Nothing But Trouble(BxB)COMPL...

By CinnamonGrapes

328K 14.3K 1.1K

A hatred memories of the past will return to recapture your heart again. Kilalanin si Kahlil Carlos Bustamant... More

Author's Note.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 1 5
Chapter 1 6
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
K L E I R
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Psssttt...
Chapter 39
:4 0
:41
:42
:43
:44
:45
:46
:47
:48
::49
:50
:51
:52
:53
:54
BS 1
:55
Finale

Chapter 25

6.3K 330 19
By CinnamonGrapes

I'll try harder to make a sweet scene..

(KHALIL)

'Good morning!Manong bert'siya ring bati nito sa akin.Saka diretsyong tumungo sa elevetor para pumanhik papuntang opisina.

Tatlo kaming nasa loob nito ng makapasok ako.Ang iba ay sa ibang department.Nagkangitian kami.Magkakakilala na rin kasi kami.

Habang umaandar ang elevator pansin kong pakurap kurap ang ilaw nito.Weird pero ayoko naman pangunahan ng kaba.Nakakahiya sa mga babaeng kasama ko sa loob!

Mabuti naman ay nakarating kami sa kanya kanyang palapag na aming patutunguhan.Hay salamat!

Naabutan kong tila na papraning ang kaibigan kong si marg sa pagkukwento sa mga katrabaho namin.

'Hoy babae anong ganap at makakwento wagas?'bungad ko matapos ibaba ang bag sa lamesa ko.'Wow ang appearance ha!blooming ka ngayon beks!Naulanan ka na ba at ganyan ang awra natin'inismiran ko lang ito

'Anyway,eto nga kinukwento ko yung happenings na nangyari sa bar.Lam mo beks ang ganda ng voice ni fafa este ni boss.Sayang wala yung presence mo.Tsk!tsk!'

'Che!alangan unahin ko pa yun kesa sa birthday ng kapatid ko.'

'Ay,may point ka dyan.Sorna.Sayang kase hindi mo siya nakitang magperform.Lalo na yung pagkavocalist niya.Shet na malagkit!nakakalusaw yung mga tingin niya.'

Nauumay naman ako sa mga pinagkukwento nito.Kaya minabuti ko ng buksan ang computer ko at bumutingting ng kung ano.Mabuti na lang at marami kaming nandito at hindi niya pansin ang pagbusy busyhan ko sa lamesa.

'Kaya lang may dumating na babae.Bagay naman sila kasi maganda naman siya ang kaso...'narinig kong sambit nito.

'Ang kaso?'singit ng katabi nito.

'Ang kaso mas may chemistry kami kesa sa kanila.'Wow ha!Mas upgraded ang pagiging ilusyonada.2.0 version

Tawanan ang lahat.

'Sweet sila infairness!'dagdag pa nito.

Siya kaya o siya na kaya yung tinutukoy niya?

Nagmamadali akong pumasok muli sa elevator pinapapaabot kasi sa akin yung ibang papeles galing sa head ng dept namin.Ikaanim na palapag ang siyang pupuntahan ko samantalang nasa pangalawang palapag naman kami.

Nasa ika apat na nang biglang may pumasok.Nagkataong mag isa lamang ako kaya agad akong tumabi para bigyan siya ng espasyo para sa pagpasok.

Subalit hindi ko inaasahan na muli ko na naman siyang makakaharap.

Napangiti siya ng ako ay makita.Hindi ko alam kung babatiin ko ba sya o hindi.At sa palagay ko hindi ko rin iyon magagawa.Parang umurong yata ang dila ko dahil sa tensyon na nabubuo sa aking isip at kaba sa aking dibdib.

Tahimik.

Tanging tunog ng paggalaw nang elevetor ang pumapailang.Pero ang mas kinatakot ko ay ang bigla muling pagkurap ng ilaw mula sa kinalalagyan namin.Wag naman sana!

Nasa ikalima na kaming palapag ng biglang namatay ang ilaw at siyang pagtigil ng galaw ng elevator.

Napahigit ako ng hininga.

Hindi ako makagalaw sa kaba.

'Hello?..hello?..may tao ba dyan sa loob?'narinig ko ang boses mula sa mismong apartong katabi ng pintuan ng elevator.

'Yes.Please,pakibilisan lang ang pagsasaayos.May kasama rin ako sa loob.'Malumanay na sambit nito at siyang kumakausap sa mismong operator.Hindi ko pansin na masyado na pala ang lapit ng pagitan namin sa isat isa.

'Are you alright?'tinutok niya sa akin ang flashlight ng cp na hawak niya.

Tumango ako bilang tugon pero napatalilis ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat.'Sigurado ka ba?'

Inalis ko ang kaniyang mga kamay sa akin at marahang sumiksik sa tabi.Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobrang sikip ng kinalalagyan ko.Lalo na ang dilim na siyang bumabalot sa aming kinaroroonan.

Naanigan ko pa ang nag aalala niyang mukha mula sa kaunting ilaw na nagmumula sa cellphone niya.

Sa ganoong lagay ay para bang panipis ng panipis ang hangin na aking nalalanghap.

May sinasabi siya ngunit tila hindi ko mawari kung ano.Parang nawala ang aking pandinig ng mga oras na ito.

Hanggang sa nakawin  tuluyan ng dilim ang aking ulirat.

Nagising ako mula sa pagkakahiga sa isang malambot na couch.Napahawak ako sa aking sintido ng may maramdamang kirot sa aking ulo.

'Gising ka na pala'

Hinanap ko ang pinagmulan ng boses nito.Nasa hindi kalayuan ito.Nakasilip mula sa kaharap niyang laptop sa kaniyang lamesa.

Tumayo ito at lumapit sa aking kinaroroonan.Kaagad na umupo sa tabi ko.

Habang ako?napako na ang mga mata sa kaniyang mukha.

Maamo kasi ito at ang kaniyang mga mata ay nangungusap.

Bahagyang tumikhim ito kaya nagising ako sa aking ulirat.

'O-okay na naman po ako,saka pasensya na po sa malaking abalang nagawa ko.Paumanhin po talaga.'

'Wala yun,Pero nag aalala talaga ako sa nangyari sayo sa loob ng elevator.'

Huli na ng maalala ko ang kaganapan na nangyari.Bata pa ako ng huli itong mangyari.Hindi ko akalaing mauulit muli.

'Anyway,maaari kang umuwi na ng maaga para makapagpahinga muli.'

Tumanggi ako at sinabing ayos naman na ako.Ayoko namang palipasin ang araw sa mga nakabinbing mga gawain.

'Maraming salamat po sa tulong sir.'

'Its okay,nga pala erase that po on me masyado mo akong pinapatanda.And invite ko sana ikaw,i mean yung mga kasama mo rin sa restobar namin sa Malate.Opening kasi atsaka may gig din kami doon.Would you?I mean baka gusto niyo muling sumama.Bonding kumbaga.'

'S-sige po sir,sasabihin ko sa mga kasamahan ko tiyak na sasama ang mga iyon.'

'Sana makasama ka rin.'

Um'Oo' ako kahit na nagdadalawang isip ako na tanggihan ito.



Samantala...

'Hello pare,Schedule tayo on friday.'
Pumayag naman ito kahit na alam kong nasa kalagitnaan siya ng pagbabakasyon.Alam niya naman kasi na minsan lang ako mag aya lalo na sa mga gig namin.This past few weeks eto ako.

Pinagmamasdan lang siya.

Sa malayo man o malapit.Bawat galaw niya,hindi lang talaga ako makapaniwala.Ang laki ng pinagbago niya.Pero hindi iyon nakabawas nang nararamdaman ko para sa kaniya.

Kinabahan ako talaga sa nangyari sa kaniya kanina.Lalo nang mawalan siya ng malay.Nakita ko sa mukha niya ang takot at pagkabalisa.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Kaagad ko siyang binuhat ng maayos na ang elevator dali dali ko siyang dinala sa loob ng opisina ko.Hindi ko naman siya pwedeng iwan sa lobby.Pero sa kabilang banda may magandang dulot din na sa loob ng silid ko siya dinala.Malaya ko siyang napagmasdan.

Ilang taon akong naghintay,naghanap at umasa na muling magkukrus ang aming mga landas.

At heto na nga.Abot kamay ko na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

384K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...