Fifteen Seconds

By thephantelle

1.2M 15.2K 2.3K

❝Fifteen seconds... and I fell in love with him." More

Fifteen Seconds
I. Kuya (Kathryn)
II. Lola Bambini (Kathryn)
III. Summer Escapade (Kathryn)
IV. Night with Rina (Kathryn)
V. Revelations (Kathryn)
VI. Childhood Memories (Kathryn)
VII. Lies (Daniel)
VIII. Ice Cream (Daniel)
IX. Sad Truth (Kathryn)
X. Who You Love (Kathryn)
XI. Help (Kathryn)
XII. Scared (Kathryn)
XIII. Treehouse (Daniel)
XIV. Letter (Kathryn & Daniel)
XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)
XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)
XVIII. With You (Julia & Kathryn)
XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)
XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)
XXI. Khalil (Kathryn)
XXII. Papa (Kathryn & Daniel)
XXIII. Official (Kathryn)
XXIV. Selfish (Kathryn)
XXV. Vangie (Kathryn)
XXVI. Master (Kathryn)
XXVII. Migraine (Kathryn)
XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)
XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)
XXX. Lantern (Kathryn)
XXXI. Confused (Kathryn & Daniel)
XXXII. Over My Head (Kathryn)
XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)
XXXIV. Skyscraper (Kathryn)
XXXV. Felicity (Kathryn)
XXXVI. Lia Barretto (Kathryn & Daniel)
XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)
XXXVIII. I Love You (Lia & Daniel)
XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)
XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)
XLI. Last I Love You? (Kathryn)
XLII. Beginning (Epilogue)

XV. Still (Kathryn)

26.1K 342 76
By thephantelle

"Kathryn, umiyak ka ba?" 

Si Mang Pio ang naghatid sa akin ngayon sa school. Ngayon rin ang flight ni mama at ni papa papunta sa abroad. Umalis na rin ang kasambahay naming si Ate Dindin kasi na-stroke ang tatay niya at siya lang ang inaasahang mag-alaga dito. Pero habang walang si mama at si papa, si Aling Melinda muna ang kasama ko. Mamaya ang dating niya. Ang tahimik nga kanina sa bahay, di ko mapigilang umiyak. Ang lungkot-lungkot. Pero kailangan kong masanay. Kailangan kong maging independent. Hindi pwedeng umasa nalang ako palagi kay kuya- o sa ibang tao.

At wala pa ring nakakaalam ng nararamdaman ko. Hindi ko pa kasi nakausap si Miles. Ngayon lang ulit kami nagkita. "Si Daniel... hindi ko siya tunay na kapatid." Habang sinasabi ko 'to kay Miles, pinipilit kong hindi umiyak. Ayaw ko ng umiyak.

"Teka nga, mag-usap nga tayo." seryosong saad ni Miles at hinila ako papunta sa banyo.

Pagkadating na pagkadating namin sa banyo, niyakap ako ni Miles. "Hi-hindi ko tunay na kapatid si Daniel. Kahapon, kinuha na siya ng tunay niyang magulang. Mag-isa nalang ako sa bahay kasi... kasi pumunta na sa abroad si mama at si papa." paliwanag ko kay Miles.

Mas hinigpitan ni Miles anng yakap niya sa akin. Pagkatapos ay bumitaw siya at pinunasan ang luha sa mata ko. "Hindi ba mas okay 'yun? Hindi mo na kailangang pigilan ang nararamdaman mo para kay Daniel. Tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para maging kayo."

"@#$% pakiramdam 'yan. Kaya ko namang tiisin. Mawawala rin naman 'to. Pero, pero ayaw kong mawala si kuya sa tabi ko. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko. Ayaw ko rin namang maging selfish. Kailangan siya ng totoo niyang pamilya. Kaya ayaw kong ipakita kay kuya na nasasaktan ako. Ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako. Kasi ayaw kong dagdagan 'yung bigat na pinapasan niya." nanginginig kong saad.

Pinunasan ni Miles ang mata ko at para bang may sinisignal siya sa akin. Nakatalikod kasi ako sa pinto, lilingon na sana ako pero pinigilan ako ni Miles. 

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "HAHAHAHA! TALAGA?! WOW!!" 

Biglang may kumatok sa pinto ng banyo at pagkalingon ko, si kuya. Ngumiti ako nang makita ko siya. "Good morning, kuya."

"Ayaw mong dagdagan ang problema niya, diba? Go na, kailangan ka niya. Iihi lang ako tapos pupunta na rin ako sa classroom." bulong ni Miles sa akin. "Hi, Daniel!" Sigaw ni Miles at bago pa man makabati si kuya, pumasok na sa loob ng cubicle si Miles at umihi.

Paglabas namin ng banyo, nandoon din pala si CJ. 

"Hi, Kathryn. Si Miles?" tanong ni CJ.

"Umiihi." sagot ko.

"Ahh, sige, intayin ko nalang." nakangiting saad ni CJ. Sa totoo lang, hanga ako kay CJ. Sobrang loyal niya kay Miles. Hindi ko siya nakikitang nagchecheck-out sa ibang babae. I mean, para kay Miles lang talaga ang mata niya at boto ako sa kanya para sa bestfriend ko.

Habang naglalakad papunta sa classroom, tahimik lang kami ni kuya. Parang walang gustong magsalita, parang sapat na magkasama kami. Kaunti palang ang tao ng pumasok kami sa classroom. Umupo ako sa upuan ko at umupo muna si kuya sa upuan ni Miles para tabi kami.

Bago siya magsalita, tiningnan niya ako sa mata. "Nakausap ko si mama kaninang umaga. Babalik na pala ulit sila sa abroad. Umuwi na rin pala 'yung kasambahay, si ate Dindin. Gusto mo bang doon muna ako matulog mamayang gabi?"

"Kuya naman. Wag mo akong sanayin na palagi kang nasa tabi ko. Kaya ko naman ang sarili ko." Nginitian ko si kuya. "Kakayanin ko."

"Pero-" Bago pa man matuloy ni kuya ang sasabihin niya, hinawakan ko ang kamay niya.

"Daniel, hindi ako ang kapatid mo. Meron kang dalawang nakababatang kapatid. Kailangan ka nila. Ngayon, sila naman ang protektahan mo." Saad ko kay kuya.

"Kathryn, hindi naman importante kung magkadugo tayo, eh. Kailangan mo rin ako. Nag-iisa ka nalang sa bahay." Sabi ni kuya.

"Alam ko. Alam kong hindi importante kung magkadugo tayo. Pero Daniel, paano 'yung mga kapatid mo? Hindi pwedeng ako nalang palagi. Sila, sila ang kailangan mong alagaan. Kaya ko na naman ang sarili ko. Ngayon? Magkaibigan nalang tayo. Hindi na tulad ng dati na palagi tayong magkasama. Maraming magbabago, Daniel." Seryosong saad ko kay kuya.

Alam kong hindi sumasangayon si kuya sa sinasabi ko. Pero alam kong eto ang tama. "Pero... ayaw kong mawala ang pagsasama natin. Gusto ko, ako pa rin ang kuya mo."

"Oo. Ikaw pa rin si kuya."

"Wag mo akong tatawaging Daniel lang."

"Oo, sorry na, kuya."

Dumating na si CJ at si Miles. Bumalik na rin si Daniel sa upuan niya at tumunog na rin ang bell. Pumasok na ang unang subject teacher namin at nagsimula na siyang magdiscuss. Pagkatapos ng tatlo pang subjects, lunch time na.

Dumeretso na kaming magkakaibigan sa cafeteria.

"Dito rin mag-aaral sina Arie at Sue?" tanong ko kay kuya, katabi ko siya ngayon.

"Oo, inaayos ngayon ng nanay ko." 

"Nanay ang tawag mo?"

"Depende. Minsan nanay, minsan inay.

"Ahh, ang galing!" Saad ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Sis, pasama ako sa comfort room!" Sabi ni Julia at nginitian ako. Ngayon ko lang napansin na ang tahimik ni Julia ngayon. Parang siya nga lang ang hindi nagsasalita ngayon. Si Neil rin pala, hindi nagsasalita. Paano ba naman siya magsasalita, eh, ang daming laman ng bibig niya.

 

Tahimik kaming naglakad ni Julia sa banyo.

"Sis, narinig ko 'yung nangyari." Saad ni Julia pagkapasok na pagkapasok palang namin ng banyo. Niyakap niya ako pagkatapos. "Alam kong mahirap 'tong pinagdadaanan mo. Pero wag kang susuko ah? Fighting lang, sis!"

"Salamat, Julia. May gusto ka pa bang sabihin?"

 

"Mahal mo ba si Daniel?" 

"Syempre naman, kuya ko si-"

"No, I mean... sa romantic way. Mahal mo ba si Daniel?" 

Hindi ko ineexpect na tanungin sa akin ni Julia ito ngayon. Wag ngayon, masyadong magulo ang isip ko. "Ba't mo naman natanong 'yan?"

"Wala lang! Haru, wag mo ng isipin 'yung tinanong ko. Ang labo! Haha!" Nakangiting saad ni Julia at pumasok sa cubicle. Umihi ata siya.

Tumingin ako sa salamin... Oo, mahal ko na nga si Daniel.

Pero hindi pa rin tama. Kapatid pa rin ang tingin niya sa akin.

Pagkalabas ni Julia ng cubicle, naghugas siya ng kamay at tiningnan ako sa mata. Ngumiti siya at niyakap ulit ako. "Sis, kahit anong mangyari, tanggapin mo nalang, ah? Ganun naman talaga ang buhay, diba? Tatanggapin mo lahat ng ibibigay sayo ni Lord kasi may dahilan Siya."

"Salamat, Julia."

Bumalik na kami sa table. Umuna na pala si Miles at CJ. Si kuya at si Neil, nandun pa rin. Nagkukulitan. "Yow, gerlz." Sabi ni Neil.

Binatukan lang siya ni Julia.

"Balik na tayo sa room." saad ko.

Magkasabay na maglakad si Julia at si kuya. Habang si Neil naman, kinukulit ako. May secret daw siya. "Neil, ang kulit. Pake ko kung may secret ka!"

"Eh, tanungin mo kung anong secret ko." sabi niya sa akin habang naglalakad kami.

"O, anong secret mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Tiningnan niya ako sa mata ng sobrang seryoso. "Ayaw kong sabihin. Kaya ng secret, eh!" Sigaw niya sabay karipas ng takbo.

Lokong lalake!

Nagpatuloy ang klase pero wala akong naintindihan. Lutang na naman ang isip ko. Paano nalang sa bahay mamaya? Ang tahimik na naman. Nakakapanibago.

Last subject at nang tumunog ang bell, lumapit kaagad si kuya sa akin.

"Tara na!" 

"Ha? Saan?"

"Edi uuwi na. Sabay tayo." 

"Wala akong bike, kuya. Itetext ko nalang si Mang Pio." Sabi ko kay kuya at ngumiti. Pinasok ko na lahat ng gamit ko sa loob ng bag ko. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni kuya.

"Edi iaangkas kita. Tara na!" Sabi ni kuya at hinila ako palabas ng room.

Nang marating namin ang parking para sa mga bike, kinuha niya ang bike niya at pinasakay ako. Umupo ako sa may harapan at nasa likod ko naman si kuya.

Tahimik lang na nagbike si kuya. Ang sarap ng pakiramdam na 'to. Parang dati lang. Noong hindi pa namin alam ang katotohanan. Pero... ang dami ng nagbago.

"Dito na ko. Thank you, kuya."

"Sure ka bang okay ka lang?"

"Oo nga, kuya. Nandito na siguro si Aling Melinda."

Binaba ni kuya 'yung stand ng bike niya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. "Kathryn, palagi mong tatandaan na nandito lang ako."

"Oo naman, kuya. Osha, umuwi ka na nga! Hinihintay ka na ng mga kapatid mo. Bye-bye!" Sabi ko kay kuya at patakbong pumasok sa loob ng bahay.

Umiiyak na naman ako. Nakakasawa.

"Iha." wika ni Aling Melinda.

Nakakahiya naman. Nakita niya pa akong umiiyak. "Aling Melinda, paano po ba magpatigil ng luha? Patak po kasi nang patak."

Hindi nagsalita si Aling Melinda. Nilapitan niya ako at niyakap. Hindi man kami close o isang beses lang kami nagkausap, pakiramdam ko ang tagal ko na siyang kilala. Umiyak ako lalo nang yakapin ako ni Aling Melinda. "Tahan na. Lahat ng nangyayari, may dahilan."

"Naninibago po kasi ako... di ko pa po matanggap."

"Masasanay ka rin, iha. Pumanhik ka muna sa taas at magbihis. Pagkatapos ay bumaba ka at ipaghahanda kita ng pagkain." Nakangiting saad ni Aling Melinda.

"Salamat po."

Tumaas ako at pumunta sa kwarto ko. Humiga ako sa kama. Ang tahimik ng bahay. Nakakamiss 'yung ingay namin ni kuya. Na kahit kaming dalawa lang ang nasa bahay, parang may party sa sobrang ingay. Nakakamiss. Miss na kita kaagad, kuya.

@kitkath
"Kailangan ko ng masanay.
"

END OF CHAPTER FIFTEEN
Thank you po sa pagbabasa!

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
153K 649 41
Compilation po ito ng mga Spoken Words Poetry ng katulad kila Ate Mai Mai Cantillano and Kuya Juan Miguel Severo and other spoken word artists. Nains...
62.4K 1.6K 32
Kaizer x alexa story ..
90.2K 5.3K 46
[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞