Chapter 1 5

6.1K 293 19
                                    

(KHALIL)

Lumipas ang araw pero walang kleir ang nagparamdam.Kahit text o tawag wala.Minsan tuloy hinahanap siya sa akin ng mga kapatid ko pero nagdadahilan na lang ako.

Nag open ulit ako ng account ko sa friendzter.At syempre nagstalk muli ako sa account niya.Puro mga party gathering lang ang mga nakapost na litrato niya.

Ilang pagscroll pa ang ginawa ko sa wall niya.

Naka agaw pansin sa akin ang babaeng kasama niya sa isang larawan.

Unang tingin mo pa lang alam mo na bagay sila.

May lahi pa yata itong banyaga dahil sa mukha niya.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Siguro ganoon talaga iyon.Ngayon ko lang naramdaman ang salitang "Wala lang"

Wala lang pala lahat ng pinakita niya sa akin.Wala lang o baka naman nagkukunwari lang?Hay!kung anu anong negatibong bagay ang iniisip ko tungkol sa kaniya.

Araw ng huwebes.P.E ang subject namin at may practice kami ng basketball sa gymnasium.Kakaba kaba talaga ako ngayon.Bukod sa hindi marunong humawak ng bola.Paniguradong sablay pa ako sa pagshoot nito sa ring.

Nakapila na kami ng biglang dumating ang grupo ni kleir sa court.

Mas lalo akong kinabahan ng maupo sila sa mga benches.

Paktay!mukhang manonood sila.

"Khalil!ano kaya ba?uwi na!haha.."pang aasar ni froi na nasa harapan ko.Sa inis ko nakatikim tuloy.

"Aray!!buset ka naalog utak ko dun!"sabi nito habang hinihimas ang ulo nito.

Kinakabahan na nga nang aasar pa!

Unang pinagawa sa amin ay pag papasa pasa ng bola mula sa teacher naming lalaki.

Hanggang sa nagpartner partner kami sa pagsalo at pagbato.Nakuha ko naman ng hindi nangangatog ang mga tuhod.

Hindi ko sinubukang tumingin sa gawi nila kleir dahil baka masira ang pokus ko sa laro.

Nang sa pagdi-dribble na medyo sumablay na ako dahil hindi umaayon ito sa pagtalbog sa aking palad.

"Bustamante!repeat!"sigaw ng guro namin.

Medyo kakaba kaba ako dahil nakatingin ang mga kaklase ko sa akin.Sinubukan ko muli ngunit sablay ulit.

"Bustamante wala ka ba talagang kalakas lakas!kelaki laki mo ang lamya mo!"sigaw nito sa akin.

Alam ko na napapahiya na ako pero sinubukan ko muli at sa huli ay sablay na naman.

"Wala ka bang iaayos busta.."bago pa iyon ay may pumigil sa kaniyang pag aalburuto.

"Sir let me teach him"sabi nito.

Hindi sana ako papayag subalit sino ba ako para magmagaling.

"Sige pakituruan mo nga yan."napasimangot na lamang ako.

Pumunta kami sa bandang tabi.Kahiwalay sa pila ng mga kaklase ko.Ngayon ko naramdaman ang matinding pagkailang.

Tinuruan niya ako ng mga dapat gawin.Sa tamang posisyon ng hawak ng bola.Maging sa mga pagpasa.

Halata ko naman na pagtuturo lang talaga ang ipinunto niya ng oras na iyon.Matapos niyon ay nakuha ko naman ang ilan dahil sa nakinig at pinag aralan ko talaga.Pagdating sa pagshoot ng bola ay medyo nahihirapan man ay nakaya ko naman.

Nang matapos kami nakita naman ng guro namin ang naging bunga.Si kleir ayun bumalik sa kaniyang mga kasama na parang wala lang.Hindi niya man lang ako nakuhang kamustahin.

"Beks!ang swerte mo!!"talak ni froi ng bumalik na kami sa room.Samantalang tikom lang ang aking bibig sa nangyari.

Wala naman kasi akong makita na dapat kong ikasiya.

"Ay anong drama yan?bakit ganyan?nasaan na si khalil 'The no.1 fan of kleir the great'"medyo siniko ko naman ito dahil sa sinabi niya.

"Huy!mamaya may makarinig sayo."sita ko rito.

"Care nila bes,saka alam naman natin na malabong mapansin ka ni kleir sa real life kaya wag kang magwansapanataym diyan."Napanguso na lamang ako.

Nang makauwi sa bahay rinig ko ang ingay sa loob nito.Mukhang may kasiyahan na nangyayari.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay sumalubong kaagad ang tuwang tuwa kong mga kapatid sa akin.

"Kuya nandito na si papa!!"masayang sabi ni junie sa akin.

Kaagad kaming nagtungo sa sala.Lumabas ang taong nasasabik ko ng makita mula sa kusina.

"Khalil anak!"masayang bungad nito habang hawak ang pagkaing nasa tray.

Dali dali niyang inilapag sa lamesita at saka ako dinaluhan ng yakap.

"Papa.."ang tangi ko na lang nasabi dahil sa pagsabik ko rito.

"Anak..kailangan nating lumipat dahil sa pinamanang lupa ng lola mo sa bohol."Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mamimiss ko ang bahay naming ito kung magkagayon man.

Nadestino na rin roon si papa kaya tiyak na namin itong makakasama sa araw araw."Pwede ka naman magpaiwan kung ayaw mo naman.Narito naman si tiya helen mo.Maari kang tumira roon dahil parehas naman wala ang anak nito dahil sa trabaho.Malapit din doon ang pinapasukan mo."Sabi ni papa.

"Pag iisipan ko pa po.Saka kailan po ba tayo kung gayon lilipat?"ako.

"Sa pagtatapos ng klase ninyo.Medyo mahaba ang nakuha kong bakasyon sa boss ko."Tatlong buwan na lamang pala iyon sa aking pag alala.

Nasa likod bahay ako ngayon.Nakatingala sa langit.Napapaisip sa aking magiging desisyon.Ayoko naman talaga mawalay sa aking pamilya pero.Pero paano siya.

Siyang matagal kong hinangaan,Inalam ang ilang bagay sa kaniya.Kahit papaano ay kaibigan na rin.At sa puntong nagkaroon na ng puwang ang isang tulad niya sa puso ko.

"Mukhang may problema ang panganay ko ah?"si papa.Tumabi ito sa aking kinauupuan.

Idinantay nito ang kaniyang braso sa aking balikat.

"Ano may nililigawan ka na ba o ikaw ang nililigawan?"napatingin naman ako kaagad sa sinabi nito.

"Papa naman eh!"natawa lamang ito sa pagmamaktol ko."Biro lang..haha"Yan.Yan ang labis kong namiss sa kaniya ang pagiging palabiro.

"Basta anak kahit anong mangyari o iyong naisin nasa likuran mo lang kami ng mama mo,ng mga kapatid mo.Lagi kaming susuporta sayo.Saka please lang nak,try mong magdiet..."si papa talaga.


Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Where stories live. Discover now