Bad Boy meets Good Girl || Vi...

dawnzpost

130K 2.1K 277

May mga taong darating nalang sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang taong magpaparamdam sayo ng... Еще

Introduction
Badtrip >_<
Blame ME
The Reason
Spider
Slam Book
The Mortal Enemy
Do I like Him? Part 1
Do I like Him? Part 2
Mutual Feelings
Pustahan
Boys & Girls
The Enemy
The First Revenge
The Parents
Welcome to My Family
My Dream
The Stalker
Searching...
Tortured
The decision
The Marriage
The Truth
Ang Pagbabalik
The beginning
Find Them
The Revenge
Face off
It's my turn
The Party
JunJun
ViceRylle
The Plan
The Finale
Bad Boy meets Good Girl (Book 2)
Officially Engaged (Special Chapter)

Vice the Bad Boy

4.3K 67 2
dawnzpost

Maaga ang gising ni vice dahil napaaga ang tulog nya kagabi. Sa sobrang kabadtripan kahapon minabuti nalang nyang matulog ng mas maaga.

Kahit ayaw pa nya bumangon, no choice na sya kaya naman dumeritso na agad sya sa banyo para maligo.

Maid: Good morning, ser. (Tumingin lang to at nagtuloy sa paglalakad palabas ng bahay)

Vice: Manang, pakisabi kay Eruption dalhin nalang nya yung kotse ko.(Sabi nito bago lumabas, hindi naman nya na hinintay na sumagot ang katulong nila at tuloy sa paglalakad.)

-----

Vice's POV

At dahil maaga akong nagising, heto ako naglalakad papunta sa campus, medyo malayo ang school mula sa bahay kaya sapat na para makarating ako ng school sa tamang oras. Ayoko kasing gamitin yung kotse ko dahil 5minutes lang nasa school na ako, at ayokong maaga akong makarating dun, aasarin lang ako ng mga barkada ko pag nagkataon.

15 minutes narin pala akong naglalakad, medyo pinagpapawisan na ako since medyo mataas narin ang sikat ng araw.

Sa paglalakad ko may nakita akong isang babae sa di kalayuan, para syang nakaapak ng kung ano, hindi kasi sya makalakad ng deritso. Binilisan ko ang paglalakad ko para makita kung sino sya.

Vice: Okay ka lang ba? (Tanong ko sa kanya, hindi ko makita mukha nya, nakatakip kasi ang buhok nya habang inaayos ang suot nyang sandal. Naglook up sya at tumingin sakin. Maganda sya.)

Vice: Do you need help? (Tumango lang sya kaya naman kinuha ko ang shoes nya sa kamay nya at tinapon ko.)

Karylle: Aaaaaaah! bakit mo tinapon?(Naiinis nyang sabi sakin. Nakakatawa itsura nya, pinagpapawisan na sya)

Vice: Sira na diba? Kaya dapat tinatapon na. Sige una na ako sayo (sabay alis ko, pero napahinto ako at hinarap sya ulit) Hindi ka man lang ba magpapasalamat sakin?

Karylle: Magpapasalamat? pagkatapos ng ginawa mo?

Vice: Ano ba masama sa ginawa ko? Tinulungan kita diba? Kaya may utang ka sakin.

Karylle: Tulong ba ang tawag mo dun? Tinapon mo ang shoes ko. (Naiiinis nyang sabi sakin. Bat ba ang init ng ulo nya?)

Vice: Sira na ang shoes mo, ano paba ang gagawin mo dun? May balak ka bang i-repair? Kung ganun pulutin mo at ipagawa mo sa shoe maker hindi yung inaayos mo, parang alam mo naman.

Karylle: Pakialam mo ba?

Vice: Hindi ka naman siguro mahirap kasi lahat ng nag-aaral dito sa Viceral University ay mayayaman. Pero ikaw? (Sabay tingin mula ulo at paa) kaya mong magbayad ng tuition fee mo pero makabili ng signature shoes di mo kaya.

Karylle: Bwisit ka! (Sigaw nya sakin) Ang yabang mo!

Vice: Gwapo naman.(sabi ko habang nakangiti) Oo nga pala, next time wag kang magsuot ng may heels kung maglalakad ka rin lang pala. (Sabay alis)

Karylle: Aaaaaaaaaaaaah (Sigaw nya mula sa likod ko. Hindi ko na pinansin at nagtuloy nalang ako sa paglalakad papasok ng campus)

-----

Vhong: Hoy! brad. Saan ka galing? Bat nauna si Eruption sayo? (Pinatong ko ang bag ko at umupo sa tambayan namin)

Vice: Naglakad.(Nakangiti kong sagot)

Billy: Naglakad? Ang layo ng bahay nyo mula dito ah?

Vice: Exercise. Matagal narin kasi akong hindi nakapag-gym. Tsaka maaga akong nagising.

Eruption: Boss, mukhang maganda gising mo ah? Nakangiti ka dyan mula pagdating mo.

Ryan: Oo nga.

Billy: Bakit masaya ka ata ngayon? Eh balita namin nag-away na naman kayo ng erpat mo.

Vice: Wala ng bago dun. Ang bago lang siguro nung sinapak nya ako.

Echo: Dapat kasi di mo na sinasagot ang daddy mo.

Vice: Mas maganda na yun. At least ngayon narinig ko mismo sa bunganga nya na ako talaga ang sinisisi nya sa pagkamatay ng kuya ko.

Billy: Sino pa nga ba ang sisisihin kung hindi ikaw.

Vice: Malay ko kung yung nanay ko pala, sakin lang sya galit.

Vhong: Ikaw, nagawa mo pang magbiro.

Vice: Ayoko ng seryoso, at lalong ayokong sirain ang araw ko. Kita nyong ang ganda ng simula ng araw ko sisirain nyo.

Vhong: Speaking of masaya, bakit ka nga masaya?

Vice: Hindi naman sa masaya, natutuwa lang ako, may nakilala kasi ako kanina eh. Ay mali, nakita lang pala, isang babaeng parang tanga. Hindi. Tanga talaga. Hahaha

Billy: Bakit ano ba nangyari?

Vice: Nagsuot ba naman ng mataas na heels, eh maglalakad pala. Hayun sira ang shoes, tanggal ang heels. Hahaha (Sabi nya habang tuloy parin sa pagtawa)

Vhong: Yun lang?

Vice: Anong yun lang? Nakakatawa kaya. Hahaha

Ryan: Hindi ka man lang awa sa babae?

Vice: Naawa ako, kaya nga tinulungan ko eh.

Billy: Wow! Talaga?

Vice: Oo. Anong tingin nyo sakin walang puso.

All: Oo.

Vice: Anong sabi nyo? (Sabay hampas ko ng bag sa kanila)

Billy: Joke lang, brad. Ito naman masyadong seryoso. Pero totoo? tinulungan mo?

Vice: Oo nga. Hindi nga marunong magpasalamat eh.

Ryan: Bastos pala eh. Alam ba nya kung sino tulong sa kanya? Ano ba tulong gawa mo?

Vice: Tinapon ko shoes nya.

All: TINAPON MO??? (sabay-sabay nilang sabi sakin except si echo na hayun tahimik na naman. Mukhang nabasag ata eardrum ko sa sobrang lakas)

Vice: Walang hiya kayo! (Sabay hampas ulit ng bag sa kanila) Hindi ako bingi para sigawan nyo.

Vhong: Brad naman, bakit mo tinapon? Kawawa naman yung babae.

Vice: Tol, ano ba gagawin nya dun eh sira naman na. Ano ba ginagawa sa gamit na sira na?

All: Tinatapon.

Vice: O di tama ginawa ko. Kaya lang imbes na magpasalamat, nagalit sya. Matapang yung babae na yun ah. Sa dami ng babaeng humahabol sa akin, sya lang ang bukod tanging hindi ako type. O baka naman nagpapakipot lang yung babae na yun.

Billy: Hindi sya nagpacute sayo?

Vice: Hindi

Vhong: Hindi ka hinabol?

Vice: Hindi.

Billy: Malaking himala.

Vice: Kaya nga challenging tong babae na to eh.

Vhong: Ito brad, pag nagawa mong mapaamo yang babaeng sinasabi mo. Bilib na talaga ako sayo.

Vice: Bilib lang? Sa dami ng nagawa ko di pa ba kayo bilib sakin?

Billy: Sige, pustahan tayo. 1 year, sagot namin ang inumin mo.

Ryan: 1 year? Bakit tagal naman yun.

Billy: Hayaan mo na. Lima naman tayo maghahati nun eh. Kaya natin yan.

Vice: Sige. Deal.

Vhong: Oo nga pala, anong name nung girl?

Vice: Miss heels. (Sabi ko habang nakangiti.)

Vhong: Miss Heels? Totoo yun ang name nya?

Vice: Syempre hindi. Bakit may alam naba kayong may name na Miss Heels? Minsan di rin kayo nag-iisip noh?

Billy: Eh sabi mo eh.

Vice: Di ko sya kilala, kaya nga Miss heels ang tawag ko sa kanya eh.

Ryan: Ah dahil tanggal heels nya kanina.

Vice: Ngayon nyo lang nahalata? Mga utak nyo talaga puro kalawang. Magbasa nga kayo ng dyaryo.

Vhong: Bakit dyaryo?

Vice: Wala. Gusto ko lang.

Vhong: Baliw ka talaga. Oo nga pala may sasabihin kami sayo brad. Alam mo bang may new transferees dito? At lahat sila girls. Brad magaganda sila.

Vice: Eh ano ngayon? Sanay naman tayo na tayo ang hinahabol eh. Hayaan nyo sila. Lalapit din yung mga yun. Ang care ko ngayon si Miss heels. Hahaha

Billy: Brad, hinintay ka namin para dito. Tara na, puntahan na natin sila. Hayun sila oh!(Sabay nguso sa kinaroroonan ng isang grupo ng mga babae)

Vice: Kayo nalang. (Wala akong pakialam sa mga babae na yan.)

Vhong: Brad naman, panu kami magpapakilala na team vice kung ang mismong leader wala sa tabi namin. Hinintay ka namin tapos di ka sasama? Akala ko ba walang iwanan.

Vice: Tara na! Ang daldal nyo.

Vhong: Yeeees! (Tuwang-tuwa naman ang mga mokong na to. Bakit ba kasi kailangan kasama ako, kung type nila mga babae na yan, pormahan nila wag nila ako dinadamay dito. Pero tulad nga ng sabi nya, ako ang lider kaya kailangan kasama ako.)

----

Anne: Bakit ba nakabusangot yang mukha mo, K? Ang aga-aga badtrip ka.

K: Paanong di ako mababadtrip, may isang bwisit na lalaki kanina sa labas ng campus. Akala mo naman kung sinong gwapo. Eh mukha naman syang kabayo. Demonyong kabayo na mahaba ang leeg at legs.

Angel: Grabe ka naman, ganun ba talaga kasama itsura nya para mainis ka ng ganyan?

K: Oo. Ang panget nya. Mandidiri ka pag nakita mo pagmumukha nya. Parang nakakahawa nga ang kapangitan nya eh. Kaya, if I were you guys, avoid him.

Coleen: OMG! K, wag ka naman ganyan. Nakakatakot naman.

K: Matakot ka talaga.

Vhong: Hi girls! (Nakangiti nyang bati)

Anne: Hello ( sabi naman nya, magaganda nga sila infairness)

Nagpakilala sila isat-isa at nakipagshake hands naman sila.

Angel: Sino sya? (Turo nya sakin)

Billy: Ah, yan si Vice.

Coleen: Vice? The leader of team vice?

Billy: Oo (pacute nyang sabi)

Vhong: Kilala nyo grupo namin?

Anne: Sinong hindi makakakilala sa grupo nyo, eh halos lahat ng girls sa dati naming school pinag-uusapan kayo. And no doubts kung bakit sila lumilipat dito. At mukhang tama sila. You all guys are so hot, especially you Vice. (Napaangat naman ang ulo ko sa sinabi nya) Is he really hot, K? (Sabay angat ng ulo nya.

Vice: Oy! Miss heels! (Sabay tawa ko ng malakas) What a small campus. Akalain mo magkikita ulit tayo?

Anne: Miss heels? Her name is Karylle. Magkakilala kayo, K? (Sabay tingin sa kanya. Hindi naman madrawing ang mukha nya habang nakatingin sakin. Nanlilisik mga mata nya, kulang nalang sugurin ako)

K: Anong ginagawa mo dito? (Naiinis nyang tanong)

Vice: Bakit, hindi mo ba alam na anak ako ng may-ari ng school na to?

K: Wala akong pakialam.

Angel: K, bat ka ba nagagalit kay Vice.

Coleen: OMG! Don't tell me sya si...

Coleen, angel and anne: Demonyong Kabayo na mahaba ang leeg at legs? (Sabay nilang sabi. Nanlaki naman ang mata ko at nagtinginan kami ng mga kaibigan ko)

Vice: Ano? (Biglang tumaas ang dugo ko sa ulo) Ako? Demonyong Kabayo. Sira ba mata mo? Sa gwapo kong ito sasabihan mo ako ng ganyan?

Anne: Ang OA mo talaga K. Ang gwapo niya kaya. Ang layo ng description na sinabi mo sa amin.

Angel and Coleen: Kaya nga.

K: Yun ang description ko sa mukha nya, kaya wala syang pakialam.

Vice: Humanda ka sakin Miss Heels.

K: May pangalan ako. At para sabihin ko sayo hindi Miss Heels ang name ko.

Vice: Pakialam mo rin. Eh yan din ang description ko sayo eh. Walang pakialaman okay? (Humanda talaga tong babae na to. Tawagin nya akong demonyong kabayo? Pwes ipapakita ko sayo kung sino ang demonyong kabayo na sinasabi mo.)

Billy: Tama na nga yan, why do we eat snacks? Treat namin. (Sabay siko kay Vhong)

Coleen: Sige. (Nag-agree naman sila Anne at Angel)

Karylle: Kung kasama sya. Kayo nalang. Di ko gugustuhin makasama ang isang tulad nya.

Vice: Swerte mo nga eh. Isang gwapong tulad ko ang makakasama mo.

Karylle: Swerte? Baka malas!

Coleen: Alam nyo? Ang cute nyong tignan.

K: Cute? Eeeeeeew! Tigilan mo nga ako Leen.

Wala syang nagawa kundi sumama sa amin. Natakot kasi ng sinabi naming maraming adik dito at kung sino ang bago pinagtitripan. At naniwala naman sya. Maganda pero walang utak. Simpling babala lang pinagpapaniwalaan. Sa tingin nya magpapapasok kami ng adik dito sa campus?

Pumunta kami sa canteen. At dahil sila ang nagyaya sila ang magbabayad, wag nilang asahan na ako ang sasagot sa pagkain nila, tama na ang alak sakin.

Vhong: Girls, dito lang kayo ha? Kami na bahala mag-order.

Billy: Ano ba ang gusto nyo?

Anne: Chips lang tsaka drinks. Juice okay na sakin.

Vhong: Sure. (Masyado syang pacute dito sa Anne na to, halatang type na type)

Vice: Vhong! (Tawag ko sakanya, lumingon naman ito) Wag kang pahalata masyado ha? Pwede bang liitan mo yang ngiti mo? Ikaw din Billy.

Billy: Bat pati ako?

Vice: Hindi ba? (See, hindi sya nakasagot at mukhang kinilig pa tong mokong na to.) Anne. (lingon naman sya agad sakin)

Anne: Yes

Vhong: Type ka ni Vhong. Ikaw din Coleen, type ka ni Billy. (Nagblush naman agad ang dalawa.)

Angel: Eh ikaw Vice. Si K ba ang type mo?

K: Of course not! (Galit nyang sabi) Sa langit ang gusto kong puntahan hindi sa impyerno. (Sabay irap sakin)

Vice: Langit ba ang gusto mo? (Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako. Nilapit ko naman ang mukha ko sa kanya para mas lalo syang asarin.) Gusto mo bang makarating sa langit?

K: Umalis ka nga sa harapan ko! (Sabay tulak sakin.)

Vice: Akala ko ba gusto mo pumunta sa langit. Ito na oh(sabay stretch ng dalawa kong kamay ) Come with me, and I will bring you in heaven. (Pang-aasar kong sabi. Ang sarap nya talagang asarin. Buti nalang meron akong napagtitripan dito sa campus)

K: NO WAY!!!! (ang hilig nya talagang sigawan ako, para syang nakalunok ng microphone.)

Billy: Bahala nga kayong dalawa, order lang kami okay? (Sabay alis nilang dalawa, sumama narin sila Eruption at Ryan. Wag nyo na tanungin kung nasaan si Echo, hayun sa isang sulok tahimik na naman.)

Vice: Bakit pala kayo lumipat dito sa School namin?

Anne: May iniiwasan kasi si.....(sabay takip ni MH(Miss Heels) sa bunganga ni Anne.

K: Anne, can you please shut your mouth. Wag ka nga nakikipag-usap sa demonyo.(sabay tingin sakin ng masakit)

Vice: Kung may demonyong gwapo, ako yun. Swerte mo kasi ako ang susundo sayo papuntang impyerno.

K: No, thanks kasi dito palang sa campus na to impyerno na, lalo na pag ikaw ang nakikita. (Aba! sumusobra na tong babae na to ah!)

Anne: Saan pupunta si Echo?(Sabay tingin namin sa kanya paalis ng canteen)

Vice: Echo, saan ka pupunta?

Echo: Sa tahimik na lugar, malayo dito (sagot nya habang naglalakad palayo sa amin)

Angel: Bakit ang tahimik nya masyado? Ibang-iba sya sa inyong lima.

Vice: Ganyan talaga yan si Echo, sanay syang tahimik.

Angel: Eh maingay kayo eh. Paano yun?

Vice: Sanay na sya sa amin. Kaya kayo masanay na kayo kung di nya kayo kausapin. Pero mabait yan. Mas mabait nga lang ako.

K: Mabait ba ang tawag sayo? Ano pa si Echo? Santo?

Vice: Oo. At dahil mas mabait ako sa kanya, mas mataas ako sa lahat ng santo. (Ayaw mo magpatalo ah. Maganda to, mas gaganahan akong pumasok. Hahaha (devil laugh) )

After ilang minuto dumating din sila Vhong. Gutom narin ako since di ako nagbreakfast.

Busy kaming kumakain, yung dalawa hayun sinisimulan ng pomorma kanila Anne at Coleen. Itong si Angel mukhang type si Echo. Yun nga lang mukhang di sya type nung kaibigan ko. Buti pa tong apat na to mukhang mutual ang feelings. After a minutes natapos din kaming kumain. Pero bago kami umalis pra pumasok sa klase namin, napansin kong wala parin palang suot na shoes tong Miss heels na to. Mapagtripan nga ulit.

Vice: Miss heels (sabay lingon nya sakin, pero as usual masakit parin ang tingin) Nasabi ba sayo na bawal pumasok ang estudyanteng nakapaa? (Tumingin naman sya sa paa nya habang nakaupo parin)

K: Wala kang pakialam. (Sabay tadyak sa paa ko)

Vice: Aray! (Sigaw ko) Paa ko yun ah. (Naiinis kung sabi sakanya)

K: Ay, paa mo ba yun? Akala ko kasi kahoy!

Vice: Ah kahoy pala ah. Akin na nga yan(sabay hablot ko sa bag nya at umalis)

K: Hoy! Akin na yang bag ko.

Vice: Kunin mo kung kaya mo. (Sabi ko sa kanya habang paalis ng canteen.)

K: Bwisit kang demonyong kabayo ka. (Sigaw nya sakin. Tumakbo sya para habulin ako, pero syempre mas mabilis akong tumakbo kaya naman di nya ako nahabol. May naisip naman akong pang-aasar pa sa kanya kaya naman umakyat ako sa puno at sinabit ko dun ang bag nya tsaka ako pumunta sa kanya)

K: Asan ang bag ko? Ibalik mo nga? (Galit na talaga sya. Kulang nalang umusok ang ilong nya sa sobrang inis sakin. Hahaha)

Vice: Yung bag mo? (Nakangiti kong tanong) Hayun oh. (Sabay nguso sa itaas ng puno)

K: Aaaaaaaah! Bakit mo nilagay dun? Walang hiya ka talaga. (Sabay lapit nya sakin at pinagsusuntok ang dibdib ko. Medyo masakit ang suntok nya ah, kaya naman pinigilan ko sya.)

Vice: Oy ano ba? Masakit na yan ah. (Habang hawak ko ang kamay nya)

K: Kunin mo yung bag ko?

Vice: Bat ako? Bag mo yun kaya ikaw ang kumuha.

K: Aaaaaaah. Nakakainis ka talaga.(Natawa lang ako sa itsura nya. Bakit ba napaka pikon nya?)

Billy: Brad, tama na nga yan. (Nasa likod pala sila at kanina pa kami pinapanood)

Vhong: K oh. (Sabay abot ng bag sakanya, di ko naman namalayan na kinuha na pala ni Vhong ang bag nya) Girls, pasok na kami ha? See you later.

Girls: See you. (Sabi nila habang nagwi-wave)

---

Vhong: Brad, wag mo inaasar si Ms. Tatlonghari.

Vice: Sinong Tatlonghari?

Vhong: Si K?

Vice: Tatlonghari ang surname nya? Hahahahaha nakakatawa.

Billy: Hay! kung ako sayo brad, makipagkaibigan ka sakanya.

Ryan: Oo nga Vice, mukhang bait naman sya eh.

Eruption: Boss, diba may pustahan tayo? Paaamuhin mo sya sayo, pero mukhang mahihirapan kang mapaamo yun pag ganyan ka lagi sakanya.

Billy: Oo nga, may point si Eruption.

Vice: Mga brad, leave it to me. Akong bahala, makikita nyo. Aamo rin yan sakin, at sisiguraduhin kong mahuhulog ang loob nya sakin.

Vhong: well, good luck sayo brad(sabay pat ng shoulder ko)

Billy: Brad, anong ginagawa mo dyan tara na? (Tawag nya sakin. Naiwan kasi akong nakatayo sa tapat ng puno habang sila naglalakad na papunta sa klase namin.

Vice: Mauna na kayo, sunod ako.

Vhong: Sige, bilisan mo ha? Papagalitan ka na naman ng prof natin.

(Tumango lang ako at pinanood silang umaalis. Nang medyo malayo na sila, naglakad ako at naghanap ng taong mauutusan.

Vice: Hoy! (Tawag ko sa isang lalaki na nakaupo sa may silong ng puno) Hoy! (Pag-uulit ko, pero para syang ewan na hinahanap yung tinatawag ko)

Boy: Ako? (Turo nya sa sarili nya)

Vice: Oo, sino pa nga ba? Nakatingin ba ako sa ibang tao para di mo makitang ikaw ang tinitignan ko? Lumapit ka dito. (Lumapit naman sya habang nanginginig katawan nya. Bakit ba natatakot ang mga to sakin. Ang gwapo ko kaya)

Vice: Oh! (sabay abot ng pera sa kanya) bumili ka ng matino at magandang sandal ah. Mga size 7. para sa babae. Piliin mo yung maganda. Walang heels at matibay. Naiintindihan mo ako? Kundi ipapasuot ko sayo at irarampa mo yan sa buong campus.

Boy: O...oo. (Sagot nya habang nanginginig ang boses)

Vice: Bilisan mo ah. 15 minutes. Dapat on or before 15 minutes nasa tapat kana ng V302. Kailagan mong mauna sakin dahil pag ako ang nauna sayo doon at pinaghintay mo ako. Patay ka sakin. Okay?

Boy: Oo vice. (Sabay takbo nito palabas ng campus)

---

Mukhang natakot ang mokong na to at kanina pa pala sya nakarating. Kinuha ko ang sandal na binili nya at pinaalis na ito. Nandito ako ngayon sa tapat ng room ni MH. Hinihintay ang paglabas nya. Di na ako pumasok sa klase ko since late naman na ako.

Ang tagal lumabas ng babae na yun ah. Nakalabas na halos lahat ng classmate nya sya wala parin. Lumapit ako at pumunta sa may pintuan. Di pa ako nakakalapit para namang baliw tong mga babae na to habang sumisigaw. Alam ko gwapo ako. Di pa ba sila sanay dun?

Girl: Anong ginagawa nya dito sa tapat ng room natin?

Girl 2: Baka may hinihintay.

Sa wakas palabas narin sya.

Vice: Hi MH! (Nakangiti kong bati)

K: Anong ginagawa mo dito? At anong MH?

Vice: MH, short for Miss Heels. Diba mas maganda at mas maikli.

K: May pangalan ako, kaya pwede ba umalis ka nga sa dinaraan ko!

Vice: Oh may suot ka na palang sandal.

K: Ano ba paki mo?

Vice: Akin na nga yan(Sabay tanggal ng sandal nya sa paa)

K: Ano bang ginagawa mo? Umalis ka nga dyan. Ano ba?

Vice: Hayan. Mas bagay sayo.( Infairness marunong pumili yung bumili)

K: Ano ba to?

Vice: Pinapalitan yung sandal mo! Saan mo ba kinuha yan?

K: Hiniram ko.

Vice: Hiniram? Eh kung may sakit sa paa o alipunga yang may-ari ng sandal na yan eh di nahawa ka pa.

K: Eh ano naman ngayon sayo?

Vice: Kung makahawa ka. Ayokong may epidemya na kakalat dito sa school namin noh.

K: Hahaha ang OA mo. Epidemya agad? eh kung ikaw pa nga lang epidemya na ng school na to eh.

Vice: Basta, dapat dito tinatapon. (Sabay tapon ko sa basurahan)

K: Wala ka talagang magawang matino. Hiniram ko lang yun tapos tinapon mo talaga?

Vice: Mas bagay sayo yan. Sige alis na ako(sabay lakad palayo sa kanya) Oo nga pala, may utang ka sakin ah! Humanda ka, sisingilin kita. (Tsaka ako nagtuloy sa pag lalakad.

Продолжить чтение

Вам также понравится

19.1K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
"SOULMATES" j.sp

Фанфик

115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...
One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed) ✨ Yhel ✨

Подростковая литература

6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...