Nights Of Pleasure

By adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 4

882 68 6
By adeyyyow

Ako? Mai-inlove sa kaniya? Kay Calvin? Posible kung wala akong pinagdaraanan. Pwede sana kung hindi lang ulit ako takot na magtiwala at masaktan.

So I must say, never.

Huwag na niyang hangarin pa kasi siya lang din naman ang masasaktan bandang huli. Nangako ako sa sarili ko; ako muna, bubuuin ko muna ang nagkapira-pirasong puso ko. Kung magmamahal man ulit ako, baka sa next life ko na iyon.

Napabuntong hininga ako bago bumaba sa pagkakaangkas sa likuran ni Calvin. Ako ang may buhat ng mga plastic bag dahil siya ang nag-drive, kaya nauna na rin akong pumanhik sa loob ng munisipyo.

Malapit nang mag-alas sais, sobra na iyong oras mula sa tamang out ko sa trabaho. Kaya naman matapos kong ibigay kay Ma'am Darlene ang mga plastic bag, sukli at resibo ay deretso na akong nagpaalam.

Kinuha ko lang ang bag at cardigan ko na naroon sa lobby, kapagkuwan ay lumabas din. Hindi na ako nagulat nang makita si Calvin na nananatiling nakasakay sa motor ko. Animo'y balak pa niya akong ihatid.

"Hindi mo ba dala ang sasakyan mo?" takang pagtatanong ko.

"Ihahatid kita, saka ako babalik dito para balikan ang kotse ko," aniya at saglit pa kaming nagkatitigan.

Talaga bang seryoso siya sa ganitong usapin? Gusto niya ba ako? Halos matawa ako. Bakit naman ako gugustuhin ng isang Calvin Frias? Nagayuma ko ba siya noong gabing iyon? Masyado ko bang ginalingan?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Kasabay nang pamumula ng pisngi ko. Madali rin akong nag-iwas ng tingin nang hindi makayanan ang paninitig sa akin ni Calvin. Hindi ko alam, pero apektado ako.

Hindi ko rin mawari kung bakit sa kabila nang pagkadurog ng puso ko ay nagagawa pa nitong tumibok sa mas matinding paraan. Normal pa ba akong tao?

Tahimik akong umangkas sa motor. Hinayaan ko na rin si Calvin sa gusto niyang mangyari dahil aminado naman ako na hindi ako mananalo sa kaniya. Sa titig pa lang niya ay nanghihina na ako.

"Kumapit ka nang mabuti," paalala ni Calvin nang mapansin niyang wala ako sa sarili.

Mayamaya nang mapasinghap ako nang kunin niya ang dalawang kamay ko at saka nito iyon ipinulupot sa kaniyang baywang. Nanlaki ang mga mata ko. Akmang aalma ako nang bigla rin niyang paandarin ang motor.

Rason din iyon para kusang humigpit ang pagkakayakap ko sa katawan niya. Mariin akong napapikit nang sumubsob din ang mukha ko sa matigas niyang likod. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Calvin!" suway ko rito, kasabay nang pagkurot ko sa tagiliran niya.

Mas lalo lang siyang natawa dahilan para mas lalo rin akong mainis. Ngunit imbes na pag-aksayahan pa siya ng oras ay hindi na ako kumibo. Katulad nga ng sinabi ko, hindi ko kayang makipagmatigasan kay Calvin.

Bago magdilim ay saktong huminto ang motor sa tapat ng bahay na inuupahan ko sa murang halaga. Maliit lang kasi iyon, tama lang para sa single na kagaya ko.

Mabilis akong bumaba sa pagkakaangkas, sumunod din si Calvin. Matapos niyang patayin ang ignition ng motor ay kaagad niyang inilahad sa akin ang susi nito. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Ang mukha niya ay animo'y itsura ng kuntento. May maliit na ngiti sa labi habang ang mga mata ay malalalim at naninimbang. Malakas akong tumikhim bago padarag na kinuha ang susi sa kaniyang kamay.

"Salamat..." muntik nang maging bulong ang sinabi kong iyon, mukha narinig naman niya dahil gumuhit ang mas malawak na ngiti sa kaniya. "Mag-ingat... ka... sa daan..."

Sa kahihiyan ay dinaig ko pa si The Flash nang walang sabi-sabing tumalikod ako. Malalaki ang bawat hakbang ko. Nagmamadali akong pumasok ng bahay at madali ring ini-lock ang pinto.

Kinapa ko ang dibdib ko kung saan naroon ang puso kong tila ba naghihingalo. Maging ang paghinga ko ay hindi ko na alam kung saan pa ako sasagap ng hangin.

God! This can't be true!

Ano bang nangyayari sa akin? Wala lang dapat ang lalaking iyon sa akin, pero bakit grabe naman ang epekto niya sa pagkatao ko? Dahil ba sa katotohanang siya ang lalaking nakauna sa akin?

Kaya ba ganoon na lamang ako ma-attach at magdamdam sa lahat ng mga kinikilos niya? Apektado pati ang puso ko!

Litung-lito kong naihilamos ang dalawang palad sa mukha ko. Nang hindi makuntento ay nasabunutan ko pa ang sariling buhok. Umiling-iling ako bago patakbong tumakbo papasok ng kwarto.

Kinabukasan, handa na ako sa pagpasok. Hawak ko na sa kamay ang susi ng motor ko. Ngunit noong paglabas ko ng bahay ay laking gulat ko nang makita si Calvin, sa likod niya ay ang pamilyar na kotse.

Literal na bumagsak ang panga ko. Napahinto pa ako sa kalagitnaan para lang maang na tanawin siya. Nakatayo at nakahilig siya sa gilid ng kaniyang kotse. Ang mga kamay ay nakakrus sa dibdib nito, ganoon din ang dalawang binti niya.

Sa itsura niya ay parang kanina pa siya naroon at naghihintay, pero hindi rin katulad ng parating porma niya na suot ang kaniyang uniporme, ngayon ay naka-civilian ito. Para lang siyang mamamasyal sa suot niyang black polo at khaki maong shorts na terno ang isang pares ng boat shoe.

"Anong ginagawa mo rito?" singhal ko nang malapitan ko siya.

"Good morning." Sumilay ang malamyos niyang ngiti, rason para mapapitlag ako.

Naningkit ang mga mata ko. "Hindi ako sasakay sa 'yo!"

"Bakit ka naman sasakay sa akin? Syempre ay sa kotse ka sasakay," tumatawang saad niya habang nangingisi.

Umawang ang labi ko, ramdam ko rin ang pangangamatis ng pisngi ko.

"Ang kapal nito," bulung-bulong ko sa hangin at saka siya nilampasan.

Mabuti at hindi naman niya ako pinigilan. Wala akong narinig na ano mang reklamo galing sa kaniya. Matapos kong isuksok ang susi ng motor sa knob ay saka ako sumampa. Halos tumili ako nang sumunod na umangkas si Calvin sa likod.

"Calvin, ano ba?!" asik ko rito bago siya marahas na nilingon.

Ngunit sadyang alam lang nito ang ginagawa at mabilis niyang isinandal ang ulo sa akin. Ang kaniyang baba ay ipinatong niya sa balikat ko kung kaya ay nawala ako sa sariling pag-iisip.

"Kung ayaw mo ay ako na lang ang sasakay sa 'yo," senswal niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa malakas na pagkabog ng puso ko, kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko. Damang-dama ko rin ang init na gumagapang sa katawang lupa ko, lalo nang yakapin niya ang baywang ko.

Mas lalo akong nawala sa huwisyo. Napakurap-kurap ako sa kawalan. Hindi ako makapag-isip ng tama, kaya kung masesemplang man kami sa daan ay hindi na ako magugulat pa.

Nahilot ko ang sentido sa labis na pagkainis. Saglit kong kinalma ang sarili habang nakapikit ang mga mata. Nang magmulat ako ay parang umikot ang mundo ko.

Bumuntong hininga ako. "Kumapit ka nang mabuti..."

Iyon nga ang ginawa ng walanghiyang si Calvin. Feel na feel nito ang mga kamay niyang naroon nakayapos sa baywang ko. Halos tawanan ko ang sarili dahil parang wala naman akong ginagawa.

Gaano ko man ayawan si Calvin, o awayin siya at layuan, siya naman itong lapit nang lapit sa akin. May sarili siyang desisyon. Kaya ano mang dikta ko sa kaniya ay hindi siya sumusunod.

Sa parteng iyon ng Isla Mercedes kung saan magkakalapit lang naman ang mga bayan ay hindi uso ang traffic enforcer. Kahit walang helmet o ano mang driving protection ay okay lang, basta ay kailangang maingat pa rin sa pagmamaneho.

Hindi nagtagal nang makarating kami sa munisipyo. Nalalabi na lang ang araw bago ang fiesta, kaya naman ay mas naging abala na ang mga tao sa covered court.

May ilang nag-aayos na ng entablado, may nagsasabit ng banderitas sa itaas at may mga naglalagay ng iba pang palamuti sa paligid ng court. Naroon sina Ma'am Darlene na tumutulong kung kaya ay halos salubungin ng mga mata nila ang pagdating namin.

"Cop. Frias at Verra!" Si Ma'am Darlene na nakabalandra kaagad ang ngisi sa labi.

"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Ma'am Cris, lumapit pa talaga sila sa amin.

"Mukhang napapadalas na rin ang pagpunta mo rito, Cop. Frias, na kahit hindi ka naka-duty ay sumasadya ka rito," dagdag pang-aalaska ni Ma'am Every.

"Naku! Baka nagkakamabutihan na kayo, ah!" Malakas na tumawa si Ma'am Darlene.

"Ma'am naman! Hindi po," kaagad kong pagtanggi at sinegundahan pa ng pag-iling.

Nauna nang bumaba si Calvin, pero hinintay pa muna niya akong maiayos ang motor bago niya ako sinamahan na maglakad. Sumunod din sina Ma'am Darlene, animo'y gustong makisagap ng tsismis.

"Pero hindi ba kayo magsyota? Bagay naman kayo," ani Ma'am kaya natawa ako.

"Hindi po."

"Hmm, talaga? Ang bilis niyong maging close. Noong una niyong kita rito sa munisipyo, parang may something na sa inyo—"

"Dati na po kaming nagkita sa Manila," pagputol ni Calvin na akala ko ay mananahimik na lang, pero nagulat ako sa sinabi niya dahilan para mapahinto ako.

Pareho pang nanlaki ang mga mata namin sa sobrang gulat. Sina Ma'am Every at Ma'am Cris na siyang nakasunod din ay napatakip pa ng bibig sa labis na pagkamangha. Pumalakpak naman si Ma'am Darlene.

"Oh! Kaya pala parang may something—"

"Pero wala pa naman po kaming relasyon. Kapag mayroon na po ay sasabihin ko rin sa inyo," dagdag ni Calvin.

"Anong—"

Akmang magrereklamo pa ako nang bigla akong akbayan ni Calvin. Siya na ang nagpatiuna ng lakad. Halos yakapin niya ang ulo ko para lang maisama sa paglalakad niya. Kalaunan nang makapasok kami sa loob.

"Huwag kang nagkakalat ng maling ideya! Mahirap maging laman ng tsismis," palatak ko rito nang makalaya ako sa kaniya.

Tumawa si Calvin. "Bakit? Totoo naman, ah? Wala pa sa ngayon, pero malay mo..."

"Malay mo masikmura kita kapag hindi ka pa tumigil diyan," inis kong sambit dito.

Lalo lang siyang tumawa. Hindi naglaon nang iwan ako saglit ni Calvin para magkaroon ako ng oras na ayusin ang ilang trabaho. Lumabas siya marahil para tumulong sa mga gumagawa.

At dahil abala ang ilang head sa paghahanda sa fiesta ay wala na masyadong gawa sa munisipyo. Sa front desk lang naman ako, kung hindi tumanggap ng mga bisita ay may ilang pinapagawa sa aking paperwork.

Sumunod din ako sa labas para tumulong. Medyo malayo sa akin si Calvin kaya kahit papaano ay kalmado ako, kahit papaano ay ramdam kong payapa ako at walang asungot na nang-iitorbo sa akin.

Bandang hapon nang makapagpahinga kaming lahat. Nagpunta ako sa likod ng munisipyo. Sa bandang ibaba ay may malawak na palayan kung saan ay may nakatayo pang maliit na kubo para sa mga magsasakang gustong magpahinga.

Sa dulo naman ay naroon ang ginagawang hagdan pababa sa dagat ng Isla Mercedes. Nagmistulang seaside ng Mall of Asia ang parteng ito ng munisipyo. Rito rin ako madalas na tumatambay.

Bukod kasi sa sariwa at malamig ang hangin ay ako lang ang madalas na nagpaparito. Kung gusto ko man na mapag-isa ay dito kaagad ako nagpupunta— pero ewan ba kung bakit natunton pa ako nitong si Calvin.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang masilayan ang pagbaba niya rito. Deretso siyang pumasok sa maliit na kubo kung saan ako naroon. Ngumiti siya nang magpang-abot ang mga mata naming dalawa.

"Nandito ka lang pala, Verra," wika niya at saka pa inabot sa akin ang isang chocolate drink na kinuha pa yata niya sa libreng pameryenda ni Mayor.

Nangunot ang noo ko, kalaunan ay kinuha ko rin. Tuluyan siyang naupo sa katapat kong upuan. Dinungaw niya ako, animo'y tinatantya pa muna ang emosyon ko.

"Akala ko ay umuwi ka na, mabuti ay nakita ko ang motor mo."

"Pwede ka naman nang maunang umuwi. Hindi ka naman obligado na tumulong sa amin," casual kong sinabi.

"Actually, gusto kong sumabay sa 'yo sa pag-uwi... nasa bahay mo kasi 'yung kotse ko." Tumawa siya— para-paraan na lang ang isang 'to. "Pero honestly, simula noong mailagay ako rito bilang Police Officer ay palagi na akong tumutulong sa mga pa-event ni Mayor, hindi lang kapag fiesta. Kaya kilala na rin ako ng mga tao rito."

"You mean, taga-Manila ka talaga? Just like what you said earlier," palatak ko.

Tumango-tango siya. "Yup. Ikaw? Taga-Manila ka rin 'di ba? Pumunta ka lang dito dahil heartbroken ka."

Sa huling sinabi niya ay natigilan ako.

"Kapag okay ka na ay babalik ka na sa Manila, tama ba?" segunda niya, ang boses ay para bang nanghina bigla.

"Hindi ko naman naisip na magtatagal ako rito. Alam ko na may mga kailangan pa akong balikan sa Manila. Sa ngayon ay gusto ko lang talaga na tumakas."

Muli siyang tumango. "I see..."

Napatitig ako sa mukha ni Calvin.

Hindi ko ba alam kung saan siya mas gwapo, kapag suot ba niya ang uniporme niyang pang-pulis o naka-civilian? Siguro nga ay pareho lang, pero mas pakiramdam ko na kaya ko siyang abutin kapag ganito lang siya. Mas kaya ko pang tanggapin ang pakikipagkaibigan niya sa akin.

"Pero wala ka naman sigurong balak na balikan ang ex mo 'di ba?"

Saglit akong natawa. "Siya ang first boyfriend ko, but I still have an ego, kaya kapag ex na ay hindi na dapat binabalikan pa."

Kumibot ang labi ni Calvin. Mas lalo niya akong tinitigan, sa pagkakataong ito ay animo'y nagyayabang ang itsura.

"That means, kapag naging tayo na ay kailanman hindi na kita pakakawalan."

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
188K 11.3K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...