tiningnan nya pa rin ako nang nakakaloko.

Ano ba naman 'yan, Paul! Wag ka namang ganyan. Wag mo nang guluhin pa ang mapurol kong isipan. Kaka-encounter ko lang ng mga toxic na tao kanina at na-anxious na ako ng bongga. Tapos ngayon ikaw naman?

Baka mamaya mapaamin pa ako ng hindi oras. Hay nako.

"Alam kong nagsisinungaling ka. Sigurado ako na meron." Sabi nya.

Nginitian ko sya. "Ok, fine. Meron."

Ngumiti rin sya, "See? Sabi na eh. Hulaan ko kung sino 'yang crush mo."

"Sino?"

"Ako. Haha!" Sabi nya at tumawa sya.

Napatingin ako sa kanya. Ang ganda ng tawa nya. Ang pamilyar din ng ngiti nya. Ewan ko ba.

Oo Paul, tama ka. Ikaw crush ko. Ano, happy ka na?

Teka, magiging happy ka kaya kung malalaman mong ikaw talaga ang crush ko? Sa dami ng masasamang bagay na narinig ko tungkol sa akin -- I think hindi imposibleng iwasan mo ako.

"Mali ka, Paul. Babae crush ko. Haha!" Sabi ko at tumawa rin ako.

Napatigil sya sa pagtawa at tiningnan ako ng may halong pagtataka, "Sus, Ken. Wag ako lokohin mo! Kakasabi mo lang sa akin kanina!"

"Kanina? Anong sinabi ko kanina?"

"Na...na... Na bata pa nanay mo." Sabi nya.

Ako naman ngayon ang napakunot ang noo.

Yes, Paul isn't the most handsome and appealing, the coolest and hottest guy I have encountered 'cause he's the WEIRDEST. Para syang naka-drugs na something. Ang gross isipin pero ewan! Hay nako! Pero bakit ganito? Hindi ako nat-turn off?

Umiling-iling siya. "Wala. Wala wala. Joke lang 'yun. Tapusin na nga natin 'tong pagkain natin." Sabi nya at nagmadali na siyang tapusin ang pagkain niya. Ganun din ang ginawa ko. Hindi ko na lang masyadong inisip 'yung sinabi nyang nakakaloka.

Pagkatapos naming kumain, ibinalik na muna niya ang tray na pinagkainan namin bago kami pumasok sa susunod na subject.

Before we parted ways, hindi pa man ako masyadong nakakalayo sa kanya ay tinawag nya ako bigla.

"Ken!" Tawag nya at nilingon ko naman sya.

He just gave me a beam. A warm, and sincere beam. Then he waved goodbye.

Nginitian ko na lang rin sya at nag-wave rin ako. At pumunta na nga ako sa aking susunod na klase.

~*~

"Good afternoon, I am Eric Tan, the Central Student Council president and I'm here to announce na magkakaroon tayo ng one-week event. The annual celebration of this university's founding day. These past past years diba stick tayo sa isang araw na celebration? This time, since golden anniversary ito, one week ang ating celebration. May mga activities tayo starting tomorrow at kailangan nyong mag-participate doon. Pinaghirapan kasi 'yun ng faculty ang CSC, except dun sa ISA DIYAN na CSC VICE PRESIDENT na hindi umaattend ng meeting!" Biglang parining nung president.

Ok. I am triggered. Ako kasi 'yung pinariringgan nya.

Tiningnan nya ako. Nginitian ko lang sya. Oks lang, close naman kami nyan haha.

"Hoy Mojica, may meeting mamaya kasama mga presidente ng club! We need to rush this kasi may party sa friday!" Sabi nya.

I gave him a peace sign, "Ok ok, got it!" Sabi ko.

Naghiyawan ang mga ulol kong kaklase from nursing and BSHM dahil sa narinig nilang party. Kung sila natutuwa, pwes ako hindi.

Hindi ko namalayan na uwian na pala. Last minor subject na kasi. Iniligpit ko na ang gamit ko at napatingin ako sa sulok na part ng classroom.

Nandoon si Vincent. Ewan ko ba. Hindi ko na alam kung ano na bang estado ng pago-audit nya ng class. Alam ko sa PE lang sya nago-audit. Pati pala sa UTS.

I somehow wanna thank him. Kung hindi dahil sa kanya, ang lungkot lungkot pa rin ng araw ko hanggang ngayon. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil dinala nya ako sa peryahan. Pinakain pa nya ako. Bukod pa doon ay inilayo na nya ako dun sa tatlong babaeng bully bago pa nila ako masaktan. Ang perfect ng timing nya.

Pero hindi na ako nagbalak na gisingin sya. Sarap ng tulog nya eh. Baka mamaya bugbugin pako nyan.

Lumabas na ako ng room at dumiretso sa CSC Faculty. Pagkarating ko doon ay sinalubong ako nung auditor naming manyak.

"Hi Ms. Beautiful," sabi nito at hinipuan ako sa pwet. Hinampas ko ng malakas ang mukha nya gamit ang dala kong libro na Advanced Algebra. Ang kapal pa mandin nito.

"Aray ko! 'To naman parang hindi sanay!" Sabi nya.

"Eh gago ka eh. Hindi ka na nakakatuwa." Sabi ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa meeting room. Nandito na rin ang mga presidente ng bawat club.

At nag-umpisa na nga ang meeting. Suggest dito, suggest doon. May muntikan pang magdebate.

Sige guys! Ilaban nyo 'yan. Tahimik lang kasi ako dito at uma-agree na lang sa sinasabi ng presidente namin. Haha. Tamang tango lang.

Natapos ang meeting at nabuo ang isang event plan.

So bale ganito. Ngayong araw talaga ang umpisa dapat. Pero dahil iginugol na ang araw na ito para sa evangelical mass kanina na ginanap sa Saint Francis Hall, bukas pa ang magiging grand opening. Opening rin ng booths. Nag-base kami sa default program na ginagawa dati. Umasa na kasi sa amin ang mga dean ngayon. Ang kaibahan lang ay magkakaroon ngayon ng mini rides na parang kagaya rin nung sa peryahan dahil nga isang linggong event ito. Mabuti na lang at kaakibat namin ang ibang professors at technical sa paghahanda.

"Ken, ikaw sa documentation. Eto camera," at binigay sa akin ni Hiro ang isang DSLR camera.

"Got it. Pwede nang umuwi?" Tanong ko.

"Umuwi ka na. Basta 'yung mga pinapadala ko sa'yo bukas ha! Agahan mo pasok mo!" Sabi niya.

"Oo na! Thanks!" Sagot ko at lumabas na ako ng CSC faculty.

~*~

Fast forward, nandito na ako ngayon sa SFH. Tamang picture lang ng mga nagde-decor ng stage at gumagawa ng mga booths. Wala akong planong tumulong na gawin ang booth namin, haha. Bakit pa ba ako naging vice president ng CSC? Eh hindi naman ako responsableng mag-aaral, haha. Charot. Dami ko na rin kayang naiambag, bukod sa AKO PALAGI ANG GUMAGAWA NG REPORT. Lalo ngayon at ako sa documentation.

Syempre sasabihin ng mga 'yan, "Since ikaw naman sa documentation, ikaw na lang din gumawa ng report. Tulong na lang kami."

At ang ending? Waley. Ako rin lahat.

Lumapit pa ako sa stage. Ganda, actually. Puro gold. Pure gold. Haha.

Pipicturan ko sana ng malapitan ng bigla namang may lumapit sa aking isang junior high na babae.

"Kuya may nagpapabigay." Sabi nito at may iniabot sa aking isang pink rose na may note.

"Sa akin? Kanino galing?" Tanong ko.

Ngumiti lang yung babae at umalis na. Nice talking.

Inamoy ko muna 'yung rose. Very natural. Parang kakapitas pa lang. Binasa ko naman 'yung note, and automatically, napangiti na lang ako.

Kanino kaya galing 'to? Hindi kaya...I gasped, kay Paul?

Napangiti ako. Well, sana sa kanya. Sya lang naman ang may possibility na magbigay sa akin nito. Ang tanong bakit?

At...siya nga ba talaga? Teka, para sa akin ba talaga 'to? Baka mamaya may nant-trip lang sa akin? I felt overwhelmed and curious at the same time.

Pero ok na 'to. At least napangiti ako. Napansin ko rin na parang nabanat ang mga labi ko. Kanina pa kasi ako nakabusangot. Ka-haggard kaya, duh!

Inilagay ko na sa bag itong rose at note.

Maya-maya naman ay bigla na namang may lumapit sa akin.

"Hey you!" Tawag nito.

Oh, si Paul!

Nginitian ko siya.

"Hi!" Sabi ko.

May iniabot siya sa aking burger.

"Ano 'to?" I asked him.

"Burger. 'Di ba obvious?" Sabi nya.

Pinanliitan ko sya ng mata. He smiled.

"Haha. Para kasing pagod ka na eh. Take a break, kainin mo yang burger. Para magka-energy ka naman," sabi nya.

Nginitian ko lang sya. "Salamat. Ok lang naman ako eh. Pati dun sa rose, salamat." Sabi ko.

Kumunot ang noo nya, "Rose?"

I nodded. "Oo. Hindi ba galing sa'yo ang rose na 'yun?" Tanong ko sa kanya.

Umiling sya. "Kung bibigyan man kita ng rose, ibibigay ko sayo yun ng personal. Ok? Sige una na ako. May klase pa ako." Sabi nya at umalis na sya.

Wait wait. So kanino galing 'yung rose?

Tinawag ko si Paul, "Paul!"

Lumingon sya. "Yep?"

"Aattend ka ng party sa friday?" I asked him.

"Party? Di ko sure. Baka."

"Umattend ka. I have something to tell you."

~*~

V I N C EN T

"Ok. Sige, aattend ako." Sabi ko sa kanya at nginitian ko sya. He smiled back in response.

At tuluyan na akong umalis.

You're right, Ken. Hindi kay Paul galing ang rosas na 'yon.

Kundi kay Vincent Saavedra.

---

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
746K 24.2K 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging mal...
547K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...