CHAPTER 2
[Unplanned Twists]
Bumaba na kami ni Vince sa canteen... Umupo muna sa maliit na table doon, dalawa lang naman kami eh. Daldal lang nang daldal si Vince tungkol kay Ma'am Nunez, sa mga kaklase namin, sa schedule, sa lahat nalang! Habang eto ako, napapatulala sa mga sinasabi n'ya. Parang kanina lang sa klase, "blah blah blah blah" lang ang naririnig ko sa mga sinasabi n'ya.
"Ui! Dianne!"
"OH?!?! Bakit ba?"
"Tulala ka kaya."
"Ganito naman talaga ako ha."
"Hindi ka ba bibili?"
"Di naman ako kumakain pag break."
"Eh ako bibili! Samahan mo ako."
"Libre mo muna ako."
"Sige na nga."
Busog na busog ako sa libre ng lalaking 'to. Libre ha, hindi yung nililibre niya sakin. Hahahaha. Ang hilig niya talagang magpasama kapag may bibilhin siya, o kung may pupuntahan lang dyan sa tabi. Kaya kami napapagkamalang mag-BF eh!
"Ano bang meron sayo?"
"Wala. Hang-over lang sa bakasyon."
Sinamahan ko siya dun sa harap ng canteen. Mga biscuit at chichiria lang naman yung mga kinakain namin pag umaga. Eh ako, minsan hindi nalang kumakain. Sayang din sa pera eh. Kaya nagpapalibre nalang ako kay Vince.
"Ano sayo?"
........
"HOY! Ano nga sayo?"
"Ha?"
"Sige ka, sakin nalang yung libre mo."
"Piattos nalang."
Grabe namang "hang-over" 'to. Wala naman sigurong mapapansin si Vince. Baka intrigahin lang ako nun pag may nalaman siya.
Dumiretso na rin kami paakyat sa room. Kung sakali, sa corridor nalang kami kakain. Nakalagay sa "rules" ni Ma'am na bawal daw kumain sa room. Hindi na kami bumalik sa table namin, kasi kaming dalawa lang naman yung magkasama kaya di na namin mababalikan yung table na yun.
"Ano sa tingin mo kay Ma'am?" -Dianne
"Ewan. Di ko siya type."
"Malay mo naman.."
"Hindi. May mga nagkwento na sakin tungkol sa kanya."
Grabe lang! Bakit pa kasi sa fourth floor yung room?!?! Tapos wala pa kaming permanent rooms ha, edi lakad nalang kami ng lakad. Tsk. Sadyang nakakapagod 'tong year na 'to.
"Magtatapon lang muna ako."
"Sige, sabay na ako."
Pagkatapos nun, pumasok nalang din kami sa room. Baka kasi mapagalitan pa ni Ma'am kung first day na first day tapos late kaming dalawa.
Ganon parin naman yung upuan namin. Wala pa naman sinasabi si Ma'am kung babaguhin eh. Kaya ayun, ang ganda parin ng view ko. Echos.
Pero pagkaupo ko sa upuan ko kanina, wala pa yung mga lalaki. Wala naman sila sa canteen. Saan kaya sila tumatambay?
Hala... baka nasa room nila Charizze sila Randel? Hindi naman siguro. Ewan ko. Basta ang alam ko, bihira lang sila nakakapag-usap eh... nang personal ha. Kahit ba naman kasi sabihin nating may gusto si Charizze sa kanya, hindi naman niya lalandiin. Kahit wala siyang gawin, si Randel na mismo lalapit sa kanya. Oha, ansabe n'yo sa beauty ni Charizze?
Buti pa yung mga ganyang babae nuh? Kahit walang gawin, kahit tahimik lang... lapitin ng mga lalaki. Swerte nga siya kay Randel eh! Wala nang ibang babaeng sineryoso yun kundi si Charizze palang. Babaero kasi si Randel noon, yun eh... bago niya makilala si Charizze.
Ay, hindi pala. Ayun na yung mga lalaki, kasunod lang si Ma'am. Ang babait naman nila kung sinundo nila si Ma'am? Kung sa Linnaeus sila nanggaling, dapat sa back door yung daan nila eh. Nakakaintriga naman 'tong mga lalaking 'to. Buti nga sila, kahit first day, close na agad sila. Yung mga lalaki kasi andaling magkasundo! Babae, DOTA, kalokohan, basketball - ayun, magkakasundo na sila sa mga topics nila. Kaming mga babae, yung mga katropa parin yung mga katropa namin last year.
"So class, magkakakilala na ba kayo?"
"Yes ma'am!"
"Baka hindi ha? Edi sige, mag-eelect na tayo ng class officers ko."
Wow ha! Ngayon lang ako naka-encounter ng election ng class officers sa first day. Oh well, good luck nalang samin!
Pero buti nalang... WALA NANG INTRODUCTIONS! Ayoko na talaga ng ganon. Nakakahiya eh, tapos paulit-ulit pa, nakakasawa na. Anyway... ako nga pala si Dianne Francesca G. Samonte. Ang haba ng pangalan ko nuh? Well, kaya nga Dianne nalang. Kilala niyo naman na siguro ako eh.
Sa totoo lang, hindi naman ako interesado maging officer eh. Di naman ako magaling na leader. Taga-boto lang ako, o taga-second the motion lang. Ang galing ko diba?
At kung may gugustuhin man akong posisyon...
Muse 'yun.
Oo na, ako na illusyonada, pero seryoso ako. Gusto ko nga maging muse, para pag ganon, may pag-asa akong maging muse ng batch namin sa Intrams. Pangarap ko 'yun eh, mula noong first year palang ako! Kaso, hindi makapal mukha ko eh. Hindi ko kayang ipagsabi sa mga kaklase kong i-nominate o i-boto ako. Imposible namang kusa lang nila 'yun gagawin, kailangan ko pang sabihin.
Kay Vince kaya ako magpanominate?
Kaso... parang nahihiya pa akong sabihin. Bahala na nga. Eh mabilis pa naman yung usad ng election, PIO na yung ineelect namin ngayon. Dalawa nalang, muse and escort na. Medyo mga kalokohan lang kasi ginagawa namin eh. Minsan, dalawa lang 'yung i-nonominate tapos close agad. Kung hindi naman, kung sino 'yung hindi bagay sa position na 'yun, 'yun pa 'yung i-nonominate doon tapos isang sure win. Halata na agad sino panalo.
"Ui Vince! Yung pangalan mo nasa board oh!" -Dianne
"HA? Shet, sinong nagnominate sakin?"
"Wala. Si Aileen agad nagsulat nun."
"Lagot siya sakin mamaya!"
Kaklase namin last year si Aileen, class secretary namin ngayon. Buti pa nga si Vince, may position na. Obvious namang siya yung mananalo sa mga kalaban niya.
"Do you have any nominees for Peace Officer?"
"I respectfully nominate Dianne Samonte for Peace Officer."
ANO RAW?!?!?!
O_______________O
Eto nanaman. Porke't tahimik Peace Officer agad? ANO BAAAAAA.
"I respectfully nominate Carl Michael Gutierrez for Peace Officer."
EH?! Bakit si Michael, hindi naman siya yung pinakatahimik tapos siya yung peace officer ng mga lalaki? Sa bagay, mukha naman siyang matino eh.
Tapos... wala nang nagnominate pa. Geh, maganda 'yang ginagawa n'yo.
"Sila na! Wala na namang ninonominate eh."
"Sila nalang!"
Naririnig-rinig ko sa mga kaklase kong lalaki. Edi ayun, automatic Peace Officer na kaming dalawa! Dalawa naman kasi talaga ang Peace Officer dapat, isa para sa lalaki tapos isa para sa babae. As if naman may magagawa pa ako, hindi na sila nagnominate eh! Psh, oh well, wala namang silbi mga officers eh. Hahaha. Umaattend lang pag may meeting, pero sa klase: president, secretary at treasurer ang talagang matrabaho.
"The table is now open for the position of Muse and Escort. Any nominees?"
Oh well. Next year na nga lang ako magpapaka-kapal ng mukha. Officer na ako eh.
Sayang sana oh. Pano kaya kung naging muse ako, tapos escort ko si Randel? Ayos 'yun! Basta super magsisisi ako kung Randel yung escort. Sana hindi! Hahahaha.
Kaso wala pa rin. Wala pang may gustong magnominate. Kaya ayun, isang class loveteam nalang agad ginawang muse and escort. Sige nalang, hindi naman yun si Randel eh. Kaya ok lang sakin. Malay natin next year diba, kami na.
Ooooops. Anong pumasok sa isip n'yo? Hindi, ang sabi ko, malay natin next year kami na 'yung muse and escort ng klase. Tsk tsk, mga iniisip n'yo ha!
"So, ito yung mga officers niyo for the school year 2011-2012. Kayo yung nagnominate niyan ha."
Hay nako. Napagtripan lang yata kami eh, basta lang may manominate. President lang yata yung matino eh. Magaling naman kasi talaga siyang maging leader, kaya talagang unanimous kami diyan.
"Class secretary, please write your class schedule on the board."
Oh diba... matrabaho talaga ang secretary. Tapos lagi ka pang malalate sa pagkopya ng mga dapat kopyahin. Hassle kaya!
"Yun oh, PIO siya! Ang daldal mo kasi eh."
"Eh ikaw, PO. Ang tahimik mo kasi eh!"
"Ginusto ko, kuya? Ginusto ko?!"
"Hoy! Parehas lang tayo!"
Aray naman. Chemistry pala first subject namin araw-araw! Sumpa naman oh, lagi nalang major subject yung first period ko. Next class naman namin ay Geom. ANO BA YAN! Puro major subjects! Pano kaya nito pag may long tests? Cramming naman!
Ito naman talaga si Randel oh, walang kibo! Sus, parang di naman ako nasanay. Hindi naman talaga ako kinakausap nito masyado, unless nalang kung may hihiramin siya sakin. Tsk. Di bale, bahala ka na nga diyan. Mawawala rin 'tong crush ko sa'yo! Di ko nga alam kung crush nga ba eh. Basta, mawawala rin yan! I SWEAR!