Elusive Butterfly (BoyxBoy)

Oleh junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... Lebih Banyak

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-11 Kabanata

7.4K 360 21
Oleh junjouheart

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa inasta ng bagong naming kaklase kahapon. Napuno ng tuksuhan at asaran sa pagitan naming dalawa dahil sa harap ko lang sya nagpakilala. Pinakiusapan pa nga nya ang nasa kabilang gilid ko upang doon sya umupo kaya ngayong araw ay makakatabi ko na sya.

Ang pangalan nya ay Sage Bacchus. Anak sya ng may-ari ng pinakamalaking kosmos sa Merkat, iyon ang sabi nila. Kung ganon man ay galing sya sa mayamang pamilya.

Isinukbit ko na ang bag ko saka lumabas. Isinirado ko na ito at maglalakad na ng biglang pagharap ko ay nakita ko si Xeriol. Nakangiti ito sa akin saka lumapit.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko na ikinagulat ko talaga.

" Lagi naman kitang pinupuntahan dito upang magsabay tayo sa pagpasok. Pagpasensyahan mo pala kung hindi na kita inihatid kahapon dahil sa pagmamadali ko " nahihiya nyang sagot sa akin.

Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako dahil noon pa man ay ginagawa nya ito. Habang naglalakad ito ay bigla syang nagtanong sa akin.

" Matagal mo na bang kilala si Sage? " tanong nya.

" Hindi. Ngayon ko lang sya nakita " sagot ko.

Naramdaman ko naman ng hawakan nya ako sa kamay at hinila sa ibang direksyon. Pumalag ako sa ginawa nya pero hindi sya nagpatinag sa paghawak sa akin. Pamilyar ang pinuntahan namin, ang Jartsena.

" Bakit mo ba ako dinala dito? Kapag may nakakita sa atin dito paniguradong mapaparusahan tayo " saad ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita ngunit bigla nya akong niyakap ng mahigpit na halos hindi na ako makawala sa pagkayapos nya sa akin. Hindi ko sya maintidihan sa mga inaasta nya. Nanghahalik sya, nangyayakap, sinusundo at hinahatid nya rin ako at nag-iinit ang ulo nya kapag my ibang lalaking lumalapit sa akin.

" Teka nga lang, Xeriol " layo ko sa kanya. " Bakit mo ba ito ginagawa? " tanong ko. Gusto ko na kasing maliwanagan.

" Ang alin? " takhang tanong nya kahit alam naman nya ang ibig kong iparating.

" Xeriol! Hindi ako nakikipagbiruan?! " naiinis kong sagot sa kanya.

Tumawa naman sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. " Hindi ko nga alam ang tinutukoy mo. Ano ba ang ginagawa ko sa'yo? Tulad ba ng ganito? " sabi nya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko at hinalikan ako.

Mabilis akong lumayo sa kanya at tinakpan ang bibig ko. Nanatili syang nakangiti sa akin kaya mas lalong pumula ang pisngi ko dahil sa hiya.

" Hindi ko pa maaaring sabihin sa'yo pero may isa akong bagay na kailangan mong malaman. Ayaw kong lumapit ka kay Sage. Hindi ko sya gusto " seryoso nitong sabi. Kanina ay nakangiti lamang ito ngunit ngayon ay seryoso na.

" Wala namang masamang ginagawa si Sage sa akin saka bago natin syang kaklase " pagtatanggol ko.

" Hindi pwede. Simula ngayong araw sa ayaw at gusto mo ay lagi na akong nakasunod sa'yo. Maganda rin pala ang pag-alis ko sa student council dahil mababantayan ko ang mga lumalapit sa'yo " sagot nya.

Magsasalita na sana ako upang tumutol ngunit lumabas na sya kaagad. Sinundan ko sya at nagreklamo sa kanya dahil hindi nya dapat gawin iyon ngunit hindi nya ako pinapansin. Kahit makarating kami sa harap ng silid-aralan ay hindi nya pinapakinggan ang sinasabi ko. Pumipito-pito lang sya na parang walang kasama.

" Allaode " tawag ni Sage sa aking pangalan na nasa harap ng pinto.

" Ano ang kailangan mo sa kanya? " sabay akbay ni Xeriol sa akin. Tinanggal ko ito pero ayaw nyang patanggal.

" Wala naman. Gusto ko lamang syang batiin ng magandang umaga " nakangiting bati nito sa akin bago pumasok sa loob.

Tumingin naman ako ng masama kay Xeriol na painosenteng tumingin sa akin. Padabog akong naglakad patungo sa loob upang makaupo na sa upuan ko. Nginitian ko na lamang si Sage ng makita ko syang nakaupo rin sa katabi kong upuan.

" Mayuki, magpalit tayo ng upuan. Doon ka sa tabi ni Styll " utos ni Xeriol kay Mayuki.

Hindi ko narinig na tumutol si Mayuki at umalis na lamang. Umupo sya sa tabi ni Styll na nakangiting tumingin sa akin. Si Xeriol naman ang syang umupo sa tabi ko kaya naman tumitingin sa akin ang mga kaklase ko. Gusto kong ibaon ang mukha ko sa upuan ko dahil sa hiya.

" Ano bang ginagawa mo? " mahina kong tanong.

" Wala pa naman akong ginagawa. Balak ko pa lamang sanang magbasa " pilosopong sagot nya.

Pinigil ko na lang na mainis sa kanya at inilabas na lamang ang libro ko upang hindi sya mapansin. Ano bang nangyayari kay Xeriol?

-

Natapos ang klase na nanatiling nakabuntot palagi sa akin si Xeriol. Pinagtitinginan na nga kami ngunit parang wala lang sa kanya. Pati si Styll at Mayuki ay tinutukso na kaming dalawa na dinaig pa namin ang magkasintahan.

Dahil sa sinabi nya na 'yon ay namula ako. Kakaiba rin ang pagtibok ng puso ko na biglang bumilis. Nahihibang nga ako dahil gusto ko pang ngumiti dahil sa narinig ko. Mabuti na lamang ay napigilan ko. Nababaliw na ata ako.

" Baka pati sa loob ng tinutuluyan ko ay sumunod ka " sarkastiko kong sabi ng makauwi na ako.

" Pwede rin kung pahihintulutan mo ako " sagot nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. " Biro lang. Sige pumasok ka na para makaalis na ako " sabi nya.

Tumango lang ako saka pumasok na sa loob. Inilapag ko kaagad ang bag ko saka umupo sa may kama ko. Pinakawalan ko ang mga paruparo sa aking mga palad. Lumibot sila sa paligid ng aking kwarto.

" Bakit ba ayaw sabihin ni Xeriol ang dahilan ng pagsunod nya sa akin? Dinaig nya pa ang isang nobyo " panimula kong pagkausap ko sa kanila.

Pinamulahan naman ako sa salitang binigkas ko, nobyo. Winaksi ko na lang ang iyon dahil imposibleng maging nobyo ko sya dahil pareho kaming lalaki. Bukod doon, may napili na ang cryptus ko para sa akin.

Napagpasyahan ko ng magbihis ng may kumatok sa pintuan ko. Padabog kong binuksan ang pintuan ngunit hindi ang inaakala ko ang nakatayo sa harapan.

" Sage " banggit ko sa kanyang pangalan. " Paano mo nalaman na... "

" Tinanong ko kay Mayuki. Maaari ba akong tumuloy sa loob? " sagot at tanong nya.

Nahihiya naman ako na paalisin sya kaya pinatuloy ko sya sa loob. Umupo sya sa mahabang upuan kaya ganon rin ang ginawa ko. Kita ko ang pagmasid nya sa kabuuan ng kwarto ko.

" Nagtatakha ka kung sino ba talaga ako? " bigla nitong salita at tumingin sa akin.

" Oo " direkta kong sagot.

" Katulad mo ako " saad nya na hindi ko naman maintindihan ang gusto nyang iparating. " May dalawa akong lahi, Vesta at Azula " sagot nya.

Ikinabigla ko ang isinagot nya sa akin. Parang nakaraang araw lang ay may nakilala akong mga katulad ko sa lihim na lugar nila sa Merkat. Wait lang... Ang ibig sabihin ay sila ang may-ari ng kosmos na pinuntahan ko noong nakaraang araw.

" Nandito ako upang suyuin kang muli na sumali sa aming grupo at ikaw ang mamuno sa amin " saad nya.

Tumayo naman ako. " Ayaw ko. Tahimik na ang buhay ko bilang Vesta " sagot ko sa kanya.

" Ngunit kakalimutan mo na lang ba ang pagiging Lapidoptera? " tanong nya na ikinatahimik ko.

Tinanggap ko na sa sarili ko na dadating ang panahon na mamimili ako sa dalawang dugo na dumadaloy sa aking katawan. Masakit na kakalimutan ko ang pagiging Lapidoptera ko pero kung iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ako tulad  ng gusto ng aking mga magulang. Binuwis nila ang buhay nila para sa akin kaya kailangan kong ingatan ito.

" Alam kong natatakot ka na mamatay sa oras na malaman nila. Hindi lamang ikaw ang natatakot kung hindi lahat ng may dalawang lahi sa kanilang dugo. Ngunit hindi buong bahay tayo ay magtatago sa kanila. Kailangan nating makilala na bilang bagong lahi at itrato ng pantay na tulad ng ibang lahi " sagot nito.

" Ngunit bakit ako? " tanong ko.

" Sinabi na sa'yo ni Tacito Elor ang dahilan. Dalawang maharlikang lahi ang dumadaloy sa iyong dugo. Nagtataglay ka ng malakas na kapangyarihan na kayang tapatan ang mga namumuno sa cuncilum, ang mga nagpaparusa sa mga katulad natin. Kaya mong pamunuan ang ating lahi " sagot nya.

" Nagkakamali ka. Wala akong kakayahan ng inaakala nyo " sagot ko. Sasagot pa sana sya ng magsalita akong muli. " Maaari ka ng lumabas dahil magpapahinga na ako "

Tumayo na sya at naglakad patungo sa pintuan. Lumingon pa sya sa akin. " Hindi namin ginagawa ito para sa amin lang. Para rin ito sa lahat ng kalahi natin na naghihirap na magtago sa tunay na sila. Pati rin sa mga pinapaslang araw-araw " malungkot nitong sabi sa akin bago tuluyang lumabas.

Napa-upo ako sa upuan at napasandal sa sandalan. Hindi ko sila maintindihan kung bakit ako ang gusto nilang mamuno. Hindi ako malakas. Ni hindi ko nga alam ang kakayahan ng mga paruparong lumalabas sa aking mga palad. Hindi ko rin lubos kontrolado ang kapangyarihan ko bilang Vesta dahil kahit kailan walang nagsanay sa akin. Pinapagalitan lang ako nila Tito Orfeo at Tita Luciya kapag nahuhuli kami ni Kuya Easton na nagsasanay. Bukod sa lahat, isa akong malaking duwag. Duwag ako sa lahat ng bagay.

" Mama Aliza, Papa Arturo... Ano ang dapat kong gawin? " naiiyak kong tanong.

------

Kinaumagahan, katulad pa rin kahapon ay nakasunod sa akin si Xeriol. Ang pagkakaiba lang ay hindi ako nagrereklamo sa kanyang ginagawa. Tila hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang tungkol sa mga sinabi sa akin ni Sage.

" Xeriol " bigla kong harap sa kanya kasi nasa likod ko lamang sya.

" Bakit? " tanong nya. Bumuntong hininga naman ako. " Wala pala " sagot ko na lang at naglakad muli ngunit hinarangan nya ako.

Kinapa nya ang noo ko at leeg ko. " Wala ka namang lagnat. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? " nag-aalalang tanong nya.

Ngayon aaminin ko na naiinggit ako sa kanya dahil purong isang lahi lang ang dugo nya. Hindi nya kailangan ikubli kung sino man sya. Malaya nyang nagagawa ang mga bagay na nais nya na hindi kailangan matakot. Samantalang ako, wala. Wala dahil isang pagkakamali ko lang ay maaaring kamatayan ang kahihinatnan ko.

" Sana hindi na lang ako naging ganito " wala ko sa sariling sagot.

Minsan naiisip ko paano kung Vesta lang ako o kaya Lapidoptera. Siguradong maganda ang mga alaala ko habang lumalaki ako. Marami siguro akong kaibigan at napupuntahan ko ang lugar na gusto kong puntahan. Maswerte na lamang ako dahil may magulang ako na nagligtas sa akin at mga Vestang kumupkop sa akin.

" Anong ibig mong sabihin? " nakakunot noong tanong ni Xeriol.

Iling lang ang sinagot ko at naglakad muli ngunit muli nya akong niyakap. Ramdam ko ang paghaplos nya sa buhok ko.

" Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng sinabing mong 'ganito' ikaw. Tatanggapin ko kung ano ka pa man " sagot nya.

Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa sinabi nya. Sa unang pagkakataon may nagsabi sa akin na ganyan. Ang sarap pakinggan.

" Teka nga lang nasasarapan ka ata " hiwalay ko sa kanya  ng mapansin kong matagal na ang pagkakayakap nya sa akin.

Tumawa lang sya dahil alam nya ang sarili nyang kalokohan. Tumuloy na kami upang makatungo na sa aming silid-aralan. Nandoon pa rin si Sage sa katabi kong upuan. Ngumiti sya sa akin ng makita ako kaya nginitian ko rin sya. Tila wala syang sinabi sa akin kahapon.

" Dyan ka ba talaga uupo na? " pansin ko kay Xeriol.

Lumingon naman sya sa akin. " Bakit ayaw mo ba akong katabi? Mas gusto mo bang katabi 'yang walang mata na 'yan " nguso nya kay Sage.

Walang mata? Ah! Kasi kapag ngumingiti sya ay lalong sumisingkit ang mata nya na parang nakapikit na.

" Ewan ko sa'yo " sagot ko na lamang sa kanya saka nilabas ko ang kwaderno ko.

Nagbasa-basa ako ng bigla akong kalabitin ni Sage kaya lumingon ako sa kanya. Itinapat nya ang kwaderno nya sa akin.

" Hindi ko talaga maintindihan ito " turo nya sa kahapong aralin namin.

" Iyan ba. Ginagamit lamang ang salitang iyan kapag... " pinaliwanag ko sa kanya kung saan sya nahihirapan.

" Ahh ganon lang pala " saad nya. " Eh eto naman, para saan? " tanong nya uli.

" Iyan kapag naman-- " hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Xeriol.

" Hindi ka ba nakinig kahapon? " tanong ni Xeriol.

" Medyo hindi ko lang naintindihan ang ilang salita " kalmadong sagot ni Sage.

" Bakit hindi ka sa kabilang katabi mo magtanong? Hindi mo ba nakikita na may ginagawa rin si Allaode " saad naman ni Xeriol.

" Bukal naman sa kanya na turuan ako saka hindi naman lahat itatanong ko " sabi ni Sage na medyo halata na ang inis sa boses.

" Natural hindi lahat itatanong mo dahil pinansin ko na " nanatiling sumasagot si Xeriol.

" Bakit hindi ka rin magtanong sa kanya? Mukhang naiinggit ka ata " hindi rin nagpatalo si Sage.

" Allaode, pwede pang pahiram ako ng kopya mo sa aralin natin kahapon " humirit pa ang kadadating lang na si Nelo.

" Isa ka pa?! " sabay na sabi ng dalawa kay Nelo na gulat na gulat.

Napatapik na lang ako sa noo dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Mukhang hindi maganda na pumagitna ako sa kanilang dalawa. Hindi tatahimik ang buhay ko.








-junjouheart-

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

473K 34K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
46.2K 2.6K 62
It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, w...
24.5K 1.6K 61
Book 1 Hindi ko alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at malamig na hangin dala na siguro ng kaba kaya hindi ko na ito maramdaman pa. Kanina pa ak...
1.3M 53.7K 72
Highest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Sto...