Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

299K 13.8K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-12 Kabanata

6.7K 353 33
By junjouheart

Kanina pa ako hindi mapakali sa aking upuan. Narito na ako sa silid-aralan ngunit wala pa si Xeriol. Hindi ko nga sya nakita sa harap ng aking tinutuluyan kaya hindi ko mapigilang mag-alala.

" Ayos ka lang ba? " pansin ni Sage sa akin.

" Oo " nakangiti kong sagot.

Kinuha ko na lang ang kwaderno ko upang abalahin ang sarili ko ngunit hindi naman nakikisama ang utak ko. Hindi ko talaga maiwasang isipin kung nasan sya kasi sabi pa nya kahapon bago kami magkahiwalay ay magsasabay daw kaming muli. Saka sabi pa nya, sabay kaming kumain ng almusal sa kantina kaya hindi ako kumain ng almusal ngayon ngunit wala naman sya.

Dumating na ang aming guro ngunit wala pa rin si Xeriol.

" Nasaan si Xeriol? " tanong ni Mr. Philip.

Nagtaka naman ako dahil hindi tinatanong ng aming guro kung nasaan si Xeriol kapag lumiban ito sa klase. Dahil sila ang unang nakakaalam ng dahilan sa kanyang pagliban, ngunit sa araw na ito ay hindi rin nila alam.

" Styll, nasaan si Xeriol? " tanong ni Mr. Philip kay Styll.

Tumayo sya. " Hindi ko po alam. Wala naman po syang sinabi na liliban sya ngayong araw " kibit-bilikat nyang sagot.

Hindi na muling nagtanong si Mr. Philip at minarkahan na lang na wala si Xeriol sa oras ng klase nya. Nagsimula na syang magklase. Wala akong maintindihan sa sinabi nya dahil inaakupa ng iba ang isip ko. Idagdag pa na mabigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan.

" Iyan muna ang aralin natin ngayong araw " sara ni Mr. Philip sa librong hawak nya. Hindi ko man lang namalayan na tapos na ang klase nya.

Hindi ko maiwasan mag-aalala. Hindi ko naman dapat nararamdaman ito, 'di ba? Pero parang meron sa sarili ko na kailangan ko syang hanapin at makita sya ngayong araw.

" Makinig muna ang lahat sa mahalagang anunsyo na sasabihin ko " lahat kami ay napatingin kay Mr. Philip.

" Ilang araw na lang ay tutungo dito ang Jjani ng mga Lapidoptera kaya mas lalo kong hihigpitan ang aking patakaran sa pagdating sa inyong kasuotan at pagkilos. Mapapansin nyo rin naman na inihahanda rin ang ilang pasilidad ng ating paaralan upang mas lalong mapaganda. Hinihiling ko lang sana na umayos at sumunod ang lahat upang hindi tayo mapahiya. Naiintindihan nyo ba ako? " paliwanag ni Mr. Philip na tila malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya.

Bigla tuloy akong nanabik  na makita na ang Jjani ng Lapidoptera. Sana makita ko sya ng malapitan at kung bibigyan ako ng pagkakataon ay gusto kong makita ang mga paruparo nya ngunit mukhang imposible naman iyon.

" Opo Mr. Philip " sagot naming lahat.

Nagpaalam na ito sa amin at ganon rin kami. Lumabas na ito sa aming silid samantalang ako ay dumukdok sa aking lamesa ng maalala ko uli si Xeriol. Bakit hindi man lang sya nagpaalam sa akin?

Napatingala ako sa aking iniisip. Bakit ko naisip na kailangan nya sa akin magpaalam? Nasisiraan na talaga ako.

" Sa tingin ko may malalim kang iniisip " nagtatakha akong tumingin kay Sage. " at sa tingin ko ay nag-aalala ka sa kanya " saad pa nya.

" K-kanino naman? " nahihiya kong tanong sabay tingin sa kamay kong nakapatong sa aking lamesa.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa na tila biro ang sinagot ko sa kanya.

" Nakalimutan mo atang isa akong Azula. Malakas din ang pakiramdam namin pagdating sa mga nararamdaman ng mga nakapaligid sa amin. " mahina nyang sagot.

Ayaw kong tumingin sa kanya dahil namumula ako sa hiya. Sya lang naman siguro ang nakakahalatang nag-aalala ako kay Xeriol. Teka nga lang.... Kung nararamdaman nya na nag-aalala ako  kay Xeriol ngayon, ang ibig sabihin ay alam nya rin na kinikilig ako kapag kasama si Xeriol.

" Bakit ganyan ka makatingin? " tanong nya. " Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipapaalam ang tunay mong nararamdaman sa kanya " nakangiti nito na parang nang-aasar pa.

Tunay kong nararamdaman? Ano ba ang nararamdaman ko sa kanya? Nag-aalala lang ako sa kanya saka 'yung kilig na nararamdaman ko ay natural lang dahil...dahil... Bakit nga ba ako kinikilig kapag may ginagawa sya sa akin? Kahit simpleng ngiti lang nya sa akin at paghatid-sundo ay hindi ko maiwasang kiligin.

" Mahal mo nga sya " biglang salita ni Sage. Hindi ko napansin na nakatayo na ito at nakatingin sa akin.

" M-mahal? A-ako? S-sya? " nauutal kong sagot sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin bago lumabas ng silid-aralan. Mas lalong gumulo ang isipin ko dahil sa sinabi nya.

-

Natapos ang klase na hindi pumasok si Xeriol. Naglalakad na ako patungo sa tinutuluyan ko upang magpahinga na. Dito pa lang sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na nasa harap ng aking silid.

Habang papalapit ako sa kanya ay ramdam ko ang mainit na ihip ng hangin na dumadampi sa balat ko. Tila hindi nya napapansin na papalapit ako sa kanya dahil nakatingin lamang sya sa baba.

" Xeriol " tawag ko sa pangalan nya.

Lumingon sya sa akin. Hindi sya nakangiti na tulad ng nakikita ko dati sa tuwing tinatawag ko ang pangalan nya. Hindi ko rin masabi na galit sya. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon nya ngayon na nasa aking harap.

" Bakit pala hindi ka pumasok ngayong araw? " normal ko pa ring tanong sa kanya.

Humakbang sya papalapit sa akin. Hinawakan nya ang pisngi ko habang nakatitig sa mata ko. Nakatingin lamang ito sa akin na para bang may gustong iparating sa akin. Gusto ko tuloy gumamit ng kakayahan kong makapagbasa ng isip upang malaman ko kung ano ba ang tumatakbo sa kanyang isipin.

" Hindi ako maaring magkamali " sagot nya sa sabay halik sa akin.

Nagulat ako sa ginawa nya dahil hindi pa rin ako sanay na halikan nya ako ng bigla-bigla na lamang. Mabilis syang humiwalay at niyakap ako ng mahigpit.

" Hindi ako maaaring magkamali dahil ikaw ang nararamdaman ng puso ko. 'Yung mga senyales na ikaw ang napili ay nakita ko sa'yo. Imposibleng magkamali ako " pahigpit nang pahigpit ang yakap nya sa akin.

" Ayos ka lang ba Xeriol? " nag-aalala kong tanong. Hindi ako sanay na ganito sya.

Hinarap nya ako at hinawakan ang pisngi ko. " Mahal mo ba ako? " bigla nyang tanong na ikinagulat ko.

" A-ano ba 'yang iniisip mo? May nangyari bang hindi maganda sa'yo? " tanong ko.

" Sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo ba ako? Ay wag na pala ang tanong na 'yan. Eto na lang, kaya mo ba akong mahalin? " seryoso nitong tanong muli.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa harap nya. Kahit ako ay naguguluhan sa nararamdaman ko. Madalas gusto ko syang makita pero kapag nandyan na sya hindi ko maiwasan na mainis dahil lagi syang nakabuntot sa akin. Kinikilig ako sa mga ginagawa nya pero minsan nahihiya naman ako.

" Allaode, kailangan mong sagutin ang sagot ko para malaman ko ang gagawin ko " naguguluhan din nyang sabi sa akin.

" Sasagutin lang kita kapag pinaliwanag mo ang mga sinasabi mo? " sabi ko sa kanya.

Huminga sya ng malalim. Hinawakan ng dalawang kamay nya ang mga kamay ko. Marahan nyang hinahawakan ito habang nakatingin sa akin.

" Naalala mo ba noong may mga nakita kang pulang kristal sa iyong panaginip. Ang pulang linya na pumagitan sa atin noon. Nang unang beses kitang hinalikan ay nakita kong magkasama tayo sa hinaharap na patunay na totoo nga na ikaw ang napili ng aking cryptus " paliwanag nya sa akin na ikinagulat ko.

" Kaya imposibleng ibang tao ang itinadhana sa akin tulad ng sabi ng magulang ko. Iba ang tinukoy ng venire ko na syang magiging kabiyak ko. Dapat ikaw 'yon. Dapat ikaw ang itinuro nya " saad nya.

( venire- sila ang humahanap ng mga kabiyak na napili ng cryptus )

Inalis ko kaagad ang pagkahawak nya sa aking kamay at humakbang paatras. Kaya ba naging malapit sya sa akin dahil noon pa man ay inaakala nyang ako ang pinili ng cryptus para sa kanya. Akala ko ay bumait talaga sya sa akin at gusto nyang mapalapit sa akin dahil iyon ang gusto nya at walang kinalaman ang cryptus.

" Allaode " tawag nya sa pangalan ko.

Bakit ako nasasaktan? Mahal ko na ba sya talaga? Ngunit kung oo man ang sagot, hindi maaari dahil may itinakda na sa kanya. Kung susuwayin nya ito paniguradong kapahamakan ang naghihintay sa kanya. Saka higit sa lahat ay sya ang susunod na primnus ng Vesta.

" Alam mo Xeriol dapat ipakita mo na ikaw ang susunod na Primnus ng ating lahi. Kung susuwayin mo ang sinabi ng venire sa'yo, ano na lamang ang sasabihin ng ibang lahi? " ani ko na parang natural lang.

Nanatiling nakatingin sya sa akin dahil hindi nya inaasahan ang mga sinabi ko sa kanya. Naghihintay sya ng susunod kong sasabihin kaya nagsalita na ako.

" Bukod doon baka nakalimutan mo ang sinabi ko noon na may itinakda na rin ang cryptus ko. Hinihintay ko na lamang na makilala ko sya kaya imposibleng mahal kita o mahalin kita dahil itong puso ko ay ibibigay ko lamang sa itinakda sa akin. Pasenya na Xeriol pero iyan ang tunay kong nararamdaman " mahabang paliwanagan ko sa kanya.

Hindi sya muling nagsalita. Kita ko ang pagkadismaya nya sa isinagot ko. Bigla na lamang syang umalis kaya naiwan akong mag-isa. Pinapagsyahan ko ng pumasok sa loob ngunit agad na nanghina ang tuhod ko. Napa-upo na lamang ako sa sahig habang tumutulo ang mga luha.

Ganito ba ang naramdaman nila Mama at Papa ng nalaman nilang may itinakda na sa kanilang iba. Ang sakit at sobrang bigat sa pakiramdam ang mga desisyon na binatawan ko ngunit alam kong iyon ang tama. Bilib na ako sa magulang ko dahil nakayanan nilang sundin ang mga tinitibok ng puso nila. Hindi ko namana ang pagiging malakas nila dahil lumaki ako ng isang duwag.

-

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa aking higaan ngunit hindi ako makatulog. Napagpasyahan ko munang tumayo at uminom ng tubig. Napatingin naman ako sa aking pintuan dahil may kung anong humahatak sa akin upang tumungo doon.

Binuksan ko ang pintuan at sumilip sa labas ngunit wala namang kakaiba kaya isinara ko na ito pero may narinig akong sigaw. Lumabas ako upang hanapin kung saan nagmumula iyon hanggang sa mapadako ako sa likudang bahagi ng tinutuluyan ko.

Nagtago ako kaagad ng pamilyar na kasuotan ang aking nakikita. Hindi ako pwedeng magkamali na isa silang cuncilum na syang pumapaslang sa mga may dalawang lahi. Ganyan rin ang kasuotan ng mga pumaslang sa aking mga magulang noon. Anong ginagawa nila dito?

" Sasabihin mo na kung saan nagtatago ang iba mo pang kasamahan? " natakot ako sa tono ng pananalita ng isang cuncilum.

Hindi ko kaya silang makita dahil naalala ko ang pagpaslang nila sa magulang ko. Kahit napakaraming taon na ang lumipas, tila sariwa pa sa akin ang kaganapan.

Naglakad na ako upang makaalis na. Ang importante lang naman sa akin ay hindi nila malaman na may dalawang lahi ako. Hindi ko na kailangang mangialam pa sa kanilang ginagawa dahil ikapapahamak ko lang iyon.

" Hindi ko sasabihin " napahinto ako sa pag-alis ng marinig ko ang boses ni Sage.

Muli akong sumilip at nakita ng dalawang mata ko si Sage na nakaluhod habang may nakasakal sa kanyag leeg na hawak ng isang cuncilum. Puro galos, pasa at duguan na ang kanyang mukha. Halos magkulay pula na ang kanyang uniporme dahil sa sarili nyang dugo.

" Pagbibigyan kita ng pagkakataon upang sagutin muli ang tanong namin. Saan nagtatago ang iba mo pang kasamahan? " tanong nilang muli.

" Ano ba ang kinakatakot nyo sa aming may dalawang lahi. Natatakot ba kayo na magkatotoo ang propesiya na isa sa amin ang mamumuno ng buong lahi o kaya naman, natatakot kayo na may sumapaw sa inyo at mawalan kayo ng kakayahang mapasunod ang lahat ng lahi " rinig kong sabi ni Sage.

" Lapastangan! " saad ng nasa harap nya at tinadyakan ito sa sikmura.

Kita ko ang pamamalipit ni Sage sa ginawa sa kanya. Gusto kong tumulong ngunit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Isa akong duwag kaya hindi ko magawa.

" Binigyan na kita ng pagkakataon ngunit sinayang mo lang " nakakatindig balahibong salita ng tumadyak sa kanya.

Muli ay pinalibutan sya papaikot ng mga cuncilum. Iba't-ibang uri ng paruparo ang pumaligid sa kanila at dumapo ito kay Sage na biglang humiyaw sa sakit. Hindi ko alam kung bakit sya nasasaktan sa pagdapo ng paruparo sa kanya. Ang tanging nakikita ko ay ang pilit nyang pagtaboy nito sa balat nya hanggang sa manghina sya.

Sa isang sandali lang ay naging abo si Sage na tinangay ng hangin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita. Mabilis akong tumakbo sa loob ng aking silid.

" Sage, patawarin mo ako " tanging sambit ko lamang habang patuloy sa pag-iyak.

Napatakip ako ng aking mukha dahil sa aking nakita. Muli, nakakita ako ng pinaslang sa harap ko. Hindi ko man lang sinubukang ipagtanggol sya. Malaki talaga akong duwag.





-

Ano ng nangyayari sa kwentong kong ito HAHAHAHAHA. 'Wa ako ma-say XD... Wala naman sa plano ito hahahaha.

Salamat sa mga nagbabasa, bumoboto at nagkokomento sa istorya kong ito :D..

-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

68.9K 2K 64
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
The Queen's Secret By Adamant

Historical Fiction

238K 9.1K 47
[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan n...
35.1K 2.3K 64
Xian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he n...
78.6K 5.2K 45
Inuutusan kitang mahalin mo ako! Sino ba ang kayang sumigaw ng gan'yan sa harap ng maraming tao? Tanging si Prinsipe Eli lang ang makakagawa niyan. D...