Nights Of Pleasure

By adeyyyow

13.2K 878 36

(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Prologue

2K 90 7
By adeyyyow

"Jinky!" pagtawag sa pangalan ko.

Isang beses akong lumingon bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit sa mga gamit ko. Nalikom ko na ang mga gamit ko, tinatapos ko na lang linisin ang ilang kalat para hindi naman nakakahiya sa susunod na gagamit nitong table.

"Jinky... ba—bakit?"

May humawak sa braso ko, hindi na ako nagulat kung sino iyon dahil kilala ko naman ito. Isa siyang malapit na tao para sa akin, bestfriend kung ituturing.

"You know what it is, Elsa. Hindi mo na kailangan pang magtanong," seryoso kong pahayag habang abala pa rin sa ginagawa.

"Oo, alam kong nagliligpit ka. Bakit nga? Aalis ka ba?"

Napahinga ako nang malalim. Nang matapos maglinis ay tumayo na rin ako. Roon ko lang ito binalingan. Tipid akong napangiti at saka hinawakan ang balikat niya.

"Sa totoo lang ay ayokong gawin ito, pero naisip ko kasi na ito ang tama. Hindi lang ako lumalayo para sa inyo ni Andrew— para rin sa akin, Elsa. Gusto ko munang magpakalayo-layo, magpahinga at matuto sa mga mali ko. Ayokong dumating sa punto na tutularan ko si Cheryl dahil totoong nararamdaman ko iyong pinaghuhugutan niya. So, thank you for everything— sis, kumare, sissy, friend, Elsa."

Elsa Adsuara... ang babaeng higit kong minahal bilang kaibigan, na hindi ko aakalaing pareho kaming hahantong sa ganitong sitwasyon.

"Paano naman ako?" kaagad niyang tanong.

"Don't worry, I'll be back."

Sa paglayo ko ay hindi ko malaman kung saan ako pupunta, kasi sa totoo lang na maliban kay Elsa at Andrew ay wala na akong malalapitan. Sila lang naman iyong naturingan kong malapit sa akin, sila iyong mga tinanggap kong kaibigan.

Sila rin ang tumanggap sa akin na gaano man ako itinataboy ng pamilya ko ay silang dalawa ang sumalo sa akin. Ngayon na wala sila ay parang nagkaroon ng puwang ang puso ko— parang may kulang sa pagkatao ko.

Hindi ako masaya dahil literal naman na nasasaktan ako. Sila iyong pangunahing rason ko kung bakit kailangan kong lumayo, ilang taon din akong na-suffocate sa sarili kong pagmamahal kay Andrew.

Gusto kong mag-unwind, magpahinga at lumimot kahit sandali lamang. Hindi biro iyong mahabang panahon na inilaan ko para hintayin na maka-move on si Andrew sa ex-girlfriend nito. Bandang huli ay malalaman kong si Elsa pala iyon.

Nagtataka nga ako, bakit parang masyado naman akong ginigipit ng tadhana? Iyong dalawang tao na malapit sa akin ay parehong may nakaraan pala. Pakiramdam ko pa ay pinagtaksilan ako kahit hindi naman.

In the first place, unang napunta si Andrew kay Elsa kung kaya ay walang agawan na nangyari. Walang inagaw sa akin, ako lang itong umaasa dahil akala kong may pagkakataon at may pag-asa ako kay Andrew.

Hindi ko nga alam kung ako lang ba talaga itong assuming? O masyado lang ding pa-fall si Andrew? He gave me a mixed signal. Akala ko ay gusto niya ako. Dala lang pala ng galit niya kay Elsa kaya niya ako nilapitan— ako ang ginawa nitong panakip-butas at pangsalag para maka-move on siya.

Ewan ko, ano man ding isipin ko para ma-justify itong sakit na nararamdaman ko ay natapos na. Wala akong karapatan na kwestiyonin silang dalawa. Sadyang nasasaktan lang talaga ako after all the amount of efforts I've done.

Sa reyalisasyon pang wala na akong mapuntahan ay napadpad ako rito sa Isla Mercedes. Hindi ko rin mawari kung bakit dito pa; sa lahat pa ng lugar sa mundo?

Kung sabagay, wala na nga rin palang tatanggap sa akin. Maging ang sarili kong pamilya ay pilit akong pinagtatabuyan. Mas lalong wala na akong halaga sa kanila dahil wala na akong trabaho.

Isang araw noong magising ako sa katotohanan ay ura-urada akong gumawa ng resignation letter ko. Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginawa ko na masyado akong nagpadalos-dalos.

Masyado akong nilamon ng emosyon ko, pero naisip ko rin at kagaya ng sinabi ko ay ito lang iyong alam kong rason para kahit papaano ay saglit na mawala ang hinanakit na bumabasag sa pagkatao ko.

For the meantime, ayoko munang makita ang dalawa. Gusto ko ring maramdaman na mahal ko pa ang sarili ko, na hindi ako magmamakaawa at luluhod para lang humingi ng kaunting pagmamahal.

Hindi kailanman mangyayari iyon. Hindi gano'n si Jinky Bolivar.

Sa biglaan kong pagre-resign ay natural na nagulat si Sir Melvin. Tinanong niya iyong dahilan ko ngunit sinabi ko na lang na nakakita ako nang mas magandang opportunity sa ibang company katulad ng nakasaad sa resignation letter ko.

Alam ko na masyado akong mapanakit at walang utang na loob sa rason kong iyon, pero iyon na lang din kasi ang nakita kong paraan para madali lang sa kaniya na pakawalan ako at iyon nga ang nangyari.

Although alam ko rin na marahil ay nagtataka pa iyon si Sir Melvin na hindi malabong magtanong siya kina Elsa at Andrew. At least kung malaman man din nila ang totoo ay wala na ako roon.

Wala na akong mukhang maihaharap, hindi ko rin alam kung makababalik pa ako dahil ngayon ay gusto ko munang sarili ko ang mahalin ko. Kapag okay na siguro ako ay saka ako babalik para tanggapin ang lahat.

Marahas akong napahinga nang malalim, kapagkuwan ay nagpatuloy din sa ginagawang paglalakad sa gilid ng dalampasigan. Wala akong suot na sapatos. Tinanggal ko kanina upang damhin sa talampakan ang pinong buhangin dito.

Suot ko lang ang isang white polo, terno sa pencil skirt ko na hindi ko na naplansta kaya visible ang mga gusot nito. Deretso na akong bumiyahe at sa ilang oras na nagdaan, literal na bangag pati ang kaluluwa ko.

Wala pa akong maayos na tulog. Hindi rin naman ako makatulog sa naging biyahe ko kanina dahil panay ang pag-iyak ko sa tuwing naalala ko ang mapait na kinahinatnan ko.

Nagmukha lang akong bata roon na iniwan ng kaniyang magulang. Animo'y naliligaw habang bitbit ko ang bag ko na laman lang ang kaunting damit. Wala ako sa ayos dahil hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para pagandahin ang sarili.

Naging kibit na lamang ang balikat ko habang tahimik ding lumuluha. Ganoon pa man ay panay pa rin ang panginginig ng balikat ko para sa hindi matapos-tapos na paninibugso ng damdamin ko.

Akalain mo 'yon, three days lang naman akong naging in a relationship ngunit iyong sakit sa puso ko ay tipong ilang taon ang itinagal namin ni Andrew. Kung alam nga lang marahil ito ni Mama ay malamang na pinagtatawanan ako no'n.

"Nakakahiya," bulong ko sa sarili.

Nawalan na ako ng gana, ng kapal ng mukha, ng inspirasyon— kaya gusto ko na lang maglaho na parang bula.

Sa lawak ng karagatan ng Isla Mercedes ay ako na lang itong napagod sa paglalakad. Saglit akong huminto nang maramdamang nanginginig na ang dalawang tuhod ko. At kung hindi pa siguro ako makakahanap ng masisilinguan ay aabutan ako ng dilim.

Ilang araw na ring umuulan. Hindi hamak na nagbabadya ngayon ang malakas na ulan dahil sa makulimlim na langit. Walang bakas o sinag ng araw. Wala rin akong mahagilap na mga ibon na marahil ay nauna nang naghanap nang masisilungan.

Nilisan ko ang dalampasigan at nagtungo sa mataong lugar. Nakakita rin ako ng Hotel, na kahit labag sa loob kong maglabas ng pera ay wala naman akong magagawa. Mabuti na lang din kahit papaano ay mura ang rates dito kumpara sa Manila.

Kumuha ako ng regular room, hanggang bukas lang naman ako rito ng umaga. Balak ko na humanap ng trabaho. Kapag pinalad ay saka ako hahanap ng pwede kong matirahan pansamantala habang narito ako sa isla.

Pabagsak kong inilapag ang bag sa sahig ng nakuhang kwarto. Pagod na pagod ako. Ngayon ko naramdamang sobrang bigat ng katawan ko kung kaya ay madali lang din akong nakatulog.

Nang sabihin sa akin ni Andrew ang rason nito kung bakit siya nakipag-break sa akin ay hindi maipagkakaila ang galit ko kay Elsa. Hindi ko itatanggi ang inggit ko sa kaniya, ang pagkamuhi kaya ko rin nasabi ang mga bagay na iyon sa kaniya.

Kaagad din naman akong nagsisi, lalo pa nang ma-realize ko ang kabutihan niya sa akin gaano ko man ito saktan at batuhin ng masasakit na salita. Hindi ako nito iniwan sa bar bagkus ay nanatili pa ito sa tabi ko hanggang sa makauwi ako.

Pasalamat pa rin ako na nakauwi ako nang matiwasay, marahil kung iniwan niya ako roon ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Nahirapan ako na magdesisyon, pero alang-ala sa kapakanan ng dalawa ay isinantabi ko iyong kasiyahan ko.

Wala naman akong magagawa 'di ba? Hindi naman ako iyong pinili. Oo at binigyan ako ng chance kay Andrew ngunit madali ring naputol. Hindi ako iyong laman ng puso niya at lalong hindi iyong babae na gusto nitong makasama hanggang sa pagtanda niya.

Napasinghap ako, kasunod nang marahas kong pagmulat. Hindi ko namalayan na pati sa pagtulog ko ay umiiyak pa rin ako. Mabilis kong pinalis ang mga luhang pumuno sa pisngi ko. Dahan-dahan akong bumangon.

Natanto kong gabi na. Wala ng liwanag mula sa labas ng Hotel, tanging buwan at mga bituin na lamang ang nagsisilbing ilaw ng langit. Huminga ako nang malalim, kapagkuwan ay natawa sa sarili.

"Kaya mo 'yan, Jinky," pag-aalo ko sa sarili, saka niyakap ang katawan— ako na lang mag-isa, sarili ko na lang ang karamay ko. "May pag-asa ka pa naman, nariyan naman si Manny Pacquiao— sa kaniya ay para sa 'yo ang laban na 'to."

Animo'y nanalo sa lotto nang ihampas ko ang dalawang kamao sa hangin bilang segunda sa sinabi kong iyon, tila rin ba nananalig. Mayamaya nang umimpis ang labi ko para sa kabaliwan kong iyon.

Hindi ko alam kung ako lang ba iyong tao na nasasaktan na, pero puno pa rin ng kalokohan ang utak. Kaya pala walang duda kung bakit mabilis lang na nag-click ang ugali namin ni Elsa.

Ngunit lingid naman sa kaalaman ng lahat na sa kabila ng mga ngiti ko, maging ang malakas kong pagtawa ay doon nakapaloob ang mga problema at hinanakit ko sa buhay, partikular sa pamilyang kinabibilangan ko.

Ganoon nga marahil ang buhay ng isang tao, para matanggap tayo ng lipunan ay kailangan nating magpanggap.

Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng narating ni Jinky Bolivar. Ang layo na nang naabot niya sa pagpapanggap na maging ako— maging sarili ko mismo ay hindi ko na makilala pa.

Malakas akong napabuga sa hangin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga at masyado akong kinakapos. Isabay pa na naninikip ang dibdib ko sa pagkadurog ng puso ko.

"God! Hindi pwede 'to! Malamang talaga at pinagtatawanan ako nina Elsa at Andrew kapag nalaman nilang iniiyakan ko sila ngayon!" sigaw ko bilang pamimilit na ayusin ang sarili. "Huh! Makikita nila!"

Maagap akong tumayo, lalo nang kumalam ang sikmura ko. Nagpasya akong lumabas ng room para maghanap ng pwedeng makakainan. Sa hindi kalayuan ay may isang fine dining restaurant, doon ako napadpad.

May kamahalan ang mga pagkain, pero bahala na. Sa uri ng pagkain ko ay para akong hindi nakakain ng isang linggo. Sunud-sunod ang subo ko, halos mabilaukan ako. Wala na akong pakialam sa paligid kung pagtinginan man nila ako.

Mas nananaig pa rin iyong kirot sa puso ko, kaysa bigyan pa sila ng pansin. Malakas akong napadighay kalaunan.

Tumayo na rin ako matapos kong maubos ang lahat. Tapos na rin akong magbayad. Saktong palabas ako sa resto nang makita ang papel na nakapaskil sa kanilang glass door. Saglit ko iyong tinitigan.

Ilang sandali pa nang higitin ko ito mula sa pagkakadikit nito at saka muling bumalik sa counter. Mabilis ko iyong inilapag sa harap ng babaeng cashier na siyang ikinagulat niya.

"Hiring kayo? Pwede ako!" may kataasang boses na sambit ko dala ng excitement ko. "Urgent 'di ba? Bukas! Magsisimula na ako!"

"Gabi na po. Wala na po ang mag-i-interview sa inyo. Umuwi na."

"Gano'n?" Kumalma ako. "Pero may bakante pa naman 'di ba? Baka eme-eme niyo lang 'to, ah! Maganda credentials ko."

Nagtaas ng kilay ang babae. "Bukas po ay bumalik kayo, bukas din natin malalaman kung mayroon pang mas hihigit sa maganda ninyong credentials."

Is she mocking me? Aba, parang may attitude. Tagapagmay-ari ba ng kumpanya?

"Oh, sige. Babalik ako!"

Kaagad akong tumalikod at tuluyan nang lumabas ng restaurant. Wala pa sa sarili nang ma-out of balance ako dahil sa taong bumangga sa akin. Muntik pa akong matumba kung hindi lang din ako maagap na nahawakan sa siko.

"Ano ba?!" singhal ko, dali-dali ko itong nilingon. Bumungad sa akin ang lalaking may taglay na kagwapuhan. "Bulag ka ba? Tingnan mo naman ang dinaraanan mo!"

Namamangha siyang napatitig sa mukha ko. "Miss, ako iyong nabangga mo. Naapakan mo pa ang paa ko. Ikaw pa ang naninigaw?"

Umayos ako ng tayo at lumayo sa kaniya. Nangunot ang noo ko, saka pa siya dinuro.

"So, ano? Mali ko na naman? Ako na naman ang mali? Alam mo, ganyan talaga kayong mga lalaki, 'no? Kayo na nga itong nakapanakit, kayo pa itong may ganang magpa-victim! Ang kakapal talaga ng mukha ninyo! Bakit ba kasi nauso pa ang mga kagaya ninyo, ha?!"

Malakas na natawa ang lalaki.

"Hey, Miss..." aniya habang hindi maitatago ang pagtawa niya. "Ganiyan din naman kayong mga babae. Mali na nga kayo ay ipaglalaban niyo pa ring tama kayo. Gusto niyo ay palagi kayong tama. But anyway, sige, sorry... mali na ako."

Inungasan ko ito. "Hindi kailanman matutumbasan ng salitang sorry ang idinulot mong sakit sa akin! Kapal nito!"

Wala nang lingun-lingon na tinalikuran ko siya. Patakbo akong lumayo habang sabu-sabunot ang sariling buhok.

"Ang kakapal niyo talagang mga lalaki kayo!" patuloy kong palatak sa kawalan.

"Hoy, baliw!" Dinig kong pahabol ng lalaki.

Continue Reading

You'll Also Like

139K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...