Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

315K 14.2K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-14 Kabanata

7.2K 343 40
By junjouheart


Dahil sa araw na ito ay walang klase, napagpasyahan kong pumunta ng merkat upang ipagpaalam sa kanila ang nangyari kay Sage. Ayaw ko pang may mapahamak pang iba at meron sa isip at puso ko na obligasyon kong iligtas sila. Kung hindi ko gagawin ito paniguradong hindi ako patatahimikan ng konsensya ko.

Maaga akong umalis ng kwarto ko upang hindi maabutan si Xeriol. May balak kasi syang puntahan ako ngayong araw kaya kailangan kong umalis ng maaga. Kukulitin lang nya ako tungkol sa nasabi kong nag-aalala ako sa kanya.

Nakarating ako kaagad sa kosmos na pinuntahan ko noon. Dito pa lang sa labas ay may iilan na akong nakikitang pumapasok sa loob. Hindi ko nga lang alam kung mamimili sila o tutungo sa sikretong lugar ng mga dalawang lahi.

Naglakad na ako at lumapit sa babae. Binanggit ko ang mga katagang magsasabi na kabilang ako sa dalawang lahi. Sumunod ako sa babae na tumungo sa isang pintuan at bumaba. Rinig ko na ang ingay ng kasiyahan kaya mas lalong inuusig ang konsensya ko dahil tutungo lang ako upang magsabi ng isang masamang balita.

" Ako na lamang ang tutuloy " pigil ko sa babaeng sinusundan ko sa kalagitnaan ng aming paglalakad.

Tumango sya bilang pagsang-ayon kaya ako na ang naglakad mag-isa. Nang makababa ako ng tuluyan, napatingin sila sa akin. May mga bagong mukha akong nakita kaya parang kaaway ang tingin nila sa akin.

" Bakit ka naparito? " salita ni Elor Tacito sa akin.

Paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari? Nahihirapan ako dahil parang kadugo ko ang nawala sa akin. Saan ko ba sisimulan?

" Nandito ka ba dahil nakumbinsi ka ni Sage? " napatingin ako sa isang lalaki. " Kaibigan ko si Sage kaya alam ko ang dahilan nya sa pagpasok sa paaralan mo " paliwanag nya.

" Nasaan na si Kuya Sage? " may lumapit na bata sa akin na may hawak na maskarang kulay puti at itim.

" Ibibigay ko sana ang maskarang ito na ginawa ko. Mahilig kasi ang Kuya ko sa mga maskara " nakangiti pa nyang sabi.

Napayukom na lang ako ng palad dahil sa galit na nararamdaman ko sa mga cuncilum at ganon rin para sa sarili ko. Hindi ko alam na may kapatid pala syang bata. Sasabihin ko ba na namatay ang Kuya Sage nya dahil dalawa ang lahi nila.

" Nandito na si Sage! "

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sigaw ni Hadria na pababa ng hagdan. Natunton na sila. Ano ang gagawin ko? Paano ko sila ililigtas? Lalo pa't hindi ko maaaring ipakita ang mukha ko sa kanila dahil ikakapahamak naman ng pamilyang kumupkop sa akin.

" Maaari ko bang hiramin ang maskarang ginawa mo? " nakangiti kong tanong sa bata.

Nagdadalawang isip ang bata sa tinanong ko. " Pero para kay Kuya Sage ko ito.... Sige na nga ibibigay ko na lang sa'yo at gagawan ko na lang ng mas maganda si Kuya " abot nya sa akin ng maskara.

" Salamat " saad ko sa kanya saka isinuot ang maskara.

Pagharap ko ay saktong pagkarating ni Hadria at ang inaakala nyang Sage.

" Sino 'yan? Bagong miyembro ba natin sya? " takhang tanong ni Hadria habang nakatingin sa akin.

" Umalis ka sa kanya Hadria. Hindi sya si Sage " sabi ko kaya napatingin sya sa katabi nya at umatras.

" Ano bang pinagsasabi mo? Sya ang Kuya Sage ko " sabi ng bata saka tumakbo patungo sa inaakala nyang Kuya kaya mabilis kong iniharang ang upuan gamit ang isip ko.

" Umatras kayong lahat! " sigaw ko at mabilis na kinuha ang bata saka inabot kay Hadria na tumungo sa aking likudan.

Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa aming harapan. Inihampas nya lang ang kamay nya sa harap at may itim na usok na pumalibot sa kanya pati ang nasa paligid nya. Hindi nga ako nagkakamali--- mga cuncilum.

" Hindi ko alam kung paano mo nalaman na hindi nyo ako kauri " mapangmata nitong sabi.

" Ang dami na naming lugar na napuntahan para hanapin kung saan kayo nagtatago. Sa lugar lang pala ng mga Vesta kayo nagkukuta " saad naman ng isa na may hawak na tungkod.

" Mukhang matutuwa ang itaas kapag nalaman nila ang tungkol dito " saad naman ng babae.

" Marami tayong mapapaslang ngayong araw " sabik na saad ng lalaki na pinapatunog ang mga daliri nya at akmang hahakbang ng magsalita na ako.

" Subukan nyo lang na humakbang, kayo ang una kong papaslangin " mapagbanta kong saad sapat na para matakot ko sila.

Ngunit akala ko matatakot ko sila pero tumawa lang sila na tila isang biro ang aking sinabi. Natatakot ako dahil mukhang malalakas sila ngunit sa oras na ito ay hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Buhay na ang nakasalalay dito.

" Sino ka ba? Isang hamak ka lang naman na may dalawang lahi. Hulaan ko base sa ginawa mo kanina ay kaya mong magkontrol ng mga bagay-bagay gamit ang iyong isip. Isa ka sigurong Vesta at ano pa? Rim? Azula? " sabay tawa nito na halatang nangmamaliit.

" Sa tingin mo ba matatalo mo kami? " taas kilay na tanong ng babae.

" Umalis na kayo " mahinahon pa rin ang boses ko.

Hindi nila ako pinakinggan at naglakad patungo sa mga kalahi ko. Iniharap ko ang palad ko sa akin at nagsalita kaya huminto sila.

" Sana matulungan nyo ako. Protektahan nyo sila para sa akin. Huwag nyong hayaang masaktan sila " pakiusap ko sa aking palad.

Tumawa naman ang mga cuncilum sa harap ko at pinagsabihan akong nasisiraan na ng ulo. Ngunit tumigil lang ang pagtawa nila na unti-unting lumabas ang paruparo sa palad ko. Halos nagkulay asul ang paligid sa paglabas nila.

" Hindi maaari " hindi nila makapaniwalang sabi sa kanilang nakita.

" Protektahan nyo kami. Sa oras na may magtangkang saktan kami kayo na ang bahala " saad ko sa mga paruparo ko.

Umatras ako patungo sa mga kalahi ko. Ang mga paruparo ko ay nasa aming harap na para bang nagsisilbing harang sa mga cuncilum.

" Ikaw! Ikaw ang nasa propesiya! " turo ng lalaking may hawak na tungkod. " Paslangin nyo sya! " utos nya sa mga iba nyang kasamahan.

Hindi ko alam kung ano ba ang kakayahan ng mga paruparo ko pero sa tuwing may hinihiling ako sa kanila ay sinusunod nila kaya ng may sumugod ng isang cuncilum, tumilapon lamang sya sa pader na nag-iwan ng malaking lamat at tila nawalan sya ng malay. Kita ko ang gulat sa mga kasamahan nya at ganoon rin ako dahil hindi ko aakalain na nagtataglay ng ganong kakayahan ang paruparo ko.

" Umalis na kayo sa lugar na ito dahil isang utos ko lang sa aking mga paruparo gagawin ko kayong mga abo at kung sa tingin nyo ay nagbibiro ako, subukan nyo lamang para mapatotohanan ko " salita kong muli sa kanila.

Umatras sila dahil sa aking sinabi.

" Kung sino ka man, hindi ito ang unang pagkakataon na magkikita tayo " saad ng may tungkod.

Naglaho sila na parang bula sa aming harapan. Mabilis kong inalis ang maskara upang makalanghap ng hangin dahil halos nagpipigil ako ng hininga kanina dahil sa kaba't takot ko sa kanila. Napaupo na lamang ako sa sahig ngunit agad akong napatingin sa paruparo na nasa harap pa rin namin.

" Maraming salamat sa inyong ginawa. Makakabalik na kayo " lahad ko muli sa palad ko kaya nagsipasok na sila.

Mabilis naman akong inalalayan ng mga kasamahan ko at pinaupo sa isang upuan. Literal na nanghina ang tuhod ko dahil siguro sa paggamit ko sa aking kapangyarihan kanina bilang Vesta at ganoon rin sa mga paruparo ko para maging harang namin.

" Ibig sabihin wala na si Kuya Sage? Pa..patay na sya... " napatingin ako sa kapatid ni Sage na umiiyak. Napatingin ako sa nagkakarga sa kanya at nakita ko rin ang pag-iyak ng babae na sa tingin ko ay ang ina nila.

Napayuko na lamang ako. " Patawarin nyo ako " hingi ko ng tawad sa kanila.

" Paano ka namin sisisihin kung lahat kami dito ay iniligtas mo? " napatingin ako kay Elor Tacito.

" Ngunit hindi ko man lang iniligtas si Sage noon " sabi kong muli.

" Ngunit iniligtas mo naman kami. Sa tingin ko ay hindi galit si Sage sa'yo dahil iniligtas mo ang kapatid nya at lahat kami " sagot ng kaibigan ni Sage kaya kita ko ang pag-iyak nya.

" Kailangan nyo ng umalis dito dahil babalikan nila kayo " sabi ko kaagad sa kanila. " Tumungo kayo sa malayo kung saan hindi kayo mahahanap " suhestyon ko.

" Ngunit araw na lang ang binibiling ko bago ako manganak. Delikado sa katulad  ko ang mapagod " napatingin ako sa babaeng nagsalita ng mahina ngunit sapat upang marinig ko sya. Hinahimas nya ang malaki nyang tyan.

Ano ba ang gagawin ko? Wala naman akong karanasan sa pamumuno ng isang lahi. Teka...tinatanggap ko na ba ang mamuno sa kanila?

" Siguradong nagbabantay lamang sila sa paligid. Paano kami makakatakas dito? At saan na namin kami tutungo? " tanong ni Hadria na halatang hindi rin alam ang gagawin.

" Meron akong alam na lugar na maaari tayong pumunta at paraan para makatakas tayo dito dahil napaghandaan ko ang maaring mangyaring ganito " napatingin kami kay Elor Tacito kaya nagpasalamat silang lahat kaya nakahinga ako ng maluwag.

Tumayo na ako kaya lahat napatingin sa akin. Parang naghihintay sila na may sabihin ako kay umupo muli ako.

" Hindi ko gustong maging pinuno nyo dahil wala akong karanasan sa pamumuno. Bukod doon wala akong alam sa paggamit ng anumang kakayahan na meron ako. Baka ikapahamak nyo lang kung ako ang pipiliin nyong maging pinuno " totoo kong sabi sa kanila.

" Ngunit kung tuturuan kitang gumamit ng kapangyarihan mo bilang Vesta, papayag ka ba? " napatingin ako sa isang babae na may hawak na sanggol.

Tumingin sya sa anak nya at muling tumingin sa akin. " Nakikiusap ako na sana pamunuan mo kami upang makamit namin.... natin ang pantay na pagtrato. Para kapag nagkamuwang ang anak ko at iba pang bata sa ating lahi, hindi na nila kailangang magtago tulad ng ginagawa natin ngayon. " iyak nitong sabi.

" Ngunit... " tatanggi pa sana ako ng bigla silang lumuhod lahat. Luhod bilang pagpugay sa nakatataas sa kanila. Tumingin ako kay Elor Tacito na syang nanatiling nakatayo ngunit ngumiti ito sa akin at lumuhod rin.

Malaking responsibilidad at obligasyon ang nakaatang sa desisyon kong gagawin. Sana hindi ako magsisi sa huli.

-

Dapit-hapon  na ako nakarating sa aming paaralan kung saan din makikita ang tinutuluyan ko. May iilan rin akong nakakasabay papasok sa loob. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may umakbay sa akin kaya napahinto ako at napatingin sa lalaking iyon.

" Tinakasan mo ako. Saan ka nagpunta? Alam mo bang hindi ako mapalagay dahil hindi kita mahanap sa buong paaralan " saad ni Xeriol

" Hinanap mo ako sa buong paaralan? " tanong ko na ikinatango nya. " Bakit? "

" Kasi itatanong ko sa'yo na tama ba ang narinig ko kahapon na nag-aalala ka sa akin " nakangiti nyang tanong na tila nang-aasar.

Padabog na lang akong naglakad upang makalayo sa kanya ngunit sinundan pa rin nya ako. Hindi ba nya nararamdaman na nahihiya ako dahil d'on.  Ang lakas pa rin nyang mang-asar.

" Uy galit ka? " harang nya sa harap ko habang patalikod na naglalakad. Sinamaan ko sya ng tingin.

" Hindi ka naman mabiro. Narinig ko naman ng malinaw ang mga sinabi mo kahapon pero gusto ko lang pakinggang muli dahil ang sarap sa pakiramdam na nag-aalala ka sa akin " saad nya kaya huminto ako sa paglalakad.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti sa akin. " Mahal mo na ba ako? " bigla nyang tanong kaya sinuntok ko sya sa balikat. Napaaray sya dahil malakas rin ang pagsuntok ko pero tumatawa lang sya.

" Lubayan mo na ako Xeriol. Pagod ako ngayong araw kaya huwag mo muna akong kulitin. " malumanay kong sabi. Nakakawalang lakas ang mga nangyari sa akin kanina.

Naglakad akong muli ngunit humarang si Xeriol sa harap ko. " Xeriol naman! Ang sabi ko-- " hindi nya pinatuloy ang sasabihin ko.

" Pumasan ka na sa akin " sabay upo nito patalikod sa akin. " Kung napapagod ka, bubuhatin kita hanggang sa tinutuluyan mo. " seryoso nitong sabi.

" Tumayo ka nga dyan! Saka bakit naman ako papasan sa magiging primnus. Nasisiraan ka na ba ng ulo? Tumayo ka dyan! " utos ko sa kanya kaya tumayo na sya at humarap sa akin.

" Sabi mo napapagod ka kaya ipapasan kita para hindi ka mapagod pero ayaw mo naman. Saka idinamay mo pa ang pagiging primnus ko. Ano naman kung sa hinaharap ay magiging primnus ako? Ano ang kinalaman nyan sa pagpasan ko sa'yo? " reklamo nya.

" Kapag pumasan ako sa'yo, paniguradong pagtitinginan tayo ng mga estudyanteng bumabalik na dito. Bukod doon, nahanap mo na ang kabiyak mo kaya baka malaman nya ang bagay na ito " paliwanag ko sa kanya.

" Wala ka ng ibang bukangbibig kung hindi 'baka makita tayo', 'baka malaman ng kabiyak mo', 'ikaw ang susunod na primnus'... Nakakasawa na! Kaya gustong-gusto kitang halikan para magtigil ka na sa mga sinasabi mo " walang pasubali nyang sagot.

Mabilis akong napaatras at napatakip sa bibig ko dahil baka halikan nya ako. Bigla syang lumapit sa akin kaya hindi ko nagawang umatras.

" Huwag kang mag-alala dahil kilala ka nya " saad nya

" Sino? " tanong ko na nanatiling nakatakip ang bibig.

" Ang kabiyak ko na itinuro ng mga vinere na sinasaad daw ng cryptus ko. " sagot nya na labag sa loob nya. Hanggang ngayon ba ayaw pa rin nyang maniwala na hindi ako kabiyak nya.

" Kilala ko ba sya? " tanong ko.

Tumango naman sya. " Oo naman...si Miyuki " sagot nya.

" M-miyuki?! " pasigaw kong tanong na bigla. " Paanong nangyari iyon? Bakit hindi man lang sya--- " bigla na lang dinampi ni Xeriol ang labi nya sa labi ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at tinakpan muli ang bibig ko.

" Gawin ko daw lahat ng gusto ko dahil wala naman syang pake. Hindi rin naman nya gusto na ako daw ang pinili ng cryptus nya para sa kanya dahil ang Kuya Easton mo daw ang gusto nya " paliwanag nya sa akin.

Hindi man lang sinabi ni Miyuki na si Xeriol ang pinili ng cryptus nya. Ngunit halata naman sa kanya na ayaw nya kay Xeriol dahil wala syang bukang-bibig kung hindi si Kuya Easton.

Hindi na ako nagsalita at naglakad na patungo sa tinutuluyan ko. Mabilis akong naglakad na halos patakbo na upang matakasan ko ang sumusunod sa akin. Habang papalapit kami sa kwarto ko, nakita ko sila Tito Orfeo at Tita Luciya. Nakatingin sila sa akin kaya mabilis akong lumapit sa kanila.

" Ano pong ginagawa nyo dito? " tanong ko.

Hindi sila sumagot agad sa tanong ko dahil napansin nila ang kasama ko. Yumukod sila bilang paggalang kay Xeriol saka tumingin sa akin na para bang nagtataka kung bakit ko sya kasama.

" Xeriol, pwede bang mamaya ko na lang ibigay sa'yo ang hinihiram mong libro " pagsisinungaling ko. Hindi kasi nila pwedeng malaman na lumabas ako ng paaralan dahil paniguradong magtataka sila.

" Ibigay mo muna sa kanya at maghihintay na lang kami sa baba. Kumuha ka rin ng iba mong gamit dahil narito kami upang sunduin ka. Ipapakilala ka na namin sa napili ng iyong cryptus. " saad ni Tita Luciya.

Umalis na sila kaya kaming dalawa na lang ni Xeriol ang naiwan. Halata sa mukha nya na nagulat sya sa sinabi ni Tita Luciya at ako rin naman.

" Ayos lang. Sige mauna na ako para makapaghanda ka na " nakangiti nyang sabi pero halatang malungkot ang boses nya.

Naglakad na sya paalis pero hinabol ko sya. " Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi mo na magsasabay tayo ng pagkain ng almusal. Bukas sabay tayo " saad ko sa kanya. Nakita ko muli ang totoong ngiti nya kaya ngumiti na rin ako sa kanya.


Bumalik na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Sino kaya ang napili ng cryptus ko?



----

Sa tingin nyo sino ang napili ng  cryptus ni Alloade para sa kanya?

Btw, si Mayuki at si Miyuki ay iisa. Itatama ko na lang ang ilang updates ko na Mayuki ang nailagay ko. MIYUKI po ang tama. 'Yun lang po :)

Enjoy sa pagbabasa. Comment. Vote.

Salamat sa mga nagko-comment. Paulit-ulit kong binabasa ang mga comment nyo kasi natutuwa ako at nagaganahan akong mag-update. Thank you :)

-junjouheart-














Continue Reading

You'll Also Like

32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
62.1M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
2.7M 122K 61
Juariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng pagiging miyembro ng sindikato hindi kail...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...