Chapter 20

6.2K 321 35
                                    

(KHALIL)

"Sige okay na ako rito.Salamat."Matapos akong abutan ng ice cream nito.Nasa isang ice cream parlor kami matapos ang program.Hindi ko alam pero mas pinili ko na lamang ituon ang pagsama kay crause.Kesa isipin ang nararamdaman kay kleir na mukhang wala naman pa lang kahahantungan.At mukhang ang talagang ending ay humanga na lamang.

"Sabi na nga ba e."biglang sabi nito ng matapos ang pagsubo ng ice cream sa kutsara niya.

Napa arko ang aking kilay sa kaniyang sinabi.At mukhang nasense niya ang pagtataka ko.

"Noong sinabi mo na paghanga lang bilang isang manlalaro ang nararamdaman mo sa kaniya.Alam kong may mali na roon."

"Anong mali roon?"pagkukunwari ko pa.

"Hindi paghanga kundi Pag ibig na yan.Kakaiba kasi ang mga ngiti mo sa tuwing nakikita mo siya.Yung kislap ng mga mata mo sa tuwing napapansin ka niya.Hay,nagagawa nga naman ng pag ibig."Paglalahad nito.

Nasamid naman ako sa mga sinabi niya na siyang totoo.Magsisinungaling pa ba ako?

"Ganoon ba kahalata na may nararamdaman ako sa kaniya?"Malumanay kong saad na siyang kinatango nito.

Kung ganoon bakit hindi niya ito makita.

Kasi kaibigan lang ang turing niya sayo.

Nasa ganoong pag iisip ako nang may dumating na maiingay na grupo.

Nahihinuha ko na kateam ito ni kleir sa basketball.

Pumila sila sa counter saka umupo sa kahilera naming upuan.

"Pare!laughtrip yung si Castro kanina!haha..kung makikita mo lang mukha niya!"sabay hagalpak ng tawa nito.

Nakakairita ang kaingayan nila kaya tinapos na namin ang aming pagkain ng ice cream ni crause.

Saktong papalabas na kami ng makasalubong ko ang babaeng kasama ni kleir.Papunta siya sa lamesa ng barkada ni kleir.

Inilibot ko ang mata ko baka narito rin si kleir.Subalit wala ito.Nasaan siya?At bakit mag isa lang ang kasama niya?

Naglakad at gumala pa kami ni crause.Ang huli napadpad kami sa parke malapit sa school namin.

"Sa Mayo ang enrollment sa school.Kung gusto mo sabay na lang tayo sa pageenroll."alok nito.

"Naku tungkol diyan hindi ko pa alam eh."

"Bakit naman?"Takhang tanong nito.

"Maglilipat kasi kami ng pamilya ko sa probinsya.Kaya hindi ko pa sigurado kung makakapagenroll ako para sa susunod na taon."paliwanag ko.

Halata sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.

"Ganon'pero sabi mo hindi ka pa sigurado.Ibig sabihin pwedeng hindi ito matuloy."nahihinuha ko ang pakiusap nito.Tumango naman ako saka ko naanigan ang pagngiti nito.

"Pwede naman akong magpaiwan subalit mamimiss ko talaga sila lalo pa at makakasama ko na rin ng matagal tagal si papa.Lagi kasing nadidistino ito sa malayo kaya paminsanan lang ito umuwi sa amin."

Nothing But Trouble(BxB)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon