His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[15] Smiled

4.7K 245 16
By Yaoistorywriter


K E N

"Vincent, sinasabi ko sa'yo. Ayokong sumama ang image ko sa paaralang ito. Kaya kung may balak kang isama ako sa pagc-cutting mo, huwag mo nang ituloy." Rant ko kay Vincent.

Nandito kami sa loob ng jeep. Oo, ang punyeta kinaladkad rin ako papasok ng jeep. Kung alam nya lang kung gaano ako napahiya kanina. Muntikan ko pang mahipuan 'yung gwapong marino.

"Vincent," tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.

Nice talking. Wow.

Sisigaw na sana ako ng para nang bigla namang itakip ni Vincent ang kamay nya sa bibig ko.

"Subukan mo, susuntukin kita." Sabi nya at tinanggal na nya ang pagkakatakip sa bibig ko.

Aruuuy. Takut aku.

Kanina nalulungkot ako na nagugutom na nabo-bored. Ngayon naiinis na ako. Kabadtrip. Putek.

Wala akong alam sa kung saan nya ako balak dalhin. Hay nako. Wag nyang sabihin na ililigaw nya ako dahil gusto nyang gumanti? Mygash.

Medyo napangiti naman ako. Tingin ko hindi naman 'yun magagawa sa akin ni Vincent. Pero paano kung ganun nga ang gawin nya?

Hay naku. Dami kong pino-problema. Feeling ko hanggang pag-uwi ko mamaya, may problema pa rin ako.

Which is totoo. Wala na akong Renz na makakasabay pauwi. Wala na akong basta-basta makikitang bisita sa bahay. Wala na akong makakalaro ng scrabble at kung anu-ano pa.

I sigh. Eto na naman, nalulungkot na naman ako.


Sige na, sige na. Tanggapin na natin. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangang magkasama kami. May sari-sarili rin kaming mga buhay kaya hindi dapat nags-stick sa mga nakasanayan namin.

"Para ho," sabi ni Vincent.

Tumayo na kami at bumaba ng jeep. Hinawakan ni Vincent ang kamay ko at dinala sa isang convenience store.

"Hoy hoy teka lang, anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.

Akala ko papasok kami dun sa store. Hanggang parking station lang pala kami. Tumigil kami sa isang kotse.

Ito 'yung kotseng ginamit dati nung una akong nakapunta sa kanila. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok noong pagbuksan nya ako ng pinto. Nakakahiya naman. Pinagbuksan na ako nung tao, magpapabebe pa ba ako? Haha.

Pumasok na rin si Vincent sa driver's seat at nagsimula nang mag-drive.

"Vincent, magsalita ka nga. 'Yung totoo, saan mo ba ako balak dalhin? Bakit bigla mo na lang akong kinaladkad? May klase kami ngayon. Baka nag-uumpisa na 'yon."

"Walang klase. Hindi dadating si prof. Happy?" Sabi nya.

"Eh san nga kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta, manahimik ka na lang."

"Pano ako mananahimik kung di mo naman sinasabi? At bakit nasa convenience store ang kotse mo?"

Napapikit siya. Naiirita na sya. Aba dapat lang! Kainis sya eh.

"Sa akin ang convenience store na 'yon. Ok na? Manahimik ka na. Susupalpalan ko 'yang bunganga mo ng ano."

"Ng ano?!" Tanong ko sa kanya.

"Bakit curious ka?" Balik tanong naman nya.

"Ano nga?"

"Ng hotdog!"

"Hotdog? Anong hotdog?!"

"Hotdog ko, gusto mo?" Sabi nya.

Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong ire-react ko.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at hindi na kami nagsalita. Tumingin ako sa bintana.

Hotdog nya daw. Wow. San naman galing 'yon? Bwisit 'tong lalaking 'to. Kainis.

Hindi ko na talaga sya kinausap. Naging awkward na ang atmosphere. At hindi na rin ako magtatanong kung saan nya ako dadalhin. Tutal wala naman pala kaming prof ngayon.

Mas ok na 'to. Sige gawin na natin 'to. Kesa naman magmukmok ako sa room namin. At tingin ko, kahit may klase kaming ngayong oras na 'to ay wala pa ring papasok na lecture sa utak ko. Maangas ako eh.

Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako sa byahe.

~*~

"Hoy, gising. Nandito na tayo." Sabi ng isang lalaki at kumatok ito sa pinto. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Napabangon ako. Bumukas ang pinto ng kotse at bumungad sa akin ang makapal na pagmumukha ni Vincent.

Bumaba na ako na parang lutang. Kakagising ko lang kasi.

Lintik na 'yan. Akala ko ang layo-layo ng pinuntahan namin. Peryahan lang pala. Isang malaking peryahan. And infairness, mukhang maganda dito. Ang dami kasing streetfoods. Ang dami kong naaamoy na mga pagkain. May burger, isaw, siomai, popcorn, at damo. Damuhan kasi dito kaya amoy damo.

Hindi ko namalayan ay nagniningning na pala ang mga mata ko.

Ang bongga naman dito! Biruin nyo, may 24-seat ferris wheel, may caterpillar at mini roller coaster. Parang 'yung sa Festival Mall Alabang. At marami pang kiddie rides.

"Sumunod ka sa 'kin." Sabi ni Vincent.

Wala sa sarili akong sumunod sa kanya. Namamangha pa rin kasi ako sa nakikita ko. Parang may binayaran si Vincent na something bago kami pumasok. Tinatakan rin kami sa wrist.

At lalo akong namangha nang makapasok na kami. Wow, ang laki ng space! Minsan lang ako mamangha sa mga ganitong bagay pero swear, guys. Ang ganda talaga dito.

"Vincent, anong meron dito? Anong nahithit mo at dinala mo ako rito?" Tanong ko kay Vincent.

He rolled his eyes. Para syang bakla. Attitude nito, di ko kinakaya. Nakakainis.

Tumingin na lang ako sa paligid. Ride all you can ba dito? Ang gagandang sakyan ng mga rides eh. Parang ang b-basic. Tiningnan ko ang tatak sa braso ko and, thankfully, naka ride-all-you-can kami ni Vincent. Bongga.

Tumingin ako kay Vincent. Mukhang wala syang balak kumilos kaya ako na mismo ang naghigit sa kanya papunta sa isang ride na kung tawagin ay Caterpillar. Ang itsura nya ay pabilog na naalon. Ang thrill? Palalim ng palalim 'yung alon. Pero guys, believe me -- mukhang nakakatakot sya pero basic lang 'yan.

"Ano yan?" Tanong ni Vincent.

"Higanteng caterpillar. Samahan mo akong sumakay dyan. Tutal sumama naman ako sa'yo dito." Sabi ko naman sa kanya.

"But,"

"Walang but but. Batbatin ko 'yang nguso mo eh."

"I mean, can't you see?" parang diring-diri siyang tinuro 'yung ride, "parang lasug lasog na. Parang anytime magb-breakdown eh. Mamatay pa tayo dyan!" Sabi nya.

"Mamatay talaga? Ang oa mo mag-isip. Tara na!"

~*~

At ganun na nga ang nangyari. Nag-ride lang kami ng ride. Naka-ilang ulit pa nga sya sa caterpillar. Parang nung una diring-diri pa sya. Mae-enjoy rin naman pala.

Halos lahat talaga sinakyan namin! Ferris wheel, carousel, mini drop tower at iba pa. At habang nasa rides kami, wala man lang kaimik-imik 'tong si Vincent. Ako lang 'yung muntangang sigaw nang sigaw kahit hindi naman kasigaw-sigaw 'yung ride.

At inaamin ko, nag-enjoy ako. Feeling ko masaya na ako. Parang nawala 'yung bigat na nararamdaman ko kanina. I think magandang idea na dinala ako ni Vincent dito. Sobrang odd man dahil hindi ko talaga alam kung bakit bigla-bigla nya akong dinala dito, hinayaan ko na lang.

Dumireto si Vincent sa bilihan ng burger. Bumili siya ng dalawang order. At dahil buy 1 take 1 yun ay bale apat ang nakuha nya. Nagtaka ako, pero sinadya nya daw para mas sulit. Binigay nya sa akin 'yung tatlo. Isa lang sa kanya.

"Bakit tatlo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"'Wag ka nang magreklamo. Gusto mo rin naman," sabi nya.

I rolled my eyes. Pero totoo 'yung sinabi nya. Gutom na gutom kaya ako. Galing sa rides tapos wala pang breakfast. Believe me, yakang-yaka kong ubusin 'tong tatlong burger.

Umupo kami ni Vincent sa parang hill na damuhan. Mula dito, kita ang kabuuan ng buong peryahan. And yes, ang ganda ganda ng view mula dito.

Napaisip ako. Tingin ko, nagkaroon ako ng space. Meant siguro talaga na umalis si Renz para magkaroon ako ng space para isipin ko naman ang sarili ko. Siguro ganun nga.

I sigh.

"Ang boring mong kasama. Hindi ka nagsasalita," sabi ko kay Vincent.

Hindi siya umimik.

"Nga pala, bat mo ako dinala rito?" Tanong ko.

Naghintay ako ng isasagot nya pero hindi pa rin sya umimik. Busy sya sa pagkain at sa pagtingin sa kawalan. At dahil mukhang wala na syang balak sumagot sa tanong ko ay ako na lang ang magsasalita.

"Fine. Ayaw mong magsalita, so ako ako na lang. I had fun." Sabi ko habang nakatingin rin sa kawalan at kumakain ng burger. Nginuya at nilunok ko muna 'yung kinagat ko bago ako muling nagsalita.

"Oo, na-enjoy ko 'tong araw na 'to kahit wala kang kwentang kasama. Salamat. Nawala ang lungkot ko." Sabi ko.

Sinubukan ko syang tingnan. Busy pa rin sya sa pag-iisip.

"Hindi ko man alam kung anong meron, kung birthday mo, or sa'yo rin tong peryahan na 'to or what dahil bigla mo akong dinala rito -- salamat pa rin. Para kasing planado eh. I wanna commend you for that. Ang perfect kasi ng timing mo." Dagdag ko.

"I know." Biglang sabi nya na ikinagulat ko.

"You know? Anong you know?"

"Basta. Isipin mo na lang na nagdate tayo. Tapos." Sabi nya.

Feeling ko nasamid ako sa burger na kinakain ko. Feeling ko lang, hindi talaga ako nasamid. Haha.

"Ang daming pwedeng i-term date pa," I told him.

"Gusto ko date eh. Kung ayaw mong isipin edi wag." Sabi nya.

Gulo neto. Bipolar ata 'tong gunggong na 'to eh.

"Masaya ka na sa buhay mo? Hindi na kumakalam 'yang sikmura mo?" Tanong niya.

"Masaya na ako sa buhay ko. Hindi na kumakalam ang sikmura ko. Ok na?"

"Good. Balik na tayo ng school,"

Akmang tatayo na sana siya nang pigilan ko siya, "Mamaya na tayo bumalik, ubusin ko lang 'tong burger."

Wala na siyang nagawa kundi umupo na lang din.

"Masyado kang excited eh. Sana si Paul na lang nag-aya sa akin na pumunta rito." Sabi ko sa kanya.

I tried to meet his gaze pero iniiwas nya ito sa akin.

"At dahil alam ko namang wala kang pake, makinig ka na lang sa mga sasabihin ko. Hindi mo man kilala ang Paul na tinutukoy ko, but I'm telling you -- masaya syang kabiruan. Kahit konting time ko pa lang sya nakakasama. Kaya ok lang na umalis na si Renz. At least may bago akong kaibigan. And, oo nga pala. Sa'yo ko lang 'to sasabihin ha. Nanakaw nun first kiss ko. Wala eh, malandi kasi siya. 'Yun tuloy, nahalikan ako ng hindi oras. Ewan ko kung may malisya sa kanya. Pero sa akin, meron. Crush ko kaya sya. Haha!" Sabi ko at napatawa ako.

"ANO?!?!?!?!?!" Gulat na gulat na tanong ni Vincent kaya nagulat din ako sa kanya. Kinabahan ako bigla ah.

"O pards, easy! Sinabi ko lang na sya 'yung first kiss ko at crush ko sya, anong masama doon? Hindi naman kayo magkakilala. At wala akong balak na ipakilala sya sa'yo. Baka mamaya lait-laitin mo lang sya." Sabi ko sa kanya.

At sa hindi ko malamang kadahilanan, ngumiti siya.

Yes, he damn smiled.

---

Continue Reading

You'll Also Like

746K 24.2K 35
[TOM] Wala akong hangad kundi ang maibigay ang pangangailangan ni Mama at kapatid kong si Julius. Pero dumating sa buhay ko ang lalaking magiging mal...
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
2.9M 81.1K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...