Nights Of Pleasure

By adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 1

1.3K 75 6
By adeyyyow

"Isa pang tequila!" sigaw ko sa bartender nang makailang beses na akong nag-order, pero ni hindi man lang ako nililingon.

Aba at kanina pa ako rito! Muli akong sumigaw para kunin ang atensyon nito.

Sa wakas ay lumingon din siya. "Pasensya na, Ma'am. Ang dami rin po kasing customer."

Siyang tunay. Hindi ko inakala na sa ganitong klase ng lugar ay marami pa palang nagtatagong mga tao. Malayo na kasi ito sa Manila, although nasa trendy at nasa kasalukuyan ang pamumuhay.

Nakakamangha lang din itong Isla Mercedes. Dati ko na itong napuntahan noong inimbitahan kami ni Sir Melvin kasama ang buong Bachelor Squad, pati ang kani-kanilang partner para sa kanilang outing for the year.

Hindi ko nga lang noon napagtuunan ng pansin ang paligid, pero sobrang aware ako na isa ito sa pinakamagandang lugar dito sa Pilipinas. No wonder, palaging nabibisita ng mga tao, domestic man o ng mga foreigner.

Kahit siguro magpaulit-ulit akong magpunta rito ay hindi ako magsasawa. At kung darating man na masasaktan ulit ako ay dito ko gustong pumunta, rito ako magtatago.

"Here's your tequila, Ma'am. Enjoy your drink!" anang bartender nang mailapag niya sa akin ang order ko.

Pang-ilan ko na ba 'to? Hindi ko na alam. At kung paano pa ako makakauwi mamaya ay bahala na si Batman. Sayang lang at wala si Elsa, siya sana ang mag-aalaga sa akin. Nasanay na ako na siya ang nag-aalaga sa akin sa tuwing lasing ako.

Ngayon na wala siya ay parang ang hirap. Para akong na-double dead, broken hearted na nga, nawalan pa ng bestfriend.

"Shít," bulalas ko sa kawalan.

Iyong tipong gusto kong lumimot kaya rin ako nag-iinom at nagpapakalasing, pero sa ganito ko pa maaalala ang mga bagay na gusto ko nang kalimutan?

"Ano ba, Lord? Grabe ka naman magparusa, e. Para namang hindi mo ako anak," palatak ko habang naniningkit na ang mga mata. "Ang unfair, Lord! Sila ay masaya na, ako— heto, parang tanga!"

Suminghot ako nang muling tumulo ang luha sa pisngi ko. Madali ko iyong pinahid upang takpan ang nasasaktan kong pagkatao. Ilang sandali nang inisang lagukan ko ang tequila. Sa ilang beses nang dumaan sa lalamunan ko ang alak ay naninibago pa rin ako sa tapang at init na dala nito.

Hindi maipintura ang itsura ko nang malukot ang mukha ko. Padarag kong naibaba ang baso sa counter at tinunghay ang bartender. Sumenyas ako rito ng isa pa nang malingunan niya ako. Umiling-iling ito, pero madali rin namang tinugunan ang order ko.

Humagikhik ako. Ilang minuto akong nagmukhang baliw doon. Natigilan lang nang may biglang gumalaw sa gilid ko. Nasagi ako nito sa sobrang laki ng katawan niya. Maangas ko itong binalingan.

Walang sabi-sabi nang maupo siya sa bakanteng stool na nasa tabi ko. Tiningala ko siya. Pamilyar ang mukha niya kung kaya ay bulgar na nangunot ang noo ko. Matagal ko siyang tinitigan hanggang sa tuluyan siyang magbaba ng tingin sa akin.

"Ikaw na naman?" asik ko rito nang hindi nga ako nagkakamali kung bakit mukha siyang pamilyar.

Siya iyong lalaking bumangga sa akin noong isang gabi sa restaurant! Iyong lalaking napagkamalan akong baliw!

Ngumisi siya. "Dito ka nakatira? Parang gabi-gabi ka na rito, ah?"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Tama nga naman na ilang gabi na ako rito. Walang palya simula nang mapadpad ako sa Isla Mercedes. Pero wait, paano niya nalaman?

"Sinusundan mo ako, 'no? Bakit alam mo na palagi ako rito sa bar?" Sinundot ko ang dibdib nito. "Uyy! Bakit mo ako sinusundan? Are you my stalker?"

Natawa ang lalaki. "Parang grabe naman yata ang pagiging delusional mo? Palagi rin ako rito. Kaya lahat ng bagong salta rito ay madali ko lang napapansin."

"So, napapansin mo nga ako?"

Tinapatan ko ang pagkakangisi niya. Samantala ay nalusaw naman ang kaniya. Kalaunan ay nailing na lamang din siya at saka hinarap ang bartender. Um-order siya ng inumin, isang bote ng whisky at isang baso na walang laman.

"Ang tagal naman no'ng akin! Nauna ka pa sa first!" pagpuna ko.

"Wanna try?" anang lalaki kaya nagpilantikan ang mga kilay ko. "Habang hinihintay mo ang order mo."

Hindi pa man ako nagsasalita ay nagsalin na siya ng whisky sa baso. Inilapag niya iyon sa harapan ko bago siya nagpakuha ulit ng isa pang baso na para sa kaniya. Sinalinan niya rin iyon at bahagyang itinaas sa ere.

"Cheers?" malumanay niyang saad, na kahit maingay ang dancefloor ay nanunuot sa pandinig ko ang pagiging marahan niya.

Nang hindi ako gumalaw ay nauna na niyang ininom ang kaniya. Nakatingala lang ako sa kaniya. Pareho kaming nakaupo sa magkaparehong level, pero kitang-kita ko ang layo ng height naming dalawa.

Matangkad siya, maganda ang pangangatawan. Mukhang batak sa gym. Malinis ang gupit ng kaniyang buhok kung kaya ay agaw-pansin ang mala-perpekto niyang mukha.

Magmula sa mga kilay niyang makakapal, sa dalawang matang mapupungay at malalalim. Ang kaniyang ilong ay natural na matangos. Habang ang labi naman ay kumukurba sa korteng puso. Higit sa lahat ay ang lakas maka-bias wrecker ng kaniyang panga.

Sa tuwing sumisimsim ito ng whisky ay gumagalaw ang panga niya, umiigting na para bang nangangalit. Maging ang adams apple nitong panay ang pagtataas-baba.

Hindi nakakasawang tingnan. Kaya naman nang lingunin niya ako ay naabutan niya ulit ang paninitig ko sa kaniya. Napakurap-kurap ako nang masilayan ang dahan-dahang pag-arko ng kaniyang labi.

"Enjoying the view?" pang-aasar niya dahilan para mapasinghap ako.

Wala sa sarili nang mapainom ako sa baso ng whisky na kaagad kong pinagsisihan. Umikot ang mundo ko. Dumoble ang hilo ko na kanina ko pa nararamdaman. Lalo ring nanlabo ang paningin ko.

"Chill, woman. Hindi ka naman mauubusan ng alak," natutuwang sambit ng lalaki.

Doon ko lang din naramdaman ang palad niya na naroon sa likod ko bilang suporta sa akin dahil kamuntikan na akong malaglag sa kinauupuan ko. Malakas akong tumikhim at saglit na napapikit.

Alalay pa rin nito ang likuran ko. Hindi ko alam na mas matapang pala ang whisky kumpara sa mga alak na paborito namin ni Elsa. Sa hilo ko ay hindi ko na muna pinansin ang mumunting paghangod ng lalaki sa likod ko, para akong hinihele.

"If you're that broke, hindi ka dapat narito sa ganitong klase ng lugar." Dinig kong pukaw nito habang dinudungaw ako.

Pagak akong natawa. "Hindi naman ako broken hearted, 'no! Umiinom lang ako dahil hindi ako natanggap sa restaurant na ina-apply-an ko. Ang taas ng standard! Akala mo naman ay ang taas magpasahod! If I know, provincial rate lang din dito!"

Natawa rin ang lalaki.

"Ah, kaya ba halos isumpa mo na ang mga lalaki dahil hindi ka broken hearted?"

Suminghot ako. "Hindi naman talaga."

"All right, if you say so."

Tumigil siya sa pang-aalo sa akin at gumalaw sa inuupuan niya. Mabilis naman akong umahon para ibigay ang buong atensyon sa kaniya. Nagulat siya sa biglaan kong kilos. Nagbaba ulit siya ng tingin sa akin.

Hinawakan ko siya sa magkabilaang braso niya. Dumukwang ako sa pwesto niya na kulang na lang ay sumubsob ako sa dibdib nito. Ang ginawa niya ay inikot nito ang katawan para maharap ako at ipinirmi ako sa pagkakaupo ko.

"Pero sagutin mo nga ako, normal ba talaga sa inyong mga lalaki na manggamit ng babae para lang makalimutan ninyo ang ex-girlfriend ninyo? Kasi alam mo, hindi ko talaga maintindihan hanggang ngayon kung bakit kailangan niyong gumamit ng panakip-butas. Para ano? Para magselos ang babaeng gusto ninyo? Para magkabalikan kayo? So, hindi niyo man lang naisip iyong iiwanan niyong sakit sa babaeng ginamit ninyo?" mahabang lintanya ko.

"Hindi ka nga broken hearted..." natatawang banggit niya, ganoon pa man ay nananatiling seryoso ang mga mata niya.

"Sagutin mo ako!" singhal ko rito at saka pa hinaklit ang kwelyo ng kaniyang polo.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at dahan-dahan na ibinaba. Hawak lang niya iyon na para bang pinipigil ako na sakmalin siya ulit. Umimpis ang labi niya habang halos matunaw ako sa init ng paninitig niya.

"Actually, para sa akin, hindi naman iyan kailangan. Kung gusto kong makipagbalikan ay gagawa ako ng paraan— sa paraang wala akong inaapakan at nasasaktan."

Umagos ang panibagong luha sa mga mata ko. "Pero bakit sila?"

"Hindi ko rin masabi, pero siguro way lang din ng lalaki iyon para tuluyan silang makalimot. May ibang lalaki naman na nagtatagumpay. May ilan nga lang na imbes makalimot, lalo pa nilang minamahal ang babae sa nakaraan nila." Nagkibit ng balikat ang lalaking nasa harapan ko.

"Kagaya ng nangyari kay Andrew..." bulalas ko sa mahinang boses.

Akala niya ay madaling makalimutan si Elsa, pero sa higit limang taon na relasyon nila, kahit sino ay mahihirapan na mag-move on.

Ako nga na ilang araw lang naka-in a relationship ay halos malunod na sa sakit, sila pa kaya? Sila pa na may dating matayog na pundasyon? Nakakainis lang, iyong masakit kasi sa parte ko na hindi ko matanggap ay umasa ako.

"May girlfriend ka?" deretso kong tanong, curious lang— para kasing ang mature niya pagdating sa relationship.

Hindi maipagkakaila na nakarami na siya. Hindi rin naman malabo, lalo sa angking kagwapuhan niya.

Kumibot ang labi nito. "Bakit?"

"Kung una siguro kitang nakilala ay wala akong problema ngayon. Sayang..."

Napanguso ako. Dahan-dahan akong umayos ng upo habang alalay niya pa rin ako. Hawak nito ang magkabilaang balikat ko, just in case na bigla na naman akong matumba.

Mayamaya nang ilahad ko ang isang kamay sa harapan niya. Nagbaba siya ng tingin doon, kapagkuwan ay muling ibinalik sa akin ang atensyon. Nangunot ang noo niya. Ngumiti naman ako.

"Friend na lang. I wanna be your friend," pahayag ko habang binabantayan ang bawat pagbabago sa mukha niya.

Ngumisi ito bago tinanggap ang palad ko. "Okay... I'm Calvin..."

"Calvin, huh?"

Gwapo rin ng pangalan. Lahat sa kaniya ay fvckin' perfect!

"And you? What is your name?"

"Hmm..." Tumitig ako sa kaniya. "Verra."

Jinky Verra Bolivar, that is my full name.

But then, ayoko nang malaman ng ibang tao ang pangalan kong Jinky dahil kabalikat nito ang mga pinagdaanan ko sa Manila. Alam kong hindi rin naman ako magtatagal dito sa Isla Mercedes kaya mas mabuti na iyon.

Verra for the new version of me.

"Nice meeting you, Verra." Hinalikan ni Calvin ang likod ng kamay ko na naging mitsa para malunod ang damdamin ko.

Napapasong binawi ko ang kamay sa kaniya. Ganoon din ang mga mata kong mabilis na nag-iwas ng tingin. Para akong binuhusan ng mainit na tubig at damang-dama ko ang init na lumulustay sa katawang lupa ko.

Sa nagdaang oras ay naroon lang kami ni Calvin sa bar counter. Parehong nagpaparamihan ng alak na nainom. Sa kaniya ko ibinuhos ang mga hinanakit ko sa buhay, ni hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak sa kaniya.

Dala rin ng kalasingan ay ayaw nang magpaawat ng bibig ko. Panay ang kuda ko, samantala ay nakikinig lang din sa akin si Calvin. Ako lang yata itong lasing dahil si Calvin ay nagawa pang magmaneho patungo sa sinasabi niyang Isla Mercedes Bridge.

Nilasap ko ang hanging dumadampi sa balat ko. Nakaupo naman ako ngayon sa nguso ng kaniyang kotse. Siya ay nasa harapan ko, nakahalukipkip at tamang tagapakinig lang ng kung anu-anong kinukwento ko.

"Pero alam mo, kung ikaw lang talaga iyong una kong nakilala, baka sa 'yo pa ako ma-inlove, e. Kaya lang hindi, kahit gwapo ka, mas lamang pa rin iyong pagmamahal ko sa lalaking 'yon!"

Malakas akong tumawa at pumalakpak.

"Gago siya! Ako na 'to, oh!" patuloy ko at sumisigaw na rin habang ang mga kamay ay paulit-ulit na itinuturo ang sarili. "Ang ganda ko na para sa kaniya! Sinayang pa niya!"

Madilim ang kalangitan, kagaya kung gaano kadilim ang mga mata ni Calvin ngayon na siyang nakatitig sa akin. Hindi ko lang alam kung dahil ba may tama na siya ng alak, o iyan na ang natural niyang mga mata.

Isang hakbang ang ginawa niya palapit sa akin, rason para maitikom ko ang bibig ko. Nanlaki rin ang dalawang mata ko nang ilapag niya ang parehong kamay sa magkabilaan kong gilid.

Yumuko siya para ipagpantay ang mga mukha namin. Nahigit ko ang hininga ko, lalo pa nang wala siyang itirang espasyo sa gitna namin. Napapikit ako. Namalayan ko na lang ang pagtama ng labi niya sa labi ko.

"Let's forget the world, even just for a moment, let's forget the people who hurt us first," wika niya sa pagitan nang maliliit niyang mga halik, sa boses ding animo'y nagmamakaawa. "Let's be happy tonight, even if it's just the two of us."

Tumulo ang isang patak ng luha sa aking pisngi bago ko sinagot ang nanghahalinang mga halik ni Calvin. Ikinawit ko ang dalawang braso sa kaniyang balikat at mas lalo pa siyang hinapit upang ilapit sa akin.

Ngayon ko napagtanto, na sa dinami-rami ng tao sa mundo, hindi lang ako iyong nasasaktan. Hindi lang ako iyong may masamang kapalaran. Marami kami— at sa ganitong paraan kami nagkasundo ni Calvin kung paano paliligayahin ang isa't-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

109K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...